Halos isang linggo pa ang pamamalagi niya sa ospital simula nang magising siya. Sa buong durasyon ay kasa-kasama niya si Manang Fe roon habang si Larry naman ay panay ang tawag sa kaniya upang kumustahin siya. Madalas din itong dumalaw sa kaniya upang ibalita kung ano ang nangyayari sa labas ng ospital o kay Lynus.
Tanggap na niyang wala talaga itong pakialam sa kaniya eversince. Hindi naman kasi siya ang totoong mahal nito. Masakit isiping ginamit lamang siya nito ngunit wala na siyang magagawa pa. Pero wala pa ring mas sasakit sa kaalamang ito mismo ang dahilan kung bakit nawala ang nasa sinapupunan niya. That little precious thing inside her was supposed to be her hope, new light in the darkness, her strength but it's all gone now just because of her cruel, inconsiderate, violent husband. Muling nanubig ang kaniyang mga mata dahil sa pag-alala rito kasabay nang pagsikip ng kaniyang dibdib. Marahan niyang pinahid ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito, Pen?" pukaw ng tinig ni Larry sa kaniyang malalim na pag-iisip. Nilingon niya ito na nasa bukana na ng pinto.
She sighed and then looked at him. Batid niyang hindi gusto ni Larry ang desisyon niyang iyon ngunit kagaya noon ay hindi siya nito mapilit. Sa nangyari sa kanila ni Lynus, isang bagay ang natutunan niya, she needed to fight, hindi iyong sunud-sunuran lamang siya. Because of her obedience, she lost herself, her identity, her soul and the precious little thing of her life. Everything. Parang hindi na nga niya kilala ang sarili niya. Parang ibang tao na siya. Isang taong hinubaran ng lahat ng bagay. Ang masakit, kailangan pang mawala ang kaniyang anak para matauhan siya sa nangyayari sa kaniya, sa katangahang ginagawa niya sa sarili. Nabulag siya ng pagmamahal niya kay Lynus, ng pag-asang magbabago pa ito. But that would never happen. Never. So she needed to pick up the shattered pieces of herself para makapagsimula muli. Kahit sobrang hirap, kahit hindi niya alam kung ano ang gagawin, she must do it.
"I need to do this," sagot niya. "Hindi ko kayang harapin ang pamilya ko, ang pamilya mo, Kuya Larry. I need time for myself, to regain what was lost kasi alam mo? Hindi ko na kilala ang sarili ko," maluha-luhang wika niya rito.
Ito naman ang napabuntong-hininga sa sinabi niya pagkatapos ay lumapit sa kaniya.
"I'm so sorry. No words can ease the pain inside of you pero at least man lang makahingi ako ng tawad sa kahayupang ginawa ng kapatid ko sa iyo," sinserong wika nito sa kaniya.
Mapait na napangiti siya rito. Ano ba ang kasalanan nito sa kaniya? Sa pagkakaalam niya ay wala dahil ginawa naman nito ang lahat para kumbinsihin siyang iwan niya ang kapatid nito ngunit hindi niya ginawa. O marahil may kasalanan din ito dahil hindi ito gumawa ng hakbang upang matigil ang ginagawa ng kapatid sa kaniya. But nevertheless, she accepted his apology because it was all her fault.
"Kuya, ginawa mo naman ang lahat pero ako ang umayaw noon. You warned me because you yourself witnessed the consequences of those acts pero hindi ako nakinig sa iyo. I am even ruining your relationship with Ate Peaches and for that I need to go. Ayokong dalawang pamilya ang mawasak, may lamat na ngay. And thank you for helping me. You never failed to care for me. Thank your for being my brother."
Niyakap siya nito at marahang tinapik ang kaniyang likod pagkatapos ay kumawala ito at kinuha ang kaniyang bag upang ihatid niya sa terminal ng bus patungong probinsiya. Kung saan siya mapadpad ay hindi niya alam. She wanted to be alone for a while.
"Mag-iingat ka. Call me anytime. Anytime, Pen." Tumango siya bilang sagot dito. "And take this," wika nito sabay abot sa isang maliit na pouch. Binuksan niya ito at nakita ang bungkos ng pera at dalawang ATM card na agad niyang ibinalik dito ngunit nagpumilit itong kunin niya. "Take that. Kakailanganin mo iyan. It's for you to start a new life."
Tipid niyang ngumiti rito bago isinilid ang pouch sa secret pocket ng bag niya upang makaiwas sa mga kawatan. Tinungo niya ang bilihan ng ticket at hindi umalis ang sasakyan ni Larry hangga't hindi umandar ang bus na sinakyan niya. Habang papaliit nang papaliit sa paningin niya ang sasakyan nito ay unti-unting kumalma ang sarili niya. Being away from them maybe was a good thing. It was a good thing. She needed to start anew and reclaimed her lost shattered self, kung maibabalik pa iyon sa dati.
ON THE OTHER HAND, Lynus was having a bad day again. These past few days ay maiinitin ang kaniyang ulo sa hindi niya malamang dahilan at pag-uwi naman niya sa bahay ay halos nakakabingi ang katahimikan doon na nakakabaliw dahilan para nanaisin na lamang niyang umalis muli at magtungo sa bar at suking-suki na siya ng Demon's Bar ni Loui Salvatore.
"You're here again?" bulalas ni Loui na ngayon ay bartender. "Baka gusto mong dito ka na tumira? Aba! Ginagawa mo ng bahay itong bar ko? Hindi ako nag-aampon dito."
"Gago!" mura niya rito. "Ayaw mo noon may regular customer ka?"
Napailing na lamang si Loui sa kaniya bago ibinigay ang order niyang alak. Umalis ito saglit sa kaniyang harapan at bumalik din pagkatapos ng ilang minuto.
"Babae?" Lumingon siya at nakita si Nicholai na tumabi sa kaniya.
"Iyan naman talaga ang problema niyo kapag dumarayo kayo rito," sagot ni Loui kay Nicholai. "So what's with you and your wife?" Loui said. Diretso. Walang paligoy-ligoy. "C'mon. Spill it out. Marami kaming chismis na naririnig tungkol sa iyo. Was it true?"
"Kailan ka pa naging chismoso, Salvatore?" tanong niya rito.
"Matagal na."
He looked at him who was looking at him too, silang dalawa ni Nicholai. Ano ang alam ng dalawang ito? Nick was his closest friend. Naging malapit lamang din si Loui sa kaniya nang dahil kay Nick, dahil sa babaeng napupusuan nito na ngayon ay pagmamay-ari na ni Loui. See how complicated love is.
"What do you know?" tanong niya sa ito.
"I told you marami kaming chismis na naririnig," sagot naman ni Loui sa kaniya.
"Hindi ko alam kung ano ang problema mo talaga, Lynus. Pero isa lang ang masasabi ko, you ruined her life, your life just because of your stupid revenge over her and your brother. I pity her for what you've done pero wala ako sa lugar para pigilan ka because that's between the two of you. Pero isa lang sana ang naisip mo, she's a woman, she's your wife and she needed all the care, the love, the protection of you from anything in this world ngunit ano ang ginawa mo? Ikaw mismo ang nanakit sa kaniya not just physically but all. You broke her," Nicholai said without looking at him. Mahigpit ang hawak nito sa baso na halos mabasag na. Pagkatapos ay tumingin ito sa kaniya. "I saw her beaten black and blue. Halos hindi ko na siya makilala noong una. How could you do that to her? Walang kalaban-laban ang taong iyon sa iyo. If she's my sister, matagal ka nang nakabaon sa lupa."
Mabilis na nilagok niya ang alak na nasa harapan. He was aware of what he had done to her pero hindi talaga niya mapigilan ang sarili sa tuwing malalasing siya, sa tuwing nagagalit siya. He was like his father. A monster.
"Kung hindi mo naman pala mahal iyong tao ay hindi mo na lang sana itinali. You made her life miserable, Bro." Si Loui naman ang sumunod na nagsalita dahil sa pananahimik ni Nicholai.
"Now look at you. You've been here because you miss her? You were firing almost everyone in your company dahil ano? Dahil namimis mo siya? Dahil hindi mo na siya nakikita? Because your house wasn't the same anymore? But you were too late already dahil iniwan ka na niya," wika ni Nick sa kaniya.
Habang sinasambit ni Nick ang mga iyon ay may kung anong pumipiga sa puso niya. Yes, he missed her. Tama itong iba na ang bahay niya dahil wala ang presensiya ng asawa. Ilang araw na bang wala ito? Ah, halos tatlong buwan na pala simula noong gabing iyon. Noong unang buwan ay halos hindi niya alintana ang pagkawala nito. He was relieved to be exact pero habang lumaon ay hinahanap na niya ang presensiya nito sa buhay niya. Kulang, may kulang sa buhay niya. And every night, he was haunted by his acts, cruel acts towards her. Gabi-gabing dinadalaw siya ng mga ginawa niya kasabay ng pagbalik ng alaala ng kaniyang kabataan.
"You're a monster like your father, Lynus."
He looked at Nick na ang mga mata ay kasing talim ng itak na handang itarak sa katawan niya. Biglang nanginig ang kaniyang mga kamay sa sinabi nito realizing he was like that. Alam niya iyon ngunit ang marinig ito mula sa ibang tao, it gives him chills. Kinuha niya ang baso sa harapan niya ngunit nadulas lamang iyon sa kaniyang mga kamay dahilan para matapon ang laman nito.
"So where is she?" muling tanong ni Nick sa kaniya. Hindi siya makasagot. "Hindi mo alam? So ano ang sinasabi mo sa pamilya niya? On a vacation?"
Iyon nga ang sinabi niya sa mga ito noong pumasyal ang mga ito sa kanila. Then he would go out of town, business trips para lamang hindi mahalata na wala ito. Pero alam niyang magtatanong at magtatanong ang mga ito at hindi na niya maitatago pa ang katotohanan sa mga ito. So what should he do? Aminin sa sarili ang masakit na katotohanan. Aminin sa mga ito ang katarantaduhang ginawa.
With that, his shoulders started to vibrate hanggang sa napahagulhol na lamang siya sa harapan ng mga ito. No one dared to speak basta hinayaan lamang siya ng mga ito. Naririnig din niya ang madalas na pagbuntong-hininga ng mga ito ngunit wala siyang narinig sa mga ito.
"W-what s-should I d-do?" tanong niya sa mga ito.
"What should you do? Alam mo ang dapat mong gawin, Lynus. Hindi na kailangang sabihin sa iyo iyon dahil alam mo kung ano ang mali sa iyo. You knew what I mean."
"What if I lost her?"
"Then blame yourself. Wala namang ibang may kasalanan kundi ikaw. Alangan namang siya? Pero kung ako ang nasa katayuan niya, I will never ever forgive you. So prepare for the worst. Maybe she'll ask for an annulment kapag nagkita kayo," said Nick.
"Ako man ang kapatid niya, I'll advice that," sabad naman ni Loui. "That was too much, Bro. Pero hindi pa naman huli ang lahat siguro, repent and ask for forgiveness sakaling may awa pa siya sa iyo. If wala, you should accept that. Kasalanan mo eh."
"Have you ever learn to love her?" out of the blue na tanong ni Nick sa kaniya.
He sighed. Ano nga ba ang sagot sa tanong nito? Did he? Did he ever learn to love Penelope with the span of time that they were together? Was he blinded by the rage he was feeling kaya hindi niya iyon nakita? He clung his head unable to answer Nick's question.
"Let me rephrase the question, do you love her?" Nick asked. "Mahirap pa rin? How about these? Kaya mo bang mabuhay nang wala siya? Iyong hindi mo na siya nakikita gaya nang mga nagdaang buwan? Do you feel safe and contented while waking up every morning? How about when you sleep at night? Nakakatulog ka ba nang mahimbing? Or was she haunting you even in your dreams? And what if one day you see her, you see her in the arms of another man? Makakaya mo ba? Makakaya mo bang makita siyang nakangiti sa lalaking iyon? Nakikipagtawanan? Being intimate with him?"
As those questions ran, his grip on the glass tightened so with his heart. Bakit sobrang kirot naman yata ng mga katanungang iyon? Bakit pinipiga ang kaniyang puso? Bakit parang mamamatay ang kaniyang puso maging ang kaniyang kaluluwa dahil sa mga iyon? And there, right there, right at that moment, he realized how bastard he was towards her and how foolish he was to let a precious gem like Penelope to slipped on his fingers jut because of his cruel abnormal mentality. Hindi na rin niya namalayan kung ang pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata. He lost her. He lost her already. He hurt her and who knows kung babalik pa ba ito sa piling niya after what he had done to her. Regret was really at the end and he was regretting everything he had done.