Tumuloy si Rada sa likod ng college building ng Agriculture department. Ang bahaging ito ng akademya ang hindi tinatambayan nang madalas. Boring daw kasi ang mga estudyante rito. Palibhasa karamihan ay mga iskolar na malamang ay subsob sa kanilang pag-aaral.
Luminga- linga muna ang dalagita nang kung ilang segundo at nang masiguro na walang ibang tao sa paligid ay mabilis na kinuha mula sa loob ng bag nito ang isang kaha ng sigarilyo at naglabas ng isang stick.
Mula naman sa paldang suot ay hinugot ni Rada sa bulsa ang lighter na nabili niya ng minsang magawi sila nila Cathy at Bing sa Plaza. Nagsindi ang dalagita at pagkatapos ay nagsimulang humitit bago bumuga ng usok.
Maraming beses na niyang sinubukang aralin ang paninigarilyo. Ayon kasi sa mga sabi-sabi ay nakaka-alis raw iyon ng tensyon at nakakapag+pakalma ng nag-aalab na damdamin. Ngunit imbes na kumalma sya ay inahit lamang sya ng pag-ubo. Katulad ngayon kaya sa inis ay inihagis niya ang stick sa kung saan na lamang sa paligid. Pagkatapos ay iretableng sinukbit niya muli ang kanyang bag at nagpasyang lisanin na lamang ang lugar. Ngunit bago pa niya maihakbang ang mga paa paalis ay isang impit na boses na napagibik ang naulanigan niya mula sa may halamanan sa direksyong pinaghagisan niya ng upos.
Naalarma si Rada nang mahinuhang may ibang tao pala sa paligid. Agad itong kinabahan lalo na at mag-isa lamang siya roon. Walang tao ng mga oras na iyon pagka't suspendido ang klase ng mga iskolar dahil sa isang event na katatapos pa lamang. Maliban sa hapon na rin. Ngayon niya tuloy gustong pagsisihan kung bakit iniwan niya sa classroom ang mga kaibigan. Marahan siyang napaatras nang mapansin na may paggalaw mula sa likuran ng mayabong na halamang santan. Dinunggol siya ng kaba at nakaramdam ng munting takot, akmang kakaripas na siya ng takbo nang biglang lumutang ang isang matangkad na lalaki habang aligaga.
Gulilat na napasinghap na lamang si Rada. Ang lalaki naman ay di magkamayaw sa kapapagpag sa suot nitong kamiseta. May hawak itong panabas na basta na lamang binitawan sa lupa bago mabilis na hinubad ang suot.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay tila naman na estatwa ang dalagita. Ito kasi ang unang beses na may tumambad na hubad baro sa harapan niya at isang estranghero pa. Bagama't may suot namang pantalon ay hindi niya maiwasang maeskandalo. Lalo na nang mapagmasdan ang impis nitong tiyan na may maliliit na umbok na tila pandesal. At mga pinong buhok sa parteng ilalim ng tiyan nito na ayaw na niyang isipin kung saan patungo. Namumula ang mukha na inilihis niya ang tingin. Nakakahiya! Anong pakiramdam ba ito? Lito ang isip na kausap niya sa sarili.
Patuloy naman sa ginagawa ang lalaki. Doon na nagtaka si Rada kaya't pahapyaw niya itong sinulyapan. Napansin niya na may maliit na sunog sa bahaging likod ng hawak nitong kamiseta. Noon niya napagtanto na ang hinagis na upos ay pumaloob pala sa suot nitong pantaas. Bigla tuloy siyang napalunok. Hindi niya malaman kung ano ang unang gagawin. Higit siyang nataranta nang makita na namumula ang balat ng lalaki sa may parteng batok nito.
"I..I'm sorry. I didn't mean to do that." aniyang nakalawaran sa mukha ang guilt.
Bahagyang tumapon ng tingin ang lalaki ngunit tila dumaan lamang. Ibinalik rin nito agad ang pansin sa puting kamiseta na bahagyang nabutas gawa ng upos na pumaloob. Nang masigurong wala ng palatandaan ng usok ay mabilis na isinuot iyon. Pagkatapos ay pinulot ang karet o panabas at inilagay sa kartilya kasama na ang iba pang mga kagamitan sa pagtatanim.
Pa-simple niya itong pinasadahan ng tingin. Ang totoo ay agad siyang nakaramdam ng inis sa lalaki. Kung kanina ay nagigi-guilty siya dahil sa maling nagawa, ngayon ay nasusuya na siya sa hindi nito pagpansin gayung humingi naman sya ng paumanhin. Tuloy ay parang gusto niyang magtaray.
Nakayuko na noon ang lalaki at pansin niya ang mga hibla ng buhok nitong tumatabing sa noo. Saglit na napako roon ang paningin niya. Though his hair was cut shorter than usual. Pakiwari niya ay tila kay sarap hawiin ng buhok nito gamit ang mga daliri niya. Tumulay ang mga mata niya sa katawan nito. Medyo dark ang kulay ng lalaki ngunit yaong resulta ng pagkakabilad sa araw sa hula niya. Tantya niya ay naglalaro sa labing walo o bente ang gulang nito. May matangos at prominenteng Ilong. Kapansin-pansin ang malalim at mapangusap na mga mata. Kumunot ang kanyang noo. Sigurado siyang never pa niya itong nakasalamuha. At bagamat hindi niya ito nakikitang pakalat-kalat sa unibersidad. He seems familiar.
Subalit hindi niya maalala kung saan niya ito unang nakita. Kung hardinero ito sa SMA ay imposibleng hindi niya ito makilala. Halos lahat ng empleyado sa akademya ay kilala niya at kabiruan.
Estudyante rin ba ang lalaki ngunit bakit ito nasa halamanan at gumagawa?
Ehmmm. Tikhim niya bago muling nagsalita.
"Again, I'm sorry. Actually I don't smoke..."
"Hindi mo kailangang mag paliwanag pagka't hindi namam ako humihingi ng iyong eksplanasyon." Agaw ng lalaki sa mababang boses.
She froze when he heard his baritone voice. Tila musikang humaplos iyon sa kanyang pandinig. Subalit nag-isang linya ang kanyang mga kilay sa agaran nitong pambabara.
"Look, I simply wanted to say how sorry I am for causing your shirt to be burned so why the sarcasm? Either do something about it, I don't really care."
Bulalas niya na hindi napigilang magtaray at bahiran ng pagkairita ang boses. Subalit hindi na umimik ang sinabihan patuloy lang ito sa pagliligpit ng mga kagamitan. Hindi na rin ito nag-abalang tapunan siya ng sulyap. Hindi naman maunawaan ni Rada kung bakit nagpupumilit siyang mag paliwanag rito. May parte ng isip niya na layong ipaunawa sa kausap na she's not that bad. Gusto niyang mabago ang pananaw at maling interpretasyon nito kung mayroon man. Ngunit bakit? At saka kailan pa naging mahalaga sa kanya ang magiging tingin o opinyon ng ibang tao patungkol sa sarili niya?
She's just an insensitive b***h. Iyon ay ayon sa mga taong hindi tipo ang karakas raw niya.