Emie's P.O.V:
Mag-isa na akong naglalakad ngayon sa hallway. Kaninang madaling araw ang flight ni Jam. Nakakalungkot lang na hindi ako sanay na wala siya. Ang tahimik kanina paggising ko. Usually kasi si Jam ang kumakatok sa pintuan ko para gisingin ako, pero kanina si Yaya Lourdes ang kumatok. Nakakapanibago. Marami siyang ibinilin sa'kin no'ng umalis siya. Hindi na siya nagpasama pa sa airport dahil nga'y kailangan ko pang matulog. Ipinangako niya rin sa'kin na pupunta siya rito sa birthday ko. We then hugged each other and bid our goodbyes.
"Why are you so sad?"
Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko. Kasalukuyang nakatingin sa'kin si Pat, while smiling. Hindi ko siya pinansin at tumingin na lang ako sa daanan.
"Ba't ayaw mo akong kausapin?" tanong nito ulit ngunit hindi ko pa rin siya pinapansin.
Sa loob-loob ko'y gusto ko mag-thank you sa kaniya sa ginawa niya kahapon pero naiisip kong kasalanan din nila 'yon, so why would I? But deep inside me knows, na kailangan ko pa ring mag-thank you.
Nagulat ako nang bigla niya akong hinarang sa daan. Gawain 'to ni Jam, ah, gaya-gaya ba siya?
"Look, wala akong ibang intensyon. Hindi na nga sana kita lalapitan, but seeing you alone and sad awhile ago makes me feel na kailangan mo ng kasama," he said.
Tinignan ko siya ng maigi and I can see sincerity in his eyes. Maybe he's really an exceptional.
"Thank you for letting me realize na hindi namin dapat kinukunsinti si Renzo. I'm trying to fix things already," he explained.
Tinaasan ko lang siya ng kilay dahilan para matawa siya.
"What's funny?" pagtataray ko.
"Nothing. You're cute when you that thing," he said smiling. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
"What thing?" I asked.
"Like this oh." He made a facial expression dahilan para matawa ako. "'Yong tinataas mo isang kilay mo and make a face like this," he said then he did it again.
He's funny, huh. "Para kang sira," I said habang natatawa.
"I can act crazy just to make you laugh. Sinabi ko naman sa'yo, 'di ba? Always wear your smile. You look the most beautiful angel every time you smile," he said.
Bigla akong may naalala. That line is very familiar.
"I think familiar na ang line na 'yan sa'kin. Hindi ko lang maalala kung saan ko ito narinig," I uttered. Agad siyang natigilan sa paglalakad dahilan para sulyapan ko siya. "Why?" I asked.
"Uhh, nothing. May nakita lang ako," he said. Tumango na lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon.
Hinayaan ko na lang si Patrick na samahan ako tutal ay wala naman din akong kasama and he's fun to be with. Pero andoon pa rin 'yong feeling na hindi ako satisfied dahil nga sa hindi ko kasama si Jam. Since parehas kaming alas diyes pa ang pasok ay napagdesisyonan naming tumambay muna sa ibabaw ng malaking puno na malapit sa field ng school. Sinabi niyang tambayan niya 'yon minsan tuwing nag-aaral siya o di kaya'y kapag gusto niyang mapag-isa. Kasalukuyan siyang nakahiga habang nakasandal ito sa puno habang ako nama'y nakaupo lang sa damuhan habang pinagmamasdan ang field. Hinubad niya pa ang polo niya saka ibinigay iyon sa'kin.
"Anong gagawin ko rito?" tanong ko.
"Ilagay mo sa lap mo. Baka masilipan ka," he said. I nodded saka ginawa nga ang sinabi niya.
Ilang sandali pa'y nagsalita siya.
"Bakit napakasungit mo? Ganyan ka na ba talaga?" he suddenly asked. "Why are you asking things about me? Hindi porke't hinayaan kitang samahan ako ay okay na tayo," seryosong sabi ko.
"Ano ba 'yan. Akala ko pa naman friends na tayo." Tiningnan ko siya at nakita kong ngumuso pa ito.
"Hindi ako nagkukwento ng buhay ko sa ibang tao. Lalo na kung hindi ko naman kilala. If you were asking me kung ba't ako masungit, then you ask yourself too kung pa'no niyo 'ko tinrato no'ng una pa lang," deretsong sabi ko. I heard him sighed.
"Ganiyan siya kasi binubully din siya noon," sabi nito na ipinagtaka ko. Sino ba ang tinutukoy niya? But instead of asking him ay hinayaan ko siyang magsalita.
"Elementary kami no'n no'ng lagi siyang binubully. 'Yong ate niya ang laging nagtatanggol sa kaniya non siyempre, because we're still kids that time. Wala pa kaming laban. Ang taba niya kasi talaga noon parang garapon." He tried to put a joke on it. Medyo natawa pa siya saka siya nagpatuloy sa pagkukwento. "Dahil nga sa 'yong ate niya ang laging nagtatanggol sa kanya'y, 'yong ate niya ang pinagdiskitahan ng mga bully." He paused and sighed again.
"Namatay ang ate niya dahil sa hindi na makataong pambubully nito sa kaniya." As he said that ay agad akong napatingin kay Pat. Shock was written all over my face. He smiled at me, but I can still see sadness in his eyes.
"Kaya ba siya nambubully ngayon? Because of revenge?" I asked.
"Sort of. But believe me or not, he has a good heart. Hindi lang siya masyadong expressive," he said.
Tumango-tango lang ako bilang pag sang-ayon.
"Mukhang nagkakasundo na kayo't naisipan niyo pang tumambay dito?"
Agad kaming napatayo ni Pat nang marinig si Renzo na nagsalita sa likod namin.
"Lee, tinatawag ka ni Mrs. Fontanilla. Puntahan mo siya sa office," utos ni Renzo.
"For what, dude?" nagtatakang tanong ni Pat.
"I don't know," sagot naman ni Renzo.
Nilingon ako ni Pat saka nagpaalam. Tinanguan ko lang siya at tuluyan na siyang umalis. Aalis na rin sana ako nang hinawakan ni Renzo ang braso ko.
"Where do you think you're going?" he asked.
"You don't have to know. Sino ka ba para malaman 'yon?" mataray kong sabi sa kaniya saka inalis ang braso kong hawak niya ngunit mas hinigpitan niya lang 'yon.
"Kaya ko pinalayas si Lee para masolo kita then now, aalis ka? Bubwisitin ko pa araw mo, Miss Fedelin," nakangising sabi niya na ikinagulat ko.
"Makita ko lang pagmumukha mo'y nabubwisit na ako sa'yo. See? Effortless mo akong binubuwisit," I answered saka ko inapakan ang paa niya at tinanggal ang braso kong hawak niya and run as fast as I can.
Nang makarating ako sa room namin ay nagulat muli ako nang makita ang isang bouquet ng white roses sa armchair ko. May note na nakalagay sa loob ng bouquet kaya binasa ko ito.
'Hello. Will you be my date for this Valentines Ball? I will be glad if you'll say yes. And if you'll say yes, meet me on the field at 3:00 pm. I'll wait for you there.'
Who's this mysterious guy? Wala akong ideya kung sino siya sa likod ng mga notes na ito. Wala akong balak na um-attend ng Valetines Ball, sa kadahilanang wala naman si Jam para maging escort ko. Balak kong mag-stay na lang sa bahay. February 14 is our Valentines Ball, kasabay non ay birthday ko. Yes, February 14 is my birthday too. Last year ay Christmas Ball ang naisipan nila, ngayon naman ay Valentines Ball. Kahit naman ay andito si Jam, e, hindi pa rin kami pupunta dahil ayon nga sa kanya'y may pupuntahan kami to celebrate my birthday.
Pero kahit na hindi ako pupunta, gusto ko pa ring makilala ang misteryosong lalake na ito.
"Wala ka pa rin bang idea kung sino ang nagpapadala niyan sa'yo?" biglang sabi ni Ash. Nagkibit-balikat lang ako saka umupo na lang. Buti na lang at wala si Jam dahil hindi ko na maitatago pa ang rosas na ito. Hindi ito kasya sa bag ko. Lol.
Kumuha na lang ako ng libro saka nagbasa para na rin tumigil si Ash sa kakatanong sa'kin. Ngunit ilang sandali pa'y nagsalita ulit siya.
"Girl, balita na naman sa department natin na nililigawan ka raw ni Patrick? Ayie!" kinikilig pang sabi ni Ash. Dinedma ko lang siya't nagpatuloy akong magbasa ng libro.
"Anong feeling, girl? Gosh! Alam mo bang bukod kay Renzo, e, marami ring nagkakagusto kay Patrick? Guwapo na, matalino pa, gentleman pa tapos---"
"Hindi ko kailangang malaman ang personality nila. Wala akong pakialam sa buhay nila, lalong-lalo na sa kanila. Okay?" medyo naiinis kong sabi. Tinikom niya nalang ang bibig niya saka hindi na ako dinistorbo.
Ilang sandali pa'y narinig kong nagtitilian na ang mga kaklase ko't pati ang mga babae sa labas. Hindi ko na pinansin 'yon dahil masyado akong tutok sa pagbabasa. Ngunit natigilan ako nang marinig kong nag-uusap ang dalawa kong kaklase. Pinakinggan ko sila.
"My gosh! Ano kayang ginagawa nila Renzo rito?"
"Baka naman naghahanap ng maka-date para sa Valentines Ball natin!"
"Sana nga! Sino kaya ang pipiliin niya?"
"For sure, isa sa napaksuwerteng estudyante sa department natin!"
Napakunot ang noo ko nang marinig silang nag-uusap. Sina Renzo ay pumunta rito? Para saan naman? Biglang nagsitahimikan ang mga kaklase ko. Nagpanggap pa rin akong nagbabasa at pinakarimdaman ang paligid. Biglang may nagsalita sa harapan namin.
"Nandito ba si Emie Fedelin?"
Napamura ako nang marinig kong si Renzo ang nagsalita. Hinahanap niya ako? Bakit?
"She's here!" rinig kong sigaw ni Ash dahilan para mapapikit ako.
"Oh, there you are. Puwede mo bang ibaba ang hawak mong libro at pakinggan ako?" utos niya.
Napairap ako. Sino ba siya para utusan ako? Binaba ko ang librong hawak ko saka tiningnan siya.
"Sino ka ba para pakinggan ko? Kung ano man 'yang sasabihin mo'y wala akong pakialam dahil wala rin naman akong pakialam sa'yo," sagot ko. Rinig ko ang violent reactions ng mga kaklase ko at ang mga estudyante sa labas na nakikinig sa'min. Hinanap ng mata ko si Patrick and I saw him standing beside his evil friend. Nakapamulsa pa ito habang seryosong nakatingin sa'kin. Nang makita niyang tinignan ko siya'y ngumiti siya.
"Well, kailangan mo pa ring making. Dahil alam kong magugustuhan mo rin ang sasabihin ko," nakangising sagot niya.
"At kailan ko pa nagustuhan ang mga salitang lumalabas sa bibig mo?" sagot ko.
"Be my date on this coming Valentines Ball. Kapag pumayag ka, titigilan na kita. At 'yong asungot mong boyfriend," deretsong sabi niya.
Literal akong nagulat sa sinabi niya. Is he serious? Rinig ko ang hiyawan ng mga estudyante sa paligid namin na lalong ikinangisi ni Renzo. Pati ang mga kaibigan niya rin ay naghiyawan except for Patrick na gulat ding napatingin kay Renzo.
"You can't fool me, Mr. Delos Reyes. I don't want you to be my date. At isa pa, hindi ako a-attend ng Valentines Ball," sabi ko ngunit lalo siyang ngumisi.
"Emie, required ang pagsali sa Valentines Ball ngayon. Kung hindi ka sasali'y bagsak ka kay Miss Librero," rinig kong sabi ng President namin.
"What?!" hindi makapaniwalang sabi ko.
Sinamaan ko ng tingin si Renzo na ngayo'y nakangisi pa rin.
"Kahit required pa ang pagsali sa Valentines Ball na 'yan ay hindi pa rin ako papayag na ikaw ang magiging date ko. Jam will be there," confident kong sabi.
"As far as I know wala rito ang boyfriend mong asungot," natatawa pa niyang sabi.
This time ako naman ang ngumisi.
"Nandito man si Jam o wala, hindi pa rin ako papayag na ikaw ang makakapares ko. Mas gugustuhin kong mag-isa ako kysaa makapares ang demonyong katulad mo!"
Kinuha ko na ang bag ko at ang bouquet ng roses na nasa armchair ko at aalis na ngunit agad akong hinawakan ni Renzo sa braso no'ng napadaan ako sa direksyon niya.
"Who gave you that?!" galit niyang sabi.
"'Yong taong makaka-date ko this Valentines Ball," ngitian ko siya saka tinanggal ang braso kong hawak niya.
Emie's P.O.V:
"Ba't ngayon ka lang napatawag?" tanong ko sa kabilang linya.
"Sorry. Sobrang busy lang talaga rito. KUmusta ka na? Pinagtitripan ka pa rin ba ni Renzo?"
Umupo ako sa isa sa mga bleachers dito sa may garden ng school.
"Hindi naman na masyado. 'Wag ka nang mag-alala. Kumusta si Tito? Is he okay now?"
"Hindi pa rin. But alam kong gagaling siya."
"May problema ba?" tanong ko nang mapansin kong napaka-plain niyang makipag-usap sa'kin.
Hindi siya agad nakasagot then I heard him sigh.
"Kasi, Em. Ano.."
"What? Tell me."
"I won't be there on your birthday. Papa needs me so much. I-I promise na babawi a-ako kapag nakabalik na ako diyan sa Manila," nauutal niyang sabi.
This time ay ako naman ang hindi makapagsalita.
"Em? I'm sorry," halata sa tono nito ang pag-aalala.
"No. It's okay. Your papa is still important. May susunod na taon pa naman, 'di ba? We can still stick to our plans next year. Wala lang 'yon." Then I fake a laugh.
"Thank you. Sige I'll hang up now. Tatawagan na lang kita ulit. Take care."
"Okay. Take care."
Then I ended the call.
That's why I hate promises. Promises are really meant to be broken. Ayos lang naman na hindi siya makakauwi, pero sana hindi na siya nag-promise. I'm so disappointed. This is the first time he disappoint me. Pati nga tungkol sa Valentines Ball ay hindi ko na nasabi. Who will be my date then? No, kaya kong mag-isa.
"Hindi ba makakapunta 'yong boyfriend mo?"
Agad akong napalingon nang may narinig akong nagsalita sa likod ko and found out that it was Patrick.
"Paano mo naman nasabi?" walang ganang tanong ko. Umupo siya sa tabi ko.
"Narinig ko lang. You also look disappointed, e." He offered me a bottle of soda. Tinitigan ko lang 'yon.
"Binili ko 'to for you. Kunin mo na."Alok niya sa'kin.
"Hindi ko naman sinabing bumili ka," sagot ko. He laughed.
"You'll need this para naman ma-refresh mind mo. Get it." Wala na akong nagawa kundi kunin na lang ito sa kaniya.
"Thank you," sabi ko nang makuha ang soda. He just smiled as an answer.
"Why are you so kind to me?" I asked just to break the awkward silence between us.
"Bakit? Dapat ba akong maging masungit like what you're doing to me--us?" natatawang tanong niya.
I rolled my eyes. "Whatever."
"Wala ka bang balak na maghanap ng magiging ka-date mo for the ball?" tanong niya.
"Wala. Kaya ko namang mag-isa," sagot ko.
"Alam mo bang mas masaya pa rin kung may kapares ka? Ang awkward kaya kapag wala," sabi nito.
"Ewan ko," tipid kong sagot.
"Here." Nagulat ako nang makita kong hawak-hawak na ni Pat ang bouquet na natanggap ko kanina.
"Hey! Give it back to me!" reklamo ko.
"You said awhile ago that you will choose this man who gave this to you to be your date. So why don't you choose him?" pagkatapos niyang itanong 'yon ay ibinigay niya sa'kin ang bulaklak.
"Because I don't even know him," deretsong sagot ko.
"So, he is a mysterious guy then. Wala ba siyang sinabi tungkol sa kaniya?" tanong niya.
Salubong ang kilay kong napatingin sa kaniya.
"Ba't andami mong tanong?" medyo naiinis kong tanong sa kaniya.
"I just want you to be happy. You deserve to be happy on that day. Kung puwede nga lang na ako ang magiging kapares mo ay ayos lang. Kaso, may ka-date na ako, e. Sayang naman," sagot niya. He gestured like he's thinking about something.
"He noted there na kapag pumayag ako'y makikipagkita ako sa kaniya sa field around 3 P.M," I uttered.
"''Yon naman pala! Then go and meet him. I think he's a nice guy naman. Choose between Renzo and that guy. For sure naman na hindi mo pipiliin kaibigan ko, 'di ba?" natatawang tanong niya.
"Why would I?" masungit kong sagot sa kaniya dahilan para lalo siyang matawa.
"Then isipin mo, kapag wala kang ka-date, e, hindi ka titigilan ni Renzo during the Valentines Ball. Be stick with your words awhile ago, so that you can prove to him na totoo nga ang sinabi mo kanina. I'll tell you, masakit 'yon sa ego niya. You still have 30 minutes to think. I'll have to go because I still have important things to do. Bye." He waved at me saka tuluyan na siyang umalis.
Bigla akong napaisip sa sinabi ni Pat. Yeah, he's right. Kung kanina pa lang na pagsabi kong may napili na ako, e, nagalit siya, what if pa kaya kung sa mismong ball ay maipamukha ko sa kaniya na ni-reject ko ang offer niya? Bigla akong napangisi sa naisip ko. Naghintay pa ako ng 30 minutes then decided myself na pumunta sa field. This is my last option. Besides, gusto ko ring makilala kung sino nga ang tao sa likod ng mga notes na 'yon at sa mga pinapadala niya.
Pagkarating ko sa field ay may nakita akong isang lalakeng nakaupo sa damuhan kung saan kami tumambay ni Pat kanina. He's comfortably sitting there habang pinagmamasdan ang field. How can I make sure na siya na nga ang lalakeng 'yon? Habang papalapit ako ng papalapit ay nakita ko ang isang piraso ng white rose sa tabi niya na kasing tulad ng rose na nasa bouquet ko. Huminga pa ako ng malalim and fake a cough.
Kita kong natigilan ang lalaki sa kinauupuan nito. "Are you the mysterious guy who puts material things on my desk?" I nervously asked.
"Yes. You're right," sagot nito. "Glad that you came."
He turn around to face me and my jaw literally dropped when I saw who he is.
"Nagkita tayong muli." A smile formed on his lips while he's staring at me.
"Patrick?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
"The one and only," he said smiling.
"Pinagtitripan mo ba ako?" medyo inis kong tanong sa kaniya. Lumapit siya sa kinatatayuan ko and gave me the rose he was holding.
"No. Ako naman talaga 'yon, e. Naghahanap lang ako ng tiempo para magpakilala," he answered.
"How can I make sure that it was you?"
"Do I need to prove it? At first, I left a mini box on your armchair. Next, I left a chocolates with a piece of red rose on your armchair. Earlier, I left a—"
"Okay, stop it. Naniniwala na ako," putol ko sa kaniya. He chuckled.
"So is that a yes? Can you be my date on the Valentines Ball?" I sighed and rolled my eyes.
"Sa tingin mo, ano ang purpose ko kung ba't ako nandito?" sagot ko sa kaniya na ikinatawa niya.
"Kahit kailan talaga napakasungit mo. I'm just trying to be romantic," nang-aasar na sabi niya.
"That's not part of my vocabulary," I answered. "Well, I think I have to go. Bye. See you around."
"Ihahatid na kita." He offered. Umiling lang ako sa kaniya.
"Hindi na kailangan. I can manage," sagot ko saka umalis na't hindi ko na siya hinintay na sumagot.
Habang naglalakad ako sa hallway ay rinig ko ang pagbubulungan ng mga estudyante sa paligid ko. Rinig kong pinag-uusapan nila ang tungkol sa ginawa ni Renzo kanina. Hindi ko na sila pinapansin pa't nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang biglang 'di kalayuan ay kita ko si Renzo na papunta sa direksyon ko. Nakapagtataka lang na wala ang mga kasama niya. I diverted my gaze at nagkunwaring hindi ko siya nakita. Ngunit nang magtagpo ang landas namin ay pinigilan niya ako.
Masama ko siyang tiningnan.
"Ano bang problema mo?!" sighal ko sa kaniya.
"Why did you reject me? Alam mo bang napahiya ako sa ginawa mo?!" galit niya ring sabi sa'kin. Natawa ako sa tanong niya na lalong ikinasalubong ng kilay niya.
"Sino ba naman nagsabi sa'yo na gawin mo 'yon? Tapos ngayon, e, sa akin mo isisi kung ba't ka napahiya?" natatawang sabi ko. "Unbelieveable!" tuloy ko pa.
"Wala pang kahit na sino ang nag-reject sa'kin bukod sa'yo! You will pay for what you did!" sigaw niya sa pagmumukha ko.
Ngumiti ako sa kaniya na saglit niyang ikinagulat.
"Hindi kasi ako kagaya ng ibang babae na baliw na baliw sa'yo. Hindi ko kailangang pagbayaran 'yong ginawa ko kanina. Because you deserve it!"
Aalis na sana ako nang bigla niya akong hinapit sa baywang and pulled me closer to him. Nabigla ako sa ginawa niya kasabay non ang gulat ko nang mapansin kong magkalapit na ang mukha namin. Gladly that I was able to put the flowers on my back while I am holding it using my left hand. Akala ko'y hahalikan niya ako ngunit dumapo sa tenga ko ang bibig niya saka bumulong, "You'll say yes or I'll kiss you?" bulong nito sa tainga ko. I stunned. Kinakabahan ako sa ginawa niya. I've never been this close to someone lalo na sa lalaki.
"Hindi mo ako madadala sa mga ganyanan mo Renzo," sabi ko. Ayokong ipakita sa kaniya that I am affected with what he's doing. For pete's sake babae pa rin ako!
"Really? O baka naman gusto mong halikan kita? Just tell me. Don't be shy baby." I shivered after hearing those words. Nangingilabot ako sa ginagawa niya. Gusto ko siyang itulak ngunit parang hindi gumagalaw ang katawan ko. My mind says I need to push him, but my body can't even cooperate with me! Damn it!
Nang hindi ako makasagot ay mas lalo niyang pinalapit ang sarili niya sa'kin. Damn it! Napangisi ako nang biglang may pumasok na ideya sa isip ko.
"I don't want you to kiss me." I paused. "Dahil gusto ko, ako ang hahalik sa'yo," nakangiting sabi ko. Ramdam kong natigilan siya.
"Do you want me to kiss you, baby?" malambing kong sabi sa kaniya but at the back of my mind ay nasusuka ako sa mga pinagsasabi ko.
Ramdam kong gumalaw siya saka humarap sa'kin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. I can already feel his breath. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Hinawakan ko ang pisngi niya and trace my thumb on his lips.
"I'll let you choose. You kiss me or I'll kiss you?" Hindi ko alam kung sa'n ko nakuha ang medyo malanding tono habang sinasabi ko 'yon.
"Just kiss me," wala sa wisyo niyang sabi na ikinagulat ko, but at the same time ay napangisi ako.
"Okay then. Wish granted. Close your eyes first ." I saw him closed his eyes at do'n na ako naghanap ng pagkakataon para sampalin siya at sipain ang bayag niya.
Rinig kong nagtawanan ang mga estudyanteng nakatingin saamin.
"f**k you, Emie Fedelin!" sigaw niya habang napapaluhod siya sa sakit kung sa'n ko siya sinipa.
"Oh, violent! f**k you too, baby!" natatawang sabi ko sa kaniya saka nagpatuloy na sa paglalakad while he's screaming my name because of the pain he felt.
Pagkarating ko sa bahay ay siyang pag-ring naman ng cellphone ko. Nilapag ko muna ang bitbit kong bouquet sa sofa saka kinuha ang cellphone ko.
"Good evening," bungad ko sa kabilang linya.
"Good evening too. Is this Emie Fedelin?"
"Yes. What do you need?"
"This is from Angel's Boutique. Ma'am tumawag po kasi si Sir Jamir sa amin and he told us about a gown na i-rent niya po para sa inyo. I just want to inform you ma'am, that your gown is now ready for pick-up. You can visit here anytime you want. You can still choose or fit another gown."
"Ah, okay. Thanks. I'll be there after an hour."
"Okay, ma'am. We're looking forward to see you here."
Then the call ended.
How did Jam know about the Valentines Ball? Paano niya rin nalaman that gown ang dapat naming susuotin? Agad kong hinanap ang pangalan ni Jam sa contacts ko at nung makita ko 'yon ay agad kong pinindot ang call button. Ilang ring pa ang lumipas bago siya sumagot sa tawag ko.
"Yes, Em? Why did you call? May nangyari ba?"
I sighed.
"Why didn't you tell me na nag-order ka ng gown for me? Para saan?" painosenteng tanong ko. I heard him laughed.
"For your Valentines Ball. Alam kong nagtatampo ka kasi hindi ko natupad ang promise ko sa'yo. That's why, ako na ang naghanap ng masusuot mo for that event since it is your birthday too. It's your special day."
In one snap ay nawala na ang sama ng loob ko kay Jam. He is really the best guy!
"Thank you for that. But hindi ko pa nabanggit sa'yo about the event. I failed to mention it earlier."
"Em, alam mo naman na President ako ng room namin, right? So they informed me about that. Anyway, I really have to go. I'll just call you anytime, okay? Please take care of yourself. Bye."
Hindi pa man ako nakasagot ay pinatay niya na ang tawag.
Dali-dali akong pumunta ng kwarto para magbihis. I wear a denim short and match it with a croptop. Nag-sandals lang ako saka bumaba na ng kwarto.
"Manang, balik lang po ako agad, ah. May importante lang akong pupuntahan," paalam ko nang makita ko si Manang na nasa sala.
"Eh, pa'no 'yan? Wala si Nestor para ipag-drive ka," sagot nito.
"Ako na lang po magda-drive. Gagamitin ko na lang po 'yong motor ni Jam."
"Siguro ka ba? Sige. Mag-iingat ka," sagot niya. Ngumiti lang ako saka umalis na ng bahay. Binuksan ko pa ang gate saka sumakay sa motor and I left home. Hindi na bago sa'kin ang mag-drive ng mag-isa. When I was 16 years old, tinuruan ako ni Jam na mag-drive ng motor at kotse. Around 30 minutes lang naman ang aabutin ko sa daan. Medyo malapit lang din naman ang mall sa bahay namin. Kung hindi niyo pa natatanong ay ang Angel's Boutique ay pinagmamay-ari ng pinsan ni Jam. Kaya kilalang-kilala na kami do'n.
After 30 minutes, narating ko na nga ang nasabing mall. Pinark ko pa ang motor ko and after awhile, I already found myself walking inside the mall.
Nang pumasok ako sa Boutique ay agad akong sinalubong ng pinsan ni Jam. I didn't expect that she's here.
"Oh my g, Ems! Lalo kang gumanda!" puri niya nang makita ako.
"Hindi naman, but thank you. Ikaw din, you look gorgeous as ever!" Then we both laughed.
Iginaya niya ako papasok and I was literally amazed upon seeing her designs of gowns.
"Wow! Your gowns looks very stunning," na-amaze na sabi ko habang tinitingnan ang mga gown niyang nasa mannequin.
"Thank you. Hmm, gusto mo na bang i-fit ang gown na in-order ni Jammy for you?" nakangiting tanong niya sa'kin. I just nod at her bilang tugon because I am still busy staring at her gowns.
"Les, ready na ba 'yong gown ni Emie?" rinig kong tanong niya sa mga trabahador niya.
"Yes ma'am, bale nasa fitting room na po," rinig ko namang sagot nito.
Sinamahan ako ni Thea papuntang fitting room kung nasaan ang gown ko saka sabay kaming pumasok sa loob. Nang makita ko ang gown ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda nito.
"Maganda ba? Si Jammy pumili niyan. Yieeee," asar niya pa sa'kin. Napatawa nalang ako.
"He never fails to amaze me," nakangiting sagot ko.
Napagdesisyonan na naming isuot ko ang gown. It took us couple of minutes para isukat ito. Nang tuluyan ko ng masukat ito ay kita ko ang mangha sa reaksyon ni Thea nang tiningnan niya ako from head to foot.
"You nailed it, Ems! Perfect!" puri niya sa'kin saka niya binuksan ang kurtina kung saan kami pumasok kanina.
"Come and see your reflection," she said.
Gaya ng sabi niya'y lumabas ako ng fitting room and saw my reflection on the mirror. Miski ako ay napatigil nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin.
"Ma'am, sobrang ganda ninyo po!" rinig kong sigaw ng isa sa mga kasamahan ni Thea and everyone agreed.
"Emie?" I heard a familiar voice called my name. Agad akong lumingon sa pinangagalingan ng boses and found out that it was Patrick.
"Hey, what are you doing here?" gulat kong tanong sa kaniya.
"Ahh, sinamahan lang namin si Renzo. Actually he's right—"
"Bro, okay na ba 'to?"
"There."
Lumingon akong muli sa pinangagalingan ng boses and there I saw Renzo with his formal suit. Napatingin din siya sa kinatatayuan ko and I saw how his reaction changed. Tiningnan niya ako from head to foot with his priceless reaction. Matagal siyang nakatitig sa akin dahilan para alugin siya ng kasama niya.
"Hey, bro. Baka matunaw na 'yong greatest love of your life mo," nang-aasar na sabi ng mga kasamahan niya.
"Stop staring at me, boy. Baka ma-inlove ka sa'kin," dagdag ko pa sa pang-aasar sa kaniya.
Para siyang natauhan and suddenly his face turns mad.
"Wala akong sinabing maganda ka!" sigaw niya na ikinatawa naming lahat.
"Bro, wala kaming sinabi sa'yo kung maganda ba siya o hindi. Napaghahalataan ka bro," natatawang bulong sa kaniya ng kaibigan niya dahilan para magulat siya at sinamaan ako ng tingin.
"Hindi pa tayo tapos! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa'kin kanina!" galit niyang sabi sa'kin.
"Ang alin do'n? Yung pagsipa ko ba, o 'yong hindi kita nahalikan?" tanong ko sa kanya na ikinabigla niya.
"Pa'no ko ba pagbabayaran? Gusto mo, kiss na lang kita para 'di ka na galit?" nakangising tanong ko sa kaniya na ikinamula ng mukha niya lalo.
"Damn it!" frustrated niyang sabi dahilan para pagtawanan ko siya.
"You're falling with your own games, Mr. Delos Reyes," nakangising sabi ko sa kaniya. I winked at him then I saw his face turned red.