"There's more. Kilala niyo ako, hindi maaaaring mawalan ng twist ang event na ito," pa-suspense na banggit ni Mrs. Esperanza.
Namilog ang mata ng iilan kasama na sila Bing at Cathy. Lumarawan ang excitement sa lahat. Ano kaya ang pasabog itong taon? Ito na nga ba ang sorpresang inaantay nila? Hays sana lang katulad ng iba ay makaramdam din siya ng drive at pagkasabik.
"So, there are the collegiate scholars from different departments," sabay turo ni Mrs. Esperanza sa grupo ng mga estudyanteng nakahanay ng patalikod at naka-pwesto ang mga kamay ng bawat isa sa likod.
Kumunot ang noo niya. Kaiba ata ang gimmick ngayon ng propesora.
"I need more sponsors so they can also join on the said acquaintance party. Ika nga the more the merrier pero siyempre pa ay kailangan ko ang mga tulong nyo. Kumbaga share your blessings to others." saglit na huminto sa pagsasalita si Mrs. Esperanza. Nilingon nito ang staff na naka-antabay. "Okay children, mayroon akong mga rosas dito," dagdag nito.
Lumapit ang naturang staff na may bitbit na katamtamang basket. May laman itong ilang bungkos ng mga pulang rosas. Maraming nag-angat ng kilay sa mga babae, pagkamangha naman sa mga lalaki. Datapuwat nabalot silang lahat sa pagtataka dahil sa mga pabulaklak effect ay sumidhi naman ang pagkasabik nila na malaman ang supresa sa likod ng mga rosas.
"Kung sino man sa inyo ang nagnanais na maging kabahagi sila ng event.." patungkol ng propesora sa mga nakahanay na iskolars ng bayan.
" Sa pamamagitan ng mga rosas na ito ay maaari kayong mamili ng taong nais tulungan. Just simply put the roses on the palm of a person you chosen," patuloy ng propesora.
Umugong ang bulungan, maraming napantastikuhan. Maraming nagka-interes at nagnanais na makibahagi sa pakulo. Bago ang gimmick na ito pagka't may tema ng pagbibigay pagkakataon sa ibang mga estudyante na maging bahagi ng selebrasyon na hindi kailanman nangyayari pa. Dahil nakatalikod ang mga iskolars ay blangko sila sa pagkakakilanlan ng mga ito. Para kay Rada the gimmick sounded interesting.
Well, not bad kung makiki-cooperate siya lalo na at wala pa siyang escort.
Hindi problema sa kanya ang gastos para lamang bihisan ang isang tao.
Tutal isang kawang-gawa na rin itong maituturing. Bakit niya ipagkakait sa mga ito ang munting kasiyahang maaari niyang maihandog?
"It is so much fun at all," sambit niyang napuno rin ng galak.
Mula sa mga hanay ay binistahan niya ang bawat isa. Nang mapako ang pansin niya sa partikular na bulto na nasa hulihang pila. Sa di mawaring dahilan ay biglang sumikdo ang dibdib niya. Ang tindig at pangangatawan maging kulay at buhok nito ay pawang
pamilyar.
Oh God, it can't be, usal ni Rada.
Nagsimulang kumabog ang puso niya. Dahilan upang mapahawak siya sa dibdib. Pinakatitigan niya ang matangkad na lalaki upang makasiguro. Hanggang sa mapalunok ng dalawang beses. Hindi siya maaaaring magkamali. Ang bultong iyon ay dalawang linggo nang laman ng kanyang puso at isipan.
May ideyang mabilis na naglaro sa isipan ni Rada. Sinulyapan niya ang pinaglalagyan ng mga rosas, may kalayuan iyon sa pwesto nila.
Malamang bago pa niya marating iyon ay ubos na sa dami ng gustong makilahok. Nagsisiksikan pa naman ang mga estudyanteng sabik na maging bahagi ng naturang pakulo.
Nakaramdam siya ng panghihinayang nang makitang iilan na lamang ang rosas sa lalagyanan.
"Nakaka-excite naman kung wala lang sana akong escort," narinig ni Rada na sambit ni Bing.
Nilinga niya ang kaibigan. Larawan ito ng pagkadismaya at kaaliwan.
Nakita niyang hawak pa rin nito ang pumpon ng mga pulang rosas.
Biglang nabuhayan ng loob ang dalagita. Mukat-mukat ay tila anghel ang naging tingin nito kay Bing.
Walang pagdadalawang isip na hinablot ni Rada ang mga bulaklak mula sa kamay ng kaibigan na siyang ikinagulat naman nito.
"Bing, mamaya na ako magpapaliwanag. I'm sorry but I need these roses right now. Make it up to you later promise," sambit niya habang paatras na humakbang. Pagkatapos ay may pagmamadaling tumakbo siya palapit sa lalaki lalo na ng mapansin niyang may isang estudyanteng babae na patungo rin sa direksyon nito.
Natulala naman na naiwan ang dalawa niyang kaibigan.
Napapantastiskuhan na napatitig sa kanya si Mrs.Esperanza. Larawan ito ng pagka-aliw.Nagbigay si Rada ng matamis na ngiti sa propesora. Na sinuklian naman nito ng isang maluwang na ngiti.
Sa nanginginig na kamay ay mabilis niyang ipinatong ang bungkos ng mga rosas sa kamay ng nakatalikod na lalaki. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang marahas na pagsinghap nito.
Tila tunog ng di pag sang+ayon. Sa hudyat ni Mrs. Esperanza ay sabay-sabay na humarap ang mga nasabing estudyante.
Si Rada ay 'di maiwasang kabahan.
Halos ikabingi niya ang lakas ng kabog sa dibdib na tila tambol na dumadagundong sa bawat hampas.
Pakiramdam niya ay gusto ring manghina ng mga tuhod niya. Ramdam niya ang unti-unting pagkawala ng balanse.
Oh God, hindi niya inaasahan na sa araw na ito ay makikita niyang muli ang lalaking ilang linggo na ring tumatakbo sa utak niya at gumugulo sa kanyang isipan. Pigil ang hininga na inantay niyang humarap ito. Sa bawat galaw na ginagawa nito ay naroon ang masidhing pagkasabik na tuluyan itong masilayan.
Agad na rumehistro ang pagkagulat sa mukha ng lalaki nang mabungaran ang dalagita sa harapan nito. Subalit segundo lang ang dumaan at dagli ring pomormal ang anyo nito. Mabilis na naglaho ang sumilip na emosyon.
Si Rada ay talaga namang natigilan. Saglit na natulala sa bultong ngayon ay kanya ng abot-kamay.Ang tagal niyang hinintay ang pagkakataong ito. Ang kanyang pinakaaasam-asam na pagtatagpo.
"Mr. Samaniego meet your sponsor, Ms. Rada Buenavista. And Ms. Rada your sponsee, Mr. Rafael Samaniego," pakilala ni Mrs. Esperanza sa dalawa.
Rada's face recognition redened, and she gulped for the second time.
"Hi... Pael," turan ni Rada, sabay inilahad ang kamay. Naroon ang panginginig.
Alanganin din ang kanyang ngiti lalo na at walang tugon mula sa lalaki.
Halos hindi niya mabigkas ng malinaw ang pangalang Rafael sa sobrang kaba kaya Pael ang lumabas sa bibig niya.
Tinitigan siya ng lalaki ng matiim bago bumaba sa nakalahad niyang palad.
Pinag-iisipan ba ng lalaki kung tatanggapin ang pakikipag-kamay niya? Nag-aalinlangan ba ito?
Oh please... Nagsusumigaw na bulong ng isip niya. Nang unti-unti ay marahang umangat ang mga kamay ni Rafael at inabot ang palad niya.
"Nagkita tayong muli, senyorita...." Banayad, subalit pormal na wika nito sa kanya.