Chapter 6

2335 Words
Halos mapiga ang puso ni Penelope sa sinabi ng asawa. So ano siya sa buhay nito? So ano ang gustong palabasin nito? Napakasakit para sa kaniya ang marinig iyon sa mismong bibig pa nito. At ano rin ba ang gusto nitong palabasin? Robot siya na walang nararamdaman? Why is he so cruel with her? What did she do to him that she's paying for this kind of pain right now? "So ano ako?" halos pasigaw na niyang tanong sa asawa. "So ano ako kung hindi mo pala ako asawa? Kabit? Puta? Parausan? Punching bag? Which one?" Pinahid niya ang mga luhang umagos na mula sa kaniyang mga mata. "Ano ako sa buhay mo kung ganoong hindi mo naman pala ako asawa? Eh 'di sana hindi mo na lang ako pinakasalan. Wala rin naman pala akong silbi sa iyo." She took her bag and stormed out of his office, tears on her eyes. Malakas din niyang ibinalibag ang pinto ng opisina nito dahilan para makakuha siya ng atensiyon mula sa mga empleyado ng asawa sa palapag na iyon. Pero wala na siyang pakialam doon. Problema na iyon ng asawa niya. He was too much with his words at tao lamang siya. She may take physical pain but the emotional and mental pain he was giving her, it was too much to bear. She hailed a taxi at nagpahatid sa bahay nila. Nang makarating doon ay nagtatakang tiningnan siya ni Manang Fe dahil sa itsura niyang basa ng luha ang mukha at magulo ang buhok. Upon entering the room, she shouted so damn loud to ease the pain inside of her. Kung hindi kasi niya ito mailabas ay baka atakihin siya sa puso. Pero nasa isip niya, mas okay na lang yatang mawala siya dahil ganoon din naman ang nangyayari sa kaniya, iyong unti-unti siyang pinapatay ni Lynus dahil sa mga ginagawa nito sa kaniya. Nang mapagod sa ginagawa ay wala sa sariling ibinagsak niya ang katawan sa sahig at doon ibinuhos ang sakit na nararamdaman. Balde-baldeng luha na yata ang naiyak niya simula noong araw na una siyang sinaktan ni Lynus. Ngunit kasalanan din naman niya kung bakit siya nasasaktan, dahil hinahayaan niyang masaktan ang sarili niya. She has a choice but she was too stubborn. No! Iniisip lang niya ang kahihinatnan kapag umalis, kapag iniwan niya si Lynus. Maraming buhay ang madadamay kaya titiisin na lamang niya ang lahat hanggang kaya pa niya. Kung kailan? Hindi niya masasagot iyon. LATE AT NIGHT, Penelope immediately woke up when she heard the banging of the door. Bumilis ang t***k ng puso niya pagkarinig niyon. Fear crept into her whole system lalo na at naririnig niya ang pagmumura ni Lynus at ang pagtawag nito sa pangalan niya. Then he was infront of her now, drunk and was looking at her murderously. "How dare you humiliate me in my own office!" sigaw nito sa kaniya at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaniya katawan. Hinablot din nito ang kaniyang buhok dahilan para mapasigaw siya sa sakit na dulot nito. Then all of a sudden, Lynus slapped her on the face making her stumble on the bed. Tinangka niyang umalis, lumayo rito ngunit nahablot nito ang kaniyang isang paa at basta na lamang siya nito hinila at dahil doon nawalan siya ng balanse at tumama ang ulo sa gilid ng kama. Umikot ang kaniyang paningin dahil doon. Hindi pa siya nakakabawi mula roon nang muli na naman siyang binigyan ng sampal ng asawa. It landed on her face making it stung so damn hard. Ang sumunod na pagbubuhat nito ng kamay ay isinangga na niya ang mga kamay at braso upang hindi tumama diretso sa mukha niya ang mga bakal na kamay nito. "Tama na, Lynus!" sigaw niya. "Please!" "Please? Please?" sigaw nito sa kaniya. "Pinag-uusapan ako sa opisina dahil sa ginawa mo?" He hit her again but this time he was holding his belt and the buckle hit on her thigh making her scream. Inulit pa nito iyon kahit ilang beses siyang magmakaawa rito. "Matagal ka nang pinag-uusapan sa opisina niyo dahil sa pagdadala mo sa kabit mo roon!" sigaw niya sa asawa. Natigil ito pansamantala dahil hindi nito akalain na masasabi niya iyon, na alam niya ang tungkol doon. Pero pansamantala lamang ang pagkabigla nito dahil nang makabawi ay muli na naman siya nitong hinataw ng hawak nitong sinturon. Ibang tao. Ibang tao ang nasa harapan niya at hindi ang Lynus na kilala niya. Hindi ito ang asawa niya. Hindi ito ang lalaking minahal niya. "Tama na please!" sigaw niya sa pagitan ng malalakas na iyak at pagpipigil niya sa gusto nitong gawin. But it was useless dahil parang walang naririnig ang asawa. He was just giving her a blow with his leather belt. Bawat tama ng sinturon sa katawan niya ay pilat na umuukit, hindi lang sa katawan niya kundi maging sa kaluluwa niya. Nakahandusay na siya sa sahig nang tigilan ni Lynus ang paghataw sa kaniya pagkatapos niyon ay lumabas ulit ito ng kwarto nila at hindi na niya alam kung saan ito ang tungo. In the first place hindi naman iyon ang inaalala niya ngayon kundi ang kaniyang sarili. Ito na ang pinakamalalang pananakit nito sa kaniya and what more should she expect from him? Ano pa ang kayang gawin nito sa kaniya? And she doesn't know what's the answer. KINAUMAGAHAN habang nag-aayos ng sarili ay biglang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto at iniluwa roon ang kaniyang asawang bihis na. Nagtama ang kanilang mga mata at may kung anong kislap siyang nabasa roon at siya naman ay blanko lamang ang tingin bago muling ibinalik ang tingin sa salamin at ipinagpatuloy ang paglalagay ng concealer sa mukha upang matakpan ang sugat at pamumula roon. Good thing, hindi masyadong napuruhan ang maganda niyang mukha ngunit ang mga braso niya, she sighed seeing them swollen. "Our parents will be here at lunch. You need to prepare," wika nito sa kaniya ngunit hindi siya umimik. "Did you hear me?" "I heard you once," walang buhay na sagot niya rito. "Good," saad nito bago muling lumabas sa kanilang kwarto. Tinapos niya ang pagkakalagay ng makeup at tiningnan ang sarili sa salamin. She wanted to cry pero pinigil niya ang sarili dahil useless lang din naman iyon. Magsasayang lang siya ng mga luha at papagurin lang niya ang sarili kapag ginawa niya iyon. Mapait siyang ngumiti sa sarili. Kaya pa pala niyang ngumiti. Then she stood up at tinungo ang closet upang maghalungkat ng damit na isusuot para mamaya. Hindi niya gustong malaman ng mga ito ang nangyari sa kaniya, sa kanila ni Lynus. Lunch, and their family came. Gusto niyang pumalag sa mga yakap sa kaniya ng pamilya ngunit tiniis na lamang niya ang mga ito upang hindi makalata. Pilit din ang mga ngiting ibinibigay niya dahil sa sobrang sakit ng katawan. No one should know. No one should notice that's her goal for today. "It's good to see you, Anak," bati sa kaniya ng mommy niya. "Pero bakit nangangayayat ka yata ngayon? Aren't you eating well? Hindi ka ba inaalagaan ni Lynus?" "I'm good, Mom. Wala namang prob---" "She's being picky these days, Mom," singit ni Lynus, na kararating lamang, sa sasabihin niya. Hinalikan siya nito sa labi at iniyakap ang isang braso sa beywang niya. They looked sweet because he was a good actor. "Baka naman may laman na iyang tiyan mo?" tanong ng ina niya. "We just came from the doctor yesterday and it was negative," sagot niya. Ayaw niyang kung ano pa ang isipin nito. Medyo nalungkot ang kaniyang ina sa sinabi niya ngunit pagkunwa'y ngumiti rin. "Bata pa naman kayo. Just enjoy your moments being together." Ngumiti siya sa sinabi ng ina bago nagpaalam sa mga ito na pupunta sa kusina upang tingnan ang ihahanda. She helped Manang Fe sa paghahanda. Ilang putahe lang naman iyon dahil nag-order si Lynus ng pagkain sa isang restaurant. Mas mabuti na rin iyon dahil hindi niya matutulungan si Manang Fe dahil sa pananakit ng katawan niya. "Nagpa-deliver pala si Lynus ng pagkain," turan ng kaniyang Ate Peaches sa kaniya. "Ayaw ka talaga niyang mapagod dahil siya lang ang dapat magpagod sa iyo." Napailing siya sa sinabi ng kapatid. Kung alam lang nito ang dahilan ay baka hindi nito magawang biruin siya. "Mukhang ganoon nga rin sa palagay ko, Ate," sagot niya na sinakyan ang biro nito. Natawa naman ito sa sinabi niya bago sila nag-usap ng patungkol sa mga pamangkin. Abala sila sa pag-uusap nang pumasok sa kusina ang mga asawa nila. Lumapit si Larry sa kaniyang kapatid at ganoon din ang ginawa ni Lynus. "Nasaan na nga pala iyon sinasabi ko sa iyo?" Narinig niyang wika ni Larry sa kapatid. "Upstairs. Kunin mo na lang mamaya," sagot naman ng asawa. "C'mon! I wanted to see it," pamimilit ni Larry. "Tinatamad pa akong kunin," sagot ni Lynus na abala na sa paglalagay ng pagkain sa tray. "You know where is it, Pen?" Sa kaniya bumaling si Larry. "Ikaw na lang ang kumuha, please." Nangunot ang noo niya sa sinasabi nito dahil hindi naman niya alam kung ano iyon. Napatingin siya sa asawa na ngayon ay nakatingin din pala sa kaniya. "Nasa closet ko. Third in the second row," turan ng kaniyang asawa. Napatango na lamang siya bago binitawan ang ginagawa upang kunin ang sinasabi nito. Inside their room, she looked for the thing the two brothers were talking about. Hinalungkat niya ang sinabi nitong drawer ngunit wala namang kakaibang bagay roon. She looked for it hanggang sa makita niya ang isang 'di kalakihang karton na may pabalat na anime figure na paborito ng kaniyang Kuya Larry. Iyon na nga siguro ang sinasabi ng mga ito. Kinuha niya iyon at lumabas ng kwarto nila. She was in the hallway when she saw Larry walking towards her. Mukhang nainip na siguro iyon sa kaniya kaya siya sinundan. Halata rin ang excitement sa mukha nito na animo'y bata pa ito. She smiled at ibinigay niya ang hawak sa bayaw na nakangiti naman nitong tinanggap. "See how my little brother loves me? Galing pang Japan ito," nakangiting wika nito sa kaniya. He was so proud of his brother. Isang rason kung bakit ayaw niyang malaman ng mga ito ang nangyayari sa kanila ni Lynus. Ginantihan niya ito ng ngiti bago nagpatiunang maglakad ngunit pinigil siya nito at napahawak sa braso niya dahilan para mapangiwi siya sa sakit na dulot ng ginawa nito. Larry looked at her questioningly before grabbing her arm. Pinaglandas nito ang kamay nito sa kaniyang magkabilang braso habang nakatingin sa kaniyang reaksiyon. "No!" mahinang sambit nito bago itinaas ang mahabang manggas ng kaniyang damit. Nanlaki ang mga mata nito sa nakitang mga pasa sa braso niya kaya naman binawi niya ito mula sa pagkakahawak. The expression on Larry's face, she was worried about it. Hindi kasi maganda ang basa niya rito. He looked murderous at mukhang susugurin nito ang kapatid dahil sa galit nito ngunit pinigil niya ito. "No, please," pagmamakaawa niya sa kaniyang Kuya Larry. "He was hurting you, Pen!" may kalakasan na ang boses nito. "P-Please, K-Kuya Larry," sambit niya at hinawakan ang mga kamay nito. "Ayokong magkagulo. Please!" Itinapon ni Larry ang hawak na karton at isinabunot ang mga kamay sa buhok nito habang nakatingin sa kaniya na pulang-pula ang mukha. "Kailan pa iyan? Kailan pa iyan nagsimula?" timpi ang galit na tanong nito sa kaniya ngunit umiling siya. "He was doing that for so long? At wala kang sinasabi sa amin? Damn it, Penelope!" "Please, Kuya Larry. I love him." "Love? Love pa ba ang lagay na iyan? He was beating you na hindi nga ginawa sa iyo ng mga magulang mo and you just let him? Kapatid ko siya pero hindi ko kukunsintihin ang ginawa niyang ito sa iyo!" May luha na siya sa mga mata habang panay ang pagmamakaawa sa bayaw na huwag sabihin ito sa pamilya nila lalo na sa kaniyang Ate Peaches. Marami siyang dahilan na ibinigay para lamang kumalma ito, para lamang itago nito ang natuklasan sa pamilya hanggang sa pumayag ito in a condition na hindi na ito magtatago sa kaniya. She knew her Kuya Larry understands her kahit pa labag sa loob nito ang gusto niyang mangyari. "Hindi kita mapipilit kung iyan ang desisyon mo, Pen. Pero sana maisip mo na hindi na maganda ang ginagawa ng asawa mo. It hurts me knowing my own brother was doing that to you and you just let him. But please kung kaya mong umalis sa kaniya just give me a ring. I will help you run from him. Maiintindihan ka namin," wika nito sa kaniya na ikinatango niya. "Thank you," saad niya at niyakap ito nang mahigpit. She knew she can count on him. "Is there something wrong?" It was her Ate Peaches. "No, Hon," sagot ni Larry sa asawa. "I was just whispering Pen the secret that we have. I know it was supposed to be a surprise but I can't wait to spill it to her. " Palipat-lipat ang tingin ng kaniyang ate sa kanila ni Larry. Awkward naman kasi na nakita nito na magkayakap sila ng asawa nito. Siyempre hindi magandang tingnan. "Congratulations, Ate Peaches! Sobrang tuwang-tuwa ako sa sinabi ni Kuya Larry," turan niya at niyakap din ito. "Sana ako rin pero negative pa." Mukhang na-touch naman ang kapatid sa huling sinabi niya kaya muli siya nitong niyakap at inalo. "Darating din iyan. Don't lose hope, Baby girl," wika ng kaniyang ate na ikinangiti niya. Sabay-sabay na silang tatlong bumaba at nagtungo sa hapag-kainan. And all those moments ay hindi nawawala ang tingin ni Larry sa kaniya, sa kanilang dalawa ni Lynus. Panay rin ang pagtiim-baga nito habang nakatunghay sa dramang ipinapalabas ng kapatid. Panay rin ang iling nito at kapansin-pansin ang pananahimik nito maging kapag tinatanong ito ng kapatid. With that, she just hoped na hindi makahalata ang asawa na alam na ng kapatid nito ang nangyayari sa kaniya because she was so afraid that this might destroy them. Pero hindi pa nga ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD