Chapter 2

2458 Words
Hingal na hingal kong tinatakbo paakyat ang hagdan patungo sa unang klase ko ngayong umaga at nasa fourth floor pa lang ito. Sira kasi 'yong elevator dito kaya parusa sa mga nagmamadaling katulad ko ang pag-gamit ng hagdan. Wala na din naman akong pwedeng daanan para mapabilis ang pag-akyat ko sa taas. s**t lang. Halos ako na lang ang tinitingnan ng mga ibang estudyante na nakakasalubong ko dahil sa ginagawa kong pag-takbo. Nasita pa ako no'ng isang guro kanina na nakasalubong ko. Gosh! Ang fresh ko kanina bago ako umalis ng bahay, pero pagdating naman dito, para akong construction worker na nakabilad sa araw dahil pawis na pawis na ako. Hindi kasi ako kaagad na nagising ng maaga dahil late na akong naka-uwi sa bahay. Hindi kasi pumasok 'yung isang katrabaho ko sa coffee shop kaya nag-overtime ako. 3:30am nalang yata akong naka-uwi dahil dinumog ang coffee shop. Sa pag-mamadali ko ay may nabangga akong isang tao nang liliko na sana ako. "s**t!" Naisatinig ko nalang dahil akala ko ay mahuhulog ako pababa pero mabilis niya akong nahawakan sa braso. "You okay, Janeesa Marie?" Tanong nang isang pamilyar na tinig. Tiningnan ko ito at halata sa mukha niya ang takot. "I'm sorry!" Dagdag pa nito. "Sorry din, Shawn! Nagmamadali kasi ako!" Sabi ko at tumayo ng maayos kaya inalis na din niya ang hawak niya sa braso ko. "Teka... wala pa ba si Sir?" Takhang tanong ko dahil kaklase ko siya. "Nandoon na. May meeting lang kaming mga athlete," tugon nito. "Late ka na naman! Yari ka na naman kay Gaige Martinez niyan!" Dagdag pa niya na pinatutungkulan ang Professor namin. May pananakot pa sa tinig nito habang nakangiti. Nginiwian ko lang siya saka na tumakbo ulit paakyat. Peste lang talaga! Nang makarating ako sa tapat ng room ay humugot muna ako ng isang malalim na hininga saka nag-ayos ng sarili. Hinawakan ko ang handle ng sliding door saka dahan-dahang binuksan. Sumilip muna ako sa loob at nasa harapan na ang guro namin. Nilakasan ko ang loob ko na tuluyan ng buksan ang pintuan saka na pumasok. Tumigil si Sir Gaige nang makita ako. Well, hindi lang siya. Pati na din 'yong mga kaklase ko. Iiling-iling na umupo si Sir sa table niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako ng pilit dahil hindi lang basta tingin ang ginagawa niya. Alam ko na naiinis siya dahil late na naman ako. "So early for your next class, Miss Pineda." Seryosong wika nito habang nakatingin ng diretso sa mukha ko. "Traffic po kasi-" hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko dahil nagsalita na siya. "Ako pa ba dapat 'yong mag-adjust?" He mocked. Umiling ako. "Pang-ilang late mo na ba ito? Hanggang ngayon ba hindi mo pa din alam 'yong oras ng pasok mo sa akin?" Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at humarap sa klase at muling bumalik ang tingin niya sa akin. "You are thirty minutes late! Nasa kalahati na kami ng lesson natin ngayon!" Medyo pasigaw niyang sabi. Napa-tungo nalang ako. Hindi dahil sa nahihiya ako. Well, given na 'yon. Pero naiinis din ako. Mabuti nga at pumasok pa ako ngayon kahit alam kong sesermonan lang niya ako. At alam ko din na pinagtatawanan na ako ng mga kaklase ko dahil dito. "One more late, Janeesa Marie Pineda, and I will drop you out in this class. You may take your seat now." Malamig nitong sinabi na lalo kong ikina-inis dahil tinawag niya ako sa buong pangalan ko. Kapag ako talaga yumaman, ipapatanggal ko ang Marie sa birth certificate ko! Padabog kong sinunod ang utos niya at umupo sa pinaka-dulong bahagi ng kwarto kung nasaan ang mga kasama ko. "Kanina pa mainit ang ulo niya. Pag-pasok pa lang niya, naka-kunot na ang noo niya," bulong sa akin ni Charmaine na nasa left side ko. At hindi na ako magtatakha na mainit ang ulo niya ngayon dahil lagi namang mainit ang ulo niya. Ano pa ba ang bago? Simula noong first year na naging Professor namin siya, ganito na siya. Bakit ba hindi pa ako nasanay? Tsk. "Eh bakit sa'kin niya ibinubunton ang init ng ulo niya?" Reklamo ko. Dahil sa totoo lang, lagi nalang ako ang pinag-iinitan niya. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama na hindi ko alam o ayaw niya sa akin, o baka talagang mainit lang ang dugo niya sa akin. Lagi nalang kasi ako 'yong napupuna niya, eh. "Hala! Eh malamang, late ka. Alangan naman na matuwa pa siya!" Sabat naman ni Shienna na nasa right side ko. Nasa gitna kasi nila akong dalawa dahil dito talaga ang upuan ko. "Kahit na! Para namang ako lang 'yong estudyante dito na nale-late!" Depensa ko na medyo napalakas. "Listen!" Bulyaw ni Sir kaya tumahimik kaming tatlo at tumingin sa harapan. Kunwari akong nakikinig sa mga sinasabi niya, pero ang totoo, bored na bored akong nakatingin sakanya at nakikinig sa discussion niya. Kapag kasi naiinis ako, hindi ako makapag-concentrate dahil nangingibabaw 'yong inis na dumadaloy sa sistema ko. Lumipas ang ilang minuto nang mahinto ulit ang discussion dahil bumukas ulit ang pintuan, at napunta ang atensyon namin sa doorway kung saan nakatayo ang isang magandang babae. Tumingin naman sakanya si Sir Gaige na parang naghihintay sa paliwanag nito kung bakit siya late. "I'm sorry, Sir. I didn't meant to be late now. May emergency po kasi bahay," paliwanag nito at halatang nagpapa-awa. Hindi nawawala ang ganda niya kahit mukhang pagod siya sa pag-akyat ng hagdan. Still, maganda pa din siya. At ang buong akala ko ay hindi siya makakaligtas sa init ng ulo ni Sir, but boy, was I wrong. Dahil tinanguan lang niya ito na ikinabagsak ng balikat ko. "Take your seat now, Ciarra." Sabi pa ni Gaige saka ngumiti na mas lalo kong ikina-inis. Wow lang! Ganoon nalang iyon? Ni hindi man siya nagtaas ng boses? Wala man lang sa tono niya ang pagka-irita kahit na fifty minutes ang late no'ng babaeng iyon na mas malala pa sa akin? Great! Siguro ay nailabas na niyang lahat sa akin kanina! Nakita ko sa sulok ng mata ko na tiningnan ako ni Charmaine dahil siguro alam niyang unfair ang guro namin dahil hindi niya man lang pinagalitan 'tong Ciarra na 'to. "Thank you, Sir!" Wika nito at tumungo na sa upuan niya. Kumindat pa ito sa mga kaibigan niya dahil hindi man lang siya napagalitan katulad ko kanina. This is unfair! He is being unfair! Napa-iling nalang ako nang dahil sa inis. Hindi na talaga nawala ang favoritism sa eskwela! Well, what to expect? Matalino, maganda at mayaman si Ciarra. Ang lakas ng dating niya. Parang ikaw 'yong magi-guilty kapag pinagalitan mo siya. But, come on! Napaka-unfair ng bwisit na 'to! Nang inanunsyo niya na tapos na ang klase namin sakanya ay mabilis akong tumayo at dinampot ang bag ko. Inunahan ko silang lahat sa paglabas ng class room dahil kumukulo talaga ang dugo ko. "Janeesa, pahintay naman! Para kang hinababol ng aso sa bilis mong maglakad, ah!" Pasigaw na reklamo ni Shienna mula sa likod ko. Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy sa paglakad patungo sa cafeteria dahil bukod sa naiinis ako, nagugutom na din ako dahil hindi na ako nakapag-almusal kanina. Mamaya pa lang naman ang susunod naming klase kaya malaya pa kami ng 30 minutes ngayon. "Uy, girl, ano ba ang problema mo?" Kunot noong tanong ni Charmaine habang naglalakad kami patungo sa table namin bitbit ang mga binili naming pagkain. "Oo nga, Jan! Tingnan mo 'yang labi mo, parang sasayad na sa lupa." Gatong naman ni Shienna. Pareho ko silang tiningnan ng masama nang maka-upo na kami. "Gusto niyo ba na matuwa pa ako? Kasi ako, napagalitan kanina! Tapos si Ciarra, parang wala lang?" Sarkastikong tugon ko. "Eh kasi, maganda 'yon, eh!" Sagot naman ni Shienna pero siniko siya ni Charmaine kaya sila naman 'yong nagkatinginan ng masama. "And so? Porket hindi ako maganda, ako na 'yong pagagalitan? Wow lang, ha. Wow lang." Naiinis ko pa ding sabi saka kinagat ang mamon na hawak ko. "Huwag mo nalang kasing intindihin 'yon. Malay mo, nagkataon lang na... sa'yo niya nailabas iyong init nang ulo niya. Alam mo naman si Sir, nuknukan ng sungit!" Pagpa-pagaan ng loob sa akin ni Charmaine. "Duh! Mula noong una, ganoon na siya sa akin. Parang ang init ng dugo niya sa akin. Pag ako talaga nainis, magda-drop out ako sa klase niya!" Nanggagalaiti kong pahayag. "Kaya mo?" Mapanuksong tanong ni Shienna. Hindi nalang ako sumagot at kumain nalang. Wala din naman akong mapapala sa dalawang ito, eh. Hindi ko alam kung kinakampihan ba ako, o hindi. Pero ang totoo, hindi ko naman talaga kayang mag-drop sa subject niya dahil ako lang din 'yong mahihirapan. At kung sakali man na mag-drop ako, wala akong pambayad para magpa-tutor. Hirap na nga kami sa buhay, dadagdagan ko pa ba dahil lang sa naiinis ako sa guro ko? Tsk. "Pero alam niyo..." napatingin kaming dalawa ni Charmaine kay Shienna. "Ano?" Sabay naming tanong ni Charmaine. "Well... I just noticed this, okay. Based on my observation, mukhang favorite ni Sir si Ciarra," wika nito sa mahinang tinig na sapat lang para marinig namin. "Masama yan, Shienna, ah!" Suway ni Charmaine sakanya. Pina-ikot lang nito ang mata niya. "Hindi mo ba ako narinig? Based on my observation nga!" Bulyaw naman nito na binigyang diin ang 'observation'. "Oh, ano pa?" Udyok ko. "Kasi... hindi niyo ba napapansin? Kapag si Ciarra at yung mga kaibigan niya ang kumaka-usap sakanya, ang bait niya. Pero kapag iba, ang sungit niya," paliwanag nito. Tumango nalang kami at naghintay pa ng kasunod. "And... kapag wala pa si Ciarra sa room... hindi niyo ba napansin? Ang init lagi ng ulo niya?" Tunango ulit ako. "Baka naman nagkataon lang," angal ni Charmaine. "Ano 'yon? Laging nagkakataon?" Taas-kilay kong tanong sakanya sabay baling ng tingin kay Shienna. "Napansin ko din 'yan, eh. Baka may something sakanilang dalawa?" "Jumping to conclusions na naman kayong dalawa diyan!" Iiling-iling na sabi ni Charmaine. "Palibhasa pinsan mo 'yon kaya pinagtatanggol mo!" Asik ni Shienna saka inirapan si Charmaine. Pinsan nga niya pero hindi naman siya nito kinikilalang pinsan niya. "Manahimik na kayo at kumain na lang tayo baka ma-late pa tayo sa next class." Awat ko sakanilang dalawa saka nag-patuloy sa pag-kain. Pero may point si Shienna. Totoo naman iyong mga sinasabi niya. Napansin ko din naman iyon. Aminado naman akong gwapo naman si Sir Gaige, eh. Matangkad, sakto lang 'yong ganda ng katawan, maputi, matangos ang ilong, maganda 'yong mga mapupungay niyang mata at mapula ang kanyang mga labi kaya hindi din maiwasan na maraming estudyante ang nagkakagusto sakanya. Pati nga yata ibang guro na kasamahan niya, type siya, eh. At isa pa, ang bango niya at ang neat niyang tingnan. Napaka-amo pa ng mukha niya na para bang hindi siya marunong manigaw, pero ang totoo, parang kaya ka niyang lunukin ng buhay. Tsaka, matanda na siya. Pero isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit nagiging attractive siya. Nasa 28 or 29 na ata siya at ang tsismis, wala pa siyang asawa kaya siguro masungit siya. Bagay naman sila ni Ciarra. So, kung totoo man na may something sakanila, good luck nalang sakanila dahil kapag nalaman nang Admin nitong University ang tungkol sakanila, maaring matanggal si Sir Gaige dahil bawal iyon. Labag sa policy nitong University. Maari ding kusang i-drop out si Ciarra. Sinabi naman iyon sa orientation namin noong freshmen pa lang kami. At problema na nila iyon. Wala akong pakialam. Mas importante sa akin ang makahanap ng mapagkukuhanan ng pera ngayon. May dalawa't kalahating buwan pa naman ako para makahanap ng perang pang-enroll, eh. Pero dahil kapos kami sa pera, hindi ako pwedeng mag-relax-relax lang. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin kong paraan para ako nalang ang makapagbayad ng tuition fee ko. Kahit pang-down lang muna sana. Nagpaalam ako sa mga kasama ko na pupuntahan ko muna si Magui sa department niya. Best friend ko si Magui since bata pa lang kami. Dati din silang nagre-rent kung saan kami nakatira. Katabi lang nang sa amin ang apartment nila noon, pero dahil nakapangaswa ng italyano ang ate niya, dinala niya doon ang pamilya nila -- maliban kay Magui. Bukod kasi sa nag-aaral pa siya, ayaw niya din iwan ang boyfriend niya. Kaya ngayon ay mag-isa lang siya sa bago niyang apartment. Sinusuportahan naman siya nang pamilya niya, at pinipilit na pumunta na din sa Italy pero ayaw talaga. "Mags!" Tawag ko nang makita ko siyang nakikipag-kwentuhan sa may hagdan ng institute building nila. "Jan!" Aniya sabay kaway. Lumakad ako tungo sa kinaroroonan nila. "Wala pa kayong klase?" Tanong ko. Tinanguan ko ang mga kaklase niya nang magpaalam sila na pupunta muna sa may garden café. Isa iyong kainan dito sa loob ng campus. Medyo maganda kasi ang view doon at maganda din naman ang presyo ng mga pagkain. At sa estado ko, hindi ko afford. "Vacant namin, eh. Kayo?" Balik tanong niya. "8:30." Sagot ko. "Late ka na naman, 'no?" Umiiling nitong sabi sabay kurot sa tagiliran ko. Kumunot ang noo ko. "Sino may sabi?" Taas kilay kong tanong. "Si Shawn! Sinabi niya kay Alez, tapos sinabi ni Alez sa akin." Irap niya. Si Alez ay 'yong boyfriend niya. Ngumiti nalang ako. Matanda sa akin ng isang taon si Magui pero pareho lang kaming third year college pa lang at kung umasta siya eh para ko na siyang kapatid na panganay. Matanda din kasi ang utak nito kaya medyo takot din ako sakanya kung minsan. "Tsismoso talaga 'tong Shawn na 'to!" Tawa ko. "Nakahanap ka na ba ng iba mong mapapasukan na trabaho?" Pag-iiba niya ng usapan. "Hindi pa nga, eh. Malapit na 'yong enrollment ulit! Problema na naman 'yong tuition fee ko!" Malungkot kong saad. Sinasabi ko naman ang lahat sakanya dahil bukod sa kilalang-kilala na namin ang isa't isa, maaasahan ko din madalas si Magui. Lalo na kapag may problema ako sa pera. Pero hangga't kaya kong humanap ng paraan para magkaroon ako ng pera, hindi ako uutang sakanya. Madalang lang talaga. Kapag lang talaga walang wala na ako. "Dalawang buwan pa, uy! Pero sige, tanungin ko si Mama kung may extra siyang pera para mapang-hingi kita sakanya," wika nito. "Uy, baliw! Huwag! Nakakahiya! Tsaka, baka hindi ko mabayaran!" Alma ko. "Parang sira 'to! Ba't mo babayaran? Hingi nga, eh. Bibigyan ka naman no'n. Tangengot!" Tawa naman nito. Ngumiwi lang ako sakanya. "Kapag nalang hindi ko nagawan ng paraan, sige. Pero hindi hingi, ah? Hiram na lang. Pero hintayin ko pa si Marlyn, baka may maibigay siyang raket sa akin." Pagbabakasakali ko sa bumuntong hininga. Isang linggo na din 'yong lumipas noong pumunta ako sa bahay niya, pero hanggang ngayon wala pa akong text o tawag na natatanggap mula sakanya kung may raket ba siyang maiibigay sa akin. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD