KABANATA 5

1020 Words
Napangiti si Rada. Baka nagkaroon na naman ng aberya. Hindi pa siguro nakakabalik sa inuupahan nitong bahay ang kanilang maestra. Malamang ay umuwi ito sa home town nito kung saan ay tatlong bayan pa ang layo mula sa San Isidro. Dalawang oras din ang kinakain nila sa klase nito at kung susumahin niya ang binabyahe ng guro na tatlong oras mula sa tinitirhan nito ay imposibleng umabot pa ito sa unang klase. Kaya't may isa't kalahati pang natitira sa kanila, tamang magpalamig sa school canteen. Hinablot ni Rada ang bag at niyaya ang dalawa na lumabas ng kuwarto. "Imposible nang umabot si Ms.Tionco sa klase, palamig tayo sa canteen." aniya. Nagbunyi ang dalawa. Kita sa mga mata ang tuwa. Kapag kasi si Rada ang mag-aya, siguradong libre ang kanilang meryenda. Hindi lang iyon wala itong reklamo sa halaga. Habang patungo sa school canteen ay wala pa ring tigil ang dalawang kaibigan sa pambubuska. Hindi maawat ang dalawa sa panunukso Andoon iyong manghaharang pa ng mga nakakasalubong nilang kapwa estudyante. Ilalapit ang papel na pinagguhitan niya sa mga mukha ng bawat isa at pagkukumparahin. Iling at tawa na lamang siya sa kalokohan ng dalawa. Muling lumipad ang isip niya sa estrangherong lalaki. Bakit ba kay hirap nitong matagpuan? Naiinis na siya sa sarili, hindi niya dapat ginagawa ang bagay na ito. Isa siyang Buenavista, kapara ay isang prinsesa, and chasing an ordinary man is not her cup of tea. Gusto niyang ipagpilitan ang bagay na iyon sa isip niya, subalit iba ang isinisigaw ng kanyang damdamin. Sumisigid ang kagustuhan niyang makitang muli ang lalaki. " I want to see him again by any means," she whispered habang inaalala ang anyo nito. Isang kalabit sa tagiliran ang nagpanumbalik ng kanyang huwisyo sa kasalukuyan. Nilinga niya si Bing na may inginu-nguso. Sinundan niya ang direksyong itinuturo ng kaibigan. She saw Clark with her current girl Carolina, na makakasalubong pa nila sa hallway. Ang hitad at kuntodo naka-pulupot pa sa kaibigan niya. Nakangisi habang nakatitig sa kanya. Nang-uuyam. Animo nagmamalaki. Na parang sinasabi na nanalo ito ngayon. As if naman apektado siya sa nakikita. Isang linggo pagkatapos ng breakup kuno nila ni Clark ay kumalat ang balitang magkasintahan na raw ang dalawa. Siyempre pa ay nangunguna si Carol sa pagsiwalat noon. Bunying- bunyi ang babae. Sa wakas nga naman nakamit rin nito ang pinaka-minimithi. Good luck na lang kay Clark. Eww! Sinalubong ni Rada ang mga titig ni Carol while raising her eyebrow. Si Clark naman ay tinitigan niya ng masama. Sinadya niyang ipakita ang talim sa mga mata. Bakas sa mukha ng kababata ang pagsisisi at kalungkutan. Ang totoo ay ilang beses na sumubok ang lalaki na kausapin siya, katulad ngayon akmang lalapitan sya nito subalit hindi niya ito pinansin at nag tuloy-tuloy lamang siya ng hakbang. Wala na rin namang nagawa pa ang binata. Umabot pa sa kanyang pandinig ang pagpipigil rito ni Carol. Isang linggo na ring nagpabalik-balik si Clark sa asyenda upang makausap siya. Subalit lagi na'y hindi niya hinaharap ang kababata. Wala pa siya sa mood para makipagsalitaan rito. Hindi na rin niya ito pinagkaabalahan pang komprontahin sa mga nangyari. Naisip niyang it's better that way. Isa pa hindi naman kasi siya talaga apektado. Pride na lang ang umiiral sa kanya ngayon. Saka na niya haharapin ang lalaki. May mas mahalaga siyang kailangang unahin. Hindi siya galit Kay Clark ngunit nagdaramdam siya bilang kaibigan nito. Bago pa man marating nila Rada ang canteen ay napukaw agad ang atensyon nila ng pagkakagulo sa malawak na lawn ng akademya. Bagama't medyo mainit na dahil mataas na rin ang araw ay maraming estudyante roon at nagkukumpulan. Karamihan ay mga estudyanteng mula sa college department. May mga iilang juniors katulad nila na pawang mga nagnanais lang namang umusyuso. Dinig na dinig ang malagom na tinig ni Mrs. Irma Esperanza. Si Mrs. Esperanza ay kilala sa mga kakaibang pakulo pagdating sa mga school events. Isa rin itong magaling na musical theatre actress bukod sa pagiging propesora. Umani na rin ito ng iba't ibang mga awards sa larangan ng tanghalan. Masyadong malawak ang mga ideya nito lalo na pagdating sa mga pa-sorpresa. Kung hindi sila nagkakamali ng rinig ay anunsyo iyon para sa nalalapit na masquerade ball, na gaganapin mismo sa nalalapit na araw ng mga puso. Kahit batid na nila Rada ang bagay na iyon ay napukaw pa rin nito ang pansin nilang magkakaibigan. Kaya heto sila at kasama na sa mga kapwa estudyanteng nakikipagsiksikan at nakikiusyuso na rin. Palalagpasin ba naman nila ang mga ganitong eksena? Tutal eh vacant period naman. Eksakto namang kasisimula pa lamang ni Mrs. Esperanza sa pagsasalita. "Attention everyone! Like I've said the prom is already cancelled," anunsyo nito. Hindi na siya nagulat pagka't nauna na iyong naipaskel sa school bulletin board bago pa magbukas ang klase ngayong araw. But some students gasped in disappointment. Umulan ng anasan kasama na sina Cathy at Bing na excited pa naman sana sa darating na prom. Katunayan ay maagang naghanda ang mga ito para sa gagamitin nilang gown. Nagsimula nang magreklamo ang dalawa. Lihim namang napangiti si Rada. Ang ibig sabihin kasi noon ay mawawalan na siya ng suliranin. "But wait, my beloved students, don't be disappointed," kambyong sambit ni Mrs. Esperanza. "Siyempre pa ay hindi ko naman kayo hahayaang maging malungkot itong darating na araw ng mga puso. Magkakaroon pa rin tayo ng programa at selebrasyon. Kaya mga girls, huwag nang sumimangot at nakakawala ng ganda iyan," pagbibiro ng propesora na nagpa-ugong ng tawanan. Inayos ng guro ang salamin bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Instead of prom night, we will have an acquaintance party, where the students from college department as well as from senior and junior from high school departments can both join the said event," dagdag ng ginang. Nagsigawan ang mga estudyante sa tuwa, samantalang natigilan naman si Rada. Buong akala pa mandin niya ay lusot na ang kanyang suliranin. "This year acquaintance theme will still be a masquerade ball," nakangiting imporma ni Mrs. Esperanza. Sa sinabi nito ay muling umugong ang hiyawan ng pagkatuwa. Napuno ng galak ang paligid. Maging sila Cathy at Bing ay napapalundag pa sa excitement.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD