"CLOUD HAN, nakikipag-lokohan ka ba sa 'kin?" tanong ni Ginny.
Did this guy know that she was hurt for two years and has been completely going on with her life recently? May sasabihin pa sana siya kay Cloud kaya lang ay tumunog muli ang cellphone niya.
Nilagpasan niya ang lalaki para kunin ang bagay na pumapailanlang sa kanyang silid na nasa computer desk. Si Levi ang tumatawag.
"Levi," sagot ni Ginny sa tawag.
"Hey, Gin! How was your report? Are you still interested in Martin Murray?"
Nag-isip siya. "Yes, I am still working with my team mates about it. But I will definitely want him in my production."
"Well, you are so lucky. I think you have done something good recently. My manager knew his manager. So, I seek a help from him. I will introduce you. Kailan ka libre?"
Nakaramdam si Ginny na parang may masamang hangin sa kanyang likuran. Napatingin siya kay Cloud. Kita niya ang talim ng mata nito patungo sa kanyang cellphone.
"Ginny Lopez, I am giving you ten seconds to decide!" saad nito.
Natulala naman siya sa sinabi nito sabay napalunok. Iniisip ba nito na sa loob ng sampung segundo ay sasama na siya rito? Sumama rin naman agad ang mukha niya. Hindi pa rin nagbabago ang lalaki kahit walong taon na itong nawala. Demanding pa rin!
Inirapan niya ang lalaki. Pero wrong move! Hinawakan siya nito sa baywang ay binitbit sa balikat nito na para lang siyang sako ng carrots.
"Hey, Cloud! Put me down!" nagagalit na sabi niya rito. Nakalimutan niya na nasa linya pa pala si Levi.
"Who is Cloud? Hey, Ginny! Where are you?!"
Hinablot ni Cloud ang phone niya. "I am Cloud Han, her husband. Bye!"
Both of Ginny and Levi were speechless.
Inilapag ni Cloud ang cellphone niya sa computer desk at saka siya nito inilabas.
"Hey!" Nagsimula siyang mataranta.
Pinalo lang siya ni Cloud sa puwitan na akala mo ay para siyang bata na may ginawang kasalanan. Nagulat si Ginny. Pagdating nila ng Lobby, nakatingin sa kanila ang guest, guards at receptionists na gulat na gulat nang makita siya na bitbit ng lalaki sa balikat nito.
Bago tuluyang lumabas, humarap muna ito sa mga taong nasa lobby.
"Sorry everyone, my wife is angry with me dahil hindi ko naibigay ang gusto niya. Ahhh, you know? I am just trying to act as a lovable husband here. Please excuse us," sabi ni Cloud bago tuluyang lumabas.
Ngumiti naman nang matamis ang mga tao sa paligid na para bang na-su-sweetan sa kanila. "Oh! Patawarin mo na siya, ma'am. Kawawa naman si Ser," sabi ng isang guard.
"Pagbigyan mo na kasi si ma'am, sir," tudyo ng isa.
Hiyang-hiya si Ginny sa nangyayari hanggang sa nadala siya at naipasok ni Cloud sa sasakyan. Inutusan nito ang assistant nito na paandarin iyon. Isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa lalaki at saka inis na inilayo ang sarili rito.
Nagulat man ay nanatiling tahimik ang assistant ni Cloud nang makita si Ginny na bitbit ng boss nito na isinakay sa backseat. Hindi na lang ito nagkomento, ngunit namula ang mukha nito nang makita ang mga pulang marka sa leeg ng dalaga.
Boss na boss si Cloud na nakaupo lang sa tabi niya. The same old Cloud Han.
Inis na inis si Ginny. Ang nasa utak niya ngayon ay kung saan siya dadalhin ng lalaki. Tumahimik na lang siya sa tabi at tumingin sa labas ng bintana.
Si Cloud naman ay napangiti nang makita na walang reklamo sa mula sa kanya. Naisip nito kung iniisip ba ni Ginny na madali siyang makakatakas mula rito. He waited for a very long time to have her, but now, she has a boyfriend and engaged?
Siyempre, ginawa ni Cloud ang lahat ng paraan para pigilin siya sa iniisip niyang kahibangan.
Kahit ang nangyari sa kanila nang nagdaang-gabi ay plano ni Cloud. Hindi lang inakala ng lalaki na bibigay rin siya rito.
He knew one thing after what happened last night— Ginny still loves him, and they missed each other so much. He saw it in her eyes last night. So, does she expect that he would wait for her in the office and do nothing? Last night was super fantastic for him. Hinintay niya ang tamang panahon na iyon sa loob ng maraming taon.
Dinala ni Cloud si Ginny sa isang tall rise building. Dumiretso ang sasakyan sa parking lot at huminto sa mismong tapat ng elevator.
“Saan mo ba ako dadalhin.”
Tahimik lang ang lalaki at hindi sumagot. May pinindot si Cloud na mga numero sa elevator para bumukas iyon.
Mayroong elevator designed for him? she thought habang pinagmamasdan nang lihim si Cloud Han.
Tahimik lang siya na nakasunod sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit siya dinala nito roon at kung ano ang plano nito. Pagbukas ng elevator, living room agad ang bumungad sa kanya. Pinagmasdam niya ang lugar. Siguradong nasa penthouse unit siya ng isang gusali.
"Cloud Han, why did you bring me here?" hindi niya maiwasan na itanong dito.
"To live here, of course," diretsong sagot nito.
Umawang ang kanyang labi.
Nakatingin siya kay Cloud. Sinuri ang bawat sinabi nito. They just met again yesterday, and now he wants her to live with him on the second day?
Baka panaginip lang ito. Pero sigurado siya na gising na gising ang diwa niya sa kasalukuyan.
"But, Cloud, I... " Hindi siya makahanap ng itutuloy na sasabihin sa lalaki.
Sumeryoso naman si Cloud. "Ginny, I know yesterday was a bit childish, but something happened to us last night. What if I got you pregnant?"
Biglang kinabahan si Ginny. Halos makalimutan niya ang tungkol sa bagay na iyon. Tahimik siyang nag-isip ng mga dapat at tamang gawin. She was silent for a couple of minutes.
"I will stay here for two months, but... if there is no baby, I'll go."
Huminga muna ito nang malalim bago siya sinagot. "Deal!"
Tuwang-tuwa ang lalaki sa kanyang desisyon. Did this girl really think he will let her stay away from him after two months?
In your Dreams!' he thought. Shameless na siya kung shameless.
Inikot ni Ginny ang penthouse. Malawak ang living room nito na may piano sa gilid, dark blue and gray ang kulay ng pintura. May four bed rooms; including the masters’ na halatang kay Cloud, isang office and a wine cellar.
But Ginny has a problem, there is no bed in the other three bedrooms! How come?
"Ahhh... Why is there no bed in the other three rooms?" She was so stupid asking that question.
"Hindi ko pa nasasabi sa assistant ko ang ilalagay," dahilan ni Cloud. That's why he said deal to her, right?
Biglang namula ang pisngi ni Ginny. Does he mean she will sleep with him in the master’s bedroom?
Naiyuko ni Ginny ang ulo. Nag-aalangan siya.
Agad naman na uminit ang ulo ni Cloud matapos makita ang kanyang reaksyon. "Ginny Lopez, mukha ba akong may sakit na nakakahawa para umakto ka ng ganyan?"
Isn't it just normal? isip-isip ni Ginny. Nagpunta ang lalaking ito at may ginawang kamanyakan sa kanya sa unang araw. Dinala siya sa bahay para makipag-live-in sa ikalawang araw.
What's next? Are they getting married on the third day?