PART 7

1898 Words
***ANASIA*** Nawala sa kanyang pagmumuni-muni at pagkakatitig si Anasia sa mamahaling singsing na hawak-hawak nang maulinigan niya ang pagbukas ng main door ng apartment nila gawa ng tunog ng kanilang tintinnabulum—isang hanging chime na binili ni Karen sa Baguio noong may team building sila ng mga katrabaho nito. Doon sa labas ng pinto ng kanilang apartment nila isinabit para alam nila agad kung may papasok. Kahit parehas babae silang magpinsan ay hindi naman sila pabaya sa kanilang kaligtasan. Katunayan may baseball bat sa tabi ng kanilang pintuan at kutsilyo na laging nasa ilalim ng center table sa may sala. Ayaw na nilang maulit iyong nangyari sa maliit na kuwarto nilang inupahan nila noon na muntik na silang mapasok. Buti na lang at napansin nila agad ang tatlong lalaki kaya nakahingi sila ng tulong. At hindi na kailangang hulaan ni Anasia kung sino ang dumating. Alas diyes y media na, ganoong oras nakakauwi ang kanyang pinsan kapag closing ang schedule nito sa trabaho. “Insan, kumain ka na?” malakas ngang boses ni Karen sa ibaba. Nagmadali na siyang bumaba sa kama. Tinakbo niya ang bureau – A dresser with a mirror attached – saka nagmadali niyang hinugot ang drawer upang doon pansamantala itago ang singsing. Kilala niya si Karen. Natitiyak niyang papasok bigla-bigla sa silid niya nang walang katok-katok. Ayaw niya muna na makita ng kanyang pinsan ang singsing. “Diyan ka muna,” aniya sa singsing na animo’y bata na pinagsabihan. Ngunit hustong pagpasok ni Karen ay ang pagsara niya sa drawer. Sinubukan niyang itago ang gingawa sa pamamagitang nang pagtayo kunwari at inayos-ayos ang sarili sa salamin. Alam niyang nakita ni Karen ang hindi normal niyang ikinilos at siguradong mag-uusisa, umasa lang siya na sana mali siya. Sa loob-loob niya ay sana, sana talaga hindi pairalin ngayon ng kanyang pinsan ang pagiging Marites. “Ano iyon? Bakit may itinago ka?” ngunit usisa na nga ni Karen. Wala talaga siyang lusot. Napangiwi siya’t nakapakamot sa ulo. Ngayon pa talaga hindi kumampi sa kanya ang langit. Naman, oh. “Patingin.” Sugod na nga ni Karen sa drawer. “Wala!” Mabilis niyang iniharang ang sarili sa drawer. “Anong wala? May nakita akong itinago mo.” Ayaw maniwala ni Karen. Hinila siya sa braso. “Wala nga. Pagkain lang ‘to,” at pagsisinungaling niya. Tinatagan niya ang sarili upang hindi siya mahila. Ayaw niya talagang makita ni Karen ang singsing dahil paano niya ipapaliwanag na nagkaroon siya ng ganoong kamahal na singsing. Mas ayaw niyang magkuwento tungkol kay Vernon. Nakakahiya na sabihing may gusto siya sa naging customer niya at ganoon kayaman. Baka sabihan siyang ambisyosa. Napahalukipkip si Karen. “Nagdadamot ka na kung gano’n? May dala rin akong pagkain para sa ’ting dalawa. Nandoon sa baba. Naisip ko kasi na baka hindi ka pa kumain kasi concern ako sa ‘yo pero tinataguan mo pala ako ng pagkain mo. Ang bad mo, Insan,” pagkuwa’y nagdrama na. Nabahalang ikinampay-kampay niya ang mga kamay. “Hindi sa gano’n, Insan. Hindi mo lang puwede kasi makita.” “Hindi ko puwedeng makita ang pagkain mo? Ano bang pagkain ‘yan?” Tumaas ang isang kilang ni Karen. “Ano... uhm...” Umasim na talaga ang kanyang mukha. Ito ang mahirap kapag hindi sanay na magsinungaling. Ang hirap magpalusot. “Patinging nga kasi!” Kasabay nang sabing iyon ay walang anu-anong hinila siya ng pinsan at hindi niya iyon napaghandaan. Nagmistula siyang papel na walang lakas kaya nahila siya. Wala na siyang nagawa. Nakangiwing napayuko na lamang siya nang mabuksan ang drawer. Tulad nang kanyang inasahan. Takang-taka na inilabas ni Karen ang velvet box na kulay gray at may mga design na dyamante rin. Box pa lang ay hindi na basta-basta. Kakikitaan na ng kamahalang halaga. Paano pa kaya ang nasa loob? “Sa iyo ito, Insan? Ang ganda namang singsing?” Lumuwa nang husto ang mga mata ni Karen nang buksan nito ang box at makita ang laman niyon na kumikinang. Hindi sinagot ni Anasia ang mga tanong nito. Pahablot niyang kinuha ang box at singsing. “Hindi ka dapat nangangailam ng gamit ng may gamit,” saka sermon. “Oh.” Tumaas ang dalawang kilay ni Karen. “At kailan pa nagkaroon ng batas na ganyan dito? Eh, kahit underwear nga naghihiraman tayo minsan.” Nakangiwing napakamot siya sa ulo pagkatapos maayos na ibinalik ang singsing sa box. Hindi niya malaman kung ano ang uunahing maramdaman: ang mainis sa pinsan dahil hindi na dapat nito nakita ang singsing kaso ang kulit kasi, o ang mapahiya dahil kung tutuusin siya ang madalas makialam sa gamit ni Karen. Sa huli ay nanguna sa kanyang pakiramdam ang hiya na may kasama pang guilt. “Sorry, Insan. Nagulat lang ako,” kaya paghingi niya agad ng despensa. Ayaw na ayaw niya rin na magtatampo sa kanya si Karen dahil mahirap itong amuhin. Humalikipkip si Karen. “Ano bang meron diyan sa singsing na ‘yan at ayaw mong makita ko? Napulot mo ba ‘yan?” Binahiran nito ng huwad na hinanakit ang tinig. Nagpakawala muna siya ng buntong-hininga bago sumagot. “Ibinigay sa akin.” “Oh, my god! Talaga, Insan? Ang suwerte mo naman?” Mas matinding gulat ang lumatay sa mukha ni Karen. “Patingin nga ulit.” At inagaw ang box sa mga kamay niya. Hinayaan naman niya. Pero nang akmang isusuot nito sa daliri ay iyon ang pinigilan niya. “Huwag.” “Bakit?” maang si Karen. “Kasi si Miss Deanna lang ang tingin ko ang may karapatan na isuot ‘yan,” tugon niya na walang kasiguraduhan. Hindi nga tinanggap ni Miss Deanna ang proposal ni Vernon kaya may karapatan pa ba ito sa singsing o wala na? Gayunman ay binili iyon ni Vernon para sa dalaga kaya kanya pa rin ang singsing tanggapin man o hindi nito. “Ay, ewan!” reklamo ng kanyang isipan. Namumoblema siya sa hindi niya dapat prinuproblema. Kung bakit ba naman kasi napasakanya ang singsing, eh? “Hindi ko gets, Insan. Sino si Miss Deann? At bakit nasa sa ‘yo ang singsing niyang ito?” mga tanong pa ni Karen. Kita na sa noo ang isang guhit ng wrinkle. She took a deep breath. Paghahanda sa tingin niyang mahabang paliwanagan na gagawin niya para maintindihan nang mabuti ng kanyang pinsan ang kanyang kawerduhan sa sandaling iyon. At nagtapos ang kaniyang kuwento sa, “Tapos iyon gusto niyang ipatapon sa akin pero syempre hindi ko nagawa kaya sabi niya na sa ’kin na lang daw. Gusto kong ibalik sa kanya pero pinaharurot na niya ang kotse niya. Ano pang habol ko?” Unti-unting naghulas ang pagdududa o anuman sa mukha ni Karen. “Hoy!” kalabit niya sa pinsan, cutting off her thoughts. “Sorry. Iniisip ko lang kasi kung bakit ang suwerte mo, eh, malayong mas maganda naman ako sa ’yo,” nga lang ay biro nito nang magsalita. Iningusan niya ito. “Seryoso kasi.” “Seryoso naman ako, ah,” giit ni Karen sa kapilyahan. Rolling her eyes, dinampot niya ang box ng singsing. Isinilid na niya sa kanyang bag. “At bakit diyan mo inilagay?” “Dadalhin ko bukas sa trabaho at baka kunin niya ulit. Lasing iyon kanina kaya baka kapag nahimasmasan siya ay maalala niya ang ginawa.” “Gaga!” Hinablot ni Karen ang kanyang shoulder bag at kinuha roon ang jewelry box. “Anong ginagawa mo?” saway niya. “Umayos ka nga, Insan. Ibinigay na nga sa ’yo, ibabalik mo pa? Huwag pairalin ang katangahan ngayon, please.” “Ano ka ba? Isipin mo kasi. Sino namang matinong tao ang magbibigay lamang ng 14-carat princess-cut diamond na singsing sa hindi niya kilala? At ang presyo ay tumataginting na higit isang milyon? Sige nga, Insan?” Like a shimmering diamond, nagningning ang mga mata ng pa kanyang kausap. “Totoo? Million ang halaga nito?” Madaming tango ang kanyang ginawa. “Kaya nga tuwang-tuwa ako noong isang araw pa dahil ang laki ng komisyon ko. Sasabihan nga sana kitang mag-Boracay tayo pero ganito naman ang nangyari.” “Sayang naman.” Sandaling pinag-aralan ni Karen ang hawak-hawak na kuwadradong karton. “Pero tama ka, Insan. Delikado nga na mang-akin ng ganito kamahal na bagay. Yay!” Animo’y nakakadiri na ang jewelry box na ibinalik ni Karen sa bag. “Sinabi mo pa. Saka lasing siya, eh. Malay ko ba kung gawa ng kalasingan lang n’on ni Sir Vernon. Mamaya niyan hindi niya maalala na kusang ibinigay niya sa akin tapos isipin niya na ninakaw mo. Ayokong makulong, ano.” She started biting her nails. Ugaling ginagawa niya sa tuwing namomoblema. “Tama, tama,” sang-ayon ni Karen sabay tabig ng kanyang kamay para matigil sa kanyang mannerism. “So, anong balak mo?” “Dadalhin ko sa shop tapos hihintayin ko si Sir Vernon doon.” “Baliw ka ba? Worth one million pesos ilalagay mo lang sa bag mo na parang bato lang? Huwag ka nga.” Nagdikit ang mga kilay niya. “Ano naman?” “Eh, paano kung tyempong malasin ka? Ma-holdap ka gano’n, eh, di wala na? Baka imbis na maibalik mo, eh, babayaran mo pa.” “Huwag naman, Insan.” Nag-knock on the wood siya sa maliit na lamesa na sa may gilid ng kama. Kahit magtrabaho siya ng buong buhay niya ay alam niya na hindi siya makakaipon ng isang milyon. “Malay mo ba. Aba’y hindi mo alam ang mangyayari. Buti sana kung may pambayad ka,” pananakot pa rin ni Karen. Kumibot-kibot ang kanyang mga labi. May punto ang kanyang pinsan. “So, ano’ng gagawin ko?” “Simple lang, iwanan mo lang dito at hintayin sa shop ang lalaking iyon. Kadali lang naman puntahan dito kapag pinuntahan ka niya,” payo ni Karen. Kagat-kagat ang kuko ng kanyang hintuturo ay nag-isip siya. “Alam ko na kung saan itatago.” Muli ay kinuha ni Karen ang jewelry box sa bag. Tumayo at tinungo ang lagayan ng mga sapatos. “Bakit diyan?” tanong niya nang makitang isinuksok ni Karen ang jewelry box sa luma niyang rubber shoes. Itinaas ni Karen ang sapatos sa ere. Ipinakita sa kanya. “Kung ikaw ang magnanakaw? Maiisip mo ba na may bagay na nagkakahalaga ng milyones sa sapatos mo na ito?” “Hindi,” tugon niya. “See,” proud na ani Karen. Ibinalik at inihalo na ang lumang sapatos sa iba pang mga sapatos nila. “’Yan, safe na ang singsing.” “Sure ka diyan?” duda niya. “Oo naman.” “Okay, sige. Sinabi mo, eh,” isang daang porsyentong sang-ayon na niya. Kung meron mang tao na kanyang pinagkakatiwalaan at pinaniniwalaan, si Karen lang iyon. Nga lang makalipas ang apat na araw at limang oras, oo saktong limang oras kasi kahit oras at tinitingnan niya, ay wala pa ring Vernon de Mevius ang naliligaw sa Lux Fine Jewelry. Inip na inip na si Anasia. Paano’y nadadagdagan ng unti-unting takot bawat araw na lumilipas ang kanyang pangamba ukol sa napakamahal na singsing na nasa bahay lang nila. Gustong-gusto na niyang mawala sa kanya ang singsing. Pakiramdam niya ay hindi normal ang buhay niya kapag alam niyang nasa pag-iingat pa rin niya iyon. Feeling niya ay may bigla na lang papasok sa kanilang bahay at kunin ang sapatos niya. Paktay siya kung sakali. Ay-yay-yay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD