Kabanata 5

3527 Words
Emie's P.O.V: "Excited ka na ba para sa Ball bukas?" tanong ni Pat sa'kin habang kumakain kami rito sa canteen. He insisted na samahan akong kumain dahil nga sa wala raw akong kasama. Kahit na ayaw ko'y pinilit niya pa rin ako kaya Heto ako't walang nagawa. Tinanong ko naman kung nasaan ba ang mga kasama niya, ang sabi naman niya'y kaya na nila ang sarili nila. Nagkibit-balikat ako sa tanong niya. "Why? Aren't you excited for tomorrow's event?" he asked again. "Hindi ko kasi hilig ang mga ganiyan. Siguro kung hindi lang 'to required ay hindi na ako magtatangkang sumali. Mas gugustuhin kong nasa bahay na lang," sagot ko. Tumango-tango na lang ito saka nagpatuloy sa pagkain. Ilang sandali pa'y biglang nag-ring ang cellphone ko. I saw Jam's name on the screen and I answered it sa mismong harap ni Patrick. "Yes?" bungad ko. "How are you there? Are you excited for tomorrow?" he asked. "Not really," I answered. "Nagustuhan mo ba 'yong gown?" "Ah, yes! Thank you for that Jam." "No worries. Ayoko lang na ma-pressure ka kung anong gagamitin mo. Alam ko naman na kapag pipili ka ng damit, e, sa  akin mo pa rin itatanong kung ayos ba o hindi. So, ako na lang naghanap. Take a picture, okay?" "Of course. Anyway, how's Tito?" "Gano'n pa rin. We're praying for a miracle." "I'll pray for that, too. Take care, Jam." "You too, Em. I miss you. I'll just call you again." "Okay. Bye." Then I ended the call. "Ba't ambait mo kapag kausap mo siya?" Pat asked all of a sudden. Nagulat ako sa biglang tanong niya. "Because I'm used to it," sagot ko. "Pero bakit sa iba, e, parang masungit ka? Hindi ba puwedeng sa lahat ay gano'n ka rin makitungo?" "Hindi ko sila kilala. Si Jam ay matagal ko ng kilala. I'm having a hard time trusting people, to be nice to other people." Nilunok muna niya ang pagkaing kinakain niya and faced me. "Can't you consider me as one of the person you trust?" he asked sincerely. "Okay," tipid kong sagot. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. "What do you mean 'okay'?" "Tss. Kung anong nasa isip mo, e, 'yon na 'yon," sagot ko. "You mean...okay na tayo? I mean—" "Kaya ka pala wala kanina dahil nandito ka't nakikipaglandian sa isang babae?" Hindi na nagpatuloy si Pat sa pagsasalita dahil agad siyang napatayo at sinamaan ng tingin si Renzo. "Why are you always ruining the moment?" he asked. Hindi na ako nag-abalang tumayo dahil wala akong pakialam sa presensyang taglay ni Renzo. "Am I ruining your moment? Sinabi ko na nga ba. Hoy, babae! Hindi ka ba tatayo diyan at harapin ako at ipaliwanag ang nakita ko?" Dahil sa inis ay napatayo ako't agad na tiningnan ng deretso si Renzo. "Once and for all, may pangalan ako. Pangalawa, wala akong pakialam sa presensya mo. Pangatlo, anong kailangan kong ipaliwanag?" Saglit akong natawa. "Boyfriend ba kita?" nakangising tanong ko na ikinagulat niya. "May sinabi ba akong boyfriend mo ako?! Asyumera ka rin, 'no?!" nanggigigil na sabi nito sa'kin. "Sino bang mas asyumero sa'tin? 'Di ba, ikaw? Lakas ng loob mong sabihan ako na ipaliwanag ang nakita mo, e, sino ka ba para magpaliwanag pa ako?" tanong ko. "O baka naman, nagseselos ka?" nakangiting tanong ko sa kaniya na ikinamula niya. "Oh, baby. You're blushing again," pang-aasar ko sa kaniya. "Ang kapal mo naman para sabihin 'yan! N-namumula ako dahil sa g-galit sa'yo!" nauutal niyang sabi na lalong ikinatawa ko. "Really? Kaya ba kanina ka pa natutulala sa'kin, kaya 'di ka makapagsalita?" tanong ko. "Ako? Matutulala sa'yo? Huh! Asa ka pa! Hindi ka naman maganda!" sumbat niya. "Kung makapagsalita ka parang hindi ka natameme sa'kin kahapon, ah," lumapit ako sa kaniya na halatang ikinatigil niya. "Takpan mo ang mata mo bukas, Mr. Delos Reyes. Baka lalo kang mahulog sa'kin, e," bulong ko sa kaniya saka umalis na't iniwan siyang nakatulala. I already know your weakness, Mr. Delos Reyes. Renzo's P.O.V: "Bro, may gusto ka ba do'n sa mortal mong kaaway?" tanong ni Nikko. "Damn you, bro! Imposibleng mangyari 'yon!" inis kong sagot. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa rito sa condo ni Nikko. Lahat sila ay nandito bukod kay Patrick na nagpaalam kanina dahil my emergency daw sa bahay nila. Lahat sila'y nakatitig lang sa'kin na lalong nagpapainis sa'kin. "But you are acting like you like her. Bro, hindi naman masamang umamin," nakangising sabi ni Drew dahilan para tapunan ko siya ng lata ng soda. "Nagpapatawa ba kayo?! At ba't ko naman magugustuhan ang babaeng 'yon? Hindi na nga kagandahan—" "Hindi raw, pero natulala siya no' ng nasa boutique tayo. Para sa'kin maganda naman siya, e. She's so simple, pero lumilitaw pa rin kagandahan niya. 'Di ba?" tanong pa nito sa iba. Pucha at naghanap pa ng kakampi. "Oo nga. Natural lang ganda niya, hindi na kailangan ng make-up. Bro, wala namang masama kung aamin kang maganda siya," sabi naman ni Luke. Lalong nag-init ang dugo ko sa mga naririnig ko. Hindi ba nila naiintindihan na hindi ko gusto ang babaeng 'yon? Ayoko lang na magkasama sila ni Patrick dahil halata namang nakikipaglandian lang siya do'n kay Patrick! "Hindi siya maganda para sa'kin! In fact, kahit saang anggulo ay wala akong nakikitang kagandahan sa kaniya!" Rinig kong tumawa si Nikko. "Baka naman kaya ka nagkakaganiyan, kasi inayawan ka niyang maging ka-date niya bukas sa Ball?" nakangising tanong nito sa'kin pagkatapos ay nagtawanan sila. Tumayo na ako dahil sa inis. "Wala akong pakialam kung umayaw siya! Hindi naman siya kawalan! Kung sino man ang magiging kapares niya bukas, ang malas niya!" sigaw ko sa kanila saka naglakad na papuntang pintuan. "Iba naman kasi ang lumalabas sa bibig mo kaysa sa galaw mo, bro. Baka maunahan ka. Sige ka," rinig ko pang habol ni Nikko bago pa ako tuluyang makalabas ng condo niya. Damn it! Binibuwiset talaga ng babaeng 'yon ang araw ko! Ang dami na niyang atraso sa'kin at kailangan niyang pagbayaran 'yon! Isa pa 'yong sinipa niya ako sa etits kong tanginang 'yan! Kung ako hindi makakapag-produce ng anak ay malalagot siya sa'kin! Oo na't maganda siya pero hindi ko pa rin siya gusto! Malabong mangyayari 'yon! Emie's P.O.V: Naalimpungatan ako nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Kinapa ko pa ito sa ilalim ng unan ko. Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang tumawag at basta-basta ko na lang sinagot ito. "Aga-aga nambubulabog ka. Sino 'to?" inaantok kong bungad. Rinig ko pang tumawa ito sa kabilang linya. "Sorry kung naistorbo kita. I just want to greet you a happy birthday!"  Nagising ang diwa ko sa narinig saka tiningnan ang screen ng cellphone ko just to find out that it was Jam. "Thank you," sagot ko. "Anong oras ang Ball mo ngayon? Nakakadismaya kasi wala ako riyan." Nanatili pa ring nakapikit ang mata ko habang kausap si Jam sa cellphone. "Alas dos pa naman ng hapon. Mamaya na ako mag-aayos." "Hindi na kailangan. Pinapunta ko na riyan si Thea para siya na mag-aayos sa'yo." "What?! Jam naman. Kaya ko naman, e." "It's your birthday. Pambawi ko nalang sa'yo 'to. Please." I sighed. "Okay. Thank you." "Matulog ka na. It's still 5 in the morning. Go have some beauty rest. Don't forget to take a picture, okay? I miss you so much." "Sige. See you soonest. Bye." Then I ended the call. Naalimpungatan ako nang maramdaman ang sinag ng araw sa mukha ko. Tinakpan ko ito gamit ang palad ko. Pinilit kong idilat ang mata ko saka tiningnan ang relo na nasa tabi ng kama ko. I found out that it's already 11 in the morning. Saglit pa akong napatitig sa kisame and smiled like an idiot. "Happy birthday, Emie!" I greeted myself. Umupo muna ako and thank God for this day. Pagkatapos ay agad kong kinuha ang family picture namin nina Mom at Dad na nasa tabi rin ng kama ko. I stared at our picture and smiled. Pinasadahan ko pa ng aking daliri ang mukha ng mga magulang ko. A tear escaped from my eye. "I miss you so much, Mom and Dad. I wish you were here with me now. It's been 5 years since you died, but the pain is still here po. You'll always be in my heart. I hope you're both happy. I love you so much." After that I kissed their picture on the frame. Kinuha ko naman ang cellphone ko at napangiti nang makatanggap ng mga birthday greetings sa mga taong importante rin sa buhay ko. Siguro noon ay wala akong pakialam sa mga bumabati sa'kin, but Jam's right. I need to move on. I need to be happy at 'yon ang gagawin ko. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. - "Naiingit na tuloy ako sa ganda mo," I heard Thea said habang tinitingnan ko ang buong repleksyon sa salamin. I'm wearing a beautiful red gown. Hindi na itinali ni Thea ang buhok ko dahil mas maganda raw kapag nakalugay since medyo curly naman daw ang buhok ko. But she puts a little design on it para hindi magmukhang plain ang buhok ko and I really love how she arranged my hair. May dala akong maliit na red pouch and I'm also wearing a 5 inches silver heels. "Thank you for this, Thea. I really love it!" nakangiting sagot ko sa kaniya. Naalala kong magpapasa pa pala ako ng picture kay Jam. Inutusan ko si Thea na kumuha ng picture sa akin then after that ay agad ko na itong sinend kay Jam. "Happy birthday again, Em. We love you," he sweetly said and hug me. I hug her back and uttered 'thank you.' "Sige na. Ma-aalas dos na baka ma-late ka pa. Enjoy your day, okay?" she said nang kumalas ito sa pagkakayakap. I nod at her saka inalalayan niya na akong bumaba ng kwarto. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan ay nagulat ako nang makita sina manang na nasa baba habang sila'y nakatingin sa akin. Halata sa mga itsura nila ang gulat at pagkamangha habang pinagmamasdan ako. "Iha, napakaganda mong bata. Para kang prinsesa," puri ni Manang Lourdes no'ng nakababa na ako. "Oo nga, ma'am. Lalo po kayong gumanda. Grabe!" namamanghang sabi naman ni Ate Divine na anak ni Manang Lourdes. Tumawa ako saka nagpasalamat sa kanila. Saglit pa kaming nagkuwentuhan hanggang sa nagpaalam na ako sa kanila. - "Ma'am, dito na po kayo bababa?" tanong ni Manong Nestor sa'kin. "Opo. Maraming salamat po. Tawagan ko na lang po kayo kapag uuwi na ako," sagot ko sa kaniya. Bumaba ito saka binuksan ang pintuan kung nasaan ako upang ako'y makababa na. Nang tuluyan na akong nakababa ay sakto namang pagdaan ni Patrick. "Pat!" tawag ko. Lumingon naman si Pat saka lumapit sa'kin. Kagaya ng reaksyon nila kanina sa bahay ay ganoon din ang nakikita kong reaksyon ni Patrick. "You know me, miss? Kung gusto mo akong maging ka-date sorry ah, kasi may ka-date na ako, e," sabi niya. Bigla ko siyang binatukan. "Aray ko naman, miss! Teka," tinitigan niya ako ng mabuti. I rolled my eyes at him. "Emie? Is that you?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Oo. Kaya halikana't nangangalay na ako! Kung anu-ano pang pinagsasabi mo, e!" inis kong sabi sa kaniya. Kita kong napatulala siya sa'kin na para bang hindi siya makapaniwala na ako 'yon. "You're so gorgeous. Damn it, Em. Nakakatulala ang ganda mo ngayon. Hindi na nakakapagtataka na ikaw ang magiging star of the night ngayong gabi," he said while smiling. I rolled my eyes in annoyance. "I don't care. Tara na't pumasok." He offered his arms to me saka ko ikinalbit ang kamay ko sa braso niya and we both walk papunta sa lugar ng event. Naiilang ako sa tuwing nakukuha ko ang atensyon ng ibang tao. Habang si Pat naman ay nakangiting naglalakad lang na para bang sanay na siyang makuha ang atensyon ng iba. May ibang tumitili 'pag nakikita siya ngunit mas nanaig ang atensyon nila sa'kin. May ibang nagbubulungan at may ibang ningingitian ako. "Ang suwerte ko talaga dahil sobrang ganda ng ka-date ko," rinig kong sabi ni Pat. "Saan ba tayo pupunta? Gusto ko nang umupo," reklamo ko. "Basta," tipid niyang sagot. Binalewala ko na siya at tinignan na lang ang paligid. Namangha rin ako sa disenyong ginawa nila para sa event na 'to. Tanging naririnig mo ay mga love songs. Red and white naman ang theme nila ngayon. Ang dami ring magaganda't gwapo na andito. Halatang pinaghandaan nila ang event na 'to. Ramdam kong napatigil si Pat sa paglalakad ngunit binalewala ko lang ito. "Bro, gusto ko lang ipakilala sa inyo ang napakagandang babae para sa gabing ito. My date, Emie Fedelin." Tiningnan ko kung sino ang kinausap ni Patrick at laking gulat ko nang makitang sina Renzo pala ang kasama niya. "Oh, s**t! She's so stunning!" "Bro, ang suwerte mo! Hindi mo man lang sinabi na siya pala ka-date mo. Anyway Miss Emie, Jam's right. You look so pretty." "I admit that you're right, Pat. But my girlfriend is still prettier." Then they all laughed. Ngitian ko lang sila. Lahat sila'y napatingin kay Renzo na kasalukuyang nakatulala habang nakatingin sa'kin. Bigla silang ngumisi. "Bro, wala ka bang masasabi? She's pretty, right?" sabi ng isang kasama nito. Para itong bumalik sa wisyo at agad na nag-iwas ng tingin. "Hindi naman siya maganda. Hindi bagay sa kaniya ang suot niya," sagot nito habang nakatingin sa ibang direksyon. "Indenial. Napatulala naman kanina," natatawang bulong ng isang kasama niya. Bigla akong natawa dahilan para tingnan ako ng masama ni Renzo. "Anong nakakatawa?" masungit niyang tanong. "Wala naman. Sabi ko naman kasi sa'yong takpan mo mata mo kapag makita mo ako, e. Ayan tuloy, totoong napatulala ka," nakangising sabi ko na ikinatawa ng mga kasama niya. Lalong sumama ang tingin niya sa'kin at pagkatapos ay umalis ito ng walang paalam. Nagsimula na ang Valentines Ball. May nagkantahan, sayawan at iba't iba pang pakulo ng mga Student Council na siyang nag-organize ng event na 'to. Na-enjoy ko naman, kasi halatang pinaghandaan talaga nila ito. Kung nagtataka kayo kung bakit walang bumabati sa'kin, e, 'yon ay dahil sa walang nakakaalam ng birthday ko. Only Ash knows my birthday and until now ay hindi ko pa siya nakikita rito sa event. Maybe she's with her boyfriend. Bigla akong kinausap ni Pat para magpaalam. "Em, dumito ka muna, ah? Tinatawag kasi ako sa backstage. I'll be right back," paalam niya. Tumango lang ako sa kaniya dahil nga sa concentrate akong nakikinig sa Emcee. "Bro, pakibantayan na lang si Em. Baka kasi agawin ng iba. Sa'kin lang siya," natatawang sabi ni Pat saka sila'y nagtawanan well, except for Renzo. Speaking of Renzo, hindi niya ako kinibo simula pa kanina. He's silent. Nakakapanibago pero mas mabuti na rin 'yon. Minsa'y napapansin ko siyang napapatingin sa'kin but every time na nahuhuli ko siya ay umiiwas siya ng tingin. "Sige, bro. Good luck!" sagot naman nung isa. Umalis na si Pat and it's so awkward knowing na kasama ko ang alagad ng mga demonyo. Well, hindi pala mga, kundi isang demonyo. I realized kasi that Renzo's friend are so funny. Earlier, nag-sorry sa'kin 'yong lalaking nagtapon ng tubig sa'kin. His name is Drew. Syempre sino ba naman ako para hindi tanggapin 'yon. He looks sincere naman. Ilang sandali pa'y nagulat ako nang maramdaman kong may umupo sa kung saan nakaupo si Pat kanina. Nagulat ako nang makita ko si Renzo na nasa tabi ko na. Pagtingin ko sa kanya'y nakatutok naman siya sa nagsasalita. Hindi ko na lang siya pinansin saka nilingon ang mga kaibigan niya. Sumenyas ako na para bang nagtataka sa aksyon ni Renzo but they just shrugged and chuckled. Kita ko pa ang gesture ng bibig ni Luke na sinabing 'hayaan mo siya.' So I just rolled my eyes at them. But saktong pagtingin ko sa harap ay ang biglang pagsalita ni Renzo. "Ba't lingon ka ng lingon?" tanong niya. Nagsalubong ang kilay ko. "May patakaran ba rito na bawal lumingon? Kaysa naman sa'yo na nakiupo pa sa upuan ng iba. Sabihin mo lang kung gusto mo akong makatabi dahil ako mismo tatabi sa'yo," nakangising sabi ko. I'm having fun teasing with this guy dahil ang hilig niyang mambasag ng trip at mambuwiset, but if you tease him ay pikon naman siya. That's his weakness. Poor, Renzo. "Hindi ko marinig ang sinasabi ng nagsasalita kaya lumipat ako rito," dipensa niya. "Bro, rinig na rinig nga namin dito, e! Hahahaha!" singit ng kasama niya na saglit kong ikinatawa. "Shut up! Hindi kayo ang kausap ko!" inis niyang sabi sa mga kaibigan niya. "Pfft. Hindi raw rinig, e," bulong ko pa. "At ikaw, may atraso ka pa sa'kin," seryosong sabi niya na ipinagtaka ko. "Ano naman 'yon?" "Kaya pala ang lakas ng loob mong humindi sa'kin, e, dahil ang kaibigan ko ang target mo?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Ano naman ngayon? Sino ka ba para magdesisyon sa buhay ko? Masakit ba sa ego mo na hindi ikaw pinili ko?" Umiling ako. "Ang cute mo namang magselos, Mr. Delos Reyes," nakangising sabi ko sa kaniya na ikinagulat niya. "Anong nagseselos?! Hindi ako nagseselos! Huwag kang feeling!" dipensa niya. "Your words are convincing. But your actions are so confusing," I winked at him. Bago pa man siya makapagsalita ay rinig naming naghiyawan ang crowd dahilan para hindi na naituloy pa ang kung ano mang sasabihin ni Renzo. Parehas kaming napatingin sa entablado. "Let's welcome, Mr. Patrick Lee for a special surprise!" sabi ng Emcee sa mic. Naghiyawan ang lahat ng estudyante't nagtilian. Agad na nilingon ni Renzo ang kaibigan niya't tinanong kung may alam ba sila sa nangyayari ngunit pati sila'y walang kaalam-alam. Kasalukuyang nasa entablado si Pat habang may hawak itong bouquet ng rosas dahilan para lalong magtilian ang mga babae. "This is for a girl who celebrates her birthday today and is so special to me," he said saka sumulyap sa direksyon ko dahilan para magulat ako. "What the f**k?!" rinig kong mura ni Renzo. An instrumental song started to play. Everyone's staring at Pat like they're waiting for Pat to sing. Then suddenly, he already started singing. 'Oh, her eyes, her eyes make the stars look like they're not shinin' Her hair, her hair falls perfectly without her trying She's so beautiful and I tell her everyday Yeah, I know, I know when I compliment her she won't believe me And it's so, it's so sad to think that she don't see what I see But every time she asks me "Do I look okay?" I say When I see your face There's not a thing that I would change 'cause you're amazing Just the way you are And when you smile The whole world stops and stares for a while 'Cause girl you're amazing Just the way you are... Yeah Her lips, her lips, I could kiss them all day if she'd let me Her laugh, her laugh she hates but I think it's so sexy She's so beautiful, and I tell her everyday Oh you know, you know, you know I'd never ask you to change If perfect's what you're searching for then just stay the same So don't even bother asking if you look okay, you know I'll say' Bumaba ito ng stage saka naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Nakatitig lang ito sa mata ko while he's smiling. 'When I see your face There's not a thing that I would change 'Cause you're amazing Just the way you are And when you smile The whole world stops and stares for a while 'Cause, girl, you're amazing Just the way you are The way you are The way you are Girl, you're amazing Just the way you are' Inabot niya pa ang bulaklak sa'kin. Kinuha ko ito and still staring at him. 'When I see your face There's not a thing that I would change 'Cause you're amazing Just the way you are And when you smile The whole world stops and stares for a while 'Cause, girl, you're amazing Just the way you are' Pagkatapos ay naghiyawan na ulit ang mga estudyante, while me? I can't even react. I'm speechless. How did he know that today is my birthday? "Siguro ay nagtataka ka kung pa'no ko nalaman na special itong araw na 'to para sa'yo. Well, Ash told me about it. Nadulas kasi siya, e." He chuckled. "I hope that I made you happy. I know you don't like romantic moves but this is the only thing I know to surprise you. Maybe Jam's not here but at least I was able to make you happy. You're so beautiful tonight," he saidd while smiling. "Happy birthday, Emie. Thank you for choosing me to be your date for this special night. I am very honored." Then he kneel in front of me and held my hand then kissed it. I am so damn speechless. "Thank you. I didn't expect this," tanging naisagot ko. "You're welcome." Pagkatapos ay agad nagsitugtugan ang disco musics. Everyone went wild at pumunta na sa dance floor. "Happy birthday, Emie!" "Saan tayo mamaya? Manlibre ka naman!" "Happy birthday best enemy ng aming lider!" lahat sila'y nagtawanan. Kagaya kanina'y napatingin muli sila sa direksyon ni Renzo. "What now? You're expecting me to greet her? No way." Tumayo ito saka iniwan kami sa mesa. Ngunit bago pa man siya makaalis ay may pahabol itong sinabi. "Ang kokorni ninyo. Ang sakit ninyong dalawa sa mata! Buwiset!" They laughed at Renzo's reaction and Drew suddenly uttered, "Oops! Someone's jealous!" "Can we dance?" Pat offered his hand to me so I accepted it. "Nililigawan mo ba si Emie, bro?" tanong ni Drew nang tumayo ako. "No/Yes!" sabay pa kaming sumagot ni Pat. Natawa si Pat habang sina Drew naman ay salubong ang mga kilay na nakatingin sa'min. They also caught Renzo's attention dahilan para mapatingin din siya sa'min. "I'm courting her. But she's not aware of it. Pero mukhang alam niya na 'yon ngayon. Baka kasi maunahan pa ako ng IBA." If I'm not mistaken ay diniinan niya ang pagkasabi ng iba dahilan para magtawanan ang mga kaibigan niya. Hindi ako tanga, pero pakiramdam ko'y  parang may pinaparinggan si Pat? "Okay. I'll just bring her to the dance floor. I'll seize the moment," paalam nito saka dinala na ako sa dancefloor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD