Chapter 5: Speed 3.0

1345 Words
GINAMIT ni Ginny ang computer sa loob ng opisina ni Cloud sa bahay nito. Umalis ang lalaki matapos lang siya nitong ihatid sa tinititirhan. Naisip ni Ginny na sa tingin niya ay si Cloud ang pinakabagay sa requirements nito na Bachelor and a family man material. Family man? Hmmm. Eh, sinong misis, ako? Bahagya siyang namula. 'Ihhh.' Kinikilig na naman siya. Hey, Hey, Hey, Ginny! Wala pa tayo sa third day! Pinagagalitan niya ang kanyang sarili. Huminga muna siya. Pakiramdam niya kasi ay nasa sitcom siya at silang dalawa ni Cloud ang bida. Matagal din siyang naupo sa harap ng computer nito. Ilang saglit pa at may nag-pop-up na mensahe sa screen dahil gamit niya ang sariling email. Si Shey! Ang kanyang best friend sa loob ng maraming taon. Nitong mga nakaraan ay masaya si Shey sa buhay nito. Isang Mommy na ito sa anak nito at ni Kyle. But Kyle never knew that he has a 3-year-old daughter with Shey. After Shey went to Singapore, she extended her contract for another two more years. Habang si Kyle ay itinuloy ang kurso sa Arts. Sa loob ng apat na taon na long-distance relationship ay nagagawa ng dalawa na magkita sa Singapore o kaya ay sa Maynila para lang magkaroon ng couple time. Hindi inintindi ng mga ito ang malayuang relasyon. Pero may mga bagay talaga na kahit ipilit, kung hindi talaga akma ay wala talaga. They totally broke up when Kyle's family announced his engagement with Cathy—their schoolmate. Shey was broken-hearted when she heard the news. Tuluyan nitong kinalimutan si Kyle at ipinangako na hindi na nito guguluhin ang buhay ng lalaki. Nagtago ito sa Australia para hindi na ito guluhin pa ni Kyle. Marami ang naganap lalo na at nagtangka itong magpakamatay dahil sa depresyon. Luckily, she got pregnant with Kyle. Her kid, Baba, is now three years old. Hindi na rin ito modelo dahil simula nang mabuntis ito ay tinapos nito ang kontrata. Nagbayad ng malaki ang babae sa ahensya nito sa tulong ng isa pang kaibigan. Shey found her new talent. She can paint. At ito ang ikinabubuhay ngayon ng mag-ina. SheysheBaba [Hey, sweetheart! I miss you na! Dalaw ka na ulit sa’min ni Baba] GinnyLopez [Hey, girlfriend! I’ve been locked by someone else's room. How can I go? Please save me :-( ] SheysheBaba [Who's room? I heard your ex came back from life. Haha! Did I guess it right?] GinnyLopez [Looks like you have a lot of time to gossip.] SheysheBaba [sent an attachment] Binuksan ni Ginny ang pinadala ni Shey na larawan. Gusto niyang kiligin sa picture ng inaanak niya. Her god daughter is really cute. Gusto tuloy niyang matuloy na mabuntis siya ni Cloud. 'Wait, wait! Let's erase! Erase that please!' SheysheBaba [C'mon, sweetheart! Did she capture your heart?] Pinadalhan ni Ginny ng maraming hearts na emoticon si Shey. GinnyLopez [She really look like him, dear.] SheysheBaba [Huh? Okay... Bye!] Natatawa siya sa isinagot nito. Napapalatak siya kahit pa nga kausap niya lang ito sa chat. GinnyLopez [Hindi ka na mabiro. Hihi. I miss you too girlfriend. Kapag natapos ko ang project ko dito, dadalaw ako sa'yo. Iyon ay kung papayagan din ako ng boss ko] SheysheBaba [Well, congratulations! I have good news for you. You don't need to come here in Melbourne. We will visit my Mom in Manila :-) ] GinnyLopez [Oh! That's wonderful] SheysheBaba [See you! GTG Muah!] Napailing na lang siya. Nagpaka-busy siya sa trabaho ng kalahating araw. Natapos lang siya nang sumapit ang alas-siyete ng gabi at makaramdam ng gutom. Hindi pa nakakabalik si Cloud mula sa opisina. Naisipan niya na magluto na muna. Tiningnan niya ang fridge sa tahanan na iyon kung ano ang mga pwedeng lutuin. May nakita siyang frozen fish, chicken, mga gulay at prutas. She decided to cook something for their dinner. Hindi pa man ay parang misis na siya na naghihintay sa kanyang asawa. Lumipas pa ang dalawang oras, alas-nuwebe, ngunit wala pa si Cloud. Nakaramdam ng gutom si Ginny, ngunit naisip niya na baka gutom na rin ang lalaki dahil sa mahaba nitong meeting. Napagdesisyunan niyang pumasok na muna sa kuwarto at mahiga. ...... KATATAPOS lang ng ilang oras na meeting ni Cloud. Because he doesn’t want Ginny to get exhausted, he works with the researchers’ team. Inasikaso niya ang iba pang kailangan para mahabol ang deadline dahil hinayaan niya na magpahinga si Ginny sa kanyang bahay. May dinner meeting siya sa isa pa niyang kliyente pero hindi siya masyadong kumain dahil mag-isa lang sa bahay niya ang dalaga. Pagpasok ni Cloud sa penthouse, unang pumukaw sa atensyon niya ang mga pagkain na inihanda ni Ginny sa mesa. Halatang hindi pa nito nagalaw ang pagkain at mukhang hinintay siya nito na makauwi. He’s happy and somehow guilty. If could just went home earlier. He promised that he would no longer accept dinner meetings in the future, so he could be at his home on time. Hinanap niya ang dalaga at natagpuan niya ito na mahimbing na natutulog sa kama. She was the same old Ginny. She was cursing him silently, but her eyes and her actions could tell what's in her inner heart. He knew she was still in love with him. "Ginny, Ginny!" gising ni Cloud sa dalaga. Dumilat naman ang mata nito, tumingin ito sa nakasabit na relo sa pader, halos madaling-araw na. Where did this guy come from? Cloud gently touches her face. Kinupkop nito ang kanyang katawan para dalhin sa dining area at maingat na iniupo sa silya. Kita sa mukha nito ang pagsisisi. "I'm sorry, I had a busy night." Uminat muna si Ginny saka naghikab. "It's okay. I had a busy day too. My boss wants me to send him my report after three days," parinig niya kay Cloud. Napangiwi ito sa kanyang sinabi. Kumain sila nang tahimik ni Cloud. Halata rito na masaya ito kahit pa nga hindi sila nag-uusap. It's because the food she prepared was obviously for him. Nagkaproblema lang siya nang oras na ng tulog. Nakalimutan niyang magdala ng pajama saka mga damit sa tirahan nito. Kahit ang cellphone niya ay naiwan sa condo unit niya. "Wala akong pamalit.” "You don't need it anyway." Pinamulahan siya ng mukha. "Hey, I'm serious!" "You can wear my shirt for tonight. Sasamahan kita bukas na kunin ang mga gamit mo." Tumango na lang siya saka nag-shower sa loob ng silid nito. Nagpasalamat siya na hindi nadatnan si Cloud paglabas ng silid. Dali-dali siyang nagtago sa ilalim ng comforter. Tinalikuran ang parte ng higaan ng lalaki. She knew that she looked like stupid for acting strange. Umaga nang nagising siya. Nakasandal ang ulo niya sa hubad na dibdib ng lalaki, nakayakap sa baywang nito. Kung iisipin ko ulit ang nangyari kagabi, nakatapat ako doon sa kabilang side. Something was wrong with me! Yakap-yakap siya nito na parang ayaw siyang ibigay sa mga kaaway. Sinamantala niya ang pagkakataon na amoy-amuyin ang dibdib ng lalaki. His scent was like a drug to Ginny, which started when she was seventeen. "Ginny Lopez, are you Boi-Boi's missing sister? Why are you sniffing me?" Nagulat siya nang magsalita ang binata. Binanggit nito ang pangalan ng alagang aso. Lagot, nakahalata! Pinamulahan siya ng pisngi dahil nahuli siya nito Tumawa siya nang pilit. "M-may naaamoy kasi akong ulam." Sheet, sa lahat ng rason bakit ulam?  Gusto niyang batukan ang sarili. "Ow? So, kanin na lang ang kulang?" Gusto niya tuloy magtago sa ilalim ng kumot. Pinilit niyang bumitaw at bumangon sa kama. Ngunit bago pa siya makatakas sa bisig nito ay binigyan muna siya ng good morning kiss. Sinakop nito ang malambot niyang labi at tila natatakam na pinagsawa ang sarili doon. Ilang saglit pa ay kapwa sila nagtitigan habang hinahabol ang hangin. Cloud looked at her deeply. He caresses her face. Hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang noo. "Ginny Lopez..." simula nito. Diretso ang tingin niya rito at hinihintay ang susunod nitong sasabihin. "Let's get married." Ginny "..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD