PART 5

1919 Words
***ANASIA*** Walang kamalay-malay si Reynan na sinabayan ni Anasia ang malakas na tugtog ng sasakyan ng hikbi. Naroon si Anasia nakasiksik sa likod ng driver’s seat. Nakatakip ang isang palad niya sa kanyang bunganga. Rumaragasa sa pagtulo ang kanyang mga luha, habang ang isang kamay ay yakap-yakap naman ang travelling bag na dala niya. Kahit wala na siya sa piling ni Vernon ay tila isang kawawang kuting pa rin siya na walang magawa sa kalupitan ng mundo. Naginhawaan naman siya kahit paano dahil alam niya na nakalayo na siya sa kanyang malupit na asawa pero may matinding kaba pa rin kasi sa kanyang dibdib gawa nang naisip niya na hindi niya kilala ang lalaki na kanyang sinamahan. Abut-abot ang dasal niya na sana mabuti itong tao. Sana sa kanyang ginawang kapangahasan na maglayas ay hindi niya ikakapahamak lalo. Nadagdagan pa ang kanyang kalungkutan nang hindi sinasadya ay nadako ang tingin niya sa kanyang palasingsingan. Pakiramdam niya ay muling may dumurog sa kanyang puso dahilan para mas mag-unahan pa sa pagpatak ang kanyang mga luha. Hanggang sa nagpasiya siyang hubarin na ang kanyang wedding ring. Ang hikbi niya ay tuluyang naging iyak nang ilagay niya iyon sa bulsa ng bag na yakap-yakap. Napapikit siya’t lalong diniinan ang kanyang palad sa bunganga upang hindi marinig ng nagmamanehong lalaki. Ni sa hinagap ay hindi niya talaga inakala na mangyayari ang ganito sa kanila ni Vernon. Totoong mahal niya ang kanyang asawa. Hindi kailanman nabawasan kahit pa una pa lang ay malamig na ang pakikitungo sa kanya. Kahit pa alam niyang napilitan lang itong pakasalan siya’t pakisamahan. Habang patuloy ang kanyang pagtangis ay bumalik sa ala-ala ni Anasia ang nakaraan nila ni Vernon. Ang kanilang unang pagtatagpo... TWO YEARS AGO, bagaman hindi naman nagmamadali ay isinisingit ni Anasia ang pagkakape habang nagbibihis para pumasok na sa kanyang trabaho. Isa siyang sales associate sa Lux Fine Jewelry na nasa loob ng Uptown Mall sa Taguig at pagmamay-ari ni Eyrna Ziegler, ang asawa ng bilyonaryong si Kabhy Ziegler na nagmamay-ari naman ng isang mining company. Mabait ang mag-asawa, katunayan ay lihim niyang hinahangaan si Sir Kabhy niya. Kinikilig siya sa kaguwapuhan ng mayamang lalaki. Gayunman ay hanggang doon lang iyon. Ang kapal naman ng mukha niya kung sasagi sa isip niya na hihigit pa sa paghanga ang nararamdaman niya. Walang-wala siya sa kanyang Ma’am Eyrna. “Alis na ako,” paalam niya kay Karen nang makuntento siya sa ayos at hitsura. Si Karen ay ang kanyang pinsan na kasukob at kahati niya sa renta sa maliit nilang apartment. “Aisst!” at ungol niya nang sinulyapan niya ang kanyang mumurahing wristwatch. Bente minutos na lang ay magbubukas na ang mall. Maaga pa naman dahil sampung minuto lang mula sa kanilang apartment ang mall pero hindi niya gustong magbaka-sakali sa traffic. “Ingat ka,” sigaw ni Karen dahil nasa labas na siya agad ng pinto ng kanilang apartment. Sakto lang naman ang oras pagdating niya sa jewelry shop. Hindi siya na-late kahit na may konting pagbagal ng sasakyan kanina dahil sa trapiko. “Sha,” pasimpleng tawag sa kanya ng kasamang si Belle nang makita siya. At ito lang ang tumatawag sa kanya sa palayaw na SHA dahil ang haba raw kapag Anasia. Napa-pause siya sa pagtungo sa kanilang locker room pagkatapos mag-time-in sa biometric fingerprint time attendance nila. Tinaasan siya ito ng dalawang kilay kasabay nang pagnguso nang kanyang sulyapan. “Ikaw rito,” Belle mouthed. Nasa mukha nito ang takot. “Bakit?” Noon lang napansin ni Anasia na may customer pala sila agad kahit na kabubukas lang ng shop. Nakatalikod ang lalaking may suot ng business suit kaya hindi sila nakikita ni Belle na nagsusulyapan at nagsisenyasan. Tumitingin-tingin ito ng mga singsing sa kabilang display counter. At masasabi niyang likod pa lang ay yummy na. Siguradong guwapo. “Ma-su-ngit,” walang boses na buka ng bibig ni Belle. Sobrang hinhin nito kaya hindi kayang i-assist ang mga maa-attitude na mga customer. Natatakot na muling masabihan ng ‘Stupida!’. May trauma na ito sa naging customer nito noon na sikat na artista. Porke sikat ay akala mo kung sino nang mataas kasi. “Kaya mo na ‘yan,” aniya na wala ring boses nang pinagsalikop ni Belle ang mga kamay sa dibdib. Ibig sabihin ay nakikiusap na ito nang sobra. Bumuntong-hininga siya. Pinaglipat-lipat muna niya ang tingin kay Belle at sa masungit daw na customer. Saglit ay sinenyasan na niya itong tumabi. Ibinigay niya rito ang kanyang shoulder bag para ito na ang magdala niyon sa kanilang locker room. Hindi na niya kailangang magpalit dahil pumapasok siya sa trabaho na naka-uniform na. Minsan ay pinapatungan na lang niya ng jacket. “Good morning, Sir. Welcome to Lux Fine Jewelry. Anything we can do for you?” nakangiting bati na ni Anasia sa lalaking customer nang lumingon sa kanya. Tuwid na tuwid ang kanyang pagkakatayo at magkasalikop ang kanyang mga kamay sa kanyang bandang tiyan. Animo’y mayordoma siya sa isang palasyo. Ngunit ay biglang natigilan siya nang masilayan niya ang mukha ng lalaki at nagsalubong ang kanilang tingin. Paano’y para ba’y nasa harapan na niya ang isang Korean actor na kanyang hinahangaan sa mga Korean drama na kanyang napanood. Matangkad, maskulado, matangos ang ilong, at ubod ng guwapo ang lalaki. Ang mata’y parang kay Lee Seung-gi at ang shape ng mukha’y parang kay Ji Chang-Wook. Kinilig ang kanyang puso. “Is there anything scary on my face?” mayamaya ay husky ang boses na untag sa kanya ng lalaki. Pasuplado. “Ah, eh...” Alam ni Anasia na saglit lang ang pagtatagpo ng mga mata nila ng kaharap pero pakiramdam niya ay napakatagal, tapos ay tila naging slow motion ang lahat pati na ang mga kamay ng orasan na nakasabit sa dingding ng shop. Batid niyang mapatanga siya sa guwapo nitong mukha nang hindi niya namalayan. At sobrang nakakahiya iyon. Napangiwi siya nang makita niya sa ekspresyon ng mukha ng lalaki na naghihintay ng kasagutan. Nakaramdam siya ng pamumula ng pisngi at pag-iinit ng katawan sa kahihiyan. “My apologize, Sir,” senserong paghingi ng paumanhin niya sabay magalang na pagyuko. Alangang sabihin niya na na-starstruck siya sa kaguwapuhan nito? Mas nakakahiya iyon. Walang naging tugon ang lalaki. Nakita niya na lang sa mga paa nito habang nakayuko siya na humakbang ito patungong ibang display corner ng jewelry shop. Naka-display roon ang mga makabagong disenyo ng singsing. “I am looking for an engagement ring,” sabi ng customer. “Yes, Sir.” Nang itaas niya ang tingin ay naging behave na siya. Kahit gusto niyang kilatisin at kabisaduhin ang bawat detalye ng guwapong mukha ng lalaki ay hindi na niya tinangka. Ayaw niyang masupladuhan ulit. Ewan ba niya. Sa mga K-drama na kanyang napanood ay talaga namang nakakakilig ang mga supladong mayaman na lalaki na bida. Pero in reality, nakakatakot naman pala. Maingat na kinuha niya ang isang Royal Princess Cut Diamond sa glass-covered cabinet at ipakita sa customer. Kung paanong naasikaso niya ito ng pormal sa kabila nang pagwawala ng kanyang puso ay hindi niya alam. Namalayan na lamang niya na sinusundan niya na ito ng tingin nang palabas na ito sa shop bitbit ang black and gold na paper bag ng binili nitong diamond ring. “’Pag nadapa si Sir Vernon, kasalanan mo,” tukso sa kanya ni Belle. Nakalapit ito sa kanya nang hindi niya namamalayan. “Vernon?” Takang nilinga niya ang kapwa dalaga, kaibigan, at katrabaho. Itinuro ni Belle ang laptop monitor ng kanilang daily sales report. “Iyon ang pangalan ng kaaalis mo pa lang na customer,” at may bahid na panunukso ang boses na wika. Napatunganga na naman siya. “Ah, oo. Vernon de Mevius ang pangalan niya.” “Alam ko dahil nakalagay dito, oh.” “Ah, oo. Nakalagay nga riyan,” parang wala sa sariling aniya. Napabulanghit na lang ng tawa si Belle. Tinawanan ang kanyang inaasal at hitsura. “Heh!” natatawang sayaw naman niya. Again, she felt a tide of red sweep over her cheeks. “Huwag ‘yon, Sis. Apat na M ‘yon. Mababalo ka lang agad.” “Huh?” Napanguso siya. “Anong tatlong M? Hindi pa naman siya matanda para sa Matandang Mayaman Madaling Mamatay, ah?” “Mayamang Masungit Madaling Mamatay,” pagkokorek ni Belle. “Gageh ka.” Siya naman ang natawa nang malakas. Ang dami talagang nalalaman ng bruha. Buong oras ng trabaho ay ginulo ng guwapo pero supladong customer ang isipan niya. Hinihiling pa na sana bumalik iyon sa shop para makita niya ulit, na ayos lang sa kanya kahit pagalitan siya ulit. Ginising nito ang kanyang matagal nang tulog na puso kaya dapat lang na mag-demand siya. Aba’y baka mamayang gabi ay hindi siya nito makatulog kakaisip rito. For sure, hindi siya makaka-move on agad. “Si Sir Vernon hinahanap ka. May nakalimutan daw,” biro sa kanya ni Belle. “Tse!” Iningusan niya ito. Hinihiling niya bumalik nga ang lalaki pero nunka na maniniwala siyang ngayon na agad. Nanuksong nagtatawa na naman si Belle. Ang lakas makatudyo. Tuwang-tuwa kapag nagba-blush siya. “Tumigil ka na,” pabirong inirapan niya rito. Sa halip na tumigil ay lalo pa siyang binuska buong trabaho. Pagkauwi nga’y hindi mapuknat ang kanyang ngiti. Hindi mawala sa kanyang isipan ang lalaki. “Anong meron at pangiti-ngiti ka r’yan, ha, Anasia Rosero?” pansin tuloy sa kanya ni Karen pagkapasok na pagkapasok sa pinto ng kanilang apartment. Dapat ay sabay silang nakakauwi sa inuupahang tinutuluyan pero dahil may boyfriend ay late nang nakakauwi ang bruha. Tapos na siyang kumain at nanood na lang siya ng TV saka lang dumating. “Wala. May naalala lang ako,” pagsisinungaling niya. Ayaw niyang tuksuhin siya dahil lang may nakita siyang guwapo na kanyang ikinikilig. Award na siya sa mga tukso sa kanya ni Belle. Saka na niya sasabihin kay Karen ang tungkol kay apat na M, este kay Vernon De Mevius. Baliw kasi na Belle, apat na M na ang tawag kay Vernon. Nahawaan na tuloy siya. “Eh, ikaw bakit parang ang saya mo rin. May pa-bouquet of flowers pa?” usisa niya rin sa pinsan dahil hindi rin nabubura ang abot hanggang langit nitong ngiti. Ibinaba muna ni Karen ang bouquet ng red roses bago itinaas ang kanang kamay. Kinikilig na ipinakita sa kanya ang kumikinang na bagay sa daliri nito. “Singsing? Inutang mo na naman sa bombay?” pambabara niya rito. Ang hilig sa mga 5-6 na gamit, eh, tuloy ay nababaon na sa utang. “Gaga! Hindi!” Awtomatiko na sinumangutan siya ng pinsan. “Nag-propose na sa akin si Alvin, Insan! Engaged na kami! Eiiihhhhhh!” Pero saglit lang dahil biglang kinilig ulit ito at nagtitili. Ilang segundo rin bago nag-sink in sa kanyang utak ang magandang balita ng pinsan. At nang ma-realize iyon ay nagtitili na rin siya sa saya para rito. Tumayo siya’t hawak-kamay sila ni Karen at nagtatalon sa sobrang kasiyahan. “Congrats, Insan.” “Thank you, Insan.” Nagbeso-beso sila at nagyakapan. Nasa kuwarto na si Anasia at nakahiga sa kanyang kama nang may maalala at napagtanto. Hindi man mahahaling singsing ang ibinigay ni Alvin kay Karen ay nahintulad niya iyon milyong halagan diamond ring na binili ng crush niyang si Vernon kanina. Hindi kaya magpo-propose din ang lalaking iyon sa girlfriend kaya bumili ng singsing? Napangiwi siya. Nasaktan ang kanyang puso. Bakit pa niya nakilala si Vernon kung magiging taken na pala? Ang saklap naman. Sabagay, puwede naman siyang maging kabit kung sakali. Joke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD