KABANATA 4

1112 Words
Muling binistahan ni Cathy ang puting papel na pinagguhitan niya ng mukha. Sinipat nitong mabuti ang bawat anggulo habang napapailing, bakas sa mukha ng dalagita na nagpipigil lamang ito na matawa. Siniko ni Rada ang kaibigan, naiinis na siya rito. "Ano ba?" aniya na hinablot ang kapirasong papel mula kay Cathy. Tinitigan niya rin iyon ng maigi. May mali ba sa pagkakaguhit niya? Hindi niya ata makuha ang mga tamang hulma. "You know what Rads, kahit pagbalik-baliktarin ko iyang papel ay hindi ko matukoy kung mukha ba ng tao iyang nakaguhit. Mukha kasing cartoons." Sambit ni Cathy na hindi na napigilang bigyan ng boses ang hagikhik. Umingos si Rada. Pinandilatan ng mata ang katabi. Pagkatapos ay huminga ng ubod lalim at sumandal sa kanyang upuan. Tama ang kaibigan ano ba naman kasi ang alam niya sa pagguguhit?Pagmemorya nga ng mga aralin at paggawa ng mga takdang aralin ay kinatatamaran niyang gawin pagguhit pa kaya, eh ni wala nga siyang katalent-talent dun. Katunayan ay wala naman silang ginagawang magkakaibigan kundi ang mag-fill out ng slumbooks ng kung sinu-sinong kamag-aral na walang magawa kundi ang mangalap lang naman ng mga impormasyon. Lalo na pagdating sa mga crushes. Sa loob ng campus ay nagkalat din ang mga paparazzi kung tawagin. Mga grupo ng mga estudyanteng madalas manguha ng mga larawan ng walang pasintabi o pasabi. Magugulat ka na lang mayroon ka nang katawa-tawang larawan na nakapaskil sa malaking bulletin board at with nakakatawang caption. At siyempre pa instant celebrity ka na sa buong university. Buong araw ka ring pagdi-diskitahan ng mga bullies. Katulad na lamang ng grupo ni Carol. Mula sa pinto ay humahangos na lumitaw si Bing, hinihingal at abot-abot ang hininga. May tangan itong pumpon ng mga rosas sa kamay. At tulad ng dati ay late na naman itong pumasok. Mabuti na lamang at hindi pa dumarating ang unang guro nila sa klase sa araw na iyon. "Ano iyan?" puna ni Cathy habang nakatingin sa bulaklak. "Can't you see?" Habang iwinagayway ni Bing sa mukha ni Cathy ang mga naglalakihang pulang rosas na tila nang-iinggit pa. "Maliwanag pa sa sikat ng araw, hindi ako bulag para hindi makitang rosas ang mga iyan." "Bigay ito ni Alexander." ang mayabang na wika ni Bing. Sukat humagalpak ng tawa si Cathy na nauwi sa mas matunog na halakhak na pumuno sa loob ng kanilang silid aralan. Napatingin tuloy rito ang iba nilang mga kaklase. Nainis si Bing at hinampas ito sa braso. "Si Alexander magbibigay ng rosas eh wala namang kalandi-landi sa katawan ang lalaking iyon? " bawi ni Cathy sa kaibigan. "Isa pa wala naman iyon kinukursunada dito sa SMA. Kaya tumigil ka at sana'y magising sa kapapanaginip mo. Hilig mo kasi manood ng mga fairytale eh kwentong pambata ang mga iyon at malayo sa katotohanan. Pangarapin mo na ang iba huwag lang ang isang iyon. Kapara niya bato mas gugustuhin pa nun katabi ang rifle niya kaysa babae," "Tse, inggit ka lang." ganti ni Bing. "Seryoso oy! at balita ko nga ay huling taon na niya rito sa akademya at tutulak na sila ni Mrs. Zaavedra patungong tate," ang halos pabulong na wika pa ni Cathy. "Pagdating talaga sa tsismis nangunguna ka." Sita ni Bing na kunwa'y naiinis pa rin habang nakaismid. " Nagsasab lang ako ng totoo isa pa legit ang source ko." "Sino namang makati ang dila ang nag imporma sayo niyan hah aber?" "Hindi makati dila ng mama ko hah!" "Ayun!!!" si Bing na naiikot ang eye ball. " Anyway aamin na ako panira ka talaga ng moment eh lakas mo makabasag trip.Para talaga kay Ms. Tionco 'tong mga rosas, alam mo na late ako at para iwas homily." Inabot ni Cathy ang mga rosas at dinala sa ilong. Sinamyo. "Kaso mukhang wala naman ang pagsusuhulan mo. Sayang naman 'tong mga rosas. Malamang dumaan ka pa nito ng Villa. Pinilit mo na naman si Mang Kulas na pitasan ka ng rosas. Hindi ka na nahiya kay Mrs. Zantillan." Isang kindat ang ginawa ni Bing sabay make-face na sinasabing, 'Ako pa ba?" "Kapal ah!" Napapailing na banat pa ni Cathy. "Pulos ka reklamo, usog nga at nang makaupo." Umusog si Cathy at binigyan puwang si Bing sa silya nito nang mapansin mapansin naman ng huli ang tahimik na si Rada. Kinalabit nito si Cathy. "Anong drama ng isang iyan?" nguso nito kay Rada. "Still in searching." "Running for two weeks na iyang manhunt na iyan ah, :di pa rin nasuko?" ani Bing. "May forever daw,' biro ni Cathy, sabay kindat sa kausap. "Forever, my ass," ganting tugon naman ni Bing, na nauwi sa pagtatawanan ng dalawa. "'Wag niyo kong pagtulungang buskahin, 'pag ito talaga nahanap ko hindi ko kayo ipapakilala," ang napipikon na wika ni Rada sa mga kaibigan. Tumahimik saglit ang dalawa, ngunit maya-maya lang ay sabay pang muling humalakhak ang mga ito sa patuloy na pang-aasar sa kanya. "Ito naman di mabiro, Ipakilala mo na tulungan ka pa naming ikahon ang isang iyan," sabad ni Bing sa patuloy pa ring pagbibiro. "Iyon ay kung totoong tao nga iyan. Ikaw na rin ang may sabi na sa likod ng agriculture building mo nakatagpo ang lalaking iyan." Namilog ang mata ni Cathy. "Oh my... ghost?" kunwa ay nahintakutan. Napapailing na hinayaan na lamang ni Rada ang dalawang kaibigan. Napabuga na lamang siya ng hangin. Kahit kailan lakas talaga makapambuska nitong dalawa na tinalo pa ang stepsisters ni Cinderella sa kaartehan. Ganunpaman kahit na may kalukaretan ang mga kaibigan niya ay sila naman ang mga tipong hindi nang-iiwan sa ere. Maaasahan niya sina Cathy at Bing ma pa sa kalokohan, kasayahan o kagipitan man ito. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang papel. Maging siya ay nagdududa na ring makikita pa ang lalaki. Dahil magda-dalawang linggo na ay blangko pa rin siya sa pagkakakilanlan nito. Akala niya noong una ay ganoon lamang niya kadaling mahahanap ang estranghero. Marami na siyang napagtanungan, mapa-estudyante o empleyado sa opisina. Kahit nga ata traysikel drayber sa labas ng akademya napagtanungan na rin niya. Ngunit iisa ang mga nakukuha niyang kasagutan. Walang nakakakilala sa hinahanap niya. Katunayan ay ginamit pa niya ang pangalan ng ama upang palihim na makakalap ng impormasyon. Binanggit na niya ang lahat ng maaaring paglalarawan sa lalaki subalit walang makapagsabi o makapagturo ng tunay na pagkakakilanlan nito. Kung bakit kasi ay hindi niya naitanong agad ang pangalan nito ng araw ding iyon. Ilang beses na rin siyang nagpabalik-balik sa likod ng agriculture building upang magbakasakali na masumpungan roon ang di nakikilalang lalaki. Subalit lagi na'y bigo siyang matagpuan ang hinahanap. Sinipat niya ang pambisig na orasan. Higit kumulang ay trenta minutos nang late si Ms. Tionco. Ibig sabihin ay wala ang guro sa unang klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD