Chapter 16

1839 Words
Matapos ang insidenteng iyon ay umuwi na si Penelope sa kaniyang mga magulang na tuwang-tuwa nang makita siya. Walang araw na hindi siya inaasikaso ng mga ito na parang prinsesa. She was back with old life where everyone treat her like a fragile princess. Masaya siya sa nangyayaring iyon lalo na at bumalik na rin siya sa pag-aaral at malapit na ngang magtapos. Iyon nga lang, sa buong durasyon ng kaniyang pagpasok sa paaralan ay may kasama siyang bodyguard dahil takot ang kaniyang mga magulang na lumapit si Lynus sa kaniya. Correction, hindi pala ang kaniyang mga magulang kundi ang kaniyang kapatid na si Peaches. Naiintindihan naman niya ito dahil ito ang puno't dulo ng kaguluhang mayroon sila ni Lynus. But it wasn't her fault. Hindi naman kasi nito alam iyon but the guilt was still eating her. Ang kaniyang mga magulang, they weren't talking about Lynus or their marriage pero batid niya ang palihim na pag-uusap at pagkikita ng mga ito kay Lynus. Hindi niya alam kung ano ang ginawa o sinabi ni Lynus sa mga ito para maging bahagyang okay ang pakikitungo ng mga ito sa lalaki. Isa pa ay madalas na rin ang pagdalaw ni Lynus sa bahay nila na noong una ay kasama pa si Larry at ang mommy ng mga ito na kalaunan ay nag-solo na ito sa pagdalaw sa kaniya. He was like doing it the first time when he courted her. Iyon nga lang mas matindi lang ngayon dahil inaalila na ito ng mga magulang at kapatid niya except Peaches na kay talim ng mga tingin sa binata kapag dumadalaw ito. Panay rin ang pagbubunganga nito at pasaring kay Lynus na binabalewala lamang ng huli. "Wala ba kayong konsensiya at talagang hinahayaan niyo ang lalaking iyan dito?" sarkastikong wika ni Peaches sa pamilya. They were having a dinner together with Lynus and his mother. "Let's talk about it after dinner, Peaches. It's rude when we're infront of graces," mahinahong wika ng kanilang ama. The dinner, because of Peaches remarks, went silent. Tanging ang mga tunog ng kubyertos lamang ang naririnig hanggang sa matapos sila sa paghahapunan. She excused herself matapos kumain at hinayaan naman siya ng mga ito habang si Lynus ay nakamasid lamang sa kaniya. She locked herself in her room at matapos niyon ay hindi na lumabas hanggang sa makaalis na ang mga bisita. Napabuntong-hininga siya. Sa totoo lang ay nakikita naman niya ang pagpupursigi ni Lynus para sa kaniya. Nakikita rin niya ang pagkakaiba sa ginawa nito noon at sa ginagawa nito ngayon. She can see the sincerity on him now. Hindi rin ito pumapalya sa pagpapadala ng mga bulaklak, puting bulaklak as a sign of purity. Hindi rin nito itinatago ang pagpapahayag nito ng pagmamahal sa kaniya verbally. Kahit saan. Walang pakundangan ang pagsabi nito, minsan ay pagsigaw na mahal siya nito. Regarding his trauma, ipinadala nito sa kaniya ang buong record, journal ng pagpapagamot nito maging ang diagnosis ng pcychologist nito. May mga kalakip pang video clips ang mga iyon every session nito. Proof daw iyon na gagawin niya ang lahat para magbago. Maging hanggang ngayon kapag dumadalaw ito sa doctor kahit na tapos na ang sesyon nito ay nagpapadala pa rin ito ng video. Nabalitaan din niyang ibenenta nito ang dati nilang bahay. May bahagyang tuwa siyang naramdaman doon ngunit hindi rin niya maiwasang malungkot. Marami rin naman silang masasayang alaala roon. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. It was him. Madalas na rin itong tumawag sa kaniya at kung minsan ay sinasagot niya ngunit hindi siya nagsasalita. But then it was okay with him at ito na ang panay kwento sa kaniya, hanggang sa nakasanayan na rin niya ang pagtawag nito as if she was listening to a radio. She answered the call and as usual ito na naman ang nagsasalita. "How was your day?" panimula nito sa kaniya. "You know I've got a bad day today dahil lumubog ang isang barko namin. Thank God walang casualty. Hmmm... do you have time? Maybe you could visit the office and have some chit-chat with me over lunch?" Paused. "Congratulations in advance pala. Would you like to work in my company? Or in another company? I can recommend you." Sa mga pinagsasabi ni Lynus ay wala pa rin siyang sagot sa mga iyon ngunit she was mentally noting all of them. "I'll visit the church on Sunday, would you like to come? Isa sa natutuhan ko simula noong umalis ka ay ang magsimba. And you can remember I seldom go to church. And it did well to me. Marami akong bagay na natutuhan. Funny how I dislike coming to church before but with you not around, when people around weren't there because of what I've done to you, Siya ang tinakbuhan ko. And I'm glad I did. Iyon nga lang nakakalungkot mag-isa roon habang ang mga katabi mo ay kasama ang pamilya, kasintahan, asawa at mga anak. Hindi naman kita kinokonsensiya sa lagay na ito but--- "I'll go with you," sagot niya na ikinatahimik ng kabilang linya. "R-really? You'll come with me?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya. Halata sa boses nito ang labis-labis na galak. "I'll fetch you." "Let's just meet there." "Okay, kung iyan ang gusto mo. Thank you. Thank you for coming. And thank you for talking to me." With that, she turned off her phone. When Sunday came, nagkita nga sila ni Lynus pero hindi siya nag-iisa. Peaches and her husband were with them. Nasa likurang bahagi lamang ang mga ito at nagbabantay sa kanila ni Lynus. Seeing Lynus and how he was hooked in praying, listening, hindi niya maiwasang mapangiti. Hindi kasi ganito ang Lynus na kilala niya. Ibang-iba na talaga ito ngayon. All he shows were honesty and sincerity in everything he does lalo na kapag may kinalaman sa kaniya. At iyon nga, ilang beses pang naulit ang pagsisimba nila ni Lynus na todo kinukontra ng kaniyang Ate Peaches ngunit wala rin naman itong magawa dahil halos buong pamilya na niya ang umaayon sa progress nilang dalawa ni Lynus. At ngayon nga ay kasama niya ang lalaki sa loob ng sasakyan dahil pumayag na siyang sunduin siya nito. "P-please don't!" may takot na wika niya nang umangat ang kamay ni Lynus. Nag-atubili naman ito dahil sa sinabi niya. "I'm sorry. I'll just want to fasten your seatbelt," wika nito sa kaniya. She fixed her seatbelt at buong durasyon ng biyahe nila patungo sa simbahan ay wala silang imikan hanggang sa matapos iyon. Lynus asked her to dine with him at Loui's at pumayag naman siya. Siya rin naman ay gustong may mapatunayan sa sarili. She wanted to know how does it feel to have Lynus around na siyang mag-isa. She could feel fear at panay naman ang hingi ng paumanhin ni Lynus sa kaniya. "Okay lang ba kung dito sa bandang ito tayo?" he asked. The place has a little bit privacy unlike the others. "No problem," sagot niya. Sa totoo lang ay medyo touched siya dahil ito ang unang date nila ni Lynus simula noong magkita ulit. At sa buong durasyon ay wala siyang nakitang ikakapintas dito. He did everything genuinely. Mas nakikilala niya ang Lynus ngayon dahil open na open ito patungkol sa buhay nito. Hindi rin ito gumagawa ng hindi niya gusto. He would ask permission everytime he did something which she appreciated. Hanggang ang paglabas na iyon ay nasundan at nasundan pa. She was comfortable with him lalo na at open na rin ito sa pamilya niya. And she learned a secret. Lynus made a will putting her name as the owner of all his wealth. Ginawa nito iyon pagkatapos nitong mangako sa ama niya na kapag sinaktan siya nito ay ibabaon siya sa hukay. Kaya naman pala malakas ang loob ng kaniyang ama na maging open sa kanila dahil doon. May pinanghahawakan pala ito at batid ito ng ina ni Lynus maging ni Larry. "Sigurado ka na ba riyan sa pinapasok mo, Pen?" tanong ng kaniyang ate nang makarating siya matapos ang date nila ni Lynus. "He may hurt you again." "Hon, let her decide and see Lynus' worth. If he's worth it," singit naman ng asawa nito. "Take a rest, Pen." "Kinakampihan mo na ba ang kapatid mo?" tanong ni Peaches sa asawa nang makarating sila sa kwarto. "He maybe my brother but you know where I stand when it comes to Pen. But, Hon hindi mo ba nakikita ang ginagawa ni Lynus para maging karapat-dapat siya sa kapatid mo? Alam kong batid mo iyon. Stop feeling guilty anymore about it. Let Penelope decide. Deserve niyang maging masaya and Lynus may deserve a second chance too." "And if he'll hurt her again?" "Sa tingin mo ba sasaktan pa ni Lynus si Pen? He was head over heels inlove with her. And we are there to guide him, them. Give him a chance with your sister. Everybody deserves a second chance. Maybe it's worth it." "Natatakot pa rin ako para sa kapatid ko, Hon." Lumapit sa kaniya ang asawa at niyakap siya nito. "He'll doom himself if he'll do that again. Trust me. Even I couldn't believe his progress but he did it for her. Let's trust him this time, will you, Hon?" Napabuntong-hininga naman si Peaches sa sinabi ng asawa then she tyrned around and looked at him. "I have something to confess," panimula niya na ikinakunot ng noo ng asawa. "Spill the beans." "You know... when we met Pen... that day... it was Liz, my friend whom Lynus---" "I know," sagot sa kaniya ng asawa. "I remembered her that night pero hindi na lang ako umimik because that would be a test to my brother. Kinausap ko rin siya and confirmed that it was you who told her to seduce Lynus." "I'm sorry," hinging-paumanhin niya sa asawa. "I understand you, Hon. Ginawa mo lang iyon dahil iyon ang alam mong tama. But then you should let them decide for themselves. Isa pa hindi ka sa akin dapat humingi ng tawad kundi sa kapatid mo. At kay Lynus," turan ng kaniyang asawa. Napatango siya sa kaniyang asawa bago ito muling niyakap. Mamaya ay kakausapin niya si Penelope at humingi ng tawad dito dahil sa ginawa niya. She hoped that she'll understand her. At iyon nga ang ginawa niya pagkatapos ng hapunan. Pinuntahan niya ito at kinausap sa garden. "Pen, you know how much I love you right?" tanong niya sa kapatid. "Of course, Ate. Alam na alam ko iyon. Panganay na anak mo nga ako kung ituring mo." "So you understand why am I so protective right?" muli niyang tanong sa kapatid. "Is this something about Lynus, Ate?" Tumango siya bilang sagot sa tanong ng kapatid. "Do you love him? Do you still love him?" tanong niya. Biglang natahimik si Penelope sa naging tanong niya. She was thinking. She was analysing her question, herself, her feelings. Batid niya ang pagkalito nito dahil sa naging tanong niya. Then the sides of her lips lifted up. With that she knew the answer already.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD