"I told you to leave him!" galit na sigaw ni Larry kay Penelope. "Look at you! Have you tried looking at yourself in the mirror?"
Walang ibang nagawa si Penelope kundi umiyak na lamang dahil sa sinasabi ni Larry sa kaniya. Last night, her husband hit her again. Hindi iyon ang klase nang pananakit na ginagawa nito because he leveled up his beatings. Nagwala ito at binasag ang anumang makita nito. Worst, isa siya sa walang pakundangang binasag nito. He broke her arm, banged her head and slammed a lampshade, a vase even the chair on her small fragile body. And this was the result, she was confined in the hospital because of that. Mabuti na lamang at nagawa pa niyang makuha ang cellphone nang palihim at tinawagan si Larry nang iwan siya ng asawang bugbog-sarado.
Awang-awa siya sa sarili nang magising pagkatapos siyang madala ni Larry sa hospital kasama si Manang Fe na panay rin ang iyak dahil sa sinapit niya sa kamay ng sariling asawa. Doon din niya nalaman na napapansin na pala ito ng matanda ngunit hindi lamang ito umiimik dahil ayaw nitong makigulo at dahil na rin wala siyang sinasabi rito.
"He was jealous of you," sagot niya kay Larry.
"Jealous? Matagal ka na niyang sinasaktan at ngayon mo sasabihin na nagseselos siya? Sa akin?" galit pa ring sigaw nito sa kaniya. Alam niya kung bakit ganoon ang reaksiyon ng kaniyang Kuya Larry. She was like his little sister at kahit noon pa man ay todo protekta ito sa kaniya but he can't protect her from his own brother.
"Maybe because he loves me," sagot niya.
"Penelope, tanga ka na ba? Tanga ka na nga! Hindi pagmamahal iyon! He has a problem. Ilang beses ko bang sasabihin iyon sa iyo! So leave him bago ka pa niya mapatay!"
Napailing siya sa sinabi nito. Matagal na rin mula nang huli siyang pinagbuhatan ng kamay ng asawa. Kagabi lamang dahil sa pagkakita nito sa kanila ni Larry.
"If hindi mo kayang itayo ang sarili mo, iligtas ang sarili mo dahil sa katangahan mo, I will do it," he said firmly. "He's too much already at hindi na kaya ng konsensiya ko ang ginagawa niya. He may be my brother but I will make sure to send him to jail because of this."
"No! No, Kuya Larry! Please!" pagmamakaawa niya rito. Hindi niya.makakayang makita ang asawa sa kulungan lalo na sa kalagayan niya ngayon.
"No? Ipagtatanggol mo pa rin ba siya? Wake up, Pen!"
"Please don't. Let's give him a chance," she said teying to stop him from doing what he wanted to do.
"He needed to---"
"I'm pregnant!"
Hindi makapaniwalang nakatitig lamang sa kaniya si Larry. Naihilamos nito ang mga kamay sa mukha dahil sa sinabi niya. Halata rin na hindi nito alam kung ano ang sasabihin sa kaniya dahil parang bomba ba namang sumabog iyon sa harapan nito. Then he saw that glitters in his eyes. Was it hope? Hindi niya masabi kung iyon nga ang nakita niya rito.
"Does he know?" tanong nito matapos ang ilang sandaling pananahimik nito. Umiling siya bilang sagot rito. "Why? Ah! Hindi ka naman niya gagawan ng ganiyan kung alam niyang buntis ka."
Siya naman ang natahimik dahil sa sinabi nito. Kung alam ba ni Lynus na buntis siya ay sasaktan pa rin ba siya nito? It was really a hope for her pero naisip din niya na kung inakala ni Lynus na may relasyon sila ng kapatid ay baka hindi rin ito maniwala. In the first place ay ayaw nitong mabuntis siya kaya nga kinukuha nito ang serbisyo ni Dr. Visaya. But he was hoping na kapag nalaman nito ay magbago ang pannaw nito sa kaniya, sa kung ano ang meron sila.
"Will you let him know?" muling tanong sa kaniya ni Larry.
She sighed. Ipapaalam ba niya? Natatakot siyang gawin iyon dahil baka hindi nito magustuhan iyon. Natatakot din siya na kapag nalaman nito ay ipalaglag nito ang pinagbubuntis niya pero pwede ring hindi. She will give him a benefit of doubt dahil anak nito iyon. Sariling laman at dugo.
"You know you being pregnant was a wrong timing. But then it could be a blessing dahil baka iyan lang ang kailangan para maging maayos ang kapatid ko. Maybe it's God's way of giving him a new life. Let's just hope for the better, Penelope. But then if anything happened, call me. Call me at ilalayo ko kayo ng pamangkin ko."
Hindi na niya napigilang mapahagulhol sa sinabi ng kaniyang Kuya Larry. Alam niyang marami itong sinasakripisyo para sa kaniya at isa na roon anv relasyon nito sa kapatid. Alam niyang may pagdududa na ang kaniyang Ate Peaches sa kanilang dalawa ngunit panay ang pakiusap niya sa bayaw na huwag iparating sa ate ang kalagayan niya lalo na at buntis pa naman ito. Larry didn't agree with her pero wala pa rin itong magawa sa desisyong ibinigay nito. At kahit ganoon man ay ipinagpapasalamat niya ito. She was lucky to him as her brother-in-law.
"Magpagaling ka para sa anak mo, Pen. Lahat ng bagay na gagawin mo, desisyon na gagawin mo, remember him. Isipin mo ang makakabuti sa kaniya. At kung sa tingin mo ay hindi na nakakabuti ang pag-stay mo sa kapatid ko, go! Run! Before it's too late. You're not alone anymore, Pen."
Napatango na lamang siya sa sinabi nito sa kaniya. Marami pa itong sinabi at ipinakiusap partikular na ang pag-iwan sa kapatid nito pero gaya nga ng sinabi niya, she's pregnant with Lynus' child. Ayaw niyang mawalan ng ama ang magiging anak kaya titiisin niya ang lahat para dito.
Nang makaalis si Larry ay si Manang Fe na ang nagbantay sa kaniya. Pinatawag na rin niya ito kay Lynus upang ipaalam ang kinaroroonan niya ngunit ni hindi man lang ito dumalaw sa kaniya sa ospital hanggang sa makalabas na siya. Nadatnan din nila ni Maang Fe na wala si Lynus sa bahay at lumupas pa ang isang linggo bago ito umuwi. Too bad, he was drunk and he's with his mistress na kagaya nito ay lasing din.
"Ano ang ginagawa ng babaeng iyan dito, Lynus?" tanong niya sa asawa nang manungaran ito sa sala kasama ang kabit nito.
"You know what, Honey
she's funny right?" maarteng wika nito sa kaniya.
"Umalis ka na rito!" sigaw niya sa kabit nito. Natawa naman ito sa kaniya."Lynus, paalisin mo ang babaeng iyan sa pamamahay ko." Muling natawa ang babae sa sinabi niya at si Lynus ay balewala lamang ang reaksiyon.
Tumayo ang kabit nito at lumapit sa kaniya bago siya binigyan ng mag-asawang sampal sa mukha.
"Ang lakas din ng apog mong palayasin ako rito gayong wala ka namang silbi rito! Isa ka lang... what was the word again, Lynus? Parausan?"
Sa mga oras na iyon ay siya naman ang nagbigay ng mag-asawang sampal dito dahilan para magulat ito sa ginawa niya. Hindi siguro nito akalaing gaganti siya rito. Sino ba ito? Isang hamak na kabit lang naman ito at siya ay asawa at nasa teritorya niya ito. Hindi man maganda ang turing at pagtrato sa kaniya ni Lynus ay may katapatan pa rin siya sa lahat ng bagay at sa lahat ng aspeto.
"Wala man akong silbi rito pero mas wala kang silbi. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? May asawa iyang taong nilalandi mo!" asik niya rito na tinawanan lang nito nang nakakaloko. Even Lynus smirked with her words.
"Gaga! Masyado ka namang ambisyosa. Ikaw?" Tiningan siya nito mula ulo hanggang paa. "Isa ka lang laruan ni Lynus. Punching bag ka nga 'di ba?" Dinuro-duro na siya nito at itinulak sa dibdib niya. Pagkatapos niyon ay hinablot nito ang buhok niya, hinawakan ang mukha niya. Ang mga kuko nito ay mariing nakabaon sa balat niya.
Nagpumiglas siya upang makawala rito ngunit mas malakas ito sa kaniya. Isa pa ay may inaalala siya kaya naman ayaw niyang gumawa nang ikakasama nito.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ka pinakasalan ni Lynus?" Tumingin ito sa lalaking parang wala pakialam sa ginagawa ng kabit sa kaniya. He was just there siting in the coach watching them. "She doesn't care about you. Hindi ka naman talaga niyan mahal. Alam mo kung sino ang mahal niya? Of course not me. We don't have an emotional commitment pero mas maganda sana kung meron but he doesn't love me for he loves only one woman. Guess who?"
"Huwag kang gumawa ng kwento. Pinakasalan niya ako dahil mahal niya ako," sagot niya rito na ikinatawa nito. "Lynus loves me."
Natawa naman ito sa kaniya at mas idiniin ang pagkakahawak nito sa kaniya. "Idiot! No wonder gustong-gusto ka niyang paglaruan dahil tanga ka! I pity you! But going back to whom he loves. Poor, Penelope. Tanga ka na, bulag ka pa."
Nagpumiglas siya at walang sabing hinablot ang buhok ni Raquel. Sobrang gigil niya rito dahil sa mga sinasabi nitong nakakasakit ng damdamin. Ang galit niya sa mga oras na iyon ay ibinunton niya sa kabit ng asawa.
"Lumayas ka rito! Malandi!" sigaw niya rito habang ang mga kamay ay nasa buhok nito at ganoon din naman ito.
"Let me go you b***h!" sigaw nito sa kaniya ngunit hindi siya nagpatalo rito. "Lynus? Lynus?" tawag nito.
Then Lynus came to rescue Raquel. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa kaniya.
"Stop, Penelope! Stop!" sigaw nito sa kaniya. Galit na galit na itong nakatingin sa kaniya.
So siya pa ang may kasalanan? She couldn't believe it. Mas kinampihan pa talaga nito ang kabit keysa sa kaniya na asawa nito? With that anger rose on her at basta na lamang niya sinugod ang asawa at pinagababayo ang dibdib nito.
"Ano ba, Penelope!" Itinulak siya nito dahilan para mahulog siya sa malamig na sahig.
"Walanghiya ka! At kinakampihan mo pa talaga ang babaeng iyan? Asawa mo ako!"
"Asawa lang kita pero hindi ibig sabihin niyon ay gusto kita, mahal kita because you mean nothing to me! Do you think I wanted to marry you? No! Isa ka lang bagay na kailangan ko na pwede kong ibasura kung kailan ko gusto! So you have no right to demand anything from me!" sigaw nito sa kaniya.
"Damn you!" ganting sigaw niya rito. "If wala akong silbi sa iyo then mas wala kang silbi because all you did was hurt me. Isa kang walang kwentang tao! Wala kang kwenta kasama niyang kabit mo!"
Lynus looked at her sharply bago nito tinawid ang pagitan nila kasabay nang pagdapo ng kamay nito sa kaniyang mukha. Hindi lang isang beses, dalawang beses siyang binigyan ng mag-asawang sampal sa mukha.
"Ganiyan nga, Lynus! Bigyan mo ng leksiyon ang babaeng iyan at nang malaman niya ang kinalulugaran niya," Raquel said with a smile on her face.
Parang sinaniban ng masamang espiritu si Lynus at walang habas siyang pinagbuhatan ng kamay. He even punched her ngunit panay ang salag siya sa mga ito lalo na sa bantang tiyan niya upang maprotektahan ang nasa sinapupunan niya. And then that blow hit her on the stomach making her fell on the floor. Unti-unting nanlambot ang mga tuhod niya at nanghina na ang katawan niya dahil sa bugbog na inabot niya sa asawa. Curled on the floor, Lynus threw a kick on her body. Sobrang lakas niyon na halos mapugto ang kaniyang hininga.
"Because of you, nawala ang babaeng mahal na mahal ko. Peaches would have chosen me kung hindi dahil sa iyo at sa walanghiyang kapatid ko. Both of you ruined my life so I will ruin yours too. You will never be happy. Never!" he said giving her another blow, harder this time like he was putting all his strength, his anger on it.
And there, a rush of pain ran from her stomach and all over her body.