Chapter 4

1831 Words
Nagising si Penelope na parang dinaganan ng pison ang kaniyang buong katawan lalong-lalo na ang kaniyang mukha. Doon bumalik ang naganap kagabi dahilan para ganoon ang nararamdaman niya ngayon. Isang kagimbal-gimbal na katotohanan na ni isang beses ay hindi niya lubos maisip kung bakit nangyari. It was too much for her first day being married. It was too much to bear pero hinihiling niya na sana ay isa lamang iyong bangungot at magigising din siya. Na gigisingin siya ng asawa at sasabihing okay lang ang lahat, na hindi iyon totoo. But seeing her face now infront of the mirror, she confirmed it wasn't a nightmare. It was real. Her husband whom she thought would protect her from pain, was the one who inflicted pain on her. At dahil doon ay hindi niya mapigilan ang pagsungaw ng mga luha sa kaniyang mga mata hanggang sa namalisbis ito. She cupped her face with her two hands as she cried infront of the mirror. Iyak lamang siya nang iyak hanggang sa napausdos na siya sa sahig. She curled herself in the corner if the bathroom and let out the pain she was feeling right. She wasn't crying because she was hurt rather she was crying because she couldn't believe it. She couldn't believe that Lynus would do it to her. Iyon ang mas masakit, ang masakit na katotohanan. Ang sakit sa katawan niya, mawawala iyon pero ang sakit na dulot nang ginawa ni Lynus ay hinding-hindi mawawala. But she could run away from him as early as this. Kapag nakita siguro ito ng kaniyang magulang ay maiintindihan ng mga ito kung bakit kailangan niyang umalis sa poder ni Lynus. Pero ang tanong, kaya ba niya? Kaya ba niyang iwan si Lynus na pinakamamahal niya? Kaya ba niyang isugal ang magandang pinagsamahan nito at ng pamilya niya? How about her Ate Peaches? Matatanggap ba nito ang ginawa ng kapatid ng asawa niya? How about Kuya Larry? Ano ang kahihinatnan ng relasyon nito at ng kapatid niya at ng kapatid nito? Paniguradong magkakagulo ang lahat. Kakayanin ba niya ang magiging resulta kapag umalis siya at bumalik sa mga magulang niya? She doesn't know what to do. She doesn't know what would be the right answers to her questions. Gulong-gulo na siya. Kaya ang kaguluhang nararamdaman sa sarili ay iniyak na lamang niya dahil iyon na lamang ang kaya niyang gawin sa ngayon. Iyon na lang ang magagawa niya sa mga oras na iyon. She was lost, so lost. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nanatili sa loob ng banyo. She heard Manang Fe knocked and banged the door pero hindi niya ito nilabas, hindi pinagbuksan ng pinto. Ano ang mukhang ihaharap niya sa matanda? Ano ang sasabihin niya kapag nagtanong ito sa itsura niya? Or does Manang Fe know about this? So she stayed inside the bathroom hanggang sa muli siyang makatulog sa malamig na sahig. At nang muli siyang magising ay nasa kama na siya. Hindi niya namalayan ang pagbuhat ng kung sino man sa kaniya patungo sa kama. Iba na rin ang damit niya. And as realization hit her, wala sa sariling isinuksok niya ang sarili hawak ang kumot sa kaniyang mga kamay habang nakatingin sa asawang nakatayo sa pintuan ng banyo. Napuno ng takot ang buong sistema niya habang nakatingin sa asawang blanko ang ekspresiyon ng mukha. Nagsimulang magrambulan ang kaniyang puso habang inaalala ang ginawa nito sa kaniya kagabi. And when he started approaching towards her direction, she jumped off their bed and went to the corner of the room still holding the blanket in her hands. "Please!" she plead. "Please don't come near me!" Nahulog na ang mga luha niya. Napatigil si Lynus sa pagtangkang paglapit sa kaniya pagkatapos ay nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Lumambot at lumamlam ang mga mata at halata ang pagkabigla, pagsisisi rito. Was it real? Or he was just faking it? "Pen, Sweetheart. I'm sorry," mahinang wika nito. "I didn't mean to hurt you. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko why I did it. I was drunk. I'm sorry. I'm sorry." Lumuhod pa ito sa harapan niya habang inuusal ang paghingi nito ng paumanhin sa ginawa nito. "Mahal kita. Mahal na mahal kita. I'm sorry. Kung hindi mo ako mapapatawad sa nagawa ko, I'll call your parents. But please... please give me another chance. I'm so sorry." Unti-unting inabot ni Lynus ang mga kamay niya. Looking at him, hindi matiis ng puso niya ang asawa kung kaya't siya na ang umabot dito ay niyakap ito. And in his arms, she cried and cried while Lynus was apologizing to her at siya naman dahil mahal niya ito ay nagawa siyang patawarin sa naging pagkakamali nito. All her plans to get away from him vanished. She will give Lynus another chance. She will give them a chance. At sa awa ng Diyos ay naging maayos naman ang relasyon nila ni Lynus sa mga sumunod na mga araw. He took care of her kapag nasa bahay ito ngunit mas marami pa rin ang wala ito dahil busy ito sa trabaho. Madalas din silang lumabas at mamamasyal sa kung saan niya gusto. Sa mga oras na iyon, naramdaman niya ang pagmamahal at pag-aalaga sa kaniya ng kaniyang butihing asawa. Halos lahat nga nang nakakakita sa kanila ay sinasabing maswerte sila sa isa't isa. Wala naman kasing malulugi sa kanilang dalawa ng binata, physically, financially. So being with Lynus, it was the happiest days of her life. Bumalik na rin siya sa pag-aaral na naudlot dahil sa pagpapakasal nila ng asawa. Bumalik ang dating set-up nila ng asawa noong magnobyo pa lamang sila-Lynus would teach her and deal with the hard works. Everything went well, smoothly for the two of them. They were happy living as husband and wife. They were the exact perfect picture of a happy and lovely couple. Ngunit lahat ng mga iyon pala ay pansamantala lamang. Hindi sa lahat ng araw ay masaya silang dalawa ni Lynus dahil isang gabing umuwi ito at lasing ay nagkaroon sila nang pagtatalo na humantong sa muling pananakit nito sa kaniya. "Next time... do not ever... ever question where I've been! Maliwanag?" sigaw sa kaniya ng asawa habang hawak nito ang kaniyang mukha. Napatango siya dahil sa takot na nararamdaman ngunit imbes na bitawan siya ni Lynus ay muli siya nito binigyan ng sampal dahilan para mapasubsob siya sa ibabaw ng kama. It was too much for her dahil buong akala niya ay hindi na mauulit ang nangyaring iyon but she was wrong. Labis niyang ipinagtataka kung bakit ganoon ito sa kaniya ngayon. Hindi niya alam kung ano ang kasalanang nagawa niya para magalit na lamang nang ganoon ang asawa. She was just asking where he had been because it was already midnight and she was so worried. Wala siyang ibang nais ipakahulugan doon. She was just worried about him and that's all. "Why are you doing this to me?" mahina ngunit buong tatag na tanong niya sa asawa. Luhaan siyang nakatingin sa asawa. Lynus pulled his hair while looking at her then he kicked the bed many times making her scream. Pagkatapos niyon ay mahigpit nitong hinawakan ang magkabila niyang braso. It was too tight and she was sure na magkakaroon na naman ito ng pasa. "You have no right to question me! Asawa lang kita at wala kang pakialam sa kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko! Naiintindihan mo?" sigaw nito sa kaniya. Wala itong nakuhang sagot sa kaniya kaya naman patulak na binitawan siya nito bago ito lumabas at malakas na ibinalibag ang pinto ng kanilang kwarto. She was left alone and all she could do was cry. Binalot niya ng kumot ang kaniyang katawan afraid that Lynus might return and hit her again. Magdamag siyang umiyak dahil doon hanggang sa nakatulugan na lamang niya. Kinaumagahan, isang bestidang mahaba ang manggas ang isinuot niya upang matakpan ang naging pasa sa magkabilang braso. Kinapalan din niya ang suot na makeup upang matakpan ang pamamaga ng kaniyang pisngi. She wasn't a fan of makeup but with Lynus doing these things to her ay napilitan siyang aralin iyon dahil pumapasok siya sa paaralan at kung minsan ay dinadalaw siya ng mga magulang. The whole in the class was useless dahil wala man lang isang natutunan. Buong araw siyang nakatulala at hindi makausap nang matino maging hanggang sa pag-uwi niya ng bahay. Maging si Manang Fe ay nagtataka rin sa ikinikilos niya pero binalewala niya iyon. She stayed silent because many lives would be affected if what's between her and Lynus would come out. She continued staying with him kahit na ganoon ang ginagawa nito sa kaniya. Good thing, he was only doing that when he was drunk at hindi naman ito palaging lasing dahil mas marami naman ang araw na halos hindi na sila magkita. Since then, hindi na maayos ang pagtrato nito sa kaniya. He was distant and cold towards her. Maayos lamang kung minsan ang trato nito kapag nasa paligid si Manang Fe, ang pamilya niya o ang pamilya nito. Hindi na rin siya nito kinakausap na para siyang hangin sa pamamahay nito. Another thing is, one day, a female doctor came to their house and injected her with contraceptive. Hindi sana niya gusto ngunit nakatikim pa siya ng masasakit na salita kay Lynus. Kung pwede nga lang siya nitong kaladkarin sa harap ng doctor ay ginawa na nito at kung pwedeng ito na ang magturok ng karayom sa kaniya ay ginawa na nito. Worst, he threatened her not to support the child kapag nabuntis siya. With that, she was forced to take it. Several times already. She has a schedule to see that doctor every months. And because of that, Lynus would use her in any way he wanted. Funny thing dahil kapag ginagawa nila iyon ng asawa, he was always in good mood. He was an expert to be exact at hindi naman siya ipokrita para hindi magustuhan ang parteng iyon ng kanilang pagsasama. Doon na lang din niya kasi nararamdaman na mahalaga siya sa asawa. Doon na lamang nito nasasabi na mahal siya nito. Kagaya na lamang ngayon, Lynus was hugging her closed to his body. Nakayakap ang mga braso nito sa kaniya habang siya naman ay nakaunan sa braso nito. He was facing her kaya kitang-kita niya ang maamong mukha nito habang nakapikit. She wanted to touch his face ngunit baka magising ito at magalit sa kaniya. Ito na nga lang ang oras na maayos ito sa kaniya kaya hindi siya gagawa nang ikakagalit nito sa kaniya. She was just there staring at him hanggang sa makatulugan na niya. How she wished everything would be okay. How she wished that Lynus would tell her what's going on between the two of them? Kasi siya gustong-gusto niyang maging maayos ang relasyon nila ng asawa dahil mahal niya ito. Mahal na mahal niya ito. Pero ang tanong, mahal ba siya talaga ng asawa? O isa lang siyang parausan nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD