Pabaling-baling ako sa higaan ko dahil hindi ako makatulog dala ng mga problema na tumatakbo sa isip ko ngayon. Mag-a-alas tres na ng madaling araw, pero gising na gising pa din ang diwa ko.
Hindi ko na kasi alam kung paano ko pa sosolusyonan ang mga problema ko. Ang nag-iisang pangunahing solusyon lang naman ay pera. Pero ang hirap humanap ng pera sa panahon ngayon dahil nag-aaral pa ako. At isa ko pang pino-problema ay ang pambayad ko ng tuition fee dahil malapit na naman ang enrollment.
Dati ay hindi namin masyadong problema ang tuition fee dahil scholar ako. Pero noong nagbawas ng scholar iyong tumutulong sa amin, isa ako sa mga natanggalan niya ng scholar. Hindi naman mababa ang mga grades ko noong first year kaya hindi ko alam kung bakit isa ako sa mga natanggal sa pagiging scholar noong magse-second year na ako.
Sinubukan naming maki-usap ni Mama, kaso wala talaga kaming nagawa. Nag-try pa akong mag-apply ng scholarship sa iba kaso, full slot na daw. Gusto ko na nga din sanang lumipat nalang ng eskwelahan pero ayaw ni Papa dahil doon na daw ako nasanay.
Minsan ay naiisip ko nalang na huminto muna sa pag-aaral at mag-full time sa pagtatrabaho para kahit papaano ay makatulong muna ako sa mga magulang ko at makapag-ipon. Pero nakakapang-hinayang naman dahil third year na ako, at isang taong pagti-tiis nalang ay ga-graduate na ako.
Wala naman kasing trabaho si Mama. Minsan ay suma-sideline siya sa pagtitinda ng mga kakanin, at minsan naman ay kinukuhang labandera. Si Papa naman ay nagta-trabaho sa isang talyer at hindi naman ganoon kalaki ang kinikita niya araw-araw. Sakto lang sa pang-araw-araw na gastusin sa bahay ang mga kinikita nila.
Sakto lang din 'yong kinikita ko sa coffee shop na pinagta-trabahuan ko sa panggatos ko sa eskwela. Part timer lang kasi ako doon. Rumaraket din naman ako minsan, pero ngayon, wala talaga. Lahat na yata ng trabaho na puwedeng pasukan, napasukan ko na.
Tumuwid ako ng higa at tumingin sa nasisirang kisame sa kwarto nitong apartment na inuupahan namin. Isa pa ito sa mga problema na iniisip ko ngayon. Dalawang buwan na kaming hindi nakaka-bayad ng upa. Paniguradong maniningil na naman si Aling Rowena, at kapag wala pa kaming naipambayad, siguradong mage-eskandalo na naman siya.
Bigla akong napapikit nang makarinig ako ng yabag mula sa kabilang bahagi ng kwarto. Sa iisang kwarto lang naman kami natutulog at nilagyan lang ni Mama ng kurtina para mahati ito sa dalawa.
"Janeesa, oras na. Matulog ka na. Parang hindi ka pagod sa trabaho, ah," wika ni Mama. Paano kaya niya nalaman na gising pa ako?
Muli akong nag-mulat ng mata nang marinig ko ang mga yabag ni Mama na papalabas.
Minsan, naaawa ako sa mga magulang ko dahil pakiramdam ko ay nagiging pabigat ako sakanila, kaya ayaw ko na din sabihin na malapit na ulit ang enrollment dahil ayoko na silang mamroblema pa.
Alam ko kasing kahit ano, gagawin nila para lang makahanap ng pera na pang-tuition ko. Kahit mangutang na lang sila, gagawin nila. At ayoko 'yong ganoon dahil madalas silang mapahiya. Nasasaktan ako kapag nalalaman ko na napapahiya sila dahil sa akin.
Tumingin ako sa may kurtina nang marinig ko ang pag-hawi dito. Nakadungaw si Mama habang nakatingin sa akin.
"May problema ka ba, nak?" May pag-aalalang tanong nito sa akin.
"Wala, Ma. Hindi lang ako makatulog." Tugon ko. Lumapit naman ito sa akin at umupo sa tabi ko kaya umupo din ako.
"Alam ko ang pagkaka-iba ng may iniisip sa hindi makatulog, Janeesa." Kinamot ko ang noo ko dahil wala naman akong maitatago sa nanay ko.
"Ma, kung tumigil nalang muna kaya ako sa pag-aaral at mag-hanap ng full time na trabaho?" Pahayag ko saka niyakap ang mga tuhod ko.
"Bakit ka naman titigil? May problema ka ba sa eskwelahan mo?" Tanong nito. Umiling ako. "Eh bakit mo naisipan na titigil muna?"
"Eh kasi, Ma..." bumuntong hininga muna ako. "Gusto ko munang makatulong sa inyo ni Papa. Si Marco nalang muna 'yong patatapusin ko," saad ko.
"Hindi papayag ang Papa mo, Janeesa. Ngayon mo pa talaga naisipan na tumigil? Ngayong malapit ka ng gumraduate? Anak naman!" May pagmamaka-awang sabi niya.
"Para kasing nabibigatan kayo, eh. Dalawa kaming pinag-aaral niyo, tapos ang mahal pa ng tuition fee ko," sabi ko. "Buti sana kung scholar pa ako hanggang ngayon." Malungkot akong ngumiti.
"Tumutulong ka naman, hindi ba? May trabaho ka kahit nag-aaral ka. Paano ka naging pabigat sa amin?" Kunot noong tanong niya. "Tsaka, Jan, responsibilidad namin kayo. Anak namin kayo, eh. Pwede bang hayaan namin kayo na walang marating sa buhay katulad namin? Hangga't kaya namin, gagawin namin 'yong lahat para sa inyong mag-kapatid. Igagapang namin kayo. Tsaka kahit kailan, hindi sumagi sa isip namin ng Papa mo na pabigat ka o ang kapatid mo sa amin." Mahaba niyang saad saka hinawakan ang balikat ko.
"Pero kasi, Ma--" pinutol na niya agad ang dapat sana ay sasabihin ko.
"Walang pero-pero, Janeesa. Hindi ka titigil sa pag-aaral mo kaya matulog ka na diyan para makabawi ka ng tulog." Malumanay niyang utos saka hinaplos ang buhok ko at tumayo. "Higa na." Nakangiti pang dagdag nito bago umalis.
"Opo!" Nakangiti ding tugon ko saka na humiga.
Hahanap talaga ako ng raket bukas total naman walang pasok sa eskwela at alas-dos palang 'yong duty ko sa shop.
Kina-umagahan ay maaga akong nagising. Ala-sais pa lang ng umaga ay nakahanda na ako sa pag-alis kahit na antok na antok pa ako dahil kakaunti lang ang tulog ko.
Kailangan na kailangan ko na talagang gumawa ng paraan para makahanap ng trabaho na medyo malaki-laki ang kikitain.
"Ma, alis na ako!" Paalam ko sa nanay ko na nagluluto ng almusal namin.
"Hindi ka na ba kakain? Saglit nalang 'tong niluluto ko."
"Hindi na, Ma. Doon na lang." Sagot ko kahit hindi ko alam kung saan ang 'doon' na tinutukoy ko.
"Sige. Mag-ingat ka, Janeesa!" Paalala nito kaya tumango ako.
"Marco, huwag masyadong tutok sa T.V, aba!" Sita ko sa kapatid ko na kulang nalang eh halikan ang T.V. Nine years old pa lamang siya at ang bata pa niya para maagang lumabo ang mga mata.
"Ate naman, eh!" Angal nito habang nakabusangot. Mataman ko lang siyang tiningnan kaya napakamot nalang siya sa ulo niya at lumayo sa telebisyon.
Pag-labas ko sa bahay ay naka-salubong ko si Carl - anak ng may-ari ng bahay na inuupuhan namin. May dala itong isang tupperware na kulay yellow.
Medyo nagulat pa ako noong makita ko siya. Alam ko kasi na nagbo-boarding na ito dahil malayo iyong unibersidad na pinag-aaralan niya.
"Aalis ka?" Takhang tanong nito nang huminto sa tapat ko.
Nanginig ang mga kamay ko at napalunok.
"Oo, hahanap ako ng raket." Sagot ko saka pinilit na ngumiti.
"Sayang! I brought you something to eat. Ang daming niluto ni Yaya." Pahayag nito at ipinakita ang hawak.
Halos matunaw ang puso ko sa sinabi niya. Nahihiya akong ngumiti kahit na gustong-gusto kong tumili dito mismo sa kinatatayuan ko.
"Nasa bahay naman sina Mama. Thank you, ha?" Pasasalamat ko. Hindi ko alam kung kukunin ko 'yong hawak niya para ihatid sa amin dahil hindi niya naman ito inaabot sa akin.
"Okay, bigay ko nalang. Mukhang nag-mamadali ka, eh. Ingat ka, Janeesa!" Sabi pa nito na lalong ikinatuwa ng puso ko. Tumango nalang ako at nakangiting naglakad palayo.
High school pa lang, gusto ko na si Carl kahit hindi kami pareho nang eskwelahan na pinapasukan noon. Hanggang ngayon naman ay hindi pa din kami pareho nang unibersidad na pinag-aaralan. Mabait kasi siya, matalino at gwapo. Lalo na kapag nakangiti siya.
Halos ka-close pa niya ang lahat ng mga tao sa compound. Lagi din niya kaming binibigyan ng pag-kain at madalas niya akong pinapahiram sa laptop niya dati kapag gumagawa ako ng project. Pero ngayon ay hindi na dahil nagbo-boarding na siya. Hindi na din siya madalas umuwi dito. Buti nga ngayon ay nandito siya, eh. At buti nga din ay nag-mana siya sa ugali nang tatay niya at hindi sa nanay niyang ubod ng sungit, eskandalosa at napaka-matapobre katulad nang kapatid niyang babae.
Sabagay, hindi ko naman masisisi 'yong nanay at kapatid niya dahil may kaya sila.
Paglabas ko sa kanto ay kaagad akong pumara ng jeep sa may highway. Mabilis lang akong nakarating kila Ate Marlyn dahil ilang minuto lang naman ang byahe papunta dito.
Ilang beses kong pinindot ang doorbell bago ako pagbuksan ng gate nang isang babaeng sexy, maputi, blonde ang hanggang baywang na buhok, at hindi masyadong katangkaran.
"Oh? Napapasyal ka yata?" Ani Ate Marlyn nang makita niya ako.
Niyaya niya akong pumasok sa loob kaya sinundan ko siya. Pinaupo niya muna ako sa sofa sa may sala habang siya naman ay dumiretso sa may kusina upang ipaghanda ako ng maiinom.
Maganda ang bahay ni Ate Marlyn, at siya lang ang nakatira dito. Matanda sa akin si Ate Marlyn pero kung titingnan mo siya, para lang siyang bata. Mas matanda pa nga yata ang hitsura ko sakanya, eh. Kailangan niya kasing panatilihin ang sexy figure niya dahil madami siyang mga 'kostumer' ayon sakanya. Ayaw din niyang magka-anak dahil daw masisira ang katawan niya.
"Ate, kailangan ko talaga ng pera ngayon. Wala ka pa bang raket diyan?" Diretsong tanong ko pagbalik niya sa sala.
Umupo ito sa upuan na kaharap ko at nagsindi ng sigarilyo. Kumamot ito sa ulo niya.
"Wala pa, Janeesa. Naku! Isang linggo mo na akong kinukulit, ha! Kung ako nga din gipit na sa pera, eh!" Saad nito. Bumuntong hininga ako.
Isang linggo ko na nga siyang kinukulit kung may alam ba siyang pwedeng pagkakitaan, pero gaya ng sagot niya ngayon... wala!
Siya lang kasi ang madalas kong lapitan kapag gipit na gipit ako sa pera. Kahit na hindi naman kami magka-ano-ano. Hindi naman ako nanghihiram sakanya, pero siya ang nagbibigay ng paraan para magkapera ako. Dati naman ay marami siyang trabaho na naibibigay. Hindi ko alam kung bakit ngayon ay matumal.
O baka naibigay na niya sa iba? Hindi lang naman kasi ako ang humihingi ng raket sakanya. Madami kami.
"Dalawang buwan na 'yong utang namin sa bahay, malapit na 'yong second sem at wala pa din akong pang-enroll. Tapos-" pangongonsensya ko na agad niyang pinutol.
"Kinokonsensya mo ba ako?" Tanong nito saka humithit sa sigarilyong hawak.
"Hindi naman sa ganoon." Pagsisinungaling ko saka ngumiti. She hissed.
"May alam ako, Jan, pero alam ko na hindi mo naman iyon iga-grab," saad niya. Nanlaki ang mga tenga ko sa narinig ko.
"Ano 'yon? Kahit ano, Ate, basta legal." Ngiting-ngiti kong sabi. Umirap ito sa kawalan.
"Sigurado ka?" Paninigurado niya.
"Kahit ano pa yan, Ate, go ako! Mahirap 'yong buhay ngayon!"
"Talaga?" Tanong pa niya habang nakangiti ng nakakaloko.
Hindi ako sigurado sa naiisip ko, pero malay ko, hindi naman pala iyon ang sasabihin niya, 'di ba?
"Oo?" Hindi siguradong sagot ko, at uminom ng juice.
"May kakilala kasi ako, tapos 'yong kaibigan niya, naghahanap ng alam mo na... makaka-siping sa isang gabi. Malaki daw ang ibinabayad no'n. Gusto mo? Lalo na't virgin ka pa." Aniya saka kumindat.
Muntik ko ng maibuga sakanya ang laman ng bibig ko. Mabuti na lamang at napigilan ko. Tama nga iyong nasa isip ko.
Hindi naman ito 'yong unang beses na alukin niya ako ng ganitong trabaho. Pero lagi ko 'yong tinatanggihan dahil pag nagkataon, may pera nga ako pero hindi ko na maibabalik ang virginity ko.
"Huwag naman sana 'yong ganoon!" Alma ko.
"Iyon lang ang alam ko. Mas malaki ang kikitain mo doon, isang gabi lang naman, eh?"
Huminga ako ng malalim.
"Pag-iisipan ko?" Sagot ko na hindi ko alam kung saan ko nakuha. "Wala na ba talagang iba?" Umiling siya.
"Wala na, Janeesa. That's what I can offer as of the moment: easy money. Isang gabi lang, mawawala ang problema mo." Ngumiti ito. Nginiwian ko lang siya.
Oo, at sa isang gabing iyon, buong buhay kong pagsisisihan!
"Wala na bang patay?" Biglang tanong ko. Tumawa siya ng malakas.
"Akala ko ba ayaw mo na sa mga ganoong trabaho? Hindi ba't sabi mo, na-trauma ka?" Tumango ako.
"Kaya ko naman kalimutan muna ang trauma ko, basta may perang dadating sa akin."
"Iyong ino-offer ko nalang sayo. Ang daming nakapila at gustong-gusto na i-take 'yon, pero naghahanap pa ako ng iba, at ngayon nga, dumating ka," pangungumbinsi niya. "Kung ako nga, gusto ko sana. Kaso, ayaw naman sa akin. Ang gusto ay bata!" Dagdag pa nito saka umirap.
Kaya ko bang magbenta ng laman? Isang gabi lang naman, 'di ba? Isa lang, tapos, wala na. Eh paano naman ako? May pera nga, hindi naman na ako buo? Sa panahon ngayon, uso pa ba ang mga birhen? Pero teka lang... kung papayag ako, paano 'yong mapapangasawa ko? Tsaka paano nalang pala pag nalaman nang mga magulang ko? Nang kapatid ko? Nang bestfriend ko? Si Carl? Baka naman itakwil nila ako?
Bumuntog hininga ako.
"Isang araw, Ate, bigyan mo ako ng isang araw para mag-isip." Nate-tempt ako, eh. Kung may iba pa naman na trabaho na dadating, hindi ko naman iyon iga-grab.
"Jan, as I've said, marami ang gusto ng trabaho na in-offer ko sayo, kung paghihintayin mo pa ako ng isang araw, pipili nalang ako sa mga sigurado." Uminom siya sa juice niya saka kinuha ang cellphone.
Anong gagawin ko? Am I ready to lose my virginty? No! Hindi ko yata kaya! Nakalaan 'to para sa lalaking mamahalin ko.
"What's your decision? Take it? Or leave it?" Tanong pa niya. Argh! Bakit niya ba ako minamadali ng ganito? "Look, Janeesa, hindi panget ang makakasiping mo sa isang gabing 'yon! In fact, gwapo siya at hindi lang 'yon, mayaman pa."
"Aanhin ko naman ang ka-gwapuhan at kayamanan niya kung hindi naman namin mahal ang isa't isa?" Pumalatak ito sa tinuran ko.
"Be practical! Mahirap na ang buhay ngayon, aanhin mo ang mahal mo, kung hindi ka naman mapakain ng maayos?" May punto siya, pero...
"Wala na ba talagang iba?" Pangungulit ko, baka sakaling meron pa, pero umiling ito.
"Iyon na talaga. So, ano?" Aniya sa tinig na parang pinipilit ako.
"Uh... baka may ibang trabaho pa na dadating, Ate. Kaya ko pa naman maghintay ng ilang araw pa." Ngumiti ako. Hindi ko kasi talaga kayang sikmurain iyong trabaho na ino-offer niya.
"Bahala ka. Ibibigay ko nalang 'to doon sa may gusto."
"Sige. Hindi ko pa talaga kaya 'yong ganoon, eh. Kapag nalang may ibang raket na pwede, text mo kaagad ako, ha? Kahit taga-laba, taga-linis ng bahay o kaya kahit mag-bantay ng mga bata."
"Sige, sige. Ayaw mo pa kasi nang ino-offer ko mas mabilis ang pera sa ganoon," aniya na para bang mas nagsisisi pa kaysa sa akin dahil hindi ko tinaggap ang offer niya.
"Hindi muna sa ngayon." Sagot ko saka ngumiti.
Nagpaalam ako sakanya na aalis na. Pero bago ako umalis ay ni-remind ko sakanya na kapag mayroong nagpahanap sakanya ng pwedeng magtrabaho, ako ang unang sasabihan niya.
May kita din kasi siya kapag may mga tao siyang nabibigyan ng raket. Kumbaga, may komisyon siyang nakukuha kapag may naibigay siyang tao sa mga nagpapahanap.