Emie's P.OV:
Nakatulala lang ako sa kaniya dahil hindi pa rin ma-sink-in sa'kin ang mga pinagsasabi niya kanina.
"What's with the look?" natatawang tanong niya.
"Just wondering, pinagtitripan ninyo ba ako? I know that everything you said kanina ay biro lang. Pat—"
"Forget about it. Huwag mo nang isipin 'yon. You will know it sooner." He winked saka hinawakan ang baywang ko. He pulled me closer to him. Ako nama'y inilagay ang kamay ko sa balikat niya. The song is romantic kaya ganito ang posisyon namin.
"Alam mo ang cute mo kapag bothered ka," biglang sabi nito dahilan para mabatukan ko siya.
"Tigilan mo ako sa mga banat mong 'yan. Baka mabugbog kita sa harapan ng maraming tao," seryosong sabi ko rito ngunit tumawa lang ito.
"Kakaiba ka talaga. Magpakababae ka naman paminsan-minsan." He chuckled.
Instead of answering, I just rolled my eyes at him.
"May I ask?" tanong niya.
"You're already asking," sagot ko. He pouted.
"Are you in love right now? Or have you ever loved a person before?" tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mata ko like he's looking for an answer.
"I am not in love. Yes, but that's already part of my past. Why'd you ask?" tanong ko sa kaniya.
He shrugged and answered, "I'm just curious. Pa'no ka kaya magmahal?"
"Better not to ask," I said.
"Do you like someone right now?" tanong niya ulit. Ngunit bago pa man ako makasagot ay biglang may sumulpot sa kinatatayuan namin.
"It's time for me to have a dance with her," Renzo said in a serious tone.
"Kailan ka pa nagkainteres na isayaw siya?" natatawang tanong nito sa kaibigan. Ako nama'y nakikinig lang sa kanila. Bago pa man makasagot si Renzo ay agad niya na akong hinatak palayo kay Pat.
"Hey! Saan mo ako dadalhin?!" inis kong tanong sa kaniya pagkatapos ay tumigil na siya.
"Kung saan malayo sa mga taong pakialamero," seryosong sagot niya na ikinainis ko.
"Ano bang problema mo, ha?! Ikaw nga itong pakialamero, e! Maayos kaming nag-uusap ni Patrick tapos bigla-bigla kang susulpot at kakaladkarin mo pa ako papunta rito?!" singhal ko sa kaniya.
"Gusto mo talagang kasama lagi si Patrick kaysa sa'kin? Do you like him?" matigas niyang tanong sa'kin na ikinabigla ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Yes, mas gusto ko siyang kasama kaysa sa'yo na walang ibang ginawa kundi sirain ang araw ko! Kung sasabihin kong gusto ko siya, may magagawa ka ba? Pipigilan mo ba ako katulad ng lagi mong ginagawa?" sarkastikong tanong ko ngunit nanatili siyang seryoso.
"Oo. Paano kung sasabihin kong huwag kang magkagusto kay Patrick? Paano kung sasabihin ko sayo na ayaw kong kasama mo siya? Kung sinisira ko araw mo, paano kung sasabihin ko sayong binubuo mo ang araw ko?" seryosong tanong niya na ikinagulat ko.
"Shut the f**k up, Renzo. Parte ba 'to ng laro mo? Well, hindi mo ako maloloko. Not anymore," seryosong sagot ko sa kaniya.
"I hate you for making me this crazy. I hate you." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis ito at iniwan na lang ako bigla.
Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Bakit parang naguguluhan ako? Bakit parang gusto kong itanong sa kaniya kung ba't ganon siya umasta ngayon? Tangina, bakit?
"Okay ka lang ba? Simula kasi nung bumalik ka, para kang wala sa sarili. Sinaktan ka na naman ba ni Renzo?" tanong ni Patrick. Umiling lang ako't hindi na nagsalita pa.
Everyone's enjoying the night habang ako naman ay balisa. Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Renzo kanina. I hate myself for thinking it over and over again kaso hindi ko talaga maiwasan.
"Em, sayo ba 'yong cellphone na tumutunog?" biglang tanong ni Drew. Agad kong kinuha ang pouch kong nasa lamesa at kinuha ang phone ko. Nakita kong tumatawag si Jam sa'kin. I excused myself to them saka umalis muna sa lugar na 'yon at natagpuan ko na lang ang sarili na nasa garden. Nakakadalawang tawag na si Jam sa'kin, at sa pangalawang tawag ay na sinagot ko na ito.
"Yes, Jam?"
"Ba't ngayon ka lang sumagot?"
"Naghanap kasi ako ng lugar kung sa'n tahimik. Sorry. Nandito pa ako sa Ball."
"Really? It's 7 pm already, Em! I'll call Manong to pick you up."
"No, Jam. Hindi pa kasi tapos. Napaka-unprofessional ko naman kung aalis na lang ako bigla," dipensa ko.
"Dahil ba sa Patrick na 'yon kaya ayaw mo pang umuwi?" tanong niya.
"Hindi. Wala akong pakialam kung andito sila. Jam, birthday ko ngayon. Sana naman hayaan mo akong enjoy-in ang gabing 'to. Hindi na ako bata para sabihin mo pa sa'kin kung anong dapat kong gawin," inis kong sabi sa kaniya.
"Remember who they are, Em. Layuan mo na sila o kung sino man sa kanila."
"Who are you to make a decision for me?" napipikon kong tanong.
"Bakit ayaw mo silang layuan? Parang no'ng andiyan ako ay kahit presensya nila ay ayaw mong makita. Tapos ngayon nasisikmuraan mo ng kasama sila? Ni hindi mo nga sinabi sa'kin na nagkakamabutihan na kayo ng grupong 'yon! Pati ang pagiging kapares mo kay Patrick ay hindi mo rin sinabi sa'kin! So kailan mo balak sabihin 'yon sa'kin? Ha?!" Kahit hindi ko siya nakikita'y alam kong galit na siya sa pagkakataong ito.
"Paano ko sasabihin sa'yo kung sa tuwing tatawag ka'y saglit lang tayo nakakapag-usap dahil agad ka ng nagpapaalam?"
Nang hindi ko siya narinig na sumagot ay nagpatuloy ako.
"Buti nga sila. Napasaya nila ako ngayong gabi. 'Yong mga taong akala ko buwiset sa buhay ko ay sila pa iyong sumurpresa sa'kin nang hindi ko inaasahan. Jam, I deserve to be happy. Sana huwag mong pigilan 'yon. Hindi ka nga tumupad sa usapan, ganiyan ka pa makapagsalita. 'Yong mga taong akala natin ay mga salot sa buhay ko? Sila 'yong nagpasaya sa'kin at mas nagpa-special ng araw na 'to."
"I'm sorry. Ang dami ko lang iniisip, Em."
"Sige." Then I ended the call. Tumawag pa siya ulit ngunit pinatayan ko na lang ito saka in-off ang cellphone ko.
Babalik na sana ako sa loob nang marinig kong may sumuka 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. Agad kong hinanap ang pinanggagalingan ng ingay. Ngunit laking gulat ko nang makitang si Renzo ito. Mag-isa lang 'to habang pagewang-gewang na naglalakad. Tapos titigil ito para sumuka. Agad ko siyang nilapitan at medyo nahilo ako nang maamoy kong amoy alak siya. Napupungay ang mata niya habang pilit na kinikilala kung sino ako.
"Saan ka ba galing? Ba't amoy alak ka?!" tanong ko sa kaniya.
"H-hinanap mo b-ba ako?" lasing na tanong niya.
"Huwag kang assuming! Ba't naman kita hahanapin?!" masungit kong sagot sa kaniya.
"A-ano bang nakita mo sa a-asungot na P-patrick na 'yon at gusto mo s-siya?" makulit niyang tanong. Imbes na sagutin siya'y isinandal ko siya sa isa sa mga kotse rito sa parking area saka sinampal siya.
"Umayos ka nga, Renzo! Babalik na ako sa loob. Bahala ka na nga riyan!" Umalis na ako't iniwan siyang nakasandal sa kotse. Ngunit bago pa man ako tuluyang makaalis ay lumingon muli ako sa kung saan ko siya iniwan. Kita ko kung paano siya pagewang-gewang na naglalakad. Nagtaka ako no'ng naglabas siya ng susi at binuksan ang drivers seat na kung 'di ako nagkakamali ay kotse niya. Agad kong tinanggal ang heels ko saka tumakbong bumalik sa kaniya. Buti na lang at hindi pa ito umandar kaya nagawa kong buksan ang driver seat. Kagaya ng kanina ay sinusuri muli nito ang mukha ko.
"Bumalik k-ka na sa l-loob! Hayaan mo ako!" sigaw niya.
I rolled my eyes at him.
"Umalis ka riyan. Do'n ka sa kabila umupo," utos ko sa kaniya. Ngunit para siyang batang umiling lang sa'kin.
"Aalis ka o sipain kita?!" inis kong tanong sa kaniya.
"Kiss mo muna a-ako," sabi niya habang ngumuso pa. Napa-facepalm ako sa frustration!
"Alis nga riyan! Ako ang magda-drive para sa'yo!" sigaw ko sa kaniya.
Kita kong napangiti siya at pumalakpak pa na parang bata. Shet! Ganito ba 'to pag lasing?
"Sige sige. G-gusto ko 'yon!" Unti-unti siyang umusog hanggang sa tuluyan na siyang nasa passenger seat. Agad na akong pumasok sa kotse niya at pinaandar na ang sasakyan.
"Magseat-belt ka p-para safe ka," sabi nito.
"Huwag kang matutulog! Ituro mo sa'kin bahay mo!" sigaw ko sa kaniya.
"Magiging b-bahay mo r-rin 'yon balang araw," parang batang sabi niya.
Napailing na lang ako sa inaasta ni Renzo, but I can't deny the fact na he's cute when he's drunk. Para kasing bata. Parang hindi demonyo. Buong biyahe namin ay sobrang daldal niya. Hinahayaan ko lang siyang magsalita nang magsalita. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa utak nitong abnormal na 'to at iinom-inom. Ilang saglit pa'y itinuro niya muli ang daanan papunta sa kanila.
"Liko sa kaliwa tapos diretso ka lang,." Turo niya pa. Hindi na ako sumagot pa at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Habang seryoso akong nagmamaneho'y biglang sumagi sa isip ko ang event na iniwanan ko.
"s**t!" mura ko. Kita ko sa peripheral vision ko na napatingin si Renzo sa direksyon ko.
"Why?" tanong nito sa umaantok na boses.
"May number ka ba ni Patrick? I'll just call him. Baka nag-aalala na 'yon dahil hindi ako nakabalik sa loob," sagot ko habang diretso pa rin ang tingin sa kalsada. I heard him said 'tsk.'
"What?!" singhal ko.
"Kanina mo pa kasama si Patrick tapos pati ngayon si Patrick pa rin nasa isip mo? Kailan ba ako sasagi riyan sa isipan mo?" tanong nito habang nakatingin sa bintana. Minsan talaga'y nagtataka ako kung lasing ba 'to o nagpapakalasing. I just rolled my eyes.
"Shut up. You're just drunk," iritang sagot ko sa kaniya.
"What if hindi ako lasing? Are you going to believe me?" he asked.
"Believe you on what?" I asked him back.
"Believe me when I tell you that I like you," seryosong usal nito dahilan para mapapreno ako nang 'di inaasahan. Pati si Renzo'y nabigla sa ginawa kong pag-preno.
"Can you just shut your f*****g mouth and just point to me where the hell is your f*****g house?!" I hissed. Imbes na magulat ay ngumiti pa ito sa inasta ko.
"Damn, sweetheart. I like it when you're mad," nakangiting sabi niya na ikinatigil ng buong sistema ko. Ganito ba talaga 'to pag lasing? Mas nakakabuwiset! Mas gusto ko pa siguro kung matino ito kesa ganito 'to, e!
"Tatahimik ka o 'di na kita ihahatid pa sa inyo?!" inis kong tanong sa kaniya. Umasta pa itong nag-iisip saka nakangiting tumingin sa'kin.
"Hindi mo naman ako kailangang ihatid, e. Nandito naman na tayo sa tapat ng bahay...natin," sagot niya dahilan para mapatingin ako sa labas ng bintana.
"Kung gayon, edi lumabas ka na ng kotse mo. Hihiramin ko muna kotse mo dahil babalik pa ako sa event," seryosong sabi ko dahilan para mawala ang ngiti niya.
"Sige," tipid niyang sagot saka umalis na ng kotse niya habang ako nama'y naiwan sa loob ng mag-isa. Pagewang-gewang itong naglalakad nang makalabas ito sa kotse niya. Hindi ko na siya hinintay pa't pinaandar ko na ulit ang sasakyan. Ngunit hindi pa man ako gaanong nakalayo ay nakita ko sa side mirror na habang naglalakad si Renzo'y bigla itong natumba dahilan para mapatigil ako't agad na umatras kung saan siya banda natumba. Pagkatigil ko'y agad akong bumaba at nang abutan ko siya'y nakahiga na ito sa semento habang nakapikit ang mata. By this time,alam ko ng wala akong magagawa kundi ang tulungan si Renzo. Kahit naman demonyo ito'y sa tingin ko'y 'di nito kakayanin na makaabot pa ng bahay dahil ngayon palang ay knock-out na ito.
"Hoy, bumangon ka na nga riyan!" sigaw ko sa kaniya ngunit ni hindi man lang ito gumalaw at para bang himbing na himbing ang tulog niya.
Lumuhod ako saka tinapik-tapik siya. "Gumising ka na't hindi ko kayang buhatin ka papunta sa loob ng bahay ninyo!"
Naapasabunot ako ng buhok nang ma-realize kong himbing na himbing talaga ito sa pagtulog kaya wala na akong magawa kundi ang ilagay ang kamay ko sa baywang niya't inilagay ko naman ang kamay niya sa balikat ko para alalayan siya sa paglalakad. Nang makarating kami sa gate nila'y nag-door bell ako.
"Tangina naman! Magpagaan ka naman!" reklamo ko sa kaniya.
Ilang saglit pa'y may bumukas na ng gate nila at isang medyo may edad na babae ang bumungad sa'min.
"Jusko, Sir Renzo!" bungad niya nang makita niya ang itsura ni Renzo.
"Ate, tulungan ninyo po muna akong dalhin ang dem- si Renzo sa kwarto niya," sabi ko. Agad naman siyang pumunta sa kinatatayuan ko saka tinulungan akong alalayan si Renzo. Medyo nawala na ang bigat na nararamdaman ko nang tulungan na niya ako.
Nang makarating kami sa loob ng kwarto ni Renzo ay agad namin siyang ipinahiga sa kama. Halatang parehas kami'y napagod sa kakabuhat kay Renzo.
"Nako, ma'am! Pasensya na po kayo't naabala ka pa ni Sir Renzo," sabi nito.
"Sige. Punasan niyo na ang dem- si Renzo saka palitan ninyo na rin 'yong damit niya," sabi ko.
Ngunit umiling lang ito. "Hindi namin puwedeng gawin 'yon ma'am, dahil siguradong mapapagalitan kami ni sir. Ni ayaw niya nga kaming papasukin dito, e," sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
"Ma'am?" tanong niya nang mapansin niyang hindi ako agad na sumagot sa kaniya. Tiningnan ko lang siya't 'di na sumagot.
"Paano po kung kayo na lang gumawa non sa kaniya? Gustuhin ko man po na ako ang gagawa nung sinabi ninyo kaso ayoko pa pong matanggal sa trabaho," medyo nag-aalanganin niyang sabi sa'kin.
Tinitigan ko ng mabuti si Renzo. Sa ngayo'y nakahiga ito sa kaniyang kama. Magulo ang buhok, gusot-gusot ang damit, at sobrang himbing ang tulog. Nakakaawa naman kung iiwan siya sa ganiyang sitwasyon to the point na amoy alak siya. Napailing ako.
"Sige. Bilisan mo," sagot ko. Agad naman siyang nagpaalam na umalis dahil kukuha ito ng mga kakailanganin para sa pagpunas kay Renzo. Lumapit naman ako kay Renzo saka inayos ang posisyon niya sa pagtulog. Tinanggal ko ang coat niya at ang sapatos at medyas niya. Medyo kinakabahan ma'y unti-unti kong tinatanggal ang pagkabotones sa polo niya, but while I am doing it ay 'di ko maiwasang hindi mapatingin sa itsura niyang napakahimbing ang tulog.
"Guwapo ka naman pala. Napakagago mo lang. Tsk." Tatayo na sana ako para maghanap ng damit na susuotin niya'y bigla kong naramdaman na may kamay na pumigil sa kamay ko.
"Please stay here. Just for this night. Don't leave me," he said while his eyes are still close."Huwag ka munang bumalik kay Patrick. Dahil kung nakakamatay lang ang selos ay baka pinaglalamayan niyo na ako ngayon," he continued. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko. What the f**k did he said?
Binalewala ko na lang ang sinabi ni Renzo. Siya nama'y tumahimik na rin. Mas gugustuhin ko na lang siguro na tumahimik siya kaysa sa kung anu-anong kababalaghan ang lumalabas sa bibig niya. Dumating na ang katulong ni Renzo na may dalang maliit na bowl na pinanglalagyan niya ng tubig at bimpo.
"Ma'am, andito na po 'yong kailangan ninyo," bungad nito pagkapasok ng kwarto. Tinanguan ko lang siya saka kinuha ang maliit na bowl sa kamay niya. Nagpaalam na itong umalis saka sinarado ang pinto.
Sinimulan ko na ang pagpunas kay Renzo. Nagsimula ako sa mukha niya. I really can't help myself but to stare at his face. His nose, his eyes, his perfect eyelashes at 'yong makapal niyang kilay. Then I stare at his lips. His lips is a lil' bit parted. His lips na walang ibang lumalabas sa bibig niya kundi kababalaghan. I admit he's handsome. Siguro hindi ko lang 'yon napansin dahil sa tuwing nagkukrus ang landas nami'y nagbubugahan kami ng apoy.
"Stop staring at me. Baka matunaw ako."
Nagulat ako sa biglang pagsalita niya kaya agad akong bumangon. Ngunit bago pa man ako bumangon ay siya namang paghila niya sa'kin dahilan para umibabaw ako sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakangisi habang ako nama'y hindi mawari kung ano'ng magiging reaksyon ko. This is so f*****g awkward.
"Ano bang ginagawa mo?!" singal ko sa kaniya. Aalis na sana ako sa pagkakaibabaw sa kaniya ngunit bigla niya akong hiniga sa kama at siya naman ngayon ang nakapangibabaw sa'kin. Nagpumiglas ako ngunit masyado siyang malakas na nakahawak sa magkabilang kamay ko.
"Bitawan mo ako o sisipain ko bayag mo?!" sigaw ko.
"Ba't ba ang hilig mong manipa ng bayag? Alam mo bang kaya kang paligayahin nito?" nakangising tanong niya sa'kin. Namula ako sa sinabi niya.
"You're blushing," sabi niya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya saka puwersang itinulak siya.
Nang nakaalis na siya sa ibabaw ko'y agad akong bumangon at umalis sa pagkakahiga sa kama niya. Ngunit hinawakan niyang muli ang braso ko.
"Ba't ayaw mong nagkakatitigan tayo ng matagal?" tanong niya.
"Lasing ka lang. Tumahimik ka," seryosong sagot ko naman sa kaniya.
"O baka naman iniiwasan mong mahulog sa'kin." Agad ko siyang tinaasan ng kilay sa sinabi niya.
"Asa ka talagang mahuhulog ako sa'yo?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.
"I'll make you fall for me, Emie. I will make sure of that. At kung sakali mang nahulog ka na, huwag kang matatakot dahil sasaluin naman kita," he said.
"Ikaw ba'y lasing o nagpapakalasing?" tanong ko.
Tumayo siya ngunit halata sa paglalakad nito na medyo nahihilo siya. Naglakad siya papunta sa isang sulok at nang pagbalik niya'y may dala na siyang damit. Inabot niya 'yon sa'kin.
"Ang tindi mo rin, 'no? Ako na nga ang nagdala sa'yo dito tapos ako pa ang magbibihis sa'yo?! Wala ka—"
"Damit ko 'yan. Suotin mo muna habang 'di ka pa nakauwi sa inyo. Malalim na ang gabi't baka giniginaw ka na. Tumahimik ka na riyan kung ayaw mong halikan kita," seryoso niyang sabi ngunit 'di ako nagpatinag sa sinabi niya.
"Hindi ko kailangang suotin ang damit mo dahil uuwi ako!" matapang kong sagot sa kaniya.
"Suotin mo 'yan at dumito ka. Wala ng reklamo dahil hahalikan talaga kita," seryoso pa ring sabi nya. "Tsaka hindi ako lasing. Oo, uminom ako pero hindi pa ako gaanong lasing. Pero ang sarap lang sa pakiramdam na mas pinili mong makasama at alagaan ako kaysa makasama ang asungot na si Patrick na 'yon," nakangiting sabi niya.
"Lalo tuloy akong nahulog," patuloy niya pa.
Nagulat ako sa sinabi niya dahilan para lalo akong mainis sa kaniya.
"Hinatid kita hindi dahil sa may pakialam ako! Hinatid kita dahil konsensya ko pa kung may mangyari sa'yo!" dipensa ko ngunit umiling lang ito.
"You still care about me. Now, shut up. Pumunta ka na sa banyo ko at magpalit ng damit," sabi niya.
"Sino ka ba para—hmmmm!"
Hindi pa man ako tapos magsalita'y nagulat ako nang bigla niya akong hinila papunta sa kaniya saka hinalikan ako sa... labi! Ilang segundo rin iyon saka siya humiwalay sa'kin.
"Sabi ko naman sa'yo na tumahimik ka na, e. Anyway, happy birthday, sweetheart. Iyon na ang birthday gift ko sa'yo. Walang katapat 'yan." Then he winked.
Shocked was written all over my face when he kissed me on my precious lips. I didn't expect him to do that. But, why the hell did he do that?! Ngayo'y nagsisisi na ako kung ba't ko pa sinamahan ang ugok na ito. Sana hinayaan ko na lang siya kanina since kaya naman pala niya ang sarili niya. Ngunit makakaya kaya ng konsensya ko na iwan siya sa lagay na 'yon? Err. Let's go back to what Renzo did to me! I faced him at ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko. He's now laying on his bed but his eyes were still open and he's f*****g staring at me.
"Why the hell did you do that, asshole?!" sigaw ko.
Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi and he shrugged.
"Ang alin?" nagmamaang-maangan niyang tanong na lalong ikinainis ko.
"That damn thing you did awhile ago!"
"What thing? I didn't do anything."
"Why did you kissed me?! No one dares to kissed me on my lips! Give me one f*****g reason kung ba't mo nagawa 'yon!" I hissed to him.
Bumangon pa ito sa pagkakahiga ngunit ang kalahating katawan niya'y nasa kama pa rin habang ang kalahati ay nakasandal sa headboard ng kama niya. Nagkunwari pa itong nag-iisip like he's thinking about a reason or an answer to my question.
"Because I want to." He then winked at me and continue speaking. "Tsaka ang ingay mo kasi. That's why naisip ko na baka 'yong paghalik ko sa'yo ay ang magpapatahimik sa'yo."
Hinampas ko sa katawan niya ang damit na hawak-hawak ko pa kanina para gawing pamalit ko. Magsasalita pa sana akong muli nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Agad kong hinanap ang pouch ko na kasalukuyang nasa study table ni Renzo. Iniwan ko si Renzo sa kaniyang kama and quickly open my pouch saka kinuha ang cellphone kong tumutunog. There I saw Jam's name on the screen. Saglit pa akong napasulyap kay Renzo na kasalukuyan nang nakapikit sa kung paano ang posisyon niya kanina then I stared my phone again thinking kung sasagutin ko ba ang tawag ni Jam o hindi. Ngunit may sariling utak yata ang daliri ko dahil sinagot ko ang tawag ni Jam. I sighed before uttering a word.
"Hey Jam," I tried to sound normal.
"Aren't you mad? I'm sorry about what happened earlier. It wasn't my attention to—"
I cut him off.
"Forget about it. Hmm, why did you call?"
"Just want to greet you a happy birthday. Bawi na lang ako pagkauwi ko, ha."
"Ah, sure. Thank you."
"Are you okay? Ba't ang tahimik diyan? I thought you were at the ball?"
Nagulat ako sa biglaang tanong ni Jam. I don't know what answer would I tell him. Saglit akong natahimik.
"Em? Are you still there?"
"Ah, yes. What is it again?" I asked.
"Ba't ang tahimik diyan? I thought you were at the ball."
"Nasa ball ako. Ano lang ah, lumabas ako?"
Napapapikit ako sa katangahang sagot ko sa kaniya. I'm so stupid.
"You were not sure about your answer? Nasaan ka ba talaga?"
Why is it hard for me to let Jam know that I am with Renzo right now? Pansin ko lang na simula no'ng nawala siya, ang dami ko ng itinatago sa kaniya which I really can't do to him. Hindi ko magawang magtago ng sikreto kay Jam. Do I need to tell him the truth? Well, I guess so. Baka ipapasundo niya pa ako tapos wala naman talaga ako sa ball.
"I'm... at Re-"
"Emie tawag ka na ni ma'am sa loob. Pumasok ka na raw. May sasabihin daw siya sa'yo." Nilingon ko ang nagsasalita and there I saw Renzo at my back... half n***d! Bumaba ang tingin ko sa abs niya. Napalunok ako. Tumikhim ito dahilan para umiwas ako agad ng tingin.
"Who's that?" Jam asked on the line.
"Ah, kaklase ko. I have to go Jam. Tawag daw ako sa loob, e. I'll call you later. Bye!"
Hindi ko na hinayaan pa siyang sumagot dahil in-end ko na agad ang call. I felt relieved. Tumikhim muli si Renzo na nasa likod ko ngayon. Hindi ko alam kung lilingon ba ako o hindi. I composed myself and face him with my serious look.
"What?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi ka ba magpapasalamat sa'kin?"
"Hindi naman kita sinabihan na gawin mo 'yon."
Umiling-iling pa ito na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Umalis na ito sa harapan ko saka pumunta sa damitan niya para siguro may maisuot siya.
"Aalis na ako. Kaya mo naman siguro rito, 'di ba?" biglang sabi ko dahilan para matigilan siya. Lumingon ito sa direksyon ko nang nakakunot-noo.
"Stay here. Ihahatid na lang kita bukas sa inyo," seryosong sabi niya.
"Sino ka ba para utusan ako sa kung anong dapat kong gawin? Isa ka lang peste sa buhay ko na walang ibang ginawa kundi buwisitin ang araw ko't gawing impyerno ang buhay ko! Tapos ngayon akala mo kung sino ka para utos-utusan ako?" 'di mapigilang sabi ko. Kita ko ang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya. He became more serious this time. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya.
"Hindi kita inuutusan. I just want you to be safe. At kung naging peste man ako sa buhay mo, then I'm sorry. I know naging gago ako sa'yo pero gusto ko namang bumawi sa kalokohang nagawa ko." Hindi ko alam pero ramdam ko ang sinseridad at lungkot sa tono ng boses niya. Akala ko'y tapos na siya ngunit nagsalita itong muli.
"Kung kailan naman pala babawi ako, saka naman dumating si Patrick sa buhay mo. Naiinggit ako sa kaniya kasi sa tuwing magkasama kayo'y parang hindi kayo nagtatalo. He can make you smile and laugh. Unlike me." He sighed. "Sa tuwing kasama mo ako lagi ka lang naiinis, nagagalit. Even though I'm trying myself to be nice to you, but you never appreciate it 'cause you always think about the bad things I did to you."