Chapter 11

1966 Words
As she was fighting for the pain inside of her, the excruciating pain that was buidling up inside, she saw Lynus and his mistress making out in front of her. f**k them and they may rot in hell with what they were doing to her. Pero hindi iyon ang mas inaalala niya kundi ang nararamdamang sakit sa katawan niya na unti-unting kinukuha ang lakas niya, ang ulirat niya. Her body was balled on the floor, trying to strengthen up her body, to get up but it was useless. Sobrang masakit ang katawan niya idagdag pa ang sakit sa dibdib niya habang nakikita ang asawa at ang kabit niya sa harapan niya. It was too much. Bakit ganoon na kababoy ang mga ito? Wala bang konsensiya ang mga ito? Sobrang sakit lalo at wala siyang magawa. Pero wala na yatang mas ikakasakit sa kaalamang kaya lamang siya pinagkainteresan ni Lynus dahil sa kapatid niya, si Peaches. So all this time si Peaches pala ang mahal nito at hindi siya. Now it was making sense. Kaya pala ganoon ito noon, kaya pala ganoon ang pakikitungo nito sa kapatid kahit noong sila ay magnobyo na. Ginamit lang pala siya nito para mas mapalapit sa kapatid. Was he planning to take Peaches from his own brother? Maybe. Kaya rin siguro pinagbibintangan siya nitong nakikipaglandian kay Larry dahil may agenda pala ito, ang makuha si Peaches sa kapatid. Kapag talaga minalas, nilulubos-lubos pa. Ganoon nga yata ang tadhanang nakaguhit sa kaniya, ang malasin siya sa pag-ibig. Dahil siguro halos happy ending ang kaniyang buong pamilya kaya sa kaniya napunta ang 'happy never ever after'. Masakit iyon para sa kaniya lalo na at pinangarap din niyang balang araw ay maranasan din niya ang magkaroon ng masayang pamilya. Ngunit malabo na talaga iyong mangyari dahil si Lynus ay hindi isang prince charming kundi ang wicked villain ng kwento ng kaniyang buhay. Ang sakit na nararamdaman niya ay pasidhi nang pasidhi habang lumilipas ang oras. Hindi na rin namalayan ang pag-alis ng dalawa sa harapan niya. She tried calling Lynus. Hindi maaari ang nangyayari sa kaniya ngayon. Magtaksil man ito, hindi man siya ang mahal nito ay ayos lamang dahil may ibang mas mahalagang bagay na dapat niyang pagtuonan ng pansin. "Lynus?" nanghihinang tawag niya sa asawa. "Lynus?" muli niyang tawag dito ngunit wala. The pain it was too much to bear now. She started crawling on the floor. Sobrang nanghihina ang kaniyang katawan ngunit pinilit niya ang sariling tawagin ang asawa at himingi ng tulong dito. "Lynus?" namamaos na tawag niya ngunit wala. Unti-unti nang nagdidilim ang kaniyang paningin ngunit hindi niya iyon alintana. Gumapang siya hanggang sa kaya ng katawan niya. "L-lynus?" Kahit ilang ulit ang pagtawag niya sa pangalan ng asawa ay wala pa rin ito. Nakalimutan na siya nito dahil sa babaeng iyon. At kahit naririnig siya nito ay balewala pa rin siya dahil nga hindi siya nito mahal at wala siyang silbi rito. Pero hindi siya dapat mawalan ng pag-asa. May umaasa na sa kaniya ngayon at kailangan niyang isalba ito. Pero hinang-hina na siya. Halos hindi na nuya maigalaw ang kaniyang mga daliri. Tears were streaming from her eyes. "P-please s-save m-my b-baby! P-please!" Iyon na lamang ang nasabi niya hanggang sa tuluyan nang magdilim ang kaniyang paningin. FLICKERS OF LIGHT. She can see flickers of light passing on her sight. She can hear voices calling her name. Nagkakagulo. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. All she could feel was the excruciating pain all over her body. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang sobrang sakit na iyon. Umiikot ang kaniyang paningin at parang lumulutang ang kaniyang diwa. Voices. Voices. Then everything went black. "W-water! W-water!" namamaos na sigaw niya. Uhaw na uhaw siya at sobrang nanghihina ang buong katawan na hindi nga niya maiangat ang kaniyang mga daliri. She was crying for help, for water but no one was there to aid her hanggang sa mayroong yumakap sa kaniya kasabay nang pagbasa sa kaniyang mga labi. The water that flowed inside of her replenished her body making her able to think clearly. Doon na rin dumaloy ang masakit na alaala nang nakaraang gabi and that pain. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya dahil doon. Then she held her belly feeling the beat inside of her but there was none. Wala. Wala siyang maramdaman sa katawan niya. She gazed up and was Manang Fe with a doctor and a nurse beside her checking her and the machines beside her. "M-manang F-fe?" tawag niya sa mahinang boses. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang tumulo ang mga luha nito sa mga mata. Ang tahimik na pagluha nito ay nauwi sa malalakas na hikbi pagkatapos ay niyakap siya. Siya naman ay hindi na rin namalayan ang pagtulo ng mga luha na pinahid ng matanda habang sinasabayan siya. Doon na alam na niya kung bakit ganoon ang reaksiyon niyon. Iniwan na sila ng doctor at nurse na tumingin sa kaniya ngunit nakayakap pa rin siya sa matanda. Ilang sandali rin sila sa posisyong iyon bago kumalas ng yakap ang matanda sa kaniya. "Masaya ako at nagising ka na," wika ng matanda sa kaniya. "Akala ko ay tuluyan ka nang mawawala." Muli na naman itong naiyak at siya naman ay hindi gaanong maintindihan ang sinasabi nito. Masyado pang mahina ang kaniyang katawan at hindi pa rumirehistro sa utak niya ang sinabi nito ay ginupo na naman siya ng antok. Nang muli siyang magising ay nasa tabi na niya si Larry na puno ng pag-aalala ang mukha nito habang nkatunghay sa kaniya. "How are you feeling?" tanong nito sa kaniya. "Ah...I-i..." Ibinuka niya ang mga bibig ngunit hindi niya mahanap ang kaniyang boses. "Just stay put. I'll call your doctor," wika sa kaniya ni Larry bago ito tumayo at umalis. Pagbalik nito ay kasama na nito ang doctor at nurses na tumingin sa kaniya. Larry stayed silent while watching them checked on her. Nang matapos ay nag-usap ang mga ito. Patango-tango lamang ito sa sinasabi ng doctor. Pagkatapos ay lumapit ito sa kaniya, hinawakan ang kamay niya. "Thank God you made it," wika nito sa kaniya. Nanunot ang noo niya sa sinabi nito. "You almost died, Pen. You ran out of blood when Manang Fe found you unconcious on the floor. Mabuti na lamang at naibigay ko sa kaniya ang number ko at itinakbo ka niya agad dahil kung natagalan ka pa bago naitakbo sa ospital ay hindi ka na talaga umabot. But the... the baby... I'm sorry," may garalgal ang boses na wika nito sa kaniya. She shut her eyes firmly trying to stop the tears to fall. Alam na niya iyon simula noong magising siya but she was denying it. Hindi gustong tanggapin ng isip niya na wala na ang nasa sinapupunan. But hearing it from Larry, confirming that it was gone, masakit isipin. Sobrang sakit na halos pinipiga ang puso niya. Hindi siya makahinga. Hinawakan niya ang dibdib at pinagsusuntok ito dahil nangangapos na siya ng hininga. Larry took her hands away from her chest then gave her a hug. Ang tahimik na pagluha niya ay nauwi sa malalakas na paghikbi at pagpalahaw ng iyak. Wala na ang pinakamahalagang bagay sa buhay niya. Ito na lamang ang ilaw niya sa madilim na kinahahantungan ng buhay niya ngunit maging ito ay nawala rin. Nawala dahil sa kahayipan ni Lynus at ang kabit nito. Kung nakinig sana siya sa mga payo ni Larry sa kaniya ay baka buhay pa ngayon ang nasa sinapupunan niya. Malakas ang paghagulhol niya dahil doon. Napakahirap tanggapin na wala na ito at wala siyang magagawa para protektahan ito. Wala siyang nagawa upang maprotektahan ito. Isa pa ay may kasalanan din siya roon. She let Lynus do that to her. Hinayaan niya. Hinayaan niyang mangyari iyon, lumala iyon. If she put an end to it from the start, this didn't happen. She could save herself and her baby pero naging tanga siya, naging bulag siya sa pagmamahal niya kay Lynus at dahil doon ay nagpakatanga siya, nagpakabobo siya. Look what happened to her, to her baby, to her life. Sa mga oras na iyon ay hinayaan lamang siya ni Larry sa ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Tahimik lamang ito kahit nang dumating si Manang Fe na dinaluhan din siya sa pag-iyak. Nang kumalma na ang emosyon niya, ang kalooban niya ay ipinakuwento niya sa mga ito kung ano ang nangyari kasabay ng pagkukuwento niya kung ano ang ginawa sa kaniya ni Lynus at Raquel. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata at mukha ng mga kasama sa loob ng kwartong iyon. "Baliw na talaga siya!" galit na wika ni Larry sa pagtukoy sa kapatid. "Kinain na ng kademonyohan ang utak niya. How could he do that?" "Does he know?" tanong niya sa bayaw. "The last time I saw him, he was doing fine. Ni hindi ka nga hinanap o pinahanap man lang. Anong klaseng asawa siya? And what are you telling that... is it true?" "About Ate Peaches? Yes. Sa mismong bibig niya nanggaling iyon." She closed her eyes as she reminisce Lynus' words. "All this time he was blaming me why it was you Ate Peaches have chosen. How would I not boast you with her gayong very vocal ka naman sa nararamdaman mo sa kaniya. You did everything to win her love. Masakit lang isipin na ganoon pala ang tingin niya sa akin simula noon. That he approached me for revenge." Huminga siya nang napakalalim upang kalmahin ang sarili. The damage was there already. Hindi na pwedeng baguhin pa. In the first place ay hindi nga niya napigilan at hinayaan pa niya. Ngayon because of what happened, kailangan niyang bangunin ang sariling nasa putikan, na tinapak-tapakan. She was not like this. She was a confident woman whom Lynus destroyed at kailangan niyang ibalik iyon. Kailangan niyang ibangon ang sarili mula sa pagkakadapa. She will not other people trampled her again, not even Lynus. "Hindi ka ba magsasampa ng kaso laban sa kaniya?" tanong ni Larry sa kaniya. Sa ngayon ay hindi pa niya alam kung ano ang susunod na hakbang at sagot sa tanong niya. Dahil ngayon kailangan niyang ibangon muna ang sarili. She needed to pick up all the shattered pieces and slowly put them back together. "What do they know?" "Your parents were asking about you pero ang sabi ni Lynus at nagbakasyon ka. Binayaran na rin niya ang paaralan para ipasa ka kahit hindi ka pumasok. Do have plan to go to school?" Umiling siya. "Then what's your plan?" "I need some time for myself, Kuya. Hindi ko na kasi kilala ang sarili ko," saad niya. "I told you I'll help you. Kahit iyon man lang ay makabawu ako sa kasalanang ginawa ni Lynus sa iyo. Magpagaling ka rito. Ako na ang bahala sa lahat. Narito naman si Manang Fe para bantayan ka hanggang sa makalabas ka rito." "How are you and my sister?" Mmllmuli niyang tanong rito. Si Larry naman ang napabuntong-hininga at doon pa lamang ay alam na niya kung ano ang nangyayari sa mga ito. "I'm sorry for putting you in this situation. Pero sana maintindihan mo si Ate," pakiusap niya rito. "I am. Don't worry about it. I will tell her eventually what's going on. Hindi lang sa ngayon at alam ko rin na hindi mo papayagan iyon." "Salamat, Kuya." "Don't mention it. Rest and get well soon. I will call to check on you," wika nito sa kaniya bago magpaalam. "Ma'am Pen, ano ho ang balak ninyo ngayon?" tanong ni Manang Fe sa kaniya nang makaalis na si Larry. She looked at her. Ano nga ba ang balak niya? Sa ngayon ay hindi muna niya gustong pag-usapan iyon. Pero isa lamang ang masasabi niya. Hindi niya napapatawad si Lynus sa ginawa nito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD