Chapter 5

2053 Words
Lumipas ang mga buwan at tinitiis lahat ni Penelope ang hindi magandang pagtrato sa kaniya ni Lynus. Sabihin mang tanga siya dahil hindi niya maiwan ito ngunit wala na siyang pakialam pa roon. May mga dahilan siya kaya naroroon pa rin siya sa poder nito. May mga tanong siyang ibinabato sa sarili. Mga tanong na alam niyang ang mga sagot ay hindi aayon sa gusto niyang mangyari. Chaos will be the result of that at hindi niya gustong mangyari iyon. She wanted a peaceful life for her family and his family. Kaya niyang tiisin ang pananakit nito sa kaniya. Kaya niyang tanggapin ang mga masasakit na salitang ibinabato nito sa kaniya. Sarili lang naman niya ang masasaktan. Mas mabuti na iyon keysa sa buong pamilya nila. She can endure all of it dahil kaya niya, dahil gusto niya, dahil tanga siya at dahil mahal niya ang asawa. Maling klaseng pagmamahal, oo, pero ano pa nga ba ang magagawa niya kundi tanggapin na lamang iyon. Ganoon siya katanga. Ganoon siya kahina but she has reasons and she was holding onto them, hanggang kaya niya. Isa pa, tsaka lamang siya nasasaktan ni Lynus kapag nalalasing ito. When he was in his normal self, malamig lamang ito sa kaniya ngunit hindi naman siya nito pinapabayaan. He was showering her with all her needs, giving her lavish gifts, maybe to ease what he had done. Ayos na iyon sa kaniya. Kaya niya iyon. Kakayanin niya iyon. "You have an appointed with your OB later. Susunduin kita," wika sa kaniya ni Lynus habang nagbibihis ito sa harapan niya. She was used to seeing him like that dahil kapag maayos ito ay sabay silang naghahanda para sa pagpasok sa opisina at paaralan. Lynus loved having intimate moments with her in the morning so they would make love in bed and in the bathroom. That's their routine every morning. Even when they argued last night, Lynus would shower kisses on her body particularly to her bruises. He would give her a very sensual intercourse that was addicting. Iyon ang paraan nito nang paghingi ng tawad sa pananakit nito sa kaniya and she was okay with that. Katangahan at kagagahan nga naman! Sabi nga niya basta hindi ito lasing, she was okay with him around. Ibang usapan na kapag may alak sa sistema nito. Her fear would show. She would tremble in fear just seeing him in his drunken state. May sinyales naman kapag lasing ito kaya napaghahandaan niya iyon ngunit hindi pa rin maalis sa kaniya ang matakot sa asawa if he was in that state. The feelings he instilled to her because of that, it was not easy to hide and it was not easy to overcome. "Hindi ba pwe---" "Don't make me repeat what I've said," madiin nitong wika sa kaniya. Iba na ang tono ng boses nito kaya biglang kumabog ang kaniyang puso. She even hid her hands behind her back for him not to see that it started trembling. "You hear me?" "Yes," mahinang sagot niya sa asawa. Wala rin naman siyang magagawa kundi umayon para hindi humaba ang usapan at upang hindi na ito lumala pa. Ayaw rin niyang masira ang araw nilang dalawa kaya umayon na lamang siya rito kahit hindi niya gustong gawin iyon. "Good," tinatamad na sagot nito sa kaniya bago kinuha ang mga gamit at lumabas. She sighed in relief that the topic ended that way. Kaya naman tinapos na rin niya ang pag-aayos bago kinuha ang mga gamit at sumunod sa asawa sa hapag-kainan at bago pa mainip ang kaniyang asawa sa paghihintay na paniguradong pagmumulan na naman ng away nila. Matapos makapag-almusal ay diretso na sila sa sasakyan ng asawa upang ihatid siya sa paaralan bago ito pumasok sa opisina. And true to what Lynus said, sinundo nga siya nito pagkatapos ng dalawang oras. She doesn't need to worry about her remaining classes dahil isa sa donor ng paaralan ang kaniyang asawa kaya kahit hindi siya pumasok ay walang problema gaya noong naghahanda sila para sa kanilang kasal ilang buwan na ang nakakaraan. "Thank you, Mr. Samonte. We'll take our leave," turan ng kaniyang asawa sa presidente ng paaralang iyon. Doon sa opisina ng presidente kasi ito nagtungo upang ipaalam siya. Siyempre ano nga ba ang magagawa ng mga guro roon kundi payagan siya dahil kasama ito ni Lynus na sumundo sa kaniya sa kaniyang klase. "You're welcome, Mr. Montero. Take care of your wife. She's a good student afterall," sagot naman nito. They took their leave at habang nasa byahe ay wala silang imikan ng asawa. Hindi na kasi siya nito kinakausap pa, hindi kagaya noong magnobyo pa lamang sila na open sila sa isa't isa. Oppsss! Siya lang pala ang open dito at napipilitan lamang ito. When they arrived at the hospital, they immediately went to her doctor to check on her and inject her medicine, contraceptive. "Doc?" tawag niya sa doctor na naghahanda ng kaniyang injection. "Yes, Mrs. Montero? Is there any problem?" tanong nito sa kaniya. She looked at her. Iniisip niya kung sasabihin ba niya ang nasa isip o hindi. Hindi kasi niya sigurado kung magiging kakampi ba niya ito o hindi because in the first place, Lynus was the one who introduced her. "I wanted to get pregnant," mahinang wika niya. Ayaw niyang marinig ng asawa niya iyon. Dr. Visaya looked at her. Pinag-aaralan nito ang kaniyang ekspresiyon. Binabasa siya nito. "Well, tapatin mo nga ako... you didn't agree with him in the first place right?" tanong nito s akaniya na ikinatango niya. "It was just him?" Muli siyang napatango. "Are you sure about this? Kapag nabuntis ka---" "I'll handle it. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya. Please, Doc." Napabuntong-hininga na lamang ito pagkatapos ay tumango bilang pagpayag sa kaniyang pakiusap. Napangiti siya sa doctor. "Take these," may iniabot itong mga gamot sa kaniya. "Keep them. Hindi mo gugustuhing makita niya iyan." Napakunot-noo siya sa sinabi nito sa kaniya. May alam ba ito sa kaniya, sa kanila ni Lynus? O marahil ay marami nang ipinunta roon si Lynus at ganoon din ang ginagawa nito sa mga babaeng iyon. "Those are just vitamins. If you're determined to do that then you need to make your reproductive healthy." Napatango siya rito at ginagap ang mga kamay nito. "Thank you," she said. "Take care of yourself. I understand you kaya pumapayag ako sa gusto mo. And as a woman, I also wanted to have a kid of my own. Kayaman ng isang babae ang anak. But then, you should take responsiblity of his wrath. I know you know what I mean, Mrs. Montero dahil hindi naman ako ipinanganak kahapon." Napatango siya sa sinabi nito. Nakuha niya ang nais nitong ipahiwatig sa kaniya at mayroon siyang napatunayan sa sinabi nito. Alam nito kung ano ang ginagawa ni Lynus at hindi lamang siya ang babaeng dinala nito sa doctor na iyon. She wasn't the first to be here. When her appointment was done, nadatnan niyang wala ang kaniyang asawa sa labas. Nagtaka siya kung nasaan ito kaya naman hinanap niya only to find him kissing someone in the hallway. Kama na lamang ang kulang sa dalawa. Oh! Hindi na rin pala kailangan sa ayos ng mga ito. Damn! Bakit ang sakit? Tears fell from her eyes seeing them like that, seeing Lynus being intimate with someone other than her. Parang pinipiga ang puso niya habang nakatunghay sa mga ito na parang walang pakialam sa paligid at hindi niya kinaya iyon kaya naman tahimik siyang umalis, pinahid ang mga luha sa mata. Sobrang sakit ngunit pilit niyang nilalabanan dahil may mga pasyente rin sa labas ay hindi niya gustong makita siya ng mga ito na ganoon. She calmed herself and sat on the bench infront of the doctor's room. Doon na niya hinintay ang asawa na matapos sa pakikipaglampungan nito sa babaeng iyon. Kung sino man iyon. While waiting for him, she brought out her compact powder and fixed her face. She tried to hard kahit ang gustong gawin niya ay sugurin ang mga ito sa kababuyang ginagawa ng mga ito. She bit her inner lip para huwag kumawala ang hikbing kanina pa niya pinipigilan. Ang hirap huminga, ang hirap hirap! She closed her eyes, calmed her mind. Kaya niya! Kaya niya! She kept repeating it to herself. Then a voice caught her reverie dahilan para tingalain niya ito. "Can I borrow some? Hindi ko kasi dala iyong powder ko?" tanong nito sa kaniya. Tiningnan niya ang nagmamay-ari ng boses mula ulo hanggang paa. It was her! Walang hiya! No wonder why Lynus was hooked into her. Ganitong babae pala ang gusto nito. She was far different from her in all aspect. She was the opposite of her. Without a word ay ibinigay niya ang hawak na compact powder at inabot naman nito then applied some on her face bago nito muling ibinalik sa kaniya. "Thank you," nakangiting saad nito bago pumasok sa loob ng kwarto. Ngayon ay nakumpirma na niya kung bakit ganoon ang sinasabi ni Dr. Visaya sa kaniya because she was everyone's doctor. Doctor ng mga babae ng kaniyang asawa. "Let's go?" tanong ni Lynus sa kaniya. Tinapunan lamang niya ito ng tingin bago tumayo at nagpatiunang maglakad. When she passed by a trash bin, inihulog niya roon ang compact powder na ginamit ng kabit ng asawa dahil baka mahawaan pa siya sa kalandian at kahayupan nito. Yeah! But you're both enjoying the same stick of Lynus. Napailing siya at napabuntong-hininga. Binaybay nila ang daan patungo sa opisina ng asawa na ipinagtaka niya ngunit hindi na lamang siya umimik. Wala rin naman sinasabi ang asawa kaya useless lang ding magtanong. Hanggang sa makarating sila doon. Eyes were on them sabay bulungan ang mga ito and she knew why. Hindi na niya kailangan itanong pa sa asawa kung bakit ganoon ang tinging ipinupukol sa kanila ng mga empleyado nito, maging ang mga bulungan ng mga ito. She walked beside him, chin up. "I'll go to the powder room first," wika niya sa asawa na ikinatango naman nito bago naunang maglakad patungo sa elevator. "Just ask where my office is," pahabol na wika nito sa kaniya. Wala naman talaga siyang balak pumunta sa sinabi niya. She just wanted to see the reactions of his employee and to let them know she really was. Kaya naman naglakad sa bahagi kung saan may kumpulan at doon nagtanong kung saan ang banyo. "Ah, excuse me?" Tumingin ang mga ito sa kaniya. "Saan ang CR?" "Ma'am, saan floor kayo? May CR po sa lahat ng floor," sagot ng isang empleyado. "Sa office ng asawa ko. Pero hindi pa yata na-di-disinfect doon," sagot niya na ikinasinghap ng mga ito. "Asawa kayo ni Mr. Montero?" hindi makapaniwalang tanong ng isa sa mga ito. "Why?" "Akala po kasi namin---" "Ako ang kabit at ang pumupunta rito ang asawa?" putol niya sa sasabihin nito na ikinatango naman nito maging ng iba pang mga kasama nito. "Well, now you know." "Akala ho talaga namin ay kayo ang... alam niyo na." Ngumiti lamang siya sa mga ito bago tinanong kung nasaan ang banyo at iniwan ang mga ito. A smirk showed out her lips. Nang matapos ay tinungo na niya ang opisina ng asawa na abala sa pagbabasa at pagpirma ng mga papeles. Hindi niya ito pinansin bagkus ay pinagmasdan at pinag-aralan ang interior ng opisina nito. Mentally, she was imagining where in his office did her husband and his mistress make out. Matapos niyon ay tiningnan niya ang kaniyang asawa na ngayon ay nakatingin na pala sa kaniya. Sinalubong niya ang tingin nito. She didn't break the stare hanggang sa ito na ang nag-iwas ng tingin. She smirked. Then she saw him stand up and walked towards her. Tumigil ito sa harapan niya pagkatapos ay yumukod, his face just inches away from her. "What's inside your pretty little head?" tanong nito sa kaniya. "Guess what?" sagot niya rito. "What did they tell you downstairs?" muli nitong tanong. She looked into his eyes. "Should I really answer your question? Hindi ba dapat alam mo na sagot diyan?" Natahimik ito at pinagmamasdan lamang siya. "You shouldn't bring your mistress here. Napagkakamalan kasi akong kabit." Tumayo ang asawa niya bago ito tumalikod at nagsimulang bumalik sa mesa nito ngunit tumigil nang nasa kalagitnaan na. "I don't have a wife."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD