Chapter 14

1789 Words
Matuling lumipas ang mga araw. Hindi namalayan ni Penelope na mag-iisang taon na siyang palipat-lipat ng lugar simula noong umalis siya sa poder ni Lynus. She started a new life without her family, without Lynus. Sa mga panahong iyon ay naranasan niyang mamuhay ng simple lamang. No wants, no luxuries. Ibang-iba sa dati niyang buhay na marangya ngunit hindi niya iyon pinagsisisihan dahil marami siyang natutuhan. She became independent too. Iyong hindi umaasa sa tulong ng iba, sariling sikap upang mabuhay siya. Ang perang ibinigay sa kaniya noon ni Larry ay nabawasan niya nang magsimula siyang hanap ng mapapasukan, ng apartment at kung ano-ano pa para sa pagsisimula niya ngunit naibalik na rin niya ang iba simula nang magkaroon siya ng trabaho. Isa siyang insurance agent ngayon na palipat-lipat ng location. Ayos sa kaniya ang trabahong iyon dahil hindi niya gustong magpirmi sa iisang lugar dahil baka mahanap siya ni Lynus. Hindi na rin masyadong nag-aalala ang kaniyang pamilya dahil nakausap na niya ang kaniyang mommy at daddy at mga kapatid through her Ate Peaches. Iyon nga lang, hindi pa rin niya ipinapaalam kung saang lugar siya naroroon. Nakokontento na lamang sila sa ganoong set-up na ipinagpapasalamat niya dahil naiintindihan siya ng mga ito. But then her Ate Peaches was so persistent of seeing her in person. Sa totoo lang ay pinag-iisipan niyang mabuti iyon dahil maayos na siya sa buhay niya ngayon. Alone yet happy. Balak din naman niyang umuwi sa kanila para ipagpatuloy ang pag-aaral but she was still thinking about it. Hindi rin kasi niya alam kung ano ang mangyayari kapag bumalik siya. Everything will be different. Isa pa ay ayaw niyang makita si Lynus. The pain, the trauma was still there. "Thank you, Ma'am for your trust," wika niya sa kaniyang kliyente. May-ari ito ng isang maliit na negosyo at nahikayat niyang pumirma ito ng insurance kasama ang mga empleyado nito. And now she was waiting for them to finish the forms before leaving. Suddenly her phone rang, a tone for her sister Peaches. She sighed. Alam na alam kasi niya kung ano ang nais nito kapag tumatawag. It's to meet her, silang dalawa ng asawa nito. She was hesitating to answer pero dahil pinagtitinginan na siya ng mga nasa loob ng kwarto ay nagpasya siyang sagutin na lamang ito at lumabas. "Ate? Napatawag ka?" bungad na tanong niya sa kaniyang kapatid. Anong klaseng tanong ba iyon? Siyempre mangangamusta ito. "Bunso, hindi mo pa rin ba napag-iisipan ang sinabi ko? Miss na miss na kita, namin kaya please kahit magkita na lang tayo sa labas," pagsusumamo nito sa kaniya. She took a deep breath. Hindi kasi niya alam kung ano ang isasagot sa kapatid. It's true that she missed them pero ayaw niyang ikompromiso ang chance na baka makita siya ni Lynus. She was not prepared to see him. "A place of your choice, Pen. Pupuntahan ka namin ni Larry sa lugar kung saan mo gustong makipagkita," hirit pa ng kapatid sa kaniya. She thought and thought at wala siyang imik na mukhang na-gets naman ng kapatid dahil hinintay nito ang sagot niya. "Fine, let's meet. My next destination will be in Laguna. I'll see you the day after tomorrow." "That's great!" masayang wika ng kaniyang kapatid. "I'll see you then. Just text me the details. Salamat, Pen. Mom and Dad---" "Don't tell anyone about this, Ate." She heard a sigh on the other line. Paniguradong gusto rin sana ng kapatid niya na mabigyan ng update ang mga magulang. "Okay kung iyan ang gusto mo. Ano ang gusto mong pasalubong??" "Kahit ano, Ate. Huwag ka lang magdala ng marami dahil baka hindi ko mabitbit," sagot niya sa kapatid. "You know I have a friend in Laguna. She has an apartment s***h motel. Bakit hindi na lang tayo roon magkita para iwas... alam mo na," suhestiyon ng kaniyang kapatid. It was a good idea to be exact kaya naman agad siyang pumayag. "Sige, Ate. Send me the details." Matapos makipag-usap sa kapatid ay agad siyang bumalik sa loob upang asikasuhin ang mga kliyente. Nang matapos ay binaybay na niya ang daan patungo branch office at ibinigay ang mga insurance ng mga kliyente niya. Then she travelled to Laguna to meet her sister. Pagabi na nang marating niya ang sinasabing apartment s***h motel ng kapatid. It was a safe place to hide nga naman. But then the place was homey. Maganda ang ambiance nito at kung hindi lamang sa pangalan nitong 'motel' which connotes something negative ay dadayuhin ito ng turista. She checked in and took one of the nicest rooms at hindi naman siya nagsisi. Maganda talaga ang motel na iyon. Nang makapasok sa kwarto at agad niyang ni-lock ang pintuan at nag-check ng buong kwarto na nakagawian na niya dahil sa palagiang paglalakbay. Mabuti na iyon para safe siya sa mga masasamang loob. After making sure that it was safe ay nagtungo na siya ng banyo at naglinis ng katawan. Naglaba na rin siya ng mga damit at nang matapos ay kinuha niya ang in-order na pagkain at sinimulan itong lantakan. She texted her sister that she arrived in the place at doon na lamang niya ito hihintayin. Afterwhich, she readied to sleep. Pero hindi siya makatulog. Maraming pumapasok sa isipan niya like kung ano ang mangyayari kapag sinimulan na niyang makipagkita sa kapatid. Baka kasi sunod-sunod na iyon and maybe Lynus would be seeing her soon na ayaw niyang mangyari. Like what she said, she wasn't ready to see nor meet him for she doesn't know what to do, how to act. She sighed and forced herself to fall asleep. The next morning, she strolled at the mall just to let the time passes by. Namili na rin siya ng supplies para sa magiging byahe niya pagkatapos niyang makipagkita sa kapatid at asawa nito. Sana lang ay maging maayos ang kalalabasan niyon. Crossed fingers. MEANWHILE, Lynus was busy reading some important documents needed for another transaction. Ngunit habang abala siya sa ginagawa ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga naganap sa kaniya nitong nagdaang mga taon. Hindi niya maiwasang bitawan ang hawak-hawak na mga papeles at basta na lamang isinandig ang likod sa upuan at tumingala. He wondered where is she now. Halos isang taon nang wala siyang balita rito. Hindi niya alam kung bakit hindi niya mahanap-hanap ito at nakailang private investigator na rin siya pero no luck. So when Nicholai referred Loui's friend, Francis Calderon who was in a vacation ay agad niyang kinontak ito. Matinik daw kasi ito sa paghahanap ng nawawala kaya nagbakasali na siya rito, sakaling ito na ang makahanap kay Penelope. Gusto kasi niyang humingi ng kapatawaran dito at kung papalarin ay isa pang pagkakataon. Tapos na ang therapy session niya sa kaniyang psychologist ngunit madalas pa rin siyang dumalaw sa kaniyang doctor for consultation. Gusto kasi niyang malinis at maayos siyang humarap kay Penelope kung sakali. He sighed then continued his work but was then again interrupted by the ringing of his phone. Hindi sana niya sasagutin iyon ngunit nasilip niyang si Francis ang tumatawag kaya naman ay mabilis niya itong sinagot. "What? Good or bad?" bungad niya rito. "Masyado ka namang atat, Montero!" sagot naman nito ngunit binalewala niya ang pagiging sarkastiko nito. "So ano?" muli niyang tanong rito. "The last location were we spotted her, she vanished. Mukhang tinataguan ka lataga niya dahil hindi siya mapirmi ng lugar. She would change her location every two or three days. But..." pambibitin ni Francis sa kaniya. "But what?" He was dying with anticipation dahilan para halos hindi na yata tumibok ang kaniyang puso at hindi na rin siya himinga. Baka kasi kapag ginawa niya iyon ay masamang balita ang hatid nito. Well, masama naman talaga dahil sa intro pa lang nito ay sumemplang na. "But call your brother. He knows where she is." "Larry?" "Bakit may iba ka pa bang kapatid?" sarkastikong turan nito. He sighed. Idinetalye naman nito sa kaniya ang kinalaman ng kapatid. Noon pa naman ay batid na niyang tinutulungan ng kaniyang kapatid si Penelope dahil nga ito ang nagdala sa ospital. At kaya rin panay ang tawag niya rito, see him personally dahil alam niyang alam nito kinaroroonan ni Penelope ngunit matigas ito at ayaw sabihin. Maybe this time after he had proven that he can change, that he was a changed man, them maybe he could convince him to tell where Penelope is. "Okay! Just watch her dahil kung wala akong makuhang impormasyon kay Larry which I doubt na ibibigay niya at least I have you," wika niya. "Wow! Para namang nakadepende sa akin ang buhay mo," wika ni Francis sa kaniya. "Yes! Nakadepende sa iyo ang buhay ko, Calderon." "Cheesy!" sagot nito bago nito tinapos ang tawag. And just like that, he stopped everything kahit pa ang importanteng mga papeles na iyon just to see his brother. Mabilis niyang binaybay ang daan patungo sa opisina nito. "What brought you here again, Lynus?" matabang na wika ng kapatid. "Where is she?" tanong niya. "Alam kong alam mo kung nasaan siya, Kuya. Please tell me." His brother just looked at him blankly. Iyong walang kainte-interes na tingin pagkatapos ay tinaboy na siya nito. "How many do I have to tell you that I do not know where is she!" "Alam kong alam mo kung nasaan siya. Alam kong itinatago mo siya sa akin because of what I have done to her. Pero, Kuya, nagbago na ako. Ano pa ba ang kailangan kung patunayan para maniwala ka, kayo? Mahal ko si Penelope and I won't hurt her again. I know now that it's my greatest mistake in life but please give me a chance to prove it." Nanlilingid na ang mga luha niya habang binibigkas ang mga salitang iyon sa harap ng kapatid. Bigla na ring nanghina ang katawan niya sa kawalang pag-asa. "P-please. J-just a chance to prove it. If I can't, then you can take her away and I won't stop you. P-please, Kuya." Napabuga ng hangin ang kaniyang kapatid habang nakatingin sa kaniya. He was thinking. He knew he was thinking. Sana lang ay pagbigyan siya nito. At mukhang dininig ang kaniyang panalangin. "I'll kill you if you hurt her again!" wika nito. Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kapatid pagkatapos ay tumango. His brother then took his pen and write on a piece if paper bago ibinigay sa kaniya. "We'll be meeting her tomorrow. Ngayon pa lang mag-practice ka na," wika nito pagkatapos ay pinalayas na siya. Walang pagdadalawang-isip na tinawagan niya ang sekretarya at pina-cancel ang lahat ng appointment sa loob ng dalawang araw. Then called his pilot to meet him. "Pen, just wait for me. I'll have you back."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD