Chapter 2

1496 Words
Kung paglayo lang ang tanging paraan para hindi na ako muling masaktan pa, kakayanin ko. Kahit pa ang ibig sabihin nito ay mapalayo ako sa pamilya ko, sa buhay na kinagisnan ko at sa aking trabaho. Handa akong mamuhay ng mag-isa basta makalayo lang sa mala-demonyong Stephen na `yon. Dala ko naman yata ang lahat ng aking mga kailangan at may sapat na pera naman ako para makakain ng tatlong beses sa isang araw. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan `to tatagal. Dito sa isang waiting shed sa Quezon City ako napadpad pagkatapos kong sumakay ng bus mula Bicol. Wala akong ibang inisip habang nasa biyahe ako kung `di ang makalayo at ang galak na naramdaman ko dahil magkakamit ko na ang kalayaan. Tatlong araw pagkatapos akong saktan at sapilitang gahasain ni Stephen, nakahanap din ako ng tamang tiyempo para makawala sa kanya. Nakatira kasi kami sa iisang bahay kaya ang hirap tumakas, mabuti na lang talaga at saktong dumating ang lola niya pagkauwing-pagkauwi namin. Uhaw sa atensyon ng apo ang lola niya, kaya naman kahit dalawang beses ko pa lang itong nakakausap ay alam na alam ko nang mahilig itong mag-request sa kanyang apo. Kagabi, habang pinuntahan niya ito sa kwarto ay ang oras na rin ng pagtakas ko. Kabado akong kumuha ng kaunting gamit, walang ingay na lumabas ng bahay, sumakay ng tricycle papuntang sakayan at palingon-lingon na sumakay sa isang bus. Napangiti na lang ako nang umandar na ang bus at walang Stephen na pumigil dito. Sa wakas, makakalayo na rin ako. Salamat sa Diyos. `Yan na lang ang nasabi ko. Madaling araw na rin nang makarating kami sa istasyon ng bus. Sobrang lamig na rito kahit maliwanag pa naman ang paligid dala ng mga post lights. Marami ring taong naglalakad sa daanan kaya minarapat kong sumabay sa kanila. Naglakad ako nang naglakad hanggang mapadpad ako sa isang waiting shed sa harapan ng isang mini mart at naisipan kong dito na lang maghintay hanggang umaga. Kinaya ko ngang matulog kasama ang taong ginawa lang akong basura, sa lansangan pa kaya? Sa isang lugar na pawang katahimikan lamang ang maririnig mo. Bagay na bagay ang isang basurang tulad ko rito. Ginulo ko na lang ang aking buhok saka ako napatawa nang kaunti. I am happy. Ang tanga ko talaga. Dapat masaya ako. Hindi ko kasi alam kung bakit ayaw tumigil ng mga luha ko. May sarili bang kaluluwa ang mga luha at kahit ayaw mo nang umiyak, tuloy-tuloy pa rin ito? Gosh! Napahagulgol na ako. Bwisit na puso `to. Bwisit na mga mata `to. Hindi kayang makinig kahit paulit-ulit nang nagsasabi ang utak ko na tumigil na. Nakapagdesisyon na ako. Nandito na ako at kailangan ko na lang tanggapin `yon. Napasinghap na lang ako saka natawa na naman sa aking sarili. Para akong baliw. Ang gaga ko, ano? May tinatakasan nga ako kaya ako nandito. Hindi ko na kailangan mag-isip pa ng kung ano. Ang mahalaga, ligtas na ako. Kung hindi ako umalis doon ay siguradong uuwi akong isang malamig na bangkay sa pamilya ko. Kahit ano'ng gawin ko, sarili ko lang naman kasi ang makakatulong sa 'kin. Hindi ko naman kasi kayang magsumbong sa mga magulang ko tungkol sa ginawa sa 'kin ni Stephen. Magkasosyo kasi sa negosyo ang pamilya namin at sobrang taas ng tingin nila sa kanya. Kahit papaano, ayokong masira ang pangalan ni Stephen. Alam ko kasing hindi lang ako ang niloloko niya kung `di maging ang kaniyang pamilya. Hindi rin yata nila alam na may anak na siya. His Dad is pursuing him to be his successor kasi. Na kapag tumanda na ang ama niya, siya na ang hahawak ng business nila. Inihiga ko na lamang ang aking sarili dito sa bench saka hinampas ang mga mata ko. Nagpipigil ako ng luha. Kahit kasi ano'ng subok kong punas gamit ang kamay ko ay wala pa ring epekto. Humahapdi na nga rin ang kamay ko dahil hindi pa magaling ang mga paso ng sigarilyo rito. Marahil ay dahil sa luha kong nagpapahapdi dito. Pinipikit ko lang ang mga mata ko. Tahimik ang paligid maliban ng dumaan ang isang truck at bumusina ito ng pagkalakas lakas. Ipinagwalang-bahala ko na ito at pinikit na lang ang aking mga mata. Gusto ko nang magpahinga. Nakakapagod din palang lumaban para lang mabuhay. [Vince Fierro] I stared at her for almost five minutes bago ko naisip na lapitan siya. Minarapat ko na lang munang hintayin na makadaan ang truck na `yon. I don't know what's wrong with me para kasing may humihila talaga sa`kin para puntahan siya. Tinapon ko na lamang ang sigarilyo kong hawak saka ako naglakad papunta sa kinaroroonan niya. "Miss?" Nakapikit ang kanyang mga mata. I can't describe her well. Marahil ay dahil sa din sa dami ng babaeng dumaan sa buhay ko ay naging common na ang lahat. "Excuse me, Miss." Napalingon ako sa paligid kung may ibang tao pero wala naman. Kaming dalawa lang ang nandito. Hindi man lang namulat ang mga mata niya. Okay lang. I know she can hear me. "Hindi ka ba taga-rito?" I ask her pero walang reaksyon. Mukhang tulog yata. I tried to tap her shoulder. She's not responding. "Are you dead or something?" Awang-labi na lang akong napatunganga sa kanya. Lalo na nang mapunta ang aking kamay sa kanyang kaliwang pisngi at naramdaman ko ang tubig mula rito. Ngayon lang ako nakakita ng taong walang tigil ang pag-iyak kahit nakapikit na. Mugtong-mugto na rin ang mga mata niya, marahil ay ilang araw na rin siyang umiiyak. She's crying badly. Maybe she's in pain just like me. Muli kong tinapik ang balikat niya but still I got no response from her. Wala namang masama kung sasamantalahin ko ang himbing ng tulog niya, `di ba? Mas lumapit pa ako sa bench para tuluyang mapunasan ng thumb ko ang luhang lumalabas sa mga mata niya. Shit! Anong ginagawa mo Vince? Are you out of your mind?! Mabilis ko naalis ang kamay ko nang nakita kong gumalaw nang bahagya ang balikat niya. Lumayo ako. "Miss?" sabi kong muli bago siya gumalaw. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tahimik siyang napatitig sakin. I saw her eyes. I saw her tears falling. Shit! Napaatras ako. Damn those eyes. "Nako. Sorry, sir. Pulis ho ba kayo? Sorry ha. Dito na ako natulog kasi naman galing pa ako ng Bicol at hindi pa ako nakakahanap ng matitirhan. `Wag niyo sana akong dalhin sa station, maya maya hahanap na rin ako ng bahay." nakangiting sabi niya habang kinukusot ang kanyang mga mata. Bahagyag tumigil ang mga luha nito. I saw her eyes beamed at me. Bigla akong kinabahan. May mali. May mali sa mga mata ng babaeng 'to. "Sir?" Kinawayan niya ako. Damn! Nawala na rin pala ako sa sarili ko dahil sa sobrang pagiisip ko. I came back to reality, binaba ko na lang ang tingin ko sa mga kamay niya. f**k! Mas sariwang tingnan ang mga sugat niya nang malapitan. Pasong-paso ito, ang lalalim. I got involved with violence pero ni minsan ay hindi ako gumawa ng ganitong karahasan sa isang babae, pinapatay ko sila pero sa sarap hindi sa hirap. Sa kabila ng mga sugat nito ay hindi matatago ng mala-bulak niyang mga palad at mala-nyebe niyang kutis. I think it's best to describe her as a simple fragile type of woman. "Sorry, Miss," sabi ko na lang. Hindi ko maiangat ang ulo ko. "Uhm. Can I ask?" agad nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ito ng kalituhan. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa sugat niya. Bicol. Doon niya siguro nakuha ang mga sugat na 'yon. Pero paano? Ano ba'ng nangyari sa kanya? Bakit siya nandito? I'm really curious. Siguro gusto ko lang ng mapaglalaanan ng oras ngayon kesa naman bumalik ako sa bar. "Po?" pagtataka niya. Ngumiti ako saka tumingin na naman sa kan'ya. She looked at me in an angelic manner. This time lalo naging kulay asul ang mga mata niya. She smiled at me. I groaned. I hate her eyes. There's something weird about it. "Can I bring you to my place? Delikado rito, eh." bigla ko na lang nasabi. Nakita ko namang ngumiti siya sa `kin saka tumayo sa bench. So sasama siya? Hinawakan niya nang maayos ang kanyang maleta saka masayang tumingin sa `kin. Ngunit nang magtama ang mga paningin namin ay agad na siyang umiwas. Weird. Sasama nga yata siya sakin. "Sorry, sir. Pero hahanap na lang ako ng condominium unit. Marami naman siguro akong makikita, maglalakad-lakad na lang ako mamaya. Salamat na lang sa alok n'yo." Tinalikuran niya ako at dahan-dahang naglakad. Iniwan niya akong nakatayo sa tabi ng bench. She left me tongue-tied. Nagmukha akong tanga. Ginawa niyang tanga ang isang Vince Fierro. Akala ko talaga sasama siya sa `kin. Minsan nga lang akong maging mabait sa isang babae, sa tipo namang aayawan ang tulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD