***REYNAN***
“Yes, Ma. Basta diyan muna kayo kay Ate para safe kayo. Magiging okay lang ako dahil nando’n naman sa farm sina Manang Glo. You don’t need to worry about me,” paniniguro ni Reynan sa ina na kasalukuyang kausap niya sa kanyang phone.
Ipinaalam kasi sa kanya ng mama niya na baka hindi na ito makauwi muna dahil nag-lockdown na rin ang bansang Singapore at kinansela na lahat ng pampublikong sasakyan mapalupa man o himpapawid. Ibig sabihin niyon ay wala nang makakapasok na eroplano doon hangga’t hindi babawiin ng pangulo roon ang kautusan kaya naman kahit siya ay hindi puwedeng magpunta roon. They have no choice but to wait for the situation to settle.
Noong isang linggo lang ay nagtungo ang Mama ni Reynan sa Singapore upang magbakasyon sa kanyang kapatid na nakapag-asawa roon. Nanganak ang kanyang Ate Jaina kaya kinailangan ang kalinga ng kanilang ina. Hindi naman nila alam na ganoon ang mangyayari dahil binabalewala pa naman noon ang usap-usapan na virus.
Everyone thought Covid-19 was just bullshit and fake news, including them. Gayunman ay wala silang angal na pamilya kung pati ang Pilipinas ay mag-lockdown nga. Para sa kanila ay mas mainam na na ganoon ang mangyari kaysa ang lumala ang sitwasyon. Makakabuti na ipapatigil lahat ng aktibidad ng mga tao upang hindi na kumalat pa ang virus at mapuksa agad.
Mayroon naman dapat matitirhan si Reynan sa Maynila pero mas mainam na manatili siya probinsya sa ganoong sitwasyon. Isa pa ay hindi naman talaga siya napirmi sa Maynila. Sa San Ildefonso siya talaga nakatira. Dumadalaw-dalaw lang siya sa kanyang nobya na si Kwinee Rivera, isang aspiring actress kaya pinipiling manirahan sa Maynila.
“Isama mo na si Kwinee na umuwi sa San Ildefonso,” sabi ng mama niya sa kabilang linya.
Natigilan siya ng ilang sandali at napatiim-bagang. Pasalamat niya’t sa cellphone niya lang kausap ang ina kung hindi ay nakita sana nito ang biglang bumulwak niyang galit sa dibdib.
“Huwag mong hayaang maiwan siya d’yan sa Maynila. Delikado lalo’t mag-isa lang siya doon sa condo niya,” dagdag ng kanyang ina.
“She’s no longer alone, Ma. May kasama na siya.” Nais niyang isumbong ngunit hindi na siya bata para gawin iyon. Malalim na buntong-hininga na lamang ang kanyang pinakawalan. Pinatatag niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang mahalata ng kanyang ina na may pinagdadaanan siya, sila ni Kwinee, at napakalala.
Noong isang araw, noong nabalitaan niya ang nangyayari sa Maynila ay si Kwinee agad ang kanyang inaalala. At nang ibinalita pa ang napipintong pagla-lockdown ng buong NCR o buong bansa ay lumuwas agad siya upang puntahan ito. Ninais niya agad na sunduin ang nobya upang isama sa pag-uwi sa probinsiya. Ang hindi niya inasahan ay may matutuklasan pala siya na hindi niya lubos maisip na magagawa sa kanya ng dalaga.
Ilang araw na, hindi mali, ilang buwan na pala na napapansin niyang iilan na lang kung magparamdam sa kanya si Kwinee ngunit hindi iyon ang naging dahilan upang hindi siya mag-aalala. Ang nobya pa rin ang kanyang unang naisip kahit na parang napipilitan na lang si Kwinee kung kumustahin o sumagot sa kanyang mga tawag. Iniisip niya lang noon na baka busy lang ang dalaga o baka saktong pagod kapag tinatawagan niya.
All his questions and doubts were answered when he knocked on his girlfriend’s condo that day. Hindi si Kwinee ang nagbukas ng pinto para sa kanya, kundi isang lalaki na nakatapis lang ng puting tuwalya…
“Who the hell are you?!” animo’y granada ang kanyang tinig na sumabog nang isang lalaki ang nag-welcome sa kanya sa condo unit ng kanyang nobya.
The half-naked man took two steps back. Sa una ay nagtaka ito’t nalito pero sa huli ay mayabang na itong humalukipkip at ngumisi.
“Babe, sino ‘yan?” Mula sa kuwarto ay lumabas naman si Kwinee. She was wearing her flimsiest negligee. At halos lumawa ang mga mata nito nang siya ay makita. Literal na nalaglag ang panga ng dalaga.
“Siya ba ang dahilan kaya parang hindi mo na naalala na may boyfriend ka sa San Ildefonso?” sumbat agad ni Reynan sa nobya.
“Reynan, let me explain,” natarantang sabi sa kanya ni Kwinee nang makita siya. Lumapit ito’t hahawakan sana ang kanyang braso pero hindi siya pumayag.
“And what will you explain? Sasabihin mo sa akin na wala kayong ginagawang masama? Na nagja-jack en poy lang kayo habang hubad parehas?” pulang-pula ang gilid ng kanyang mga mata na sarkastiko.
Hindi nakaimik si Kwinee.
“Nag-prayer meeting lang kami, dude,” ang lalaki ang nagsalita. Ngingisi-ngisi.
“G*go ka!” Kaya naman inundayan na ito ng suntok ni Reynan.
“Reynan, no!” awat ni Kwinee. Ngunit ang niyakap nito ay ang lalaking muntik nang ma-out of balance gawa ng napakalakas na suntok niya. Siya ang binanggit nito ng pangalan pero ang lalaki ang prinutektahan. “Huwag mo siyang sasaktan please?”
Hindi siya nakahuma. Hindi niya inasahan iyon. Napatitig lang siya sa nobya. His heart hammered on her chest to near bursting.
“Are you okay, Love?” sobrang nag-alala na tanong pa ni Kwinee sa lalaki.
Napasinghap si Reynan. Gusto nang magdilim ang kanyang paningin at patayin na ang lalaki. Sobrang mahal niya si Kwinee. He couldn’t afford of losing her.
“Umalis ka na, Reynan! Leave us alone!” saglit ay mabalasik na bulyaw sa kanya ni Kwinee nang ibalik sa kanya ang tingin.
“Really, Babe?” Mas hindi siya makapaniwala. Lalaki siya pero kulang na lang ay pangapusan siya ng hininga sa kanyang narinig at muntik nang rumagasa ang kanyang mga luha. Malinaw na pinatatabuyan siya ni Kwinee dahil ang lalaki na ang mas mahal nito. Hindi na siya.
Tila natauhan naman si Kwinee. Heavy tears run through her soft cheeks. Ang lalaki ay tumalikod naman na sa kanila. Hawak-hawak ang pangang nasuntok na pumasok sa silid ng condo.
Kuyom ang mga kamao na nakasunod ng tingin si Reynan sa lalaki. Muntikan na niyang sugurin ulit at ibalibag ito sa pader.
“I’m sorry,” paanas na salita ni Kwinee. She bowed her head while crying.
Umiling-iling si Reynan. “I can't believe you've done this to me. I gave you everything. I trusted you.”
Lalong napaiyak si Kwinee.
Napatingala naman siya kasabay nang paghilamos ng mga palad niya sa kanyang mukha. Pigil na pigil niya ang sarili na huwag makagawa nang ikakasisi niya pagkatapos.
Gustong-gusto niyang saktan si Kwinee. How dare she sleep with another man! What's lacking in him that she went looking for someone else?! Dammit!
Kaninang nasa byahe siya ay ang saya ng mga na-imagine niyang mga tagpo nila ni Kwinee kapag nakita siya. Buong akala niya ay yayakapin siya nito nang sobrang higpit oras na mapagbuksan siya ng pinto dahil miss na miss din siya. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na masasaksihan niya ang ganoong tagpo.
“I’m sorry. Hindi ko sinasadya. Ang layo mo kasi, eh, kaya nabaling sa iba ang pagtingin ko,” baluktot na paliwanag ni Kwinee.
Tumataas-baba ang kanyang dibdib na tumingin rito. Nagngitngitan muna ang kanyang mga ngipin bago niya nagawang magsalita. Hindi na siya magpapaligoy pa. “Do you love him?”
Tumaas ang tingin ni Kwinee. Patuloy sa pagluha na nakipagtitigan sa kanya. Siya nama’y pigil na pigil niya ang iyak. Halata sa pulang-pula at nagtutubig niyang mga mata.
“Oo, mahal ko si Gael. Mahal na mahal,” saglit ay matapang na tugon ni Kwinee sa tanong niya.
Pagkarinig niya iyon ay napapikit siya. Pakiramdam niya ay nanigas ang buong katawan niya’t naging blangko ang lahat, dahilan nang pati noong niyakap siya ni Kwinee ay parang hindi niya naramdaman.
“Anak, are you still there?” mayamaya ay untag ng mama niya sa kanya dahilan para magbalik si Reynan sa kasalukuyan.
“Ma?”
“Narinig mo ba ang sinabi ko? Sabi ko isama mo si Kwinee sa pag-uwi.”
Ibinutong-hininga niya ang sakit sa kanyang dibdib bago sumagot. “Ayaw niya, Ma.”
“Huh? Bakit?”
Hindi niya nasagot ang ina agad dahil may lalaki na sumisigaw. May hinahanap. Hindi niya pinapansin kanina dahil wala naman siyang pakialam sa ibang tao, pero nakakabulabog na kasi.
“Anasia, nasa’n ka?! Saan ka pupunta? Iiwanan mo na ba ako? Mag-usap tayo!” mas malakas na babala ng lalaki sa kung sinumang hinahanap nito.
Nagkatinginan pa sila nang napadaan ito sa kanyang harapan. At sa klase ng tingin at ekspresyon ng mukha nito, tingin niya ay mukhang hindi nagbibiro ito sa sinabi. Napansin niya kasi na may nakasukbit na baril sa tagiliran nito.
“’Pag nakita kita babarilin kitang buwisit ka!” Mas naging nakakatakot pa ang boses ng lalaki. Nagbabanta na.
Sa isip ni Reynan ay ipinagdasal niyang sana hindi na nito makita ang asawa, kung tama nga siyang asawa nito ang hinahanap. Sa hitsura pa lang kasi ng lalaki na maangas ay nakikinita na niya ang matinding paghihirap ng kung sinumang babae na iyon.
“Ano ‘yon? Sino ‘yon?” tanong ng mama niya sa kanya.
“Nothing, Ma. Binuksan ko kasi ang—” Naputol naman ang sinasabi ni Reynan dahil parang gumalaw ang kanyang kotse pero nang tingnan niya ay wala naman.
“Lumindol ba?” tanong niya sa kanyang sarili. Tumingin-tingin siya sa paligid at sa taas. Nakiramdam.
“Anak, ayos ka lang ba diyan?” ang mama niya ulit.
“Yes, Ma. I’m fine,” sagot na niya bago pa magka-nervous breakdown na naman ang ina. Sa katandaan na dahil mag-sixty na ang mama niya ay sobrang nerbyosa na ito.
“Make sure na uuwi kang kasama si Kwinee. Mahirap diyan sa Maynila dahil diyan ang sentro ng covid-19 virus,” pagpapaalala ng ina niya sa sinabi kanina.
“Ayaw niya, Ma. Actually, pinuntahan ko na siya noong isang araw sa condo niya.”
“Ayaw niyang umuwi kahit ganyan na ang sitwasyon diyan?”
“Hindi niya maiwanan ang trabaho niya,” pagsisinungaling niya. Agad siyang nakapagdesisyon na saka na lang niya sasabihin ang nangyari sa kanila ni Kwinee. Siguro kapag tapos na ang problema sa Covid-19 at nakauwi na ang ina.
“Paano siya makakapagtrabaho kung ganyan ang sitwasyon diyan? Balita ko ay susunod na d'yan sa Pilipinas na magla-lockdown.”
“Ewan ko, Ma. Ang tigas ng ulo niya,” aniya kabaliktaran nang isinagot ng puso niya na, “Dahil sumama na siya sa iba, Ma.”
“Aba’y pilitin mo pa rin,” giit pa rin ng ina na walang kaalam-alam.
“Hindi na, Ma. Aalis na ako at baka maabutan pa ako ng lockdown. Baka traffic na ngayon sa NLEX,” aniya nang nakapagdesisyon na siya. Babalik na siya sa San Ildefonso, sa lugar nila na ipinagpalapit ni Kwinee rito sa Maynila.
“Eh, paano si Kwinee?”
“Magiging ayos naman siya siguro rito,” masakit sa kaloobang wika niya. Nakakainis dahil sa kabila ng lahat ay ipinagtatanggol pa niya ang babaeng 'yon.
“Sige, kayo ang bahala kung gano’n.”
“Bye na, Ma. Keep safe. Huwag na kayong lalabas diyan.”
“Oo, namili na ang kapatid mo kanina ng mga kailangan namin.”
“Mabuti naman kung gano’n. Basta diyan lang kayo. Huwag niyo akong alalahanin dito. Ako na ang bahala sa farm.”
“Salamat, Anak.”
Pinatay na ni Reynan ang tawag dahil baka madugtungan pa ang usapan nilang mag-ina. Gusto na niyang umalis at ipakita kay Kwinee na kaya niyang umalis na wala ito.
Well, sino ba naman kasi siya? Isang hamak na tagabantay lang naman kasi siya ng mango farm nila sa San Ildefonso. Kung tutuusin ay isang magsasaka lamang siya. Walang-wala sa bago nitong si Gael Chan na isa pa lang sikat na artista at modelo.
Mahal na mahal niya ang kanyang nobya pero alangang ipilit niya pa ang kanyang sarili? Harap-harapan na ngang ipinamukha sa kanya na hindi na siya mahal. Masakit man ay hayaan na lang niya.
Isang sulyap muna ang iginawad ni Reynan sa lalaking nag-aamok. Napailing siya bago nagpasya na siyang umalis na. Panay ang buntong-hininga niya na pinaandar na niya ang kotse.
At mabuti na lang talaga na umalis na siya agad dahil pagdating niya sa NLEX ay mabigat na nga ang daloy ng trapiko. Nagmistula nang malawak at mahaba na parking lot ang highway. Halos hindi umuusad ang pila ng mga sasakyan. Ang dami nang makaalis sa Maynila.
Nang medyo naiinip na siya ay binuksan niya ang stereo. Nagpatugtog na lang siya kaysa mainis sa mga panay ang mga busina. Parang mga tanga. As if naman na may magagawa ang kanilang init ng ulo sa trapiko.
Wala siyang kamalay-malay na hindi lang siya nag-iisa sa loob ng kanyang kotse sa mga sandaling iyon.