Emie's P.O.V:
"Nasaan na ba 'yong Renzo?! Sumusobra na siya, ah!" inis na sabi ni Jam.
Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang comfort room para makapagpalit ako ng damit. Pinahiram ako ni Jam ng P.E uniform niya since wala na akong dalang extra damit dahil nasuot ko na 'yon kanina no'ng tinapunan ako nung babae ng noodles.
"Huwag mo nang patulan," kalmadong sabi ko sa kaniya. Kilala ko si Jam. Iba siya kung magalit kaya ayokong nadadamay siya sa ganitong mga sitwasyon. Mahaba ang pasensya niya pero pagdating saakin ay napaka-protective niya. Kapag sobra na ang galit ni Jam ay nakakanakit na siya ng tao, to the point na hindi niya na alam ang ginagawa niya. Ayokong mangyari 'yon sa kaniya.
"Anong huwag patulan?! Damn it, Emie! Lagi mo na lang akong pinipigilan na protektahan ka! Ano ba akala mo sa'kin, mahina?" Natigilan ako sa paglalakad nang sinabi niya 'yon. Hindi ako makasagot agad kaya nagpatuloy siya.
"Ayokong sinasaktan ka ng ibang tao! Naiinis ako sa sarili ko sa tuwing nalalaman kong may nangyayaring masama sa'yo tapos ay wala ako sa tabi mo! Kung puwede lang na lagi tayong magkasama para maprotektahan kita kay Renzo ay gagawin ko!" sigaw nito.
"Jam, hindi naman sa—"
"No, Emie! You always make me feel that you don't need me! Simula no'ng dumating 'yang Renzo sa buhay mo, lagi mong pinaparamdam sa'kin na hindi mo 'ko kailangan para protektahan ka, where in fact ay lagi ka na nilang nasasaktan! Hindi na makatao 'yang ginagawa nila! Then here, you're telling me na hayaan sila?!" singhal nito.
Napayuko ako realizing na gano'n pala ang dating non sa kaniya. I didn't meant it. Ayoko lang na madamay siya.
"Gusto kitang protektahan hindi lang dahil sa prinomise ko 'yon sa magulang mo, kundi dahil mahal kita!"
Agad akong nag-angat ng tingin at kita ko rin ang gulat sa mga mata niya.
"What did you just say?" I asked.
This is awkward. Knowing that my childhood best friend loves me? Damn. I don't know how to react.
Bumuntong-hininga siya. Pumikit pa ito saka tiningnan ako deretso sa mata.
"Yes, Emie. I love you, more than you know. Gusto kitang protektahan sa kaniya because I'm scared that one day, you might forget my presence just because you met that evil Renzo. I'm f*****g jealous," deretsang sabi nito saka umalis at iniwan akong mag-isa.
Nakauwi na kami ni Jam ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako pinapansin. Hindi ako sanay and I'm so worried about how he feels right at this moment. Napakahalaga ni Jam sa'kin, kaya ayokong ganito ang atmosphere naming dalawa. Kaya bago pa man niya buksan ang pintuan ng bahay ay hinawakan ko siya sa braso dahilan para mapatigil siya't napatingin saakin.
"Jam, I'm sorry about earlier. Hindi ko naman alam na—"
"Na ano? Na mahal kita? Na nagseselos ako?" putol niya sa sasabihin ko. Hindi ako makasagot bagkus ay yumuko na lang ako. I may be b***h most of the time but Jam is the only exception.
"You don't have to say sorry. I should be the one saying it," he continued. Agad akong nag-angat ng tingin and I felt a relief when I saw him smiling. "Huwag mo ng isipin 'yong sinabi ko. Let's just act normal. Hindi na kita pipigilan sa gusto mo, but let me protect you. Okay?"
A smile form on my lips. "Yes. Thank you," nakangiting sabi ko.
He hug me so I hug him back. He's the only man I trust, that's why I don't want to lose him. I'm a certified b***h, pero pagdating kay Jam ay kaya kong ibaba ang pride ko para sa kaniya.
-
"In three days, e, birthday mo na. What's the plan?" Jam asked out of nowhere.
"Jam naman. Alam mo namang simula no'ng namatay sina Mom at Dad ay ayoko nang sine-celebrate ang birthday ko," sagot ko.
Nagulat ako nang bigla niya akong hinarang sa daan. "No! Learn how to move on, Em. Do you think magiging masaya sila kapag nalaman nilang ayaw mong i-celebrate birthday mo dahil lang sa kanila? Em, your birthday is your special day. Hindi lang sa'yo kundi pati sa mommy mo dahil 'yon ang araw na ipinanganak ka niya," he said.
Inirapan ko siya, but I still manage to smile. Well, may point din naman siya. "Okay, pag-iisipan ko. Hay nako," kunwaring naiinis na sagot ko. Nag-okay sign naman sa'kin si Jam sabay kindat. We both chuckled.
"Aga-aga'y naglalandian na kayong dalawa? Paharang-harang pa kayo sa daan!"
Agad na nag-init ang ulo ko sa demonyong nagsalita galing sa likod ko. Ano na naman ba ang problema nito?! He really loves ruining the moment.
"Kung paglalandian ang tawag dito, ano naman ang tawag sa inaasta mo? Alam mo, ang hilig mong mangialam sa buhay ng iba!" singhal ko sa kaniya.
"Totoo naman sinasabi ko. Kung maglandian kayo, huwag sa daan! Ang sakit niyo sa mata!" inis niyang sabi habang masama akong tiningnan.
"Sino ba'ng nagsabi sa'yo na panoorin mo kami? Tsaka pre, ang laki ng daan. Halos wala ngang dumadaang estudyante rito. Kung ayaw mong masaktan, huwag mo kaming panoorin o di kaya'y ipikit mo mata mo!" singit ni Jam sa bangayan namin ni Renzo.
Agad na kinuwelyuhan ni Renzo si Jam saka sinuntok ito sa mukha. Nabigla ako sa nangyari, hindi ko inaasahang suntukin ni Renzo si Jam. I heard the people around us gasp. Nandito na naman kami't laging sentro ng away. Agad kong dinaluhan si Jam. I saw blood on his lips na lalong nagpainit ng dugo ko. Agad akong tumayo para harapin si Renzo. Nagdidilim ang mata ko sa kaniya.
"Huwag ka kasing pakialamero! Hindi ka kasali sa usapan!" sigaw ni Renzo kay Jam na kasalukuyang bumabangon sa pagkakaupo.
"Sino ang nagbigay ng permisyon sa'yo para gawin 'yon sa kaniya?" I asked.
"Wala. Kailangan ko pa ba ng permisyon mo para gawin 'yon? I have my freedom to do that," cool niya pang sagot.
Nagulat ako nang biglang sinugod ni Jam si Renzo. Napahiga silang dalawa habang nakapang-ibabaw si Jam sa kaniya. Tuloy-tuloy ang pagsuntok ni Jam kay Renzo. Napalunok ako.
"Jam, stop it!" sigaw ko ngunit nagpatuloy pa rin sya. Parehas na silang nagpapalitan ng suntok. Rinig ko ang mga reaksyon ng tao sa paligid namin. Pinipigilan na rin ng mga kaibigan ni Renzo ang away sa pagitan ng dalawa.
"Jam, stop it please!" I said then I hug him on his back. Ramdam kong natigilan siya. I hope I can make him calm.
"Hindi pa tayo tapos, Renzo! Hindi na ako papayag na guluhin mo pa ulit si Emie! Dahil ako ang makakalaban mo!" sigaw pa nito. I didn't let go of my hug. Hinayaan ko siyang kumalma.
"Bakit? Are you scared that your girlfriend might fall in love with me?"
This time ay napatingin ako kay Renzo. What the f**k is he saying? Ano ba ang pinaglalaban niya?
"He doesn't have to be scared. Because I know that I will never fall in love to someone like you," matigas kong sabi. "Papayag ako na ako ang pag-trip-an mo. Pero kung pati ang ibang tao na malapit saakin ay idadamay mo, ibang usapan na 'yan. Dahil kung demonyo ka, mas demonyo ako. I'm giving you a warning," pagbabanta ko.
"I'm not scared. Hindi mo ako matatakot," sagot niya.
Natawa ako. "I'm not trying to scare you. Binabalaan lang kita."
Hindi ko na hinayaan pang magsalita si Renzo dahil agad ko nang hinila si Jam para makaalis sa g**o.
-
"Thank you Jam," I said habang nilalagyan ko ng ice pack ang parte kung saan siya sinuntok ni Renzo.
Dinala ko siya rito sa clinic at humingi ng first aid. Hindi naman malalim ang cast niya ngunit halatang may mga pasa ang mukha niya.
"Thank you for what?" kaswal niyang tanong.
"For protecting me awhile ago. Hindi mo naman kailangang gawin 'yon , e. Ayan tuloy nagkapasa ka pa," sagot ko. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa ice pack saka tiningnan ako ng deretso sa mata.
"Kahit isang libong pasa pa ang matatamo ko. Ang mahalaga ay naprotektahan kita," he said. Pinigilan kong hindi ngumiti kaya imbes na sagutin siya'y hinampas ko na lang siya na ikinatawa niya.
"Em," usal niya.
"Yes?"
"Mawawala ako ng two weeks," he said then sighed. "Ayoko sanang umalis but I need to," halata sa mukha nito ang pag-aalala. Miski ako ay nagulat sa sinabi niya. Kaya ko na wala siya, but hindi ko alam kung masasanay ako.
"Where are you going?" I asked avoiding myself to look sad.
"Tumawag si Mama kanina. She told me na dinala sa ospital si Papa. I need to be there," malungkot niyang sabi.
Lalo akong nalungkot sa narinig ko. Alam ko kung gaano niya kamahal ang papa niya. Hindi na ako sumagot pa't agad na siyang niyakap. "It's okay, Jam. You don't have to worry. Your papa needs you," I said in between our hugs.
Kumalas na ako sa pagkakayakap and asked him again.
"Bukas," he directly answered. Medyo na-disappoint ako sa naisagot niya. Kanina lang ay tinatanong niya ako kung ano'ng plano namin sa birthday ko, then now he's telling me na bukas na siya aalis? My birthday is in 3 days from now.
"About your birthday, we'll stick with our plan. Nandito ako sa araw ng birthday mo. I promise," mukhang nabasa niya ata ang nasa isip ko.
"Okay lang naman kung wala ka. Besides, may susunod pa namang taon, e. We can still celebrate it next year," nakangiting sabi ko naman.
"No. When I say that I'll be here then asahan mong nandito ako," he said like he's really sure about it.
Natapos na ang klase ko para sa araw na 'to ngunit kailangan ko pang hintayin si Jam para magkasabay kami pauwi. I decided to go to the music hall. Isa rin ito sa tambayan ko rito. Nawindang na naman ako kanina nang may nakita na naman akong chocolates at bulaklak sa desk ko. Gaya ng dati ay may note na nakalagay dito saying, 'I badly want to protect you from anyone. But seems like someone is already doing it for me. I hope you're fine. I like you. Always wear your smile.'
Nung oras na 'yon ay wala na akong ideya kung sino ang naglalagay non sa desk ko. Even my classmates doesn't know about it. Pinagtitripan ba ako nito? No'ng una'y akala ko si Renzo dahil nga sa apology letter nito but now, imposibleng si Renzo 'yon. Sa demonyong ugali niya ay malabong siya ang nagpapadala non.
Ba't parang na-disappoint ako? Damn.
Hindi ko alam kung pa'no ko sabihin kay Jam ito. Lalo na ngayong alam ko na may gusto siya sa'kin. Hindi ko kayang magsinungaling sa kan'ya but I really have this guts na wala akong balak sabihin ito sa kaniya. Ang g**o! Nakarating na ako sa Music Hall. Damn! I miss this place. Walang tao sa loob kaya malaya akong makakatugtog ngayon. Open ang Music Hall na ito para sa lahat ng estudyante. Puwede kang tumugtog kung kailan mo gusto dahil soundproof naman ito, kaya kumpyansa akong walang makakarinig sa'kin. Kinuha ko ang gitara saka pumunta sa harap. Inayos ko pa ang mikropono saka huminga ng malalim. Music is my stress reliever. It makes me calm. Namana ko ito kay Mommy dahil mahilig din itong mag gitara kagaya ko.
Nilagay ko pa sa tamang tono ang gitara saka nagsimulang tumugtog.
'Maniniwala ka ba kung malaman mo
Ikaw yata ang tinatangi ng puso kong ito
Iisipin mo nga kayang
Nagbibiro lamang ako
Mahal kita mahal kita
Palagay ko
Palagay ko mahal kita
Ikaw na nga walang iba
Di pa kase masabi
Ng puso ang nadarama
Pansinin mo rin kaya
Mahalin mo rin sana
Kasi na nga
Palagay ko mahal kita..
Maniniwala ka ba kung malaman mo
Ikaw ata ang nagpatibok ng puso kong ito
Panaginip kita lagi kahit gising ako
Mahal kita mahal kita
Palagay ko
Palagay ko mahal kita
Ikaw na nga walang iba
Di pa kase masabi
Ng puso ang nadarama
Pansinin mo rin kaya
Mahalin mo rin sana
Kasi na nga
Palagay ko mahal kita
Sige lang
Hihintayin kita
Sige lang
Sa tingin ko'y malapit na
Kung nagmamahal ka na
Maalala mo ako
Maalala mo ako
Palagay ko...
Palagay ko mahal kita
Ikaw na nga walang iba
Di pa kase masabi
Ng puso ang nadarama
Pansinin mo rin kaya
Mahalin mo rin sana
Kasi na nga
Palagay ko mahal kita...'
After I sang it ay rinig kong may nagsalita sa kawalan dahilan para magulat ako.
"You have a wonderful voice," I heard a man spoke.
"Who are you?" tanong ko.
Nang lumapit ito sa kinatatayuan ko'y nagulat ako. What is he doing here?
"Patrick Lee. I guess you already know me by face?" he said while smiling.
"Kampon ka ng demonyong kaibigan mo, 'di ba? Ano'ng ginagawa mo rito?" deretsong tanong ko sa kaniya. Instead of answering my question ay tumawa lang ito.
"Ganiyan ka ba talaga kasungit?" he chuckled. Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Ano ba kasi ang ginagawa niya rito?
"Umalis ka o ako ang aalis?" balewala ko sa tanong niya. Tinignan niya ako sa mata and smiled again.
"Hindi mo naman kailangang umalis. Wala akong gagawin sa'yo. I may be one of Renzo's friends but I can assure you that I am not like what you think Renzo is," paliwanag niya. Napataas ako ng kilay. How can I make sure na hindi niya kaugali ang demonyong lider nila?
"I don't care. You're still one of those assholes! Dahil kung hindi ka katulad niya, ba't mo hinahayaan si Renzo na gawin ang mga bagay na 'yon? If you're an exception of his evilness then why are you tolerating him instead of stopping him?" I asked. Hindi siya agad nakasagot dahil bumuntong-hininga lang ito.
"See? Hindi ka makasagot. Because alam mo sa sarili mo, na kabilang ka sa mga kalokohang ginagawa ng kaibigan mo. Kasi kung hindi ka kabilang sa mala-demonyo niyang ugali ay sana pinipigilan niyo siya sa ginagawa niya," I said. Isinauli ko na ang gitara sa kinalalagyan nito at napagdesisyonan ko nang umalis.
"Because we understand him. Dahil alam namin kung anu-ano ang mga pinagdaanan niya sa buhay," I heard Patrick spoke.
"That's lame. May mga pinagdaanan din ako, but kahit gano'n ang pinagdaanan ko'y hindi ako nandamay ng ibang tao," I said then I left him.
Emie's P.O.V:
"Hey, b***h!"
"Hindi ka ba lilingon?"
"Emie Fedelin!"
Lumingon ako sa kinangagalingan ng boses and realize na sana ay hindi na lang ako lumingon. Dahil saktong paglingon ko'y papunta na sa direksyon ko ang bola ng voleyball na ibinato nila.
"Bingi ka o nagbibingihan lang?!" inis niyang sabi sa'kin.
"Akala ko kasi tinatawag mo sarili mo," nakangising sagot ko.
"Come here, b***h!" sigaw niya. Umirap lang ako saka tumalikod sa direskyon niya at tinuloy na ang paglalakad. Ngunit saktong pagtalikod ko'y sunod-sunod na bola ang natatamaan sa likod ko. Hindi ito sobrang lakas, hindi naman siya sobrang hina.
"Ano na naman bang trip niyo?!" singhal ko sa kanila nang maubos na ang pasensya ko.
"Nothing. We just want to play with you," malanding sabi niya.
Ngayon ko lang napansin na marami pala sila. May kani-kaniya silang hawak na bola.
"Wala akong panahon na makipaglaro sa inyo," seryosong sabi ko.
"Bakit? Kasi marami kami at iisa ka lang?" tanong niya. "Oh girls, look oh! Nakakaawa siya," sabi niya sa mga kasama niya and they all laughed.
"Wala akong pakialam kung gaano kayo kadami. Ang pakialam ko lang , ba't kayo nangingialam sa away na hindi naman kayo kasali?" I smiled sarcastically. Halatang nagulat siya sa tanong ko dahilan para matawa ako. "Sabi mo, ako ang nagpapapansin kay Renzo. But now, who's talking? Ginagawa mo 'to para mapansin ka ni Renzo, 'di ba? Huwag mo kasing ibintang sa'kin 'yong mga bagay na ikaw naman pala ang gumagawa," pagtatapos ko. Rinig kong nagtawanan ang tao sa paligid namin. Oh damn, lagi na naman akong sentro ng g**o.
Kita kong nagsalubong ang kilay niya't galit na galit na tumingin sa'kin. "Girls? Batuhin na siya ng bola!" utos niya sa mga kasama niya saka nila sinimulan ang pagbato ng bola sa'kin but this time medyo malakas na ang pambabato nila. Dinepensahan ko lang ang mukha ko dahil mas masakit kapag sa mukha ko 'yon natatamaan. Hindi rin ako makatakas sa kadahilana'y nakapanlibot sila sa'kin.
"Ano? Nasaan ang tapang mo ngayon?" mayabang na sabi ng babae saka tumawa. Ilang saglit pa'y may narinig ako na sumigaw.
"Stop that bullshit!"
Hindi man pamilyar ang boses na 'yon saakin. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil tumigil nga sila sa pambabato ng bola sa'kin.
"What the f**k, bro? Anong ginagawa mo?" I heard a familiar voice spoke.
Dahil nga'y tumigil na sila sa pambabato saakin ay nagkaroon ako ng pagkakataon upang makita kung sino ang dalawang nagsasalita. Nagulat ako nang makita ang grupo ni Renzo sa harapan ko. Kasalukuyang nasa likod ko ang mga babaeng nambato ng bola sa'kin kanina.
"Stop it, bro. Sobra na 'yong ginagawa mo sa kaniya! Sobra na 'yong ginagawa niyo sa kaniya!" I heard Patrick said. Tumahimik ang buong paligid at tanging si Renzo at Patrick na lang ang nag-uusap. Para bang lahat ng atensyon ay napunta sa kanila.
"Are you gay? Are you protecting that b***h?!" turo pa nito sa akin.
"Yes. Kung dati'y pinagbibigyan kita dahil 'yan ang gusto mo, ngayon hindi na. Because this is too much, bro! Babae pa rin ang kalaban mo!"
Lumapit si Patrick sa direksyon ko. Hindi ako makapagsalita sa sandaling ito. Did he really protect me? Totoo ba ang naririnig ko sa kaniya? O baka isa ito sa mga pakulo nila?
"Miss, kung sinabi man ni Renzo na magiging sa'yo siya kapag sinaktan mo si Emie. Well, he fooled you. Niloloko ka lang niya dahil ginagamit ka lang niya para malinis ang pangalan niya!" sabi nito sa babaeng tumawag ng 'b***h' sa'kin kanina. Nagulat ako sa sinabi ni Pat. Tinignan ko ang babae at kita ko ang pamumula ng mukha niya. Well, sino ba naman ang hindi mapapahiya sa ginawa niya. Kaya pala ganito siya sa'kin because she wants Renzo to be her property. Desperate poor b***h.
"Is it true?" umiiyak na tanong ng babae. Tumawa lang si Renzo sa kaniya.
"I don't need to explain something. Kasalanan mo dahil nagpaloko ka," sagot niya.
I feel bad for her. Kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
"Ganiyan ka ba talaga magtrato ng babae? Parang wala kang nanay," dismayado kong sabi sa kaniya. Agad na nagdilim ang mata niya saka ako nilapitan. "How dare you para idamay dito ang nanay ko," matigas ng sabi sa'kin ngunit 'di ako nagpatinag.
"''Yon na nga, e. May nanay kang pinalaki ka, inalagaan, minahal ka. Pero sa inaasta mo ngayon sa akin, at diyan sa babaeng 'yan." Turo ko sa babaeng ngayo'y umiiyak na. "Parang wala kang respeto sa mga babae. Sana kung paano mo nirerespeto ang nanay mo, sana gano'n ka rin sa iba. Dahil walang magtatagal sa'yo kung ganiyan lagi ang ugali mo," paliwanag ko.
Sasampalin sana ako ni Renzo nang pigilan siya ni Pat.
"Don't you dare hurt her! Dude, be a man!" sigaw ni Patrick sa kaniya. "Stop what you're doing! Tama nang kakautos ng iba para saktan siya!"
"Okay. Pagbibigyan kita," sagot naman ni Renzo.
Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Renzo and it's too awkward because he's holding my hand. Sinusubukan kong alisin ang kamay ko ngunit mas hinihigpitan niya ito.
"Listen, everyone!" sigaw niya na para bang kinukuha nito ang atensyon ng lahat.
"No one can hurt her. Walang puwedeng pag-trip-an siya o saktan siya! Dahil kung gagawin ninyo 'yon, ako ang makakalaban ninyo!" sigaw niya. Rinig ko ang bulungan ng mga estudyante sa paligid namin habang ako nama'y ramdam ang pag-iinit ng pisngi ko. What the f**k is he saying?!
"Dahil ako lang ang puwedeng makagawa non sa kaniya. Tapos ang usapan," sabi niya dahilan para uminit na naman ang dugo ko sa kaniya. Nagulat muli ako nang hilain ako ni Patrick ngunit hindi pa rin ako binitawan ni Renzo. Kaya ang kalabasan, ay pareho silang nakahawak sa kamay ko.
"I'll never let you do that," he said.
"Pinagbigyan na kita. Ano pa ang magagawa mo?" sagot naman ni Renzo.
"Bitawan mo siya," seryosong sabi ni Pat. Tumawa lang si Renzo saka umiling.
"Ako ang unang naghila sa kaniya kaya dapat ikaw ang bumitaw sa kaniya," nang-aasar pa niyang sabi.
Naiinis na ako sa kanilang dalawa kaya ang ginawa ko'y tinanggal ko ang kamay kong hawak nila. Sabay silang napatingin sa'kin.
"Damn you, both! Dami niyong satsat! Hindi niyo naman ako pagmamay-ari! Mga buwiset!" sigaw ko sa pagmumukha nila saka ako umalis.