Bakit nga ba may mga taong dumarating sa buhay natin para sirain tayo?
Bakit ba may mga taong aalagaan tayo sa umpisa para lang saktan tayo sa huli?
Bakit may mga taong handang mangako ng kung ano-ano sa `tin para lang paasahin tayo sa wala?
Bakit nga ba sila dumadating?
Para wasakin, sirain, mahalin at palakasin tayo? Ganoon ba?
May mga bagay talagang hindi napag-aaralan. Hindi mo kayang hulaan at pangunahan. Tulad ng lalaking `to na kasama kong kumakain ng burger at fries sa harapan ng isang nakasaradong sari-sari store, I can't read him. He's neither good or evil.
"Why are you staring at me? Nabigla ka ba sa ginawa ko sa lalaking 'yon kanina? Hahaha." Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.
Tuwang tuwa pa siya sa ginawa niya kanina. Siguro kung walang mga tao sa paligid napatay niya na 'yon. Wala man lang bakas ng awa mula sa mga mata niya kanina. He's like a different person now. Para akong nakaharap sa alter ego niya.
"I think you're overwhelmed. Kanina lang nakipagusap ka na sakin, bakit bigla ka na namang natahimik ngayon?" he smirked.
Iniwasan ko ang titig niyang yun sa'kin. Binaling ko nalang ang paningin ko sa paligid. Unti-unti nang sumisikat ang araw at lumiliwanag ang paligid.
Thanks God. Umaga na rin pala. Marahil nasa alas singko na ng umaga kaya kitang-kita ko na lahat ng aspeto ng mukha ng taong kaharap ko ngayon.
"Kanina pa tayo magkasama hindi mo pa nasasagot ang tanong ko kanina." Napatingin siya sa `kin habang umiinom ng coke float.
"Ano ba'ng pangalan mo?" Ngumiti ako sa kanya. Isang ngiting nagnanais ng isang panibagong pagkakaibigan at kakilala. Nakita ko naman siyang lumunok at winala lahat ng nginunguya niya.
"Vince. Vince Xerxes Fierro." This time siya naman ang nag-abot ng kamay sa`kin.
Nahihiya pa rin ako dahil sa mga paso ko sa kamay. How am I supposed to shake hands with him at this state? Nakita kong tumitig na naman siya ng matagal sakin as if asking me what's bothering me.
Kumuha nalang ako ng tissue at pinagitna sa kamay namin bago tuluyang nakipag-shake hands sa kaniya.
Vince Xerxes Fierro. Pangalan niya pa lang tunog mayaman na. Siguro nga totoo ang sinabi niyang mayaman siya kaso bulakbol lang. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kanya basta ang alam ko nakakabilib ang kilay niya. Para kasing may disenyo itong linyang kuwit sa magkabila niyang kilay. Kumukorteng sungay pero astig tingnan. Mukhang pangmasungit pero okay naman.
"Alex Montenegro." tipid kong sabi saka nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Kahit kailan talaga hindi ako magsasawa sa burger. Bakit? Kasi ito ang regalo sa`kin palagi ng mga estudyante ko noon.
"Alex? Your name sounds like a guy's name."
Ngumiti lang ako sa kanya. "Yes, kahit sa probinsya palagi akong napapagkamalang lalaki dahil sa pangalan ko."
Pati mga studyante sa pinapasukan ko noon palaging Mister (Mr.) ang nailalagay sa mga sulat nila. Nakakatuwa diba? Graduate ako ng psychology kaya naman isa akong guidance counselor sa isang public school sa probinsya. Kahit ganito ako kasawing tao, may ginagawa naman ako sa buhay ko noon maliban sa pagpapakatanga kay Stephen.
Naputol ang katahimikan sa pagitan namin nang bigla niya akong tinanong. "Bakit nagkaganyan ang kamay mo?"
This time nasa magkabilang bulsa na nito ang nga kamay niya. Ngumuso siya sa kamay ko.
Gosh! Bumabalik pa rin sa isipan ko yung ginawa niyang paghalik kanina. Hindi ba siya nandiri? Napatingin naman ako sa mga kamay ko at nakitang nagdurugo pa rin ang mga sugat ko, marahil ay nasasagi ito ng lalagyan ng fries at sa tuwing napapalakas ang dukot ko. Hindi ko na gaanong ramdam ang sakit, siguro naging manhid na din ako.
Naghihintay pa rin siya ng sagot ko.
"Hmm. Napaso ng sigarilyo. May tao kasing may galit sa`kin. Basta ganun. Nabiktima ako kasi nagpakatanga ako."
"Walang manloloko kung walang taong nagpapaloko." direct niyang sabi sakin.
Napalunok ako sa tinuran niya. Oo nga naman, tama siya. Ginusto ko ding magpaloko kasi mahina ako. Hindi ko kinayang protektahan ang sarili ko mula sa sinapit ko kahit may kakayanan naman sana akong umiwas noong umpisa palang.
"Bakit mo nga ba ako sinusundan simula kanina?"
Napaisip siya, kumunot ang noo. "I don't know. Trip ko lang." he grinned at me. Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya.
"Just kidding. Ang totoo, naawa lang ako sa `yo. Alam ko kasing bagong salta ka rito at wala pang alam. At saka hindi ako sanay na nakakakita ng umiiyak na babae, lalo na kapag madaling araw at nasa lansangan pa." Hayan at ngumiti na naman siya.
Alam n'yo ba, kahit mukha siyang adik na parang rapist na parang sadista, mararamdaman mo naman ang kabaitan niya. He's different from the first impression, I imagined nung nilapitan niya ako sa waiting shed.
"At isa pa..."
Naputol ang sinasabi niya nang may napadaan sa harapan namin. If not mistaken limang babae, lahat sila nakasuot ng revealing outfits at mukhang kakauwi lang mula sa bar. Matatangkad at balingkinitan ang mga katawan.
Medyo zigzag na rin ang mga lakad nila. Magaganda silang lahat at napakasexy pa ng dating.
I stared at them, lahat sila may nagmamalaking hinaharap. Kabaliktaran nang sakin. Iba iba din ang kurba ng mga balakang nila pero lahat malalaki. Grabe.
Nakita kong titig na titig si Vince. Kulang nalang maputol ang leeg niya. Hays. Lalaki nga naman.
Napailing na lang ako.
Lalo akong nanliit nang pinansin kami ng babaeng nakasuot ng red laced bodycon dress. Sa tingin ko siya ang pinakamatangkad sa kanilang lahat.
"Hi, Vince. Flavor of the day?" Nakita kong napangiti din si Vince kanya.
Lumapit siya samin saka tinitigan akong mabuti mula ulo hanggang paa. Ngumiti siya sakin. "Miss, mag-ingat ka sa lalaking kasama mo ngayon. Ni minsan hindi pa `yan nagseryoso." she said with a serious voice.
"Talaga?" bigla kong tanong.
Tumango naman siya at napatingin ulit sa `kin. "Balak ko nga sana siyang puntahan maya-maya pero hindi ko alam na bumaba na pala ang standards niya sa mga babae." Inayos ng babae ang sleeveless niya kaya ngayon ay humubog lalo ang dibdib nito. Kitang kita na rin ang clevage niya.
"Marunong ka na pala ngayong mangalakal Vince?" sabi ng isang babae sa likod niya saka tumawa.
Tumawa na din ang ibang kasama nila saka ako nito tinaasan ng kilay. "Sang impyerno ka ba galing at nabubulok na 'yang katawan mo?" napakasarkastik na ng boses nito.
Hindi ko mapigilang hindi mapabuntong hininga. Sobra na ang pang-iinsultong natatangap ko mula sa kanila.
"Sorry Vince." Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. "Sorry din sa inyo."
Tumingin ako kay Vince. Nakayukom ang mga palad nito at mukhang nangangalit ang mga panga. Hindi ko alam kung imagination ko lang pero parang dumilim na naman ang arua niya tulad kanina.
"Alam kong hindi kayang maging santo ng lalaking `yan para sa isang basurang katulad mo."
Akmang tatayo na si Vince pero pinigilan ko siya. Napakunot-noo siyang tumingin sakin. Inalis nito ang kamay kong nakahawak sa braso niya.
"Why are you stopping me?" galit nitong sabi sakin. I can see his eyes turned dark.
Lumapit siya sa babaeng nasa harapan namin. Nabigla ako ng hinawakan niya ang kanang dibdib nito sa ibabaw ng damit. Dinig ko ang singhap ng babae. Napatili ito ng biglang ipinasok ni Vince ang kanyang kamay sa loob ng damit nito.
"She's a new friend, Steff. Bago lang siya dito. Probinsyana."
Tahimik lang `yong babae. She's biting her lips, para din siyang hinihingal na hindi maintindihan.
"V-vince. S-stop. Uhmmm." Pulang pula ang babaeng tinawag niyang Steph kanina. "P-please not here, madaming nakatingin." she's pleading to him.
Napatakip ako ng bibig, hindi kaya...yung ginagawa ni Vince sa dibdib niya.
"Do you like it b***h?" tuwang tuwang sabi ni Vince ng inalis na nito ang kamay niya. Halos mapaupo ang babae, buti nalang inalalayan ito ng mga kasama niya.
Humarap lang sakin si Vince. Nag iba na naman ang impression nito, he smiled at me with victory.
"Let's go?" saka niya ako hinila para mapatayo na. Gusto ko mang alisin ang kamay niya pero he's too persistent.
"Don't worry Steph. She'll be safe with me. I think I'm going to take her home." Napatingin ako sa kay Vince.
Napangiwi.
Ano raw?
Iuuwi niya ako?
He's crazy.