PART 3

1954 Words
***ANASIA*** Dagling nangilid ang mga luha sa mga mata ni Anasia gawa nang matinding pagkagulat sa kanyang natuklasan. Pakiramdam niya rin ay lumaki ang kanyang ulo at nagsitayuan ang lahat ny kanyang mga balahibo sa katawan. Daig pa niya ang nakakita ng sobrang nakakatakot na multo o nilalang. Hindi lang pala cellphone ang itinatago sa kanya ni Vernon, pati rin pala babae. “Diyos ko.” Hindi nagtagal ay naitakip niya ang nanginginig niyang isang kamay sa kanyang bunganga nang nagbalik siya sa katinuan mula sa pagkabigla. Natagalan bago niya naialis ang mga mata sa pagkakatitig sa cellphone. Kung hindi pa muntik na mahulog sa kanyang kamay ang cellphone ay para pa rin sana siyang istatuwa “Sino si ‘Baby Ko’ na tumatawag sa aking asawa?” Ang nabuong tanong sa kanyang isipan ngunit bigla ay parang napaso siya sa maliit na aparato. Naibaba niya bigla sa itaas ng oven. Binalot naman siya ngayon ng takot. Kumabog ang dibdib niya nang ibinulong ng kanyang isip ang posibleng kasagutan sa kanyang katanungan. “Hindi. Hindi magagawa sa ‘kin ni Vernon ‘yon,” garalgal ang tinig niyang kontra sa sarili. Sa didbib naman niya natutop ang mga kamay. Ang kanyang mga luha ay tuluyan nang mga bumagsak sa kanyang namumulang mga pisngi. At dahil sa paninikip ng kanyang dibdib ay sa bunganga na siya humihinga. Pumanay ang kanyang singhap sa hangin dahil kung hindi ay baka hindi niya kayanin ang sakit. Napaiyak na siya. Umiyak siya nang umiyak. Isinandal niya ang likod sa kanilang ref upang hindi siya matumba. Nanginginig na rin kasi ang kanyang mga tuhod. Madalas siyang saktan ni Vernon, pero iba ngayon. Higit na mas masakit ang malaman niyang may babae ang kanyang asawa kung... kung tama nga ang pumasok sa kanyang isipan. “Huh?!” Muling nagulantang si Anasia nang nag-ring ulit ang cellphone. Natutula siyang muli sa pagtingin doon. Namatay ulit ang tawag pero nag-ring na naman. Ayaw tumigil ang tao sa likod ng tawag. She closed her eyes as she listened to the persistent ringing of the cellphone. What will she do? Will she answer it? Kung paanong nagkaroon siya ng lakas-loob ay madaling dinampot na niya ang cellphone nang magmulat siya ng mata. Sinagot na niya ang tawag. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng tapang, ang tanging alam lang niya ay nais niyang patunayan sa kanyang sarili na mali ang hinala niya. Isa pa ay siya ang asawa, bakit siya matatakot? Karapatan niyang malaman ang totoo. “Hi, Baby, pupunta ka ngayon dito sa condo? Miss na kita, eh. Maliligo na ba ako?” tinig ng naglalambing na babae na narinig niya sa kabilang linya. Tuluyang gumuho ang kanyang kaunting pag-asa na hindi babae ni Vernon si baby ko. Mabuti na lamang at natutop niya ang kanyang bunganga bago siya napaiyak muli. Hindi niya napigilan ang damdamin. “Hello? Vernon? Naririnig mo ba ako?” “Sino ka?” matapang na kusang tanong ng kanyang bibig. Wari ba’y nagkaroon ang buhay ang kanyang bunganga dahil wala siyang balak sanang komprontahin ang babae. Subalit bigla ay dial tone na lamang ang maririnig sa earpiece ng phone. Ibig sabihin ay pinatay na ng babae ang tawag sa kabilang linya. Grabe ang nginig ng kamay niya na ibinaba ang cellphone. Wala siyang lakas na para tawagan ang babae. Ayaw niya. Hindi niya kaya. Mas gusto na lang niyang umiyak. “Walanghiya ka, Vernon!” at sa unang pagkakataon ay may mura siya na naibulalas para sa kanyang asawa sa gitna ng kanyang pagluha. Lahat ng pagtitiis ay ginawa niya para lang hindi sila masira na mag-asawa. Nagpakamartir siya’t lahat-lahat. Kaya niyang tanggapin ang lahat ng sakit ng suntok, sampal, at sipa, pero sa pagkakataong iyon na may ibang babae na involve ay hindi na niya mapapalampas pa. Kaya niya pang tanggapin ang lahat ng pagdurusa, kahit pa maging martir siya habang buhay, pero kung ganito? Hindi! Ayaw na niya! Kung paanong napadpad siya sa kanilang kuwarto na mag-asawa ay hindi na niya namalayan. Nakita na lamang niya ang sarili na nakaupo sa gilid ng king size nilang kama. Nag-isip siya ng gagawin habang patuloy sa pagragasa ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi nagtagal ay nakabuo rin siya ng desisyon, a spur-of-the-moment decision. Gagawin na niya ang dapat noon pa niya ginawa. Marahas na pinunas niya ang mga luha sa pisngi. Pinakalma niya ang sarili saka tinawagan si Karen. Nagpasundo siya sa kanyang pinsan. Sinabi niyang gusto niya na ring umuwi sa Mindoro. Ura-urada ay nais na niyang makaalis sa impyernong bahay na iyon ng kanyang asawa. Hindi na siya makapaghintay na layasan ang demonyo. Magsama sila ng babae niyang malandi kung iyon ang gusto nila. “May nangyari ba? Bakit ka umiiyak, Insan? Sinaktan ka na naman ba ng magaling mong asawa? Binugbog ka na naman ba? Ayos ka lang ba?” sunod-sunod na mga tanong ni Karen. Nag-alala ang kanyang pinsan. At hindi na siya nagtataka dahil kahit ilang beses na siyang sinaktan ng kanyang asawa physically ay hindi siya umiyak sa harapan nito. Ngayon lang. “Sana nga binugbog na lang niya ako kaysa ganito,” tugon niya pero sa isip niya lang nagawa. “Hindi niya ako binugbog, Insan,” sa halip ay ang lumabas sa bibig niya na tugon. “Eh, bakit ka ganyan?” “Saka ko na sasabihin. Basta sunduin niyo ako rito. Kung puwede ay ngayon na, Insan. Diyan na lang ako matutulog sa inyo,” sumisinghot na pakiusap niya. “Oh, eh, sige, mag-impake ka na kung gano’n. Papatulugin ko na lang muna ang mga bata at tutungo na kami riyan,” sabi sa kanya ni Karen agad-agad kahit na hindi pa nito alam ang dahilan kung bakit bigla-bigla ay nais na niyang lumayas sa bahay nilang mag-asawa. “Hihintayin ko kayo, Insan. Salamat,” tila nabunutan ng napakaraming tinik ang kanyang dibdib na sabi bago niya pinatay ang tawag. Huminga rin muna siya nang sobrang lalim bago siya kumilos na may pagmamadali. Buo na ang pasya niya talaga. Makikipaghiwalay na siya sa kanyang asawa. At least ngayon ay may mabigat na siyang dahilan. Hindi na lang siya ang magmumukhang masama kung sakali. Kung may kasalanan siya higit na mas kasalanan ang ginawa ngayon ng kanyang asawa. Pinili lang niya ang mga mahahalagang gamit niya. Mga iyon ang pinilit niyang pinagsisiksik sa isang bag. Isang travelling bag lang ang pinagpasya niyang dalhin upang hindi siya mahirapan. Pagkatapos ay mabilis na siyang naligo at nagbihis. Saglit lamang ay may mensahe na sa kanya si Karen na papunta na raw sila para sunduin siya. Nag-reply siya na hihintayin niya sila sa may basement 1 ng Grand Hyatt Manila, one of the luxurious condos in the Philipines. Alam niya na mamayang gabi pa uuwi ang kanyang asawa kaya kampante siya. Magugulat na lang si Vernon mamaya na madadatnan ang bahay nila na wala ng tao. Wala na siya. Ito naman ang may kasalanan. Porke hindi niya ito mabigyan ng anak ay mambabae na? Sino ito para saktan siya ng ganito kasobra? Patawarin siya nito pero may hangganan din ang kanyang pagiging martir. “Paalam bahay,” madamdamin niyang paalam sa penthouse nila na parang tao nang handa na siyang umalis. Tahimik na pinagmasdan niya muna ang kabuuan ng nagsilbing tahanan niya sa loob ng isang taon. Ang tahanan na tanging saksi sa kanyang paghihirap, ang tanging nakakaalam sa mga kalupitan na kanyang natamasa sa piling ng malupit niyang asawa. Sa wedding picture nila ni Vernon ang huli niyang tinitigan bago lumabas ng bahay. Ang araw na pinakamasaya para sa kanya pero hindi nagtagal ay naging sumpa. Lumuluha siya habang dahan-dahan na isinara niya ang automatic door ng penthouse. She never thought something like this would happen to their marriage. Totoong nakakapagod si Venon mahalin pero alam ng Diyos na ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na layasan o hiwayalan ito. Ang nais niya sana ay tuparin niya ang kanilang wedding vow na kahit anong mangyari ay magpapasakop siya sa kanyang asawa, sa hirap at ginhawa, in sickness and in health. Kaso ang hirap pala kapag may ibang babae nang involve sa relasyon nila. Pinalis ng palad niya ang mga luha niya nang nagsimula na siyang humakbang patungo sa elevator. Sukbit-sukbit niya ang kanyang bag na medyo may kabigatan din. Nagulat pa siya nang nagbukas ang elevator. Umiiyak din kasi ang magandang babae na unang nakasakay roon. Bigla silang nahiya sa isa’t isa. Pilit na nagngitian nang mapakla. Sa ngiti na iyon ay nagkaunawaan na sila. Kapwa alam na lumuluha sila dahil sa mga mapanakit na mga lalaki. Umakyat muna sa tenth floor ang elevator. Doon bumaba ang babae. Napabuntong-hininga si Anasia ng malalim nang mag-isa na lang siya sa loob ng elevator. Bakit ba may mga babae na ganitong umiiyak para sa mga lalaki? Dapat kasi kung hindi na itinadhana ay hindi na pinagtatagpo. Kawawa lang ang mga babae na nasasaktan sa bandang huli, eh. Muli siyang napabuga ng malalim na buntong hininga. Kahit paano ay gumaan naman ang loob niya sa katahimikan ng maliit na kuwadradong kinaroroonan niya. Kaso ay anong gitla niya nang nagbukas ang elevator sa 1st floor. Gulat sila parehas ng lalaking sasakay sana. Lalaki na si Vernon! “Saan ka pupunta?” mabalasik na tanong ni Vernon nang napansin ang bag na dala-dala niya. Kaysa sumagot ay pinagpipindot ni Anasia ang pindutan ng elevator upang magsara. Awa ng Diyos ay nakisama naman. “Anasia!” Ngunit sinubukang pinigilan ni Vernon ang pagsara ng pinto. “Hayaan mo na ako!” Kung paanong nagawa niyang kagatin ang kamay ni Vernon ay hindi niya alam. “Aaaahhh!” hiyaw ni Vernon. Napilitan na bumitaw at tuluyang nagsara na ang pinto ng elevator. Laking pasalamat iyon ni Anasia. Grabe ang kabog ng dibdib niya na lumabas sa Basement 1. Luminga-linga siya sa paligid. Labis-labis ang dasal niya na sana dumating na sina Karen at Alvin. Pansamantala ay naghanap ang mga mata niya ng matataguan nang naisip niya na delikado na nakatayo lang siya roon dahil malamang pasunod na sa kanya si Vernon. Wala siyang naging choice kundi ang magtago sa mga kotse na nakaparada. “Anasia, nasa’n ka?!” Mayamaya nga lang ay umaalingawngaw na nga sa basement ang nakakatakot na boses ng kanyang asawa. “Saan ka pupunta? Iiwanan mo na ba ako? Mag-usap tayo!” Takot na takot si Anasia. Gayunman, wala siyang balak na lumabas sa kanyang pinagtataguan. Hindi siya makikipag-ayos sa asawa. Tama si Karen, mainam na magpalamig muna siya sa pananakit ng kanyang asawa sa kanya. “’Pag nakita kita babarilin kitang buwisit ka!” Mas naging nakakatakot pa ang boses ni Vernon. Nagbabanta na. Napa-sign of the cross si Anasia. She prayed that her husband would not see her. Hindi niya ma-imagine ang puwedeng gawin sa kanya ni Vernon oras na makita siya. Baka mapatay na nga talaga siya nito dahil sa kalapastanganang ginagawa niya ngayon. Kung sa mga simpleng bagay nga lang ay sobra na ang pananakit minsan nito sa kanya, ngayon pa kaya? “Huh?!” napasinghap sa gulat si Anasia nang narinig niyang nag-click ang pinto ng kotse na kinasasandigan niya. Akala niya ay kung ano na. “I'm on my way home, Ma. Hindi ako aabutan ng lockdown, don’t worry,” tinig ng isang lalaki. Nang silipin niya ito sa kabilang banda ay guwapong lalaki ito na naka-mask ng itim. Pinindot na nito ang automatic power lock ng kotse pero hindi pa pumasok dahil busy pa sa pakikipag-usap sa cellphone. “Anasia! Isa!” boses na naman ni Vernon. Gawa ng matinding takot, isa pang desisyon ang ginawa ni Anasia. Pangahas na binuksan niya ang pinto ng kotse ng lalaki at pumasok siya roon. Bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD