Chapter 3

1365 Words
It took me 30 minutes to find her. Ang bilis niyang maglakad, daig pa ang kabayo. Mabuti nalang at tanda ko ang kulay ng maleta niya. Hindi ko muna siya nilapitan, inobserbahan ko muna ang bawat galaw niya. Nakaupo siya sa sa isang sulok katabi ng maleta niya. Her eyes really looks lonely habang hawak hawak ang isang puting panyo at mukhang may pinapahiran sa mga kamay niya. I think her hands were bleeding! s**t! "Do you need help?" Di na ako nakatiis at nilapitan ko siya. She gave me a short glimpse saka ipinagpatuloy ang ginagawa nito. "Bakit mo ako sinusundan sir?" napakalambing ng boses niya. "Hindi po ako pwedeng sumama sa kahit kanino. I can manage." nakangiti nitong turan. With the way she talks, alam kong may pinag-aralan siya. Why is she here? "You're lying, you can't. Nagdudugo ang mga kamay mo." Hahawakan ko sana ang mga kamay niya pero nilayo niya ito. "Hindi ka dapat tumutulong sa isang complete stranger di'ba sir? Dapat ay umuwi nalang po kayo at magpahinga na. Baka pagod pa kayo sa trabaho." "Wala akong trabaho. I'm rich." may yabang kong sabi. "Then what are you doing here? Hindi ito lugar para sa mayayaman and hindi din ako karapatdapat na tulungan niyo." napakatigas din ng ulo niya. Saglit itong napahinto saka napabuntong hininga. "Hindi karapat dapat na tulungan pero namumutla ka na. I'm not playing here Miss. I'm offering you some help." "I really don't need help but thanks." napakagat labi ito. "Alam mo? I'm just trying to be nice with you." Tumungo lang ito saka muling napahinga ng malalim. "Just wait here and I'll buy some kits." hindi na siya sumagot sakin pero alam kong tatanggapin niya na ang tulong ko. "Hey! Mabuti naman at hinintay mo'ko." hingal kong sabi. Nakangiti kong nilapag ang mga binili ko. "Hi pogi! Gusto mo ba ng wampipti?" sabi ng panget na bading na pulang pula ang labi. "f**k!" Sinuntok ko siya. Napangiwi naman ito. "Pogi naman! Huhuhu. Nagbibiro lang ako." "Don't mess up with me. Gusto mo bang mamatay? Gago to ah!" mabilis siyang tumakbo ng akmang susuntokin ko ulit siya. Tanginang bakla 'yon. Aalukin pa ako?! Ako na mga babae mismo ang nag-aalok ng sarili nila sakin? Damn! Pinulot ko ang mga pinamili ko at napatingin sa paligid. She's gone. Siya na yata ang pinakapilyang babaeng nakilala ko, umiiyak pero nagagamit pa rin ang utak. Nasasaktan na pero ayaw pa ring magpatulong. Talk about trust issues. Bagsak-balikat akong naglakad. I didn't lose hope. Hinanap ko pa rin siya pero wala akong nakita kahit anino niya. s**t. Imposible namang mawala agad `yon. Hinahanap ko pa siya nang maigi pero wala na talaga siya. Naagaw lang ang pansin ko nang may malakas at mahabang businang pinakawalan ang isang PUV ilang metro lang ang layo mula sa aking kinatatayuan. She's f*****g insane! Sambit ko sa aking sarili. Nagmadali akong tumakbo para makita kung siya nga. At doon nakita ko ang puti niyang jacket. Nakatutok sa kanya ang ilaw ng sasakyan habang walang expression ang kan'yang mga mata. Nakatayo lang ito, wala sa sarili. "Bulag ka ba, Miss?! Bawal tumawid dito! May balak ka pa atang mamerwisyo. Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag kang mandamay ng tao!" dinig kong sigaw ng driver habang papalapit ako sa kinatatayuan niya. Nasa gitna siya ng kalsada, walang kaalam-alam na bawal tumawid dito. Bobo ka ba Vince? Malamang galing siyang probinsya, hindi siya sanay sa madaling araw na traffic dito at bilis ng mga sasakyan. Hindi ko nga rin sigurado kung marunong talaga siyang tumawid. Lumapit ako sa kanya at gulat naman ang isinukli niya sa `kin. Kumunot naman ang noo ng driver. "Mga gago pala kayo, e. May balak ka rin bang sumunod sa babaeng `to?" sabi ng driver sa`kin habang nakaturo sa kanya. "Hoy gago! Alisin mo na 'tong girlfriend mo. Nasobrahan ata kaya lutang na." sabi niya saka tumawa. "f**k your mouth! Asshole!" sigaw ko sa kaniya sabay kwelyo at suntok sa pagmumukha niya. "E, gago ka pala, e!" Gumanti ito ng suntok sa `kin pero pumalya siya. Napahawak pa sa panga ang gago bago sumuntok ulit. Sinuntok ko naman siya sa tiyan na kinagalit niya lalo. Dinig ko ang sigawan ng mga pasaherong nakasakay sa PUV. Walang tigil sa kaaawat. Hindi ito sapat para pigilan ako kaya nang napaupo na siya sa daan ay sinipa-sipa ko siya. "f**k you!" sigaw ko bago siya iniwang nakabulagta. Wala akong balak makulong kaya aalis na ako, baka mamaya takasan pa ako ng... Napatingin ako sa kabilang lane pero wala siya roon. Walang babaeng nakatayo at nakaputing jacket. Napahawak na lang tuloy ako sa `king panga. Ramdam ko ang kaunting pagkadismaya. Napaaway na nga ako, muntik na nga siyang madisgrasya. Pinili niya pa ring takasan ako. f**k! Vince! Bakit mo ba kasi siya sinusundan? Wala ka namang mapapala. Traydor kasing utak `to, ayaw makisama. E, ano naman kung puro siya sugat at umiiyak siya? May magagawa ka ba?! Hinagis ko na lang ang lahat ng dala ko. Damn it! Nasisiraan na yata ako ng bait. Para akong pinaglalaruan ng babaeng `yon! What will I do now? S'yempre hindi ko na siya hahanapin. Maglalakad na lang ako palayo para makauwi na rin at makatulog. Ang g'wapo ko para magmukhang zombie. Tatawagan ko na lang ang isang babae ko para pumunta sa unit ko at makapag-rock kami. Willing sila, e. Saka hindi naman ako nakikipag-session sa kung sino-sino, pili lang ang mga babae ko. Lahat sila magaganda, anak sa luho, brat at higit sa lahat uhaw. If I'll recall halos lahat sila nakuha ko ng virgin pa. Pinatong ko na lang sa batok ko ang magkabilang kamay ko, saka sinulit ang paglalakad. I have a car kaso naiwan ko roon sa hotel. Okay lang, may VIP card naman ako roon because my uncle owns it and alam kong hindi `yon mawawala dahil takot sila sa `kin. "Pssst! Huy!" Hindi ko pinansin. Baka mamaya makakita na naman ako ng baklang mukhang higad. "Pssst! Lalaki!" inulit niya pa ang pagtawag. Ako ba ang tinatawag niya? Nilingon ko na. Hinanap ko pero wala naman akong nakita. Bigla ko na lang naramdaman na may kumukuwit sa balikat ko. Napayukom ako ng kamao at napahinga nang malalim. When I face it, nakita ko ang babaeng `yon kanina na hawak-hawak ang mga tinapon ko. Nakatingin sakin ang asul niyang mga mata. Para itong nakangiti kahit hindi pa rin naitatago ang lungkot nito. "Sorry, ha. Iniwan kita. Bumili lang ako ng makakain para naman makabawi ako sa `yo." nakangiti na siya sakin ng biglang tumunog ng malakas ang tyan niya. Namula siya. "Nagugutom na rin kasi ako kanina pa. Alam ko, gano'n ka rin dahil sa kakasunod sa `kin." Itinaas niya ang isang balot ng Jollibee. Iyon ba talaga ang dahilan o baka naman nakita niya lang akong galit at dismayado kanina. Tinitigan ko lang siya at nakakunot-noo ako. "Tell me your name first, Miss," seryoso ang boses ko. Kung alam niya lang nangangawit na rin ang paa ko sa paglalakad. Minsan lang ako maghabol ng babae at hindi ko pa talaga kilala. Ngumiti lang siya sa`kin. "Alex pala. Sorry ha at salamat." Inabot niya sa`kin ang kanyang kamay. Makikipag-shake hands yata. Saglit akong napatitig dito, nanginginig ang mga kamay niya siguro dahil sa takot kanina. Akmang tatanggapin ko na sana ang kanyang kamay nang bigla niya itong binawi. "Sorry po ulit. Nakakahiya pala ang mga kamay ko." Itinaas niya ang mga kamay niya. Ang tinutukoy niya ay ang kanyang mga sugat. Inabot ko na lang ang kanang kamay niya saka ito hinalikan. Hindi ako nandidiri sa mga kamay ng babaeng ito. Ang alam ko lang may dahilan kaya puro sugat ang mga kamay niya. At ako `yong tipo ng lalaking walang pakialam sa sugat o ano man. Marami ako nun sa katawan dahil sa katarantaduhan ko. Mahilig akong makipagbasag-ulo, magwala sa public places at mabilis akong manapak ng tao kapag kelangan. Pero ibang usapan na sa babaeng ito, sabi nga ng Dad ko, "Beautiful are those who have scars because they are the most courageous people on Earth."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD