Emie's P.O.V:
"Okay ka lang ba? Okay ka na talaga?"
Nalaman ni Jam ang nangyari sa akin kanina. Wala sana akong balak na sabihin 'yon sa kaniya, ngunit kinukulit niya talaga ako. Balak niya rin sanang sugurin si Renzo, ngunit pinigilan ko lang siya dahil ayokong madamay siya sa g**o naming dalawa ng demonyong 'yon.
"Oo nga. Kailan ba ako 'di naging okay?" badtrip kong sagot.
"Wala man lang ako do'n para ipagtanggol ka. Sabi ko pa naman sa mommy at daddy mo na ipagtatanggol kita sa mga taong nananakit sa'yo," lumungkot ang boses nito dahilan para umiba ang ekspresyon ng mukha ko when I heard about Mom and Dad. I miss them.
"I'm sorry," agad niyang sabi nang makita ang pagbago ng ekspresyon ng mukha ko. "Alam ko naman na hindi ka pa naka-recover sa nangyari 4 years ago."
I smiled because he's right. Apat na taon na ang nakalipas ngunit parang kahapon lang nangyari ang bangungot na 'yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng kalooban ko ang biglaang pag-iwan nila sa'kin. Alam mo kung anong mas masakit? 'Yon ay sa mismong 14th birthday ko pa sila naaksidente. I still remembered how our last conversation ended.
"Anak wait for us, okay? Pauwi na kami ng daddy mo," she said through call.
Galing sila pareho sa trabaho and they promise me na i-ce-celebrate namin 'yong birthday ko. Susunduin lang nila ako rito sa bahay at aalis ulit kami. Tuwing nasa work sina Mommy at Daddy, ay si yaya lang ang kasama ko sa bahay. Busy sa trabaho ang parents ko, ngunit hindi pa rin sila nagkulang ng oras sa akin. Para sa akin nga ay napaka-perfect ng family namin.
"Okay, Mommy. Ingat kayo," I said.
"Happy birthday, our princess!" rinig kong sigaw ni Daddy dahilan para mapangiti ako.
"Excited ata ang daddy mo at hindi na napigilang bumati sa'yo ng personal," then Mom laughed so do I.
"We love you, our princess. Kaunting oras na lang ay makikita mo na ang pinakagwapong daddy mo at mala-reynang kagandahan ng mommy mo!" then Daddy laughed.
"Ano ka ba, love! Mag-drive ka na nga diyan. Bilisan mo na," I heard Mommy spoke. Pinakinggan ko lang sila. Sana balang araw ay makakahanap ako ng lalaking katulad ni Daddy. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya kay Mommy, e.
"O, sige, anak. We're heading our way home na. Happy birthday, my angel. Mommy loves you," she said.
"I love you too, mom—" Hindi na natapos pa ang sasabihin ko nang makarinig ako ng pagbusina sa kabilang linya kasabay nito ang malakas na sigaw ni Mommy at ang pagpatay ng linya ng telepono.
Ilang oras pa ang lumipas ay may tumawag sa telepono namin at sinabing patay na sina Mommy at Daddy dahil sa isang car accident.
Bumalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong may palad na nagpupunas ng pisngi ko.
"You're crying again," Jam said dahilan para mabilis kong punasan ang luhang umaagos galing sa mata ko.
"Tara na. May klase ka pa ba? Kasi ako, wala na. May meeting daw ang faculty namin, e," pag-iiba ko ng usapan.
"Ah, gano'n ba. May pasok pa kasi kami. Mauuna ka na lang ba? Uwi ka na at magpahinga," sagot nito.
Saglit pa akong nag-isip. Siguro nga mauuna na lang ako dahil medyo napagod ako ngayong araw, at medyo masama pakiramdam ko dahil siguro sa malamig na tubig na binuhos sa akin kanina ng grupo ng demonyong si Renzo.
"Sige. Mauuna na lang ako. Gusto ko na rin kasi magpahinga," sabi ko. Tumayo na ako at kasabay no'n ay ang pagtayo rin ni Jam. Palabas na sana kami ng canteen nang biglang may nagtapon ng bote ng juice sa ulo ko. Napahawak ako sa parte ng ulo ko kung saan natamaan ang bote. Pati si Jam ay natigilan sa paglalakad. Una siyang lumingon kaysa sa akin.
"Sino ang nagtapon ng boteng iyon?!" rinig kong sigaw niya. Bago pa man ako makalingon ay rinig kong may sumagot 'di kalayuan sa kinatatayuan namin.
"Paano kung sinabi kong ako ang nagtapon no'n?" sagot ng pamilyar na boses.
Kahit hindi man ako lumingon ay alam ko na kung sino ang may pakana nito. Tuluyan na nga akong lumingon saka hinanap ang pinangagalingan ng boses na 'yon. Nakita ko nga ang isang demonyong nakapang-dekwatro pa ang upo na nakangising nakatingin sa amin.
"Akala ko kasi basura 'yong kasama mo, pre. Hindi ko alam, tao pala?" pang-aasar niya na ikinatawa ng mga estudyanteng nakapaligid sa amin.
Susugurin na sana siya ni Jam nang pigilan ko siya. "Hayaan mo na ako. Pumasok ka na," walang ganang sabi ko.
"No. Not this time." After he said that ay tinabig niya ako saka sinugod si Renzo.
Hinabol ko si Jam, ngunit huli na dahil nakalapit na ito kay Renzo.
"Lalaki ka ba talagang hinayupak ka?!" galit na sigaw ni Jam habang kinekwelyuhan si Renzo. Ngumisi lang si Renzo saka tumayo dahilan para mabitawan ni Jam ang demonyo.
"At sino ka naman?" tanging sagot ni Renzo.
Bago pa man makasagot si Jam ay sumingit na ako.
"Wala kang pakialam," matigas kong sabi dahilan para mapunta sa akin ang atensyon niya. Nilapitan niya ako saka hinawakan ang magkabilang braso ko. Nagulat ako nang bigla niyang hinigpitan 'yon dahilan para mapangiwi ako.
"Bitawan mo siya," pagbabanta ni Jam.
"Bakit, pre? Nagseselos ka ba?" nakangising sabi ni Renzo. Kahit medyo nahihilo ako ay nagawa ko pa ring pagmasdan ang mukha ng hinayupak, medyo natawa pa ako nang makita ang pasa sa pisngi niya kung saan ko siya sinuntok kanina.
"Jamir, just leave," pakiusap ko sa kaniya. Ayokong madamay siya rito. Instead na pakinggan niya ako ay hinila niya ako palapit sa kaniya dahilan para mabitawan ako ni Renzo. Itinago niya ako sa likod niya.
"Ang sweet mo naman, pare. Girlfriend mo?" natatawang tanong niya kay Jam.
"Kailan ka pa naging chismoso, pre? Kalalaki mong tao nangingialam ka ng buhay ng iba," sagot ni Jam na ikinatawa ko. Damn! Kung hindi lang ito seryosong usapan ay baka natawa na ako ng tuluyan. Kita ko ang pagbago ng ekspresyon ng mukha ni Renzo saka kinwelyuhan si Jam.
"Ang tapang mo rin, 'no? Hindi mo pa ako kilala kaya 'wag mo akong susubukan. Hindi mo magugustuhan ang puwede kong gawin sa'yo!" galit na sigaw ni Renzo. Ngumisi lang si Jam kaya lalong nanlilisik ang mata ni Renzo habang nakatingin kay Jam. I love this scene. Watching the devil becomes more devil.
"Ano ba ang kaya mong gawin? Ang manakit ng babae? Proud ka pa sa ginagawa mong 'yan, ah," cool na sabi ni Jam.
"Ganiyan talaga kapag demonyo." Nagulat ako sa sinabi ko. Dapat ay nasa isipan ko lang 'yon, e. s**t! Ba't lumabas 'yon sa bibig ko.
"What did you say?" Sa oras na ito ay sa akin na muling nakatuon ang atensyon ni Renzo. Hindi naman ako natakot. I will never be scared of him. Parehas lang kaming tao. Binitawan niya si Jam saka nanlilisik ang matang nakatingin sa'kin.
"Hawakan ninyo nga muna ang asungot na 'yan. Huwag ninyong bibitawan!" utos niya sa kasama niya.
"Relax. I can handle this," bulong ko kay Jam saka siya hinawakan ng kasama ni Renzo. Hindi na pumalag pa si Jam.
Painosente akong tumingin sa demonyong nasa harapan ko. His eyes are dark and deep. I can also see anger in his eyes.
"Sabi ko, gan'on talaga kapag demonyo. Demonyo rin ang galawan," walang interes kong sabi.
Kita kong hindi makapaniwala si Renzo sa inaasta ko. Siguro akala niya, sa kababae kong tao, e, magpapaapi ako sa kaniya. No way! Babae ako pero tinuruan ako ni Daddy na maging palaban and I thank him for that, dahil ngayon ay nagagamit ko na ang tinuro ni Daddy sa akin sa asungot na nasa harapan ko.
"Siguro gusto mo ako kaya nagpapapansin ka, 'no? Nagpapa-impress ka para mapansin kita?" rinig kong nagtawanan ang mga estudyante. What the hell? May amats yata itong kaharap ko at ganito makapagsalita. Rinig kong tumawa rin si Jam ngunit hindi na ito pinansin ng taong nasa harapan ko.
Sinampal ko siya na literal na ikinagulat niya. Napahawak siya sa pisngi niyang nasampal ko.
"Hoy, demonyo! Gumising ka nga! Binabangungot ka yata, e?" nandidiring sabi ko. "Ako?" Turo ko pa sa sarili ko. "Nagpapapansin sa'yo? Mandiri ka nga sa sarili mo! Hindi ka na nga guwapo, asyumero ka pa! Tsaka ako? Nagpapa-impress sa'yo?" Natawa ako. "Kung hindi ka lasing, nagd-drugs ka yata. Lakas ng amats mo, e!"
Kita kong nanlilisik ang mata niyang nakatingin saakin.
"Mark my word. One day, you will fall in love with me. Not now, but one day. When that day comes, I will never catch you," confident niyang sabi na lalong ikinatawa ko.
"Oh Mr. Delos Reyes, I love the confidence!" Pinagkrus ko pa ang braso ko saka tiningnan siya. "What made you think na mahuhulog ako sa'yo?"
Agad nitong hinapit ang baywang ko saka bumulong, "Dahil kahit demonyo ako sa paningin mo, kaya pa rin kitang dalhin sa langit gamit ang kama ko."
Rinig kong ngumisi siya. Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya ngunit 'di ako nagpatalo.
"Really, Mr. Delos Reyes? I love that! Baka kapag ginawa mo 'yon ay magsisisi ka. Dahil araw-araw mong hahanapin 'yon. Then, no one can satisfy you except me. Galing na ako sa langit na 'yon Mr. Delos Reyes, at lahat ng nagdala saakin do'n, ay ako at ako pa rin ang hinahanap at binabalikan. Binabalaan kita," ngumisi ako saka hinila na si Jam.
Natuwa ako sa reaksyon ng mukha niya. He looks so shocked.
"Anyway, huwag mo ng isipin 'yong sinabi ko. Baka hindi ka makatulog mamayang gabi," pahabol kong sabi saka tuluyan na akong umalis habang hila-hila ko si Jam.
But I don't understand why my heart beats so fast. Hindi ko alam saan ko napulot ang mga sinabi ko. Ayoko lang ipakita sa kaniya na apektado ako sa sinasabi niya. Napahawak ako sa dibdib ko. Ba't hindi ka kumakalma?