Chapter 13

2363 Words
"Hayop ka! Ano ang ginawa mo sa kapatid ko?!" malakas na sigaw ni Peaches kay Lynus. Lynus couldn't say a single word after confessing what had happened between him and Penelope. Tinanggap niya ang lahat ng murang ibinigay ng pamilya nito. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit sa ginawa niya? He vowed to love and protect her pero kabaliktaran ang ginawa niya to the point that Penelope walked away from him at hanggang ngayon ay hindi niya alam kung nasaan ito. "Umalis ka na rito hayop ka! Ang kapal ng mukha mong pumunta pa rito pagkatapos ng ginawa mo sa kaniya!" galit na galit na sigaw ni Peaches sa kaniya at tinangka ka pa siyang sugurin at pinagsasampal. Lahat ng mga iyon ay tinanggap niya dahil kasalanan niya, aminado siya roon. Penelope's parents were also devastated with his confession. Ang mommy nito ay panay ang hagulhol habang ang daddy naman nito ay matalim ang tingin sa kaniya at kung wala lamang ang esposa nito ay malamang kanina pa siya binugbug. Panay ang buntong-hininga nito marahil ay upang kalmahin ang sarili. Mabuti na lamang at wala roon ang dalawang kapatid ni Penelope dahil kung kompleto ang mga ito, God knows what will happen to him. Ang kaniyang kapatid naman ay masama rin ang tingin sa kaniya. Nakatanggap nga siya ng mag-asawang suntok mula rito nang sambitin niya ang patawad una pa lamang. Kung hindi pa ito pinigilan ng asawa nito ay malamang bugbog sarado na siya ngayon. Alam niya kung saan nanggagaling ang galit nito sa kaniya because in the first place, he was her confidante. "I'm so sorry!" mahinang sambit niya sa mga ito. "Walang silbi ang paghingi mo ng kapatawaran dahil sa ginawa mo! Umalis ka na rito at huwag na huwag ka nang babalik!" sigaw ni Peaches. "Get out!" Dama niya ang galit ng mga ito. Naiintindihan niya ang mga ito at kailangan din niyang tanggapin ang galit ng mga ito dahil sa ginawa niya. Sarili niya ang dapat niyang sisihin at wala ng iba. At kung hindi man niya makuha ang kapatawaran sa mga ito, gagawin niya ang lahat kahit ang maibsan man lamang ang sakit na naidulot niya sa pamilya ni Penelope and the first thing he needed to do was to look for her. "Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa kaniya but I am willing to pay the price of what I've done to her and to all of you. Alam kong malaking pagkakamali ang ginawa ko the reason why I am here asking for your forgiveness. I won't ask for another chance dahil sobrang bigat nang nagawa kong kasalanan sa anak ninyo, sa inyo. I broke your trust. I broke your family. But I promise, hindi niyo man ako mapatawad, I will return her to you. Kahit iyon man lang ang magawa ko para maibsan ang sakit na naidulot ko sa pamilyang ito." "Umalis ka na! Don't bother looking for my sister for we will do it. Wala kang kaluluwa, Lynus. Hindi ka tao. You don't deserve my sister at kapag nahanap namin siya, hinding-hindi ko hahayaang bumalik pa siya sa iyo!" wika ni Peaches bago ito lumabas ng kwartong iyon. Sumunod na rin ang mga magulang nito na matalim ang tingin sa kaniya. "Huwag na huwag ka nang magpapakita rito, Lynus dahil ako na ang makakalaban mo. Umalis ka na habang kaya ko pang pigilin ang sarili ko. Kapatid kita pero kaya kong kalimutan iyon alang-alang kay Penelope. I am trying to be calm dahil sa pakiusap niya." Tumalikod na ito sa kaniya. "And please treat yourself." Tuluyan na itong lumabas ng kwartong iyon. He closed his eyes pero kumawala pa rin ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Gago siya! Demonyo! Tanggap na niya iyon because that's the cruel truth. And yes, he needed to treat himself. Kailangan niyang gawin ang lahat upang maipakita sa lahat, kay Penelope that a second chance was worth it, kung papalarin. Kung hindi man ay kailangan niyang magbago para sa sarili. Tinungo niya ang ospital paglisan niya ng tahanan ng mga Ramos. He has an appointment to his psychologist and his first session of treatment started immediately. Napakahirap sa umpisa ngunit kalaunan ay mas naintindihan na rin niya ang sarili. The trauma from his past has great impact at sa buong proseso ay kasa-kasama niya ang ina na noong una ay kinastigo ang ginawa niya kay Penelope. Ngunit walang ina ang hindi makakatiis sa kaniyang anak kaya naman sinamahan siya nito sa lahat ng sesyon niya. Lumipat na rin siya sa bahay ng ina dahil hindi niya kaya ang mapag-isa sa sariling tahanan. Wala na rin kasi si Manang Fe roon na napag-alaman niyang kasa-kasama ni Penelope sa ospital bago ito nawala. He asked for her forgiveness too, na ang tanging nakuha lamang niya ay tango at mga katagang magbago siya. Ang bahay niya ay ipinagbibili na rin niya ngayon. Kung sakali mang bumalik si Penelope ay nais niyang magbagumbuhay sila. Ang bahay na iyon ay puno ng masasakit at malulupit na alaala para kay Penelope kaya hindi siya nagdalawang-isip na ibenta iyon dahil paniguradong hindi rin naman babalik doon si Penelope. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ng kinuha niyang private investigator si Penelope. Kapag tinatanong naman niya ang kapatid ay hindi ito umiimik at panay ang deny nito. Hindi rin niya pwedeng tanungin ang pamilya nito dahil hanggang ngayon ay galit pa rin ang mga ito sa kaniya. So while he was treating himself, he was patiently waiting and looking for her. Sana ay hindi pa huli ang lahat. It's been months ngunit wala pa rin siyang balita patungkol dito. "Lynus! Lynus!" sigaw ni Larry na papasok sa loob ng bahay. Nasa sala sila ngayon ng ina nang bumungad itong galit na galit. "What brought you here, Hijo?" tanong ng kanilang ina at sinalubong ito ngunit dere-deretso lamang ang kapatid sa gawi niya pagkatapos ay inundayan siya ng malakas na suntok na ikinabigla ng kanilang ina. "Larry! Anong kaguluhan ito?" "This bastard!" Kwenelyuhan siya ng kapatid na dagli namang inawat ng kanilang ina at ilang pang kasambahay. Nang makawala ito at may itinapon itong papel sa kaniya. "Ano bang kasalanan niya para gawin mo iyan sa kaniya?! Hindi pa ba sapat na binubugbog mo siya? Anong klaseng tao ka ha, Lynus? Kung demonyo ang ama natin noon mas demonyo ka!" Dinuro pa siya ng kapatid. Sa pagtataka ng ina sa inaakto ng panganay nito ay kinuha nito ang papel na nasa sahig para lamang manlaki ang mga mata at tumingin sa kaniya. Nanginig din ang mga kamay nito dahilan para mahulog ang hawak nitong papel na siyang pinulot naman niya. Hindi makapaniwala ang tinging ibinigay nito sa kaniya. He shut his eyes upon reading what was written on the document he was holding. Ito na ang isa sa kinatatakutan niyang malaman ng lahat. Again, hope vanished in thin air. "All this time ay ginagago mo kami? All this time hindi pala kayo kasal ni Penelope and you have the guts to do that to her?!" malakas na sigaw ni Larry sa kaniya. Dumagundong ang boses nito at halos alahat ng mga mata ay lumipad patungo sa kinaroroonan nito bago lumipat sa kaniya. "What did you say, Larry?" tanong ng isang tinig na pagmamay-ari ni Peaches. "What did you say?" Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. At dahil wala itong makuhang sagot sa kanilang dalawa ni Larry at lumapit ito sa kaniya at hinablot ang hawak niyang dokumento at binasa. "Walanghiya ka talaga, Lynus!" malakas na sigaw nito sa kaniya ni Peaches. Umagos ang mga luha nito at biglang nanghina ang mga tuhod dahilan para mapasalampak ito sa sahig. Larry ran towards her pero ipiniksi lamang nito ang mga kamay ng asawa. Tiningala siya nito habang hilam ng mga luha ang mga mata. "Ano ba ang naging kasalanan ng kapatid ko sa iyo para gawin mo ito sa kaniya? Hindi pa ba sapat ang mga pananakit na ginawa mo? Anong klaseng tao ka para gawin sa kaniya ito? Why? Why? Why are you so cruel to her?!" Bagsak ang mga balikat na tiningnan niya si Peaches na nasa sahig pa rin kasama ang asawa. Ang kaniyang ina naman ay hinang-hinang nakaupo sa sofa na hilam din ng mga luha ang mga mata. "I fell inlove with you," mahinang pag-amin niya rito na ikinatingala naman nito habang ang kapatid niya ay walang anumang reaksiyon. "I fell inlove with you, reason why we're always at that park were you and Penelope used to visit. I asked for her help para mapansin mo ako pero hindi ko alam kung ano ang nangyari at kay Kuya natuon ang attention mo. You chose him over me. You married him and that broke my whole world pero hindi pa rin nagbago ang nais ko, ang pagtangi ko sa iyo. So to get closed to you, I courted her. It was effective for we get to be closed and my plan to steal you from my brother continued. Pero sa tuwing nakakikita ko kayong dalawa ni Kuya na masaya, kinakain ako ng galit para kay Kuya, para kay Penelope and that was all because of Penelope's mistake. Kung hindi dahil sa kaniya, tayo sana ngayon." "Kaya sinasaktan mo siya? Binubugbog mo siya? You're a monster. And now! A-and now, all this time ay hindi naman pala kayo kasal? Anong klaseng tao ka?" "I'm sorry!" "Sorry? Hindi maibabalik ng sorry mo ang pagsira mo sa buhay ng kapatid ko! Wala kang kwentang tao!" Pinahid nito ang mga luha. "Tama lang!" Lumapit ito sa kaniya na puno ng galit at pagkamuhi ang mga matang nakatingin sa kaniya. "Tama lang na hindi naman pala kayo kasal. Tama lang na hindi nakatali sa iyo ang kapatid ko and I will make sure, gagawin ko ang lahat para hindi ka niya mapatawad. And to add, you never entered in my heart, not even once. From the start si Larry ang mahal ko at mamahalin hanggang mamatay ako." Galit na galit na umalis ito sa kaniyang harapan kasunod ng kaniyang kapatid. Nang mawala na ang mga ito sa paningin niya ay nanghihinang ibinagsak niya anh katawan sa sofa. He looked at his mother na ngayon ay patayo na rin at iniwan siyang mag-isa. Wala sa sariling naisabunot niya ang mga kamay sa sariling buhok kasunod niyon ang pagyugyog ng kaniyang mga balikat. Now, he was reaping what he sow. Karma was on him. Penelope was nowhere to be found and his family hated him. MEANWHILE, PEACHES was curled on their bed. Hindi pa rin niya matanggap ang masaklap na nangyari sa kaniyang bunsong kapatid. Penelope doesn't deserved all of it. Ang kawawang kapatid niya na ngayon ay hindi niya alam kung nasaan na. Ni wala man lang siyang nagawa para dito. Gusto niyang pagsasampalin si Lynus dahil sa katarantaduhang ginawa nito sa asawa. Hindi. Hindi nga pala nito asawa ang kapatid dahil peke naman ang kasal ng mga ito. It wasn't registered. Lynus didn't plan to register it in the first place because he was inlove with her. No! Noon iyon because Lynus confessed how much he loved her sister kaya nga puspusan ang pagbabagong ginagawa nito para maging karapat-dapat sa kapatid. Pero hindi, wala itong kwenta kaya nararapat lang na hindi na ito balikan ng kapatid niya. Living with Lynus, her sister was in pure hell at hindi niya hahayaang makabalik pa ito roon. Isa pang ikinasasama ng loob niya ay ang reaksiyon ng asawa. Sobra naman yata ang pagtatanggol nito kay Pen. Anong meron sa dalawa? Napapansin na niya ang kakaibang mga kilos nito at sapantaha niya ay si Penelope ang dahilan. Was he cheating on her with her very own sister? Ang sakit, ang kaguluhang nararamdaman ay idinaan na lamang niya sa pag-iyak dahil wala rin naman siyang magagawa pa, wala siyang magawa. Ang mga magulang nga niya at mga kapatid ay hindi pa rin nahahanap si Pen, siya pa kaya? "Hon?" tawag ni Larry sa kaniya. Tumabi ito sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. "I'm sorry for keeping this to you. Nangako ako kay Penelope." Kumalas siya ng yakap sa asawa at tiningnan ito sa mga mata. "Magsabi ka ng totoo please," pagsusumamo niya. Napabuntong-hininga si Larry bago nito sinimulan ang pagkukwento sa kaniya sa nangyari kay Pen. Habang nakikinig sa mga kwento nito ay panay ang buhos ng mga luha niya. Awang-awa siya sa sinapit ng kapatid. "I'm sorry. I wanted to tell you. I am dying to tell it to you pero nakiusap si Penelope na huwag ipaalam sa inyo ang nangyayari sa kaniya." "Was that the reason why you were out late at night?" Tumango ang asawa. "Dahil binugbog ng kapatid mo ang kapatid ko?" Muli itong tumango. All she did was cry and cry. Now she understood. "Where is she then?" Larry sighed. "Sa totoo lang ay hindi ko alam kung nasaan siya. After she got discharged, she asked na ihatid ko siya sa terminal ng bus and that was the last time I saw her. She called three days ago though. Ayaw niyang ipaalam ang kinaroroonan niya. The last time we talked, she said she was doing fine, living simple. She promised to keep in touch at tinutupad naman niya kaya medyo panatag din ang loob ko. You don't have to worry about her dahil binigyan ko siya ng sapat na pera para sa pangangailangan niya. As of now maybe she needed time to heal." "Thank you. Thank you for taking care of her on my behalf," masuyong wika niya sa asawa. "It's the least I could do," sagot naman nito. "But please kapag tumawag siya, let me talk to her. Iyong kaalamang nasa mabuti siyang kalagayan, it's enough. Please, Hon." Kinuha nito ang cellphone at ibinigay sa kaniya. "Try calling her sakaling sumagot siya." Dali-dali niya inabot ang cellphone ng asawa at idinayal ang numero ng kapatid. Ring lamang ito nang ring. Nakatatlong beses na niyang idinayal ito ngunit hindi nito sinasagot ang telepono. Then she tried to call her again and thank God she answered. "Kuya, I'm fine. No need to worry about me," sagot ng kapatid sa kabilang linya. "P-pen? Thank God you're okay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD