Chapter 1: He’s Back
MGM CORPORATION.
MAAYOS ang presentation ni Ginny sa kliyente niya kahit na pakiramdam niya ay para siyang x-ray machine sa paningin ni Cloud Han sa pagkakatitig nito sa kanya—ang dati niyang nobyo.
Nag-focus siyang mabuti sa presentation na ilang gabi at araw niyang pinaghandaan. Pilit na hindi niya inintindi ang tingin nito.
"I like it," wika ni Ms. Reyes na Presidente ng ABC group.
Kitang-kita sa paningin ng lahat ng miyembro sa meeting room na satisfied ang mga ito sa plano ni Ginny, bukod sa nag-iisang tao—si Cloud Han!
"I don't like it," mayabang na wika nito.
Napataas ng kilay si Ginny. This man!
Sumandal si Cloud sa meeting chair kung saan ito nakaupo. Mabuti na lang at nasa dulong bahagi ito mula sa kanya dahil gusto niya itong sipain papalabas ng meeting room kanina pa.
"Ginny Lopez, I heard you are the best in your team, but it looks like the rumours aren’t true."
Lumingon naman si Mrs. Reyes sa lalaki at sinimulan na ipagtanggol siya. "Cloud, c'mon, please don't scold your employee. I am very satisfied with her plan and reports."
Si Ms. Reyes ay isang middle age widow woman na kaibigan ng pamilya ni Cloud.
"But Ma'am, I wanted to give the best for you. I will tell you right now, Miss Ginny Lopez, the reason why I am not satisfied with your works." Malamig ang mata nito na nakatingin sa kanya.
" The price of the project is costly. The condominium was made for bachelors, while the other one is for families. Do you know what that means? You don't even have the person who was fit for the advertisement. I really think na mukhang hindi ka busy sa trabaho mo."
Nakaramdam ng pagkainis at pagkapahiya si Ginny. Ang galing nito para sabihin na hindi siya busy. Alam ba ng lalaking ito kung ilang buwan niyang pinaghirapan ang trabaho niya? Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis at hindi niya pinansin si Cloud.
This devil, mukhang bumalik lang after eight years to scold me!
Nawala ang lahat ng pagkailang niya at napalitan ng pagkainis. "Mrs. Reyes, I will do my best to meet your expectations. I will coordinate this with my team and with the researchers. Just let me know if you have any wishes."
"I really do have my wishes, Miss Gin," nakangiti na abot-tainga na saad nito.
"What is it?" hindi rin inaalis ni Ginny ang pagkakangiti niya sa ginang. Sabi nga nila, “Ngitian mo lang ang boss mo kapag galit sila.” Kumbaga—try your best to look like stupid!
"I want you to be my daughter-in-law."
Hindi napigilan ni Ginny ang umubo. Sh*t! Mukhang iba ang dating ng ngiti ko.
Tumawa siya nang pilit. "Hindi ko alam na mapagbiro pala si Mrs. Reyes."
"Of course not, Miss Gin, I am really serious," natutuwang wika nito.
Pakiramdam niya ay parang nabenta niya ang sarili at hindi ang kanyang talento.
"Thank you, Ma’am, but I already have a boyfriend... A-and engaged. Yes, that's it!" pagdadahilan niya.
It was okay to tell lies, right? sabi ng right brain niya.
Ginny, masama ang magsinungaling. Paano kapag nalaman na hindi ka naging tapat, sagot ng left brain niya.
Problema ba 'yon? Sabihin mo na lang nag-break na kayo kung sakali man na maghintay sila sa kasal mo,' sagot muli ng right brain niya. Hindi naman siguro siya paiimbestigahan sa NBI para lang i-check ang lovelife niya, tama?
Nalungkot naman si Mrs. Reyes sa nalaman. "Ow… sayang pala kung gano'n. It was hard to find a beautiful and nice lady like you."
Nakatingin lang ang assistant ni Ginny na si Patricia sa kanya. Nagtataka. Nasa isip nito na masyado siyang malihim pagdating sa kanyang lovelife.
“We don't want to know about your love life. I want to see your report after three days on my desk." Tumayo na si Cloud at lumabas ng opisina na malamig ang mga mata.
Isa-isang nagsipag-labasan ang mga tao sa meeting room. Naiwan si Ginny para ayusin ang laptop niya. Isang malakas na hangin ang ibinuga niya sa bibig dahil tila nawala ang tensyon na kanina pa nasa dibdib niya.
Ayaw nang isipin pa ni Ginny ang lalaki dahil mukhang okay naman ang kanyang ex. Nabigla lang talaga siya na ito ang papalit sa posisyon ng dating presidente.
Huminga siya muli nang malalim. Alam niyang naka-move on na siya rito kaya wala siyang naging problema. Pagkatapos kasi niyang magising noon sa coma, wala na si Cloud Han. Binalitaan lang siya ni Star na nagpunta na ito sa UK at posibleng hindi na bumalik sa bansa. She tried to move on for two years. Dalawang taon siya na natigil sa pag-aaral nang dahil lang sa lalaki. Ipinilig niya ang ulo at inalis na niya sa isip ang lahat. Lumabas ng meeting room.
Pagpasok niya ng kuwarto ay may nakita siyang bulaklak sa kanyang mesa. Iisang tao lang ang nasa isip niya na nagpadala nito, si Levi—matagal na niyang manliligaw. Pero tinuring na lang nilang kaibigan ang isa't isa.
Tinawagan niya ito para magpasalamat. Hindi naman siya nabigo na sinagot nito iyon. "Hey!"
"Did you receive my flowers?" tanong nito.
"Hmm..."
"So, are you free? It's your birthday anyway," tanong nito.
Saglit na nag-isip si Ginny. Her boss wanted a report in three days. Para bang ayaw siya nitong bigyan ng pagkakataon na magsaya sa buhay.
"As much as I wanted to have dinner with you, I need to finish a report," malungkot na sagot niya rito.
She heard his sigh. “C'mon, Ginny! As your friend, wala ka nang social life dahil sa trabaho mo."
Nag-isip siyang mabuti. Beinte-singko anyos na siya sa kasalukuyan at halos wala na siyang ibang buhay kung hindi ang opisina, kaya pumayag din siya sa paanyaya nito. "Okay, fine! Pero saglit lang tayo, ha?"
"No problem!" Ngumiti naman nang pagkatamis-tamis si Levi sa kabilang linya.
Nagpaalam na siya rito. Pagkatapos ng tawag ay sinimulan nang review-hin ni Ginny ang report. Bumaba lang siya ng gusali nang sumapit ang alas-sais ng hapon para kitain si Levi. Sa lobby ay napansin niyang kinikilig ang dalawang receptionist sa lalaki na naroon na sa kasalukuyan at naghihintay sa kanya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo nang makita siya.
"Hi!" bati niya.
"Mabuti naman at nagkita rin tayo! Dalawang buwan na yata nang huli kong maistorbo ang oras mo," tila nagtatampo na saad nito.
Naaliw siya sa komento nito.
"Masuwerte ka pa nga." Inilapit niya ang bibig sa tainga ni Levi at saka ito binulungan. "Hey, sino sa dalawang receptionist ka nagagandahan?"
Tumingin lang nang masama si Levi sa kanya at hindi siya sinunod. Nasa ganoong posisyon sila nang dumaan si Cloud Han sa kanilang harapan kasunod ng assistant at sekretarya nito. Huminto ito ilang hakbang ang layo sa kanya. Tumingin si Cloud sa kanilang dalawa ni Levi.
"Miss Ginny Lopez, hindi ko alam na mukha ka nang manang ngayon. Anyway, it's nice to see you again," ang sabi nito saka nagpatuloy sa paglabas ng gusali.
Umawang ang kanyang labi.
Manang... Manang... Manang...
Parang echo na nagpaulit-ulit sa pandinig niya ang sinabi nito. Gusto man niyang sakalin ang lalaki dahil sinabihan siya nito ng ganoon ay nakalabas na ito ng lobby na nananatiling malamig ang mga mata.