"You did what?" hindi makapaniwalang sigaw ni Peaches sa kaniyang asawa nang sabihin nitong ipinaalam nito kay Lynus ang kinaroroonan ng kaniyang kapatid. "What the hell are you doing? Gusto mo bang mapahamak ang kapatid ko?"
Galit na galit siya sa asawa dahil sa ginawa nito. She was massaging her temple dahil buglang sumakit ang ulo niya. Paano niya sasabihin sa kapatid na papunta si Lynus sa kinaroroon nito? Paniguradong kapag ginawa niya iyon ay malamang hindi na ito muling makikipagkita sa kaniya at ayaw niyang mangyari iyon. So she needed to plan. She needed to intercept Lynus. She needed to do something para hindi bumalik ang kapatid sa lalaking iyon. Baka kung masilo na naman si Penelope sa tamis ng dila nito. She was afraid. She was afraid for her sister.
"Kapag may nangyaring masama sa kapatid, you will regret this," galit na banta niya sa asawa.
"Let's give him a chance."
"No! Walang chance na mangyayari. Let Penelope have her life. Wala naman silang koneksiyon ni Lynus so let's keep it that way."
"But, Hon---"
"No buts, Larry. Now drive faster. And don't talk."
Her husband sighed and didn't say a word bago siya itinuon ang atensiyon sa pagmamananeho.
Again, her head throbbed because of this. Ipinikit niya ang mga mata trying to think of what to do. An idea came to her that made her opened her eyes. She asked her husband to stop in a convenience store at inutusan itong bumili.
Mabilis niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang kaibigan nang umibis ang asawa.
"Can you do that?" tanong niya.
Napabuntong-hininga ito. "Bakit kasi hindi mo na lanag bigyan ng pagkakataon ang bayaw mong hilaw? I'm on work."
"Please, Liz," pagsusumamo niya sa kaibigan.
"Okay, fine. But this is not for free."
"I'll wire you the p*****t," sagot niya.
She smirked. Nagningning ang kaniyang mga mata sa ideyang iyon. Tingnan lang ni Lynus kung makakabalik pa si Penelope sa kaniya. She will do her best para hindi na bumalik ang kapatid sa demonyong iyon. With peace of mind, she waited for her husband.
ON THE OTHER HAND, Lynus just landed and a car he rented was waiting for him. Mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan patungo sa lugar kung saan ito naroroon.
"What can I do for you, Sir?" tanong ng receptionist sa kaniya. Maluwang ang pagkakangiti nito.
"Is there a Penelope Ramos-Montero here? I'm her to see her. She's my wife," wika niya.
"May I know your name, Sir?"
"Lynus Montero. So is she here?"
Mapaklang ngumiti ang receptionist pagkatapos ay tumingin sa kaniya. "I'm so sorry but I can't disclose that information. But if you want to know if she's here, you can wait for her outside or you can check-in. Malay mo magkasalubong kayo sa hallway," sarkastikong wika nito sa kaniya.
He has no choice but to take her advice kaya naman nag-check-in na lamang siya para hintayin ito, para hanapin kung nasaan ito. Pero bago iyon ay kailangan muna niyang linusin ang katawan dahil nanlalagkit na siya. When he's done ay nagpahinga muna siya ng ilang oras. Kailangan niyang magpahinga dahil hindi na siya titigil sa paghahanap rito. He opened the curtain. Pinili niya ang kwartong makikita ang entrance ng motel at doon tumambay sakaling makita si Penelope.
And there, he spotted someone familiar so he went out of the room but was stopped by someone. Halos magkulang na ang telang suot nito dahil halos wala na itong takpan pa.
"Mr. Montero?" tanong nito sa kaniya.
"Yes, why?" baliktanong niya rito.
"Courtesy drink from the management, Sir. Hindi po pwedeng tumanggi dahil tradisyon na po ito," nakangiting wika nito sa kaniya.
He looked at the shot glass filled with alcohol. Walang ibang laman ang tray na hawak nito kundi iyon lamang kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pa na kunin ito at itinungga.
Damn! That was strong.
"Are you okay, Mr. Montero?" tanong nito sa kaniya.
Anong klaseng alak ang ipinainom nito sa kaniya? He felt a little bit dizzy dahilan para mapakapit siya sa pader. He saw her put the tray on the side table bago siya nito basta na lamang hinalikan sa labi. It was seductive, inviting, endulging him to respond and so he did. But that moment, he never thought it would change his world again.
"WHAT DID YOU SAY?" tanong ni Penelope.
"I am asking kung nasaan ka na," sagot ng kaniyang kapatid.
"Pabalik na ng motel. Kayo?"
"We're almost there."
"Ang bilis niyo yata?"
"Napaaga ang alis namin. Excited lang."
"I'll wait for you there then," she said.
Thinking that it was a good idea to dine with them ay naglibot-libot muna siya sa mall bago bumalik sa tinutuluyan.
She was walking towards her room when she saw these scandalous people making out in the hallway. Damn! Siya na ang nahiya dahil sobrang engrossed na engrossed ang mga ito sa ginagawa na hindi yata namalayan ng mga ito na bukas ang pinto ng kwarto ng mga ito. Too bad malalampasan pa naman niya ang mga ito because her room was after their room.
She continued walking pero ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang pamilyar na mukhang iyon when the woman slightly moved away from him.
"L-lynus?" Natulos siya sa kinatatayuan at nagsimulang manginig ang kaniyang buong katawan. She wanted to stepped back and run but her body doesn't want to cooperate.
Hanggang sa tuluyan na siyang makita ni Lynus na ngayon ay gulat na gulat ding makita siya.
"Penelope?" He started walking towards her at basta na lamang iniwan ang babaeng kalampungan nito. "I've been looking for you."
"D-don't come n-near me." She started to step back slowly as he was approaching towards her.
"Love, I am here to get you. Umuwi ka na sa atin. I'm so sorry for what I've done. Please please, Love."
Flashes from the past came rushing towards her. The slight trembling started to show now because Lynus was too close to her.
"D-don't."
Mabilis na lumapit sa kaniya si Lynus at basta na lamang siyang niyakap nang mahigpit. Nanigas ang kaniyang katawan dahil doon. Hindi siya makahinga and then she started crying, pleading to him not to hurt her.
At ganoon ang eksenang naabutan ni Peaches at ng asawa nito. Peaches' blood boiled when she saw Lynus hugging her sister kaya naman sinugod niya ito, itinulak palayo sa kapatid na ngayon ay nanginginig na.
"How dare you touch her?!" sigaw niya kay Lynus.
"Please let me talk to her, Peaches." Tumingin ito sa kapatid niya. "Alam kong malaki ang pagkakamaling nagawa ko sa iyo. Pen, mahal kita. Mahal na mahal kita and I've only realized that when you're gone. Aminado akong napakalaki ng kasalanang nagawa ko sa iyo. Punish me if you want but please, please umuwi ka na. Ngayon nakita kita ay hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka pa ulit. Mababaliw na ako."
"You could've said that? Ang kapal naman ng pagmumukha mo gayong may kalampungan ka pang iba? Hindi na babalik sa iyo ang kapatid ko, Lynus. A monster like you would never change. And look at her. Tingnan mo siya habang nasa harapan ka. Look how scared she was because of what you have done. Umalis ka na at huwag na huwag ka nang magpapakita sa kaniya!"
Inakay na niya paalis ang kapatid patungo sa kwarto nito.
"It's not for you to decide, Peaches. May karapatan pa rin ako sa kaniya."
"Karapatan? Anong karapatan ang mayroon ka, Lynus?"
"Let her decide for herself." Tumingin ito kay Penelope. "Please, Penelope. Hear me out. Mahal na mahal kita. I've changed for you, for myself para maging karapat-dapat ako sa iyo. Give me a chance to prove it to you, to all of you. Parang awa mo na."
"Awa?" hindi makapaniwalang tanong ni Peaches. "Naawa ka ba sa kaniya noong binubugbog mo siya? She lost her child because of you!"
Parang binagsakan siya ng mundo sa narinig. Child? Penelope was pregnant. He closed his eyes and his body started to shake with guilt, regret, pain. Kung iyon ang nararamdaman niya ngayon, how much more with Penelope who suffered from his cruelness?
Unti-unting bumaba ang tuhod niya sa sahig kasabay nang pagbagsak ng kaniyang mga luha. He asked for her forgiveness with what he had done to her, to their child.
"I'm sorry. I'm so sorry," umiiyak habang nakaluhod na paghingi niya ng tawad kay Penelope na ngayon ay hilam na rin ng luha ang mga mata.
"You're sorry couldn't bring her back," wika ni Penelope sa kaniya. "And I'm so sorry too dahil wala akong makapang pagpapatawad sa puso ko para sa iyo. You're here for me? You're making out with that woman. Hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin ang Lynus na kilala ko. Demonyo! Now, please leave. Hindi na kita gustong makita pa."
Penelope together with her sister walked passed at him.
"Mahal na mahal kita, Penelope!" sigaw niya na ikinatigil at ikinalingon ni Penelope sa direksiyon niya. He saw her took a deep breathe. "Sobrang mahal na mahal kita. Let me make it up to you. Please give me another chance." Nakita niya ang pagpikit nito at pagtingala. Maybe she was to give him a chance. Nakikita niya sa mga mata nito ang kislap ng pagmamahal sa kaniya. Maybe that would be his hope.
"f**k you, Lynus!" sigaw ni Peaches sa kaniya. "Do not ever believe him, Pen. Sinungaling ang lalaking iyan. Hindi lang isang beses ka niyang ginago. A chance is not worth it."
"A-ate?" naguguluhang wika ni Penelope kay Peaches.
"Please, Penelope. Just a chance to prove something to you. I couldn't live a life like this anymore. Please let's give our marriage another chance," he pleaded to her.
"No!" sigaw ni Peaches. "No, Pen! Niloloko ka lang ng lalaking iyan. There's no marriage."
He closed his eyes. That's it.
"What do you mean?" tanong ni Penelope sa kapatid. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa.
"Lynus didn't registered your marriage contract. Hindi kayo kasal, Penelope. Kaya huwag mo nang pag-aksayahan ang lalaking iyan. Live a new life like what you're doing right now."
Hindi makapaniwalang tumingin si Penelope sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata nito.
"Is it true?"
Wala siyang nagawa kundi ang pumikit nang mariin pagkatapos ay tumingin dito and nodded.
"It's true."
Si Penelope naman ang mariing napapikit sa sinabi niyang iyon. Then she opened her eyes and looked at him blankly.
"Mabuti naman kung ganoon. At least hindi naman pala ako nakatali sa demonyong kagaya mo."
With that, she left and entered her room banging the door so damn loud. Matalim din ang tingin ni Peaches sa kaniya bago sumunod sa kapatid.
"Give her time if you want to bring her back. Masakit para sa kaniya ang mga nangyari, ang mga ginawa mo. If you really love her and if you really want her back into your life, magsipag ka. Prove it to her that you're worth it. Her trust was broken at hindi madaling ibalik iyon. And you can see the trauma in her too. Alam na alam mo iyon. Give her time to heal while working your ass. Show and prove to her that she can trust you again," wika ng kapatid at tinapik ang kaniyang balikat bago ito sumunod sa asawa at kay Penelope.
And yes he will show that he can be trusted again. Hindi siya titigil hangga't hindi bumabalik sa piling niya ang pinakamamahal na si Penelope.