Chapter 17

2263 Words
Niyaya ni Lynus si Penelope sa isang movie date. He wasn't sure kung papayag ito ngunit nagbakasakali na rin siya. Kailangan niyang sumugal. Kailangan niyang gawin ang lahat para bumalik sa piling niya ang dalaga and he needed to do it right. Being patience is one of the keys to do it right. Malaki ang naging kasalanan niya sa dalaga kaya naman ginagawa niya ang lahat-lahat para makabawi man lamang sa sakit at paghihirap nito. Alam niyang hindi na niya maibabalik pa ang nakaraan kaya naman ipinangako niya sa sariling gagawin ang lahat para lumigaya ito at hindi masaktan. Mamahalin niya ito nang higit pa sa buhay niya. He was always praying that someday, one day, Penelope would love him again and he can't wait for that day to come. When he arrived at their residence, Penelope was waiting for him at the garden. Kausap nito si Peaches. Sa totoo lang ay nag-aalangan siya sa tuwing nasa paligid si Peaches, hindi dahil sa nararamdaman niya noon kundi dahil sa nakikita niyang galit nito sa kaniya dahil sa ginawa niya sa pinakamamahal nitong kapatid. Naiintindihan naman niya iyon dahil kung siya man ang nasa katayuan nito ay baka mas masahol pa roon ang galit na mararamdaman niya. "Take care of my sister, Lynus. Hindi ako mangingiming ibaon ka na talaga sa hukay kapag sinaktan mo pa siya. This is your last warning and you know that," bungad sa kaniya ni Peaches. Geez! Alam na alam na talaga niya kung ano ang mangyayari kapag nagkamali siya. Halos lahat sila ay ganoon ang banta sa buhay niya at naiintindihan niya ang mga ito. "I will. Don't worry sobrang mahal na mahal ko ang kapatid mo para paluhain ulit siya. If ever that would happen, I wanted her to cry not in pain nor hurting but with happiness," sagot niya rito nang puno ng sinsero. "Good!" Bumaling ito sa kapatid. "Enjoy." Nagpaalam na siya rito bago inalalayan si Penelope patungo sa sasakyan niya. Then they went to the mall para sa kanilang movie date. He let her decide what they watch and she chose a cartoon movie. Inaabangan daw kasi nito iyon. "Just wait for me here and I'll buy our tickets," wika niya rito pagkatapos ay iniwan ito upang bumili ng ticket at pagkain nila sa loob ng sinehan. Hindi pa siya tapos magbayad sa binibiling popcorn nang makita si Penelope na may kausap na lalaki at masaya pa ang mga ito. He felt jealous all over na gusto niyang sugurin ang lalaking iyon but then he stopped himself. Jealousy is normal pero hindi na magiging normal iyon kung dahil doon ay gagawa siya nang ikakapahamak nilang dalawa ng dalaga. So he counted one to ten to calm himself at sakto naman na ibinigay ang popcorn nila ng dalaga. "Here," bungad niya sa mga ito. Ngumiti ang dalaga sa kaniya pagkatapos ay kinuha ang isang popcorn na hawak niya. "May kasama ka pala," wika ng kausap nito. Sasagot sana siya rito nang maunahan naman siya ni Penelope. "Yeah. My husband," wika nito na ikinakabog ng kaniyang dibdib. Big time. Halos pangapusan pa nga siya ng hininga dahil doon. "Oh! So, I'll go. See you sa school," wika ng kausap nito bago umalis. Nang humarap sa kaniya si Penelope ay nangunot ang noo nito. "Are you okay?" "Yeah." Ngumiti siya rito. He calmed himself dahil abnormal pa rin ang pagtibok ng kaniyang puso. "You said I am your husband." "Ayaw mo?" tanong ng dalaga sa kaniya bago ito nagsimulang maglakad papasok ng sinehan. Hinabol niya ito na may ngiti sa labi. Who would not be glad hearing that? Siyempre gusto niya. Gustong-gusto niya kahit na sabihin alibi lamang iyon ng dalaga. Nang makaupo sila sa pwestong pinili ng dalaga ay muli niyang itinanong ang sinabi nito. "Shut up! Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Bakit ba ang daldal mo?" wika ni Penelope at pabulong pa iyon kaya naman inilalapit nito ang mukha nito sa kaniya para marinig niya ito. Damn! Gusto niya itong hapitin palapit sa kaniya at bigyan ng mga halik sa labi. "You weren't talking to me so I practice being talkative for you." "So kasalanan ko pa na madaldal ka na ngayon?" asik nito sa kaniya. Napangiti niya sa sinabi nito. Simula kasi noong bumalik ito ay na-master na nito ang pagiging mataray. Well, mataray naman daw talaga ito sabi ng mga magulang nito at mga kapatid maging ni Larry. Na-heighten lamang daw ito noong nawala ito and that was given. "Of course not. It was a good thing. At tsaka sa iyo lang naman ako madaldal," sagot niya. "Dapat lang dahil kapag nakita talaga kitang may kadaldalang iba ay magsama na kayo!" wika nito. Muli ay naging abnormal na naman ang pagtibok ng puso niya. "I won't do that. Alam mo namang ikaw lang ang gusto kong makasama," sagot niya rito. "Good! Now watch. Kapag hindi ko naintindihan itong pinapanood ko, this would be the last time na sasama ako sa iyo." "No talk", wika niya and they continued watching. Mahirap nang hindi nito maintindihan ang pinanood. Ayaw rin naman niyang ito na ang huli nilang labas. Habang abala sa panonood ay napangiti niya nang maramdaman ang pagpatong ng ulo ni Penelope sa kaniyang balikat. He looked at her side and she was still focused on the movie. Hindi na nga rin nito namalayan na ubos na ang popcorn na kinakain nito at nakikidukot na ito sa popcorn niya. Hanggang sa matapos ang pinapanood nila ay nakasandal pa rin ang ulo nito. Nagsitayuan na rin anh mga kasama nila sa loob ngunit hindi pa rin natitinag ang dalaga. Maging nang magsimula ulit ito. Kaya naman ang buong akala niya ay gusto lamang nitong ulitin ang palabas. "Why did you change? What made you change?" out of the blue na tanong nito. "I wanted to be a better person for you. No. I wanted to be worth it. Worth your time, attention, love. I wanted to be part of your life again. There was a hole in my life and I only realized that when you're gone. I thought, at first, I was okay. Hindi naman kita mahal so why would I care for you. But then I started missing you. I started looking for your presence in the house, in my life. I ignored it. Pero habang tumatagal ay mas tumitindi ang pangungulila ko sa iyo. And that's where I realized that my life wouldn't be the same without you. It started to sink that what I've done to you, it was monstrous. Hindi kapata-patawad ang mga bagay na nagawa ko sa iyo. I started analysing what was wrong with me because I realized how much I love you and that I couldn't go on with my life without you." "Do you still love my sister?" Napailing siya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Mahal kita. Ikaw ang mahal ko. I realized hindi ko naman talaga minahal ang kapatid mo because it wasn't the same as what I am feeling for you right now. It was different. A lot different. Marami ang nagbago sa akin because of you. I changed only for you. I'm still grumpy, a monster but to others." "How sure you are that you won't include me when you become a monster again?" tanong nito sa kaniya. "I'd rather hurt myself than do that to you again. Being a monster, it wasn't scary for me pero kapag ikaw ay nawala ulit iyon ang mas kinakatakutan ko. I'll die. I'd rather die kapag nawala ka pa ulit," madamdaming wika niya rito. "So what do you plan to do?" muling tanong ni Penelope sa kaniya. "My plan? Just to wait for you," sinserong wika niya rito. "And what if---" "I'll wait for you even if it takes a lifetime," putol niya sa sasabihin nito. "And if a lifetime wasn't enough, I'll wait for you the next lifetime and the next one hanggang sa mahalin mo ulit ako." "Really? Sounds true," turan ni Penelope sa kaniya. "But it is true," sagot niya rito. Tumayo na si Penelope at nagsimulang lumabas na sinundan naman niya. Nang makalabas ay nagyaya na itong kumain dahil nagutom daw ito which he granted. Pinapili niya ito kung saan nito gustong kumain but she said, "Surprise me." Dahil hindi naman mapili ang dalaga ay dinala niya ito sa isang parke na kung saan sila nag-food trip. They were sitting in a bench while eating streetfoods when a kid holding a basket of flowers came. "Kuya, bili na po kayo para sa girlfriend niyo," wika nito sa kaniya. Marami-rami pa ang tinitinda nito at mukhang pagod na ito. "Heto, magmeryenda ka muna bago ako bumili," wika niya sabay abot sa pagkaing nilalantakan nila ni Penelope. Hindi naman umiimik si Penelope at nakamasid lamang sa kanila. "Matagal ka na bang nagtitinda?" tanong niya. "Kaninang umaga pa ho. Matumal po ang benta," sagot naman nito. "Magkano iyan?" tanong niya. "One hundred fifty po ang isa." "Mahal naman pala kaya hindi mabenta," saad niya. "Wala po akong magagawa, kuya. Kailangan eh. Pambuhay ko sa kapatid ko." "Your parents?" sabad ni Penelope. "Naku! Wala na po. Matagal nang patay. Doon ho kami nakatira," wika nito sa kanila. "Where?" tanong niya. Itinuro ng bata ang auditorium ng park. Nakita rin niya ang awa sa mga mata ni Penelope habang nagtatanong ito sa batang lalaki. "Ilan pa ba iyang natira? Bilangin mo na at bibilhin ko," wika niya. Labis-labis ang tuwa ng bata habang binibilang nito ang natitirang paninda. Binayaran niya ito at binigyan ng pasobra na mas ikinatuwa naman nito. Ibinigay niya kay Penelope ang mga bulaklak ngunit may lungkot pa rin ito sa mga mata. "Would you like to walk over there?" Turo niya sa pinuntahan ng batang lalaki na agad naman ikinatango ni Penelope. And there, they found out the boy and his sister with their things kasama ang kartong higaan ng mga ito. When he looked at Penelope, tears were streaming on her eyes. "Can we take them?" Tumango siya at tinulungan itong kunin ang mga gamit ng magkapatid. Dinala nila ito sa shelter kung saan siya ang isa sa major sponsors. The two kids were very happy having a safe place to sleep and live and start a new life. Matapos maihabilin ang mga ito ay nagpaalam na sila and that was already night time. "Thank you," wika ni Penelope sa kaniya na ikinangiti niya. "You're always welcome," sagot niya rito. "Anything for you. Tara na. Ihahatid na kita dahil gabi na at baka hindi na ako makadalaw sa inyo." Penelope smiled at him. "Sabi ko nga." Minaniobra niya ang sasakyan pabalik sa tahanan nito. And when they reached her place, hindi na siya pinababa pa ng dalaga. "Lynus?" "Yes, Love?" "You can stop now. I guess hanggang dito na lang ang ginagawa mo," wika nito sa kaniya na ikinataranta niya. She was urging him to stop. No, he will not stop. Kahit pa sabihin nito iyon ng ilang beses. Hindi niya ito susukuan. Marami siyang nagawang mali pero papatunayan niyang karapat-dapat siya para sa isa pang pagkakataon. Kung nakukulangan ito sa giangawa niya, he will extra effort para maging enough iyon. "W-why? May ginawa ba akong mali? May kulang ba? Please don't make me stop. Hindi ko kaya. Masyado ka bang nape-pressure? Hindi naman kita minamadali. Just take your time just don't... don't make me stop. Mahal na mahal kita and I will prove it to you. Just another chance. Please. Please!" Nangingilid na ang mga luha niya. Biglang natawa si Penelope sa mga sinabi niya. What's funny? "Lynus?" "Yes, Love. Please." "Kailangan mo nang itigil ito---" "No! I can't!" "Lynus?" "Yes? Just asked something else not that---" "Patapusin mo nga muna ako!" sikmat nito sa kaniya. "How can I when---" "You can stop all of these. You have proven you're worth and I am taking you back. Mahal na kita, Lynus!" Damn! His heart stopped beating. He stopped breathing and his hands were trembling because of what she just said. Napapikit ang kaniyang mga mata habang nilalasap ang mga katagang iyon. Nagdiriwang ang kaniyang puso. Mahal na ulit siya ni Penelope. She was giving him another chance. But wait... Iminulat niya ang mga mata at tumingin sa dalaga na amused na amused na nakatingin sa kaniya. "I heard it right, right?" paniniguro niya. "That I love you? Yes." He smiled. Big time. "Say that again please." "Abusado ka na." Binuksan na nito ang pinto ng sasakyan niya but then again she closed it and cupped his face giving him a kiss on the lips bago ito lumayo at nagtangkang umalis. "That's not the proper way of kissing me, Love." And he gave her a passionate mind-blowing kiss. "I love you. Thank you for giving me a chance." Penelope smiled and walked out the car. Napailing na lamang siya. It was worth it. He, changing for her, for the better, was worth it. Then Penelope turned around and knocked on his window, mouthed 'I love you'. He opened the window and answered. "I love you too." ***** And that's it. Hanggang dito na lamang po siya! Sana nagustuhan niyo po ang kwento ni Penelope at Lynus. But wait there's more. As what I've said from the beginning, this story will have a physical book to be published under PaperInk and I decided to put the Epilogue there. Hope you could grab a copy of this story. If you're interested, just PM me po. You can reach me on my sss account YOJEIVLE DREAME. Lovelots and keep safe always, miloves!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD