Kabanata 2

3469 Words
Emie's P.O.V: "Dinala mo ba gamot mo?" tanong ni Jam.  Binuksan ko ang bag ko saka chineck kung nadala ko ba and thank God dahil hindi ko iyon nakalimutan. "Nandito," tipid kong sagot. Pagkauwi ko kahapon ay medyo masama na ang pakiramdam ko. Gabi na no'ng nakauwi si Jamir since sa kanila naman ako nags-stay. Dahil simula no'ng namatay sina Mom at Dad ay nag-offer naman ang parents ni Jam na do'n na lang tumira sa bahay nila since si Jam lang mag-isa do'n kasama ang maids nila and since nasa States sina Tito at Tita lagi. Hindi naman na ako tumanggi pa dahil childhood best friend ko si Jam. Kaya simula no'ng namatay ang mga magulang ko'y dito na ako tumira. Tumaas ang lagnat ko kaninang madaling araw. Actually, nahihiya ako kay Jam kasi siya ang nag-alaga sa akin saka alam kong puyat siya. Sinabi niya na huwag na ako pumasok ngayon pero nagpumilit ako dahil may exam kami sa dalawang subjects. Pagkatapos naman no'n ay uuwi na agad ako. "Ihahatid kita sa room mo, tapos text mo ako pagkatapos ng exam niyo. Huwag kang lalabas ng room kapag hindi pa ako dumating. Clear?" I smiled after he said that. Kahit kailan ay hindi siya nagkulang sa akin. Damn this guy.  "Yes. Thank you," I answered. Instead of answering me ay hinalikan niya ang noo ko. He used to be like that. Walang namamagitan sa amin ni Jam. But he likes me, and he promised na hanggang do'n lang 'yon. Pero wala akong gusto sa kaniya. Iniiwasan kong magkagusto sa kaniya.  Thankful na lang ako dahil walang nangyari sa akin o sa amin habang naglalakad kami papuntang room ko. Dahil kapag nakaharap ko ulit si Renzo, alam kong wala akong lakas. The mere fact na nahihilo ako ay lalong nagpapahina saakin. Besides, kasalanan niya rin naman ba't nagkasakit ako. That cold water they poured on me was the main reason ba't lumala nararamdaman ko. Damn that guy! Natapos ko na ang exam ko sa isang subject. Buti na lang at hindi apektado ang utak ko dahil sa nararamdaman ko. Sa kakaisip ko kanina'y lalong sumakit ang ulo ko. Kinuha ko na ang cellphone sa bag ko saka tinext si Jam gaya nalang ng bilin niya sa'kin. Ilang sandali pa'y nakaramdam ako ng pagkaihi. Medyo nahihilo man ay pinilit ko pa ring tumayo para pumunta ng banyo. Medyo malapit lang naman 'yon sa room ko kaya 'di ko na kailangan pang maglakad ng malayo. Pagkalabas kong mag-CR, nagulat ako sa presensya ng tatlong lalaki sa harapan ko. Mukhang kulang sila ngayon dahil madalas ay anim sila. Lalagpasan ko na sana sila nang biglang hinila ni Renzo ang braso ko. What the hell! Huwag ngayon, please. "Ngayon naman ay nilalagpasan mo na lang ako? Bakit? Nagsisi ka ba na binangga mo ako?" nakangising sabi nito. "Wala ako sa mood makipag-away. Puwedeng bukas na lang?" walang ganang sagot ko. Jamir nasaan ka na ba? I need you. Nahihilo na talaga ako. Damn it! "Ang sabihin mo, hindi mo ako kaya! Tapos ngayon umaatras ka sa larong sinimulan mo?" mayabang niyang sagot habang hawak pa rin niya ang braso ko. Napapikit ako, hindi dahil sa higpit ng hawak niya kundi dahil sa tinding hilo na nararamdaman ko. Jam, I need you please. "She's pale. Miss, are you okay?" lumapit sa akin ang isa sa mga kaibigan ni Renzo. "Bro, namumutla siya. Bitawan mo muna siya." Tumawa lang si Renzo saka inilayo ako sa kaibigan niya. "Ano ba, Patrick! Syempre mamumutla 'yan dahil sa takot! Akala niya siguro ay titigilan ko na siya pagkatapos ng nangyari. Bro, kaartehan lang 'yan!"  Hinugot ko ang buong lakas ko para lang mabitawan ako ni Renzo. Glad that I was able to do it. Sinubukan kong humakbang ngunit alam kong sa sarili ko'y hindi ko na kaya. Ramdam kong hinila ako ulit ni Renzo, but this time wala na akong lakas pa para lumaban.  Everything went black. Renzo's P.O.V: "She's pale. Miss, are you okay?" Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Patrick dito sa babaeng ito. "Bro, namumutla siya. Bitawan mo muna siya.," utos nito na nagpainit ng ulo ko. Natawa ako. Is he concern with this poor little b***h? "Ano ba, Patrick! Syempre mamumutla 'yan dahil sa takot! Akala niya siguro ay titigilan ko na siya pagkatapos ng nangyari. Bro, kaartehan lang 'yan!" dipensa ko. Ngunit hindi talaga kumbinsido itong si Patrick sa sinabi ko. Halata pa rin sa mukha niya ang pag-aalala sa babaeng 'to. Nagulat ako nang biglang tinanggal ni Emie ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Yeah, I know her name dahil syempre dapat alam ko! Mali kayo ng iniisip! Bago pa man siya tuluyang makalayo sa akin ay hinila ko ulit siya palapit sa akin. But I didn't expect what happened next. Nawalan ito ng malay. "s**t, bro! I told you!" Pat uttered.  Goddamnit! Buti na lang at nasalo ko siya dahil kung hindi ay talagang bagsak siya. What happened to her?  Kinapa ko ang noo niya to realize na sobrang init niya. s**t! Patrick's right, because she's really pale. Hindi ba siya inaalagaan ng asungot na mukhang unggoy na kasama niya? Damn! Why didn't she tell me edi sana—Wait. Edi sana ano, Renzo? Wait, I am not concern too. Hindi lang ako sanay na may ma-witness na ganito.  "Hey! Wake up." Tinapik ko pa ang mukha niya ngunit halata sa mukha nito na hindi siya okay. "I'll bring her to the clinic!" Akmang lalapitan na sana ako ni Pat nang pinigilan ko siya. "No," matigas kong sabi. "What the hell, bro? Hindi porket binubully mo 'yan ay hindi ka na mag-aalala sa lagay niya?! Mag-isip ka nga—" I didn't let him finish dahil nagsalita muli ako. "Ako ang magdadala sa kaniya sa Clinic. Not you, o kahit sino sa inyo. Let's go." Binuhat ko si Emie saka nagmadali na kaming pumunta ng clinic. "Nurse, how is she?" I asked the nurse. "Hindi na dapat siyang pumasok, Mr. Delos Reyes. I insist na iuwi na lang talaga siya. She's having a high fever at kailangan niya ng pahinga. Kahapon ay galing siya rito upang humingi ng gamot, siguro ay hindi niya nainom 'yon kaya lumala o di kaya'y naligo siya ngayon kaya lumala," she explained. "Pumunta siya rito kahapon?" paninigurado ko. "Yes. Around 8 yata? Kasi sinisinat siya no'n. Bago siya pumasok sa kanila'y dumaan muna siya rito," she answered. Kung dumaan siya rito bago siya pumasok, ibig sabihin no'ng binuhusan namin siya ng malamig na tubig ay masama na pakiramdam niya no'n? Umiling ako. Ano naman ngayon? She deserves it!  "Pakibantayan muna siya rito, Mr. Delos Reyes. Tinatawag pa ako ng Dean," Nurse said. Tumango lang ako sa kaniya at hinayaan siyang umalis. Nakatayo ako sa labas ng pintuan ng clinic. Ayokong pumasok. Bahala siya sa buhay niya! Napakasuwerte niya naman at ako pa maging taga-bantay niya?  Mula rito sa labas ay rinig ko ang pag-ring ng cellphone sa loob ng clinic. I was so damn curious kaya pumasok na lang ako sa loob. Hinanap ko ang pinagmumulan ng tunog at napagtantong nasa bag 'yon ni Emie. I opened her bag and took out her phone. I saw Babu's name on the screen, without any hesitation I press the answer button. "Hello, Em? Nasaan ka na? Sorry, I wasn't able to pass by your room. Na-overtime kami ni sir, e." His voice is familiar. "Em? Baba?"  Oh. Babuu and Baba? Corny. "She's at the clinic. Nahimatay siya kanina. Pumunta ka na rito dahil nabibuwiset na akong bantayan siya!" Then I ended the call. Isinauli ko na ang cellphone nito sa bag niya. As soon as I already returned it, hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Emie. Kapag pala tulog siya ay mukhang mabait naman pala siya. Sana tulog ka na lang lagi, edi sana hindi kita napagtitripan ngayon. Ngayon ko lang napansin na maganda pala talaga siya. She has soft skin, perfect eyelashes, pointed nose and perfect lips. I smiled. Umiling ako. What am I doing? "Magpagaling ka na. Para may i-bully na ulit ako. Darating na Prince Charming mo, hindi na siguro ako kailangan dito," I said na para bang naririnig niya ako. After saying that ay may naisip ako. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko, I took a picture of her sleeping. I'll use this as a block mail.  'But how can you use that as a block mail kung maganda naman siya kahit natutulog?' Damn. Kailangan ko nang magpa-check-up, nababaliw na ako. Kinakausap ko na sarili ko. Kasalanan 'to ng pangit na babaeng nakahiga ngayon sa harapan ko! Buwiset! Bago pa man ako tuluyang mabaliw ay napagdesisyonan ko nang umalis. Inayos ko pa ang kumot niya saka tuluyan nang umalis ng clinic. Emie's P.OV: "Umiwas ka na kasi sa g**o niyo no'ng Renzo," sabi ni Jam na may halong inis. Pinauwi na ako ng Nurse dahil nga sa kailangan ko na raw magpahinga. Buti na lang at in-excuse na ako ni sir, para do'n sa isa ko pang exam. Medyo bumaba na ang lagnat ko at nawala na rin 'yong pagkahilo ko. "Alam mo naman na kahit anong iwas ko, ako at ako pa rin ang i-bully non. Mukhang ayaw na akong tigilan ng asungot na 'yon, e," sagot ko naman. Nakarating na ako sa kwarto ko at agad na humiga sa kama upang makapagpahinga na. Hindi ko namalayang pumasok din pala si Jam dito sa kwarto. Umupo ito sa gilid ng kama ko habang ako naman ay nakahiga. "Pero kung sakaling magkrus man ang landas ninyo, puwedeng 'wag ka nang makipagbangayan sa kaniya? Parehas naman kasi kayong hindi nagpapatalo," malumanay niyang sabi. I rolled my eyes. Umayos na rin ako ng upo at sinandal ang likod ko sa headboard ng kama. "Jam, listen." Hinarap ko siya sa'kin. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. "Hindi 'yon sa hindi ako nagpapatalo. I just want to let him realize na hindi ako basta-basta. Baka kapag alam niyang 'di ako magpapatalo'y susuko na siya sa pambubully sa'kin. You get my point?" malinaw kong sabi sa kaniya. Ginulo niya ang buhok ko. "Matulog ka na nga! Hindi ka pa rin nagbabago," natatawang sabi nito. But one thing I've noticed, peke ang tawa niyang 'yon. Ngunit imbes na tanungin siya'y binalewala ko na lang. Kung anu-ano na kasi ang iniisip ko. "Okay then. Layas ka na sa kwarto ko," pambibiro ko. He laughed, pagkatapos ay umalis na nga siya sa kwarto ko. Dalawang araw akong hindi pumasok sa eskwelahan. Hindi kasi agad na humupa ang lagnat ko. Kahit gustuhin ko mang pumasok ay hindi rin ako pinapayagan ni Jam. Speaking of Jam, ay nandito ulit siya sa tabi ko at nagbibilin sa kung ano'ng dapat kong gawin. "Jam, hindi na ako bata. Kaya ko sarili ko. Nakailang bilin ka na sa'kin," I said. "Aish! Basta makinig ka." Pambabalewala nito sa sinabi ko. "Hay nako, Jam. Okay na nga ako. Can't you see it? Sige na. I have to go. Bye." Hindi na ako nag-antay pa sa sasabihin niya dahil tumakbo na ako. Nang mapansin kong hindi niya naman ako hinabol ay naglakad na lamang ako. Habang naglalakad ay hinihiling ko na sana hindi na muna magkrus ang landas namin ni Renzo. Though I need to thank him dahil siya ang nagdala sa'kin sa clinic but he deserves it dahil siya naman ang may dahilan kung ba't ako nahimatay. Ngunit, bago pa man ako marating sa main building namin ay hinarangan na ako ng grupo ng demonyong asungot. "You're back," bungad niya. "Anong pakialam mo?" taas-kilay kong tanong sa kaniya. Tumawa lang siya. "Nothing. Okay, have a nice day, Ms. Fedelin." Then they left. Napakunot ako ng noo sa inasta nila. Ano naman kaya ang pumasok sa mga utak nila at hindi ako binuwiset ngayon? Well, sounds good. Baka nga naligo na itong si Renzo ng holy water kaninang umaga, o baka naman may ibang balak ang asungot. Dumating na ako sa room at agad na pumasok at naglakad papunta sa upuan ko. Ngunit nagulat ako nang may nakitang isang mini box sa desk ko. Kanino naman galing 'to? Nakita yata ng kaklase ko 'yong pagtataka sa itsura ko kaya bago pa man ako magtanong ay nagsalita na siya. "Wala kaming alam diyan, Emie. Tinatanong ko nga rin sila kaso hindi rin daw nila alam. Baka naman sa secret admirer mo 'yan. Ayieeeeee." Sinundot pa nito ang tagiliran ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para tumigil siya. Hindi ko na siya pinansin pa. Umupo ako saka nakipagtitigan sa kahon na nasa desk ko. Kulay pink ito at may ribbon pa. Pakana na naman ata 'to ni Renzo. Ano kaya ang balak niya? Out of curiosity ay binuksan ko na ang kahon. Nagtaka pa ako nang makitang puro colored paper na gupit gupit ang tumambad sa'kin. Anong kalokohan na naman ba 'to? Nakita kong may note na nakalagay sa ibabaw ng takip ng kahon and I read it. 'Sorry about yesterday. This gift serves as my peace offering for you. Please take care of yourself. You made me worried yesterday. I hope you'll like it. Please keep it as a secret. Ayokong may makaalam nito.' "What the hell?" mahinang sabi ko. Nakita ko ang isang maliit pa na kahapon na natabunan ng mga gupit na colored papers. Kinuha ko ito at binuksan. Namangha ako sa nakita ko. Isang chain necklace na may hugis puso na pendant. Binuksan ko ang pendant and there I saw a picture of me, smiling. Namangha ako sa ganda ng necklace. "Omg! Ang ganda naman niyan! May idea ka na ba kung sino nagbigay niyan?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng kaklase ko. Agad kong isinauli ang necklace sa lugar nito at agad ring sinara ang kahon. 'Who the hell is he? Imposibleng si Renzo 'yon. Why would he do that? Pero base sa note ay peace offering niya raw 'yon. So, si Renzo nga? Kaya ba hindi niya na ako binully kanina?  'Damn!' I said on the back of my mind. Is it possible? "Why are you so quiet?" Jam asked all of the sudden. Nilunok ko muna ang burger na kinakain ko and faced him. "Alangan namang magsasalita ako habang kumakain?" sagot ko. "Malay ko ba. Okay na ba pakiramdam mo?" tanong nito. Ang daldal ng lalaking 'to. Kitang kumakain ako, e. "Mukha ba akong hindi okay? Kumain ka na nga. Hindi ako makakain ng maayos sa'yo e!" reklamo ko. Sumenyas pa ito na parang zinizipper ang bibig niya. Sinamaan ko siya ng tingin saka nagpatuloy na sa pagkain. Hanggang ngayo'y nababadtrip ako sa nangyari kanina. I didn't tell Jam yet about the necklace. Siguro'y mamaya na kapag trip ko nang sabihin sa kaniya. Besides, wala pa rin akong idea kung sino ang nagbigay non bukod kay Renzo. Siya lang naman ang hinayupak na may atraso sa'kin. Kung siya nga ang nagbigay non, ibig sabihin ba ay titigilan na niya ako? Buti sana kung oo. "What the hell?!" Malakas na sigaw ko nang maramdaman kong nabuhusan ako ng noodles sa ulo. Nalaman kong noodles iyon dahil nalaglag ito sa lamesa kung saan nakapatong ang pagkain namin ni Jam. Agad na tumayo si Jam saka pinunasan ako. "Oops! I'm sorry," rinig kong tumawa pa ito. Agad akong tumayo para harapin ang babaeng nagsalita bago lang. "Miss, what the hell are you doing? Bulag ka ba?" Inunahan na ako ni Jam. "Hindi," nakangiting sagot naman ng babae. Nanatili akong tahimik habang pinapakalma ang sarili ko. Badtrip na nga ako, dadagdagan pa ng buwiset na 'to. "Then why did you do this to her? Kita mo na ngang kumakain siya tapos bubuhusan mo ng pagkain?! Wala ka bang respeto, miss?!" halata sa tono ng pananalita ni Jam na galit na siya kaya sumingit na ako sa usapan nila. "Ba't mo ginawa 'yon?" kalmado kong tanong sa kaniya. "Kasi gusto ko?" patanong rin na sagot niya. I clenched my fist. Kung hindi ka lang babae ay baka sinuntok na kita. "Tinatanong ka ng maayos, sumagot ka ng maayos!" sabat naman ni Jam. Wala na, galit na ang mokong. "Leave it to me. Lalaki ka, babae 'tong nasa harap natin. Baka ano pang isipin ng iba sa'yo," mahinang sabi ko sa kaniya. "Wala akong pakialam sa sasabihin nila. They may hurt you once, but not this time, Em. Hindi ngayon. Hindi ako papayag," sagot niya. Napapikit ako. "Sige. Pero kapag kay Renzo. Kapag si Renzo ang kalaban. Hindi sa babaeng 'to." Bago pa man siya makapag-react ay hinarap ko na ulit ang babae na kasalukuyan nang nakakrus ang mga braso nito. "Tatanungin kita ulit. Ba't mo ginawa 'yon?" kalmado ko pa ring tanong. "Ano pang magagawa mo? Nangyari na, e," umasta pa ito na parang naaawa sa'kin. Isa. "Sasagutin mo o sirain ko 'yang mukha mo?" pagbabanta ko. Kita kong agad siyang napatingin sa'kin. Halata sa mukha nito ang gulat sa sinabi ko pero agad ring nawala 'yon. "Sino ka ba para utusan ako?" mataray nitong tanong. Dalawa. "Hindi kita inuutusan. I'm giving you options," sagot ko. She lean closer to me. "Paano kung ayoko?" Tatlo. "Really? Okay choice mo 'yan, e." Agad kong dinampot ang natitirang juice sa baso ko. I grab the opportunity na busuhan ito sa kaniya dahil nga sa medyo malapit ang mukha niya sa'kin. "Aaaaaahhhh!!" sigaw niya nang tuluyan ko na ngang naibuhos ang baso ng juice sa kaniya. "Ay! Nabuhos." Tinakpan ko pa ang bibig ko na kunwari'y nagulat. "Magso-sorry pa sana ako kaso nangyari na, e. Ano pa ang magagawa mo?" Ako naman ang nagkunwaring naaawa sa itsura niya. "Serves you right for messing up with me," matigas kong sabi sa kaniya saka hinila na si Jam para umalis na kami sa pesteng lugar na 'to. Ngunit bago pa man kami tuluyang makaalis ay biglang nagsalita ang babae dahilan para matigil ako sa pag-alis. "You, b***h! Papansin ka talaga kay Renzo, 'no? Kahit anong gawin mo, hindi ka mapapansin ni Renzo! You, flirt! Pagbabayaran mo 'yong ginawa mo sa'kin! You will surely regret this!" sigaw niya. "Hindi ako natatakot sa'yo," sagot ko saka tuluyan nang umalis.   "Girl, alam mo bang kalat na sa department natin na nilalandi mo raw 'yong Renzo?" biglang sabi ni Ash na kaklase ko. Napatigil ako sa pag-ayos ng gamit ko saka takang tumingin sa kaniya. "Oo nga. Naririnig ko lang kanina sa hallway. Tinanong ko sila sinong may sabi, tapos ang sabi nila, e, 'yong babae raw na nakaaway mo kanina sa canteen? Nako girl ha, mag-ingat ka sa mga issue," bilin niya sa'kin. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya habang nililigpit ko ang mga gamit ko. "One more thing. May dapat ka pang malaman. But this time, si Renzo naman ang issue rito," daldal niya pa. "Go on," walang ganang sabi ko. "Nakalimutan kong sabihin sa'yo kanina na kaninang lunch time no'ng wala ka ay pumunta rito sina Renzo," she paused. "Ano naman ngayon? The hell I care with that guy," mataray kong sabi. "Makinig ka nga muna kasi. Hinahanap ka niya then you know what happened? He announced that you two are dating. Sheeez! And is it true na ikaw itong nag-aya sa kaniya? Sabi niya ay kaya ka raw nagpapapansin sa kanya, e, dahil gusto mong mapansin ka niya?" Agad akong napatingin kay Ash na nakakunot ang noo. Natigilan din naman siya at alanganing tumingin sa'kin. "What did you say?" paninigurado ko. "Ang sabi ko, in-announce ni Renzo na nagde-date raw kayo at ikaw raw itong nag-aya tapos—" I didn't let her finish dahil agad ko nang dinampot ang bag ko saka umalis. Ngunit pagkaalis na pagkaalis ko ng room ay may biglang nagbato sa'kin ng itlog na literal na ikinagulat ko. What is it this time?! Nagtatawanan ang mga estudyanteng nasa paligid ko. Ang iba'y kumukuha pa ng video at ang iba nama'y siyang nagtatapon ng mga itlog sa uniform ko, pati na rin sa mukha ko. "What now, b***h? Nasaan na ang pagiging matapang mo?" A girl said while she's holding her phone habang vinivideo ako. I know this girl. Siya 'yong nakabangga ko kanina sa canteen. Tumigil na sila sa pambabato ng itlog sa akin at walang tigil na pinagtawanan ako. I clenched my fist saka lumapit sa babaeng kanina ko pa gustong suntukin. "Ganiyan ka ba kahina para humingi pa ng tulong ng iba para lang gumanti sa'kin?" I asked her. Nagulat siya sa sinabi ko and didn't utter any word. "Kung 'yong problema mo ay ang paglalandi ko sa Renzo na kinababaliwan mo, then nakakaawa ka. Are you desperate for his love? Pinaglalaban mo ang taong hindi naman sa'yo? Handa kang makipag-away for him, pero in the first place you're just one of those girls who begs for his attention and love," nakangising sabi ko sa kaniya. I heard the crowd say 'Owww'. "Hindi ka niya girlfriend. So stop acting like you're his girlfriend," matigas kong sabi sa kaniya. "That's harsh, Miss Fedelin," I heard someone spoke. Kahit hindi pa man ako lumingon ay alam ko na kung sino ang nagsalita non. "You, asshole! Ang kapal din ng mukha mo para ipagkalat na nagde-date tayo?" I laughed. "Are you that crazy para sabihin 'yon? And wow, ako pa talaga nag-aya. Asyumero ka rin, 'no?" Hindi ko na napigilan pa ang inis ko. Sinisira talaga nila ang araw ko. Mga buwiset! "Totoo rin naman na nagpapapansin ka sa'kin, 'di ba? Sinusubukan mong makuha ang atensyon ko," cool niya pang sabi. "Hindi ko kailangan ng atensyon mo. Una, dahil hindi kita kilala. Pangalawa, wala akong pakialam sa presensya mo. Lastly, you're not worth my time and attention," pagkatapos non ay umalis na ako.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD