Chapter 3

2293 Words
Pagkatapos nang maghapong klase ko ay dumiretso na ako sa shop. Mamaya pa lang naman 6:30 ang duty ko at pwede pa akong umuwi sa bahay, pero mas pinili ko nalang na dumiretso na dito para makatipid sa pamasahe. Isinabay na kasi ako nila Magui at Alez. Inayos ko ang gamit na dala ko sa maliit naming locker room. Sa isang locker ay dalawang tao ang magkasama. Bilang lang kasi ang mga locker dito, pero so far, wala pa namang nawawalan ng mga gamit. Mapagkakatiwalaan naman kasi ang mga kasama ko. "Duty mo na?" Takhang tanong ng isang maarteng tinig sa may likuran ko. Nilingon ko ito at nakita ang isang lalaking matangkad at gwapo... ngunit nakamake-up. "Hindi pa, Chin. Mamaya pa." Ngiti ko. Si Chin ay hindi lang basta isang bakla dahil siya ang source of happines namin dito sa shop. Siya ang nagpapasaya sa buong shop. Lalo na kapag pagod ang lahat dahil madaming costumer, asahan mo na mawawala iyon kapag umeksena siya. Minsan ay sumasayaw at kumakanta pa siya kapag wala kaming kostumer. Kaya kapag wala siya, medyo malungkot ang shop. Siya din ang dahilan kung bakit nakilala ko si Ate Marlyn. Siya iyong tumulong sa akin noon na lumapit sakanya para magpahanap ng mapapasukan na trabaho. Sakto naman noon na kulang siya ng taong nahanap para mag-serve sa isang event. Noong hindi ko pa alam na mas malambot pa siya sa akin, naging crush ko siya. Ang astig kasi niyang tingnan. Sakto lang 'yong ganda ng katawan niya at medyo long hair kaya hot tingnan. Tapos... bigla siyang nagsalita at... ayon na. Patay na. Pero ang kwento niya, may naging girlfriend daw siya dati for seven years. Iyon nga lang, naghiwalay sila dahil umalis ng bansa 'yong babae. Ayos naman daw sakanya kung LDR sila, pero hindi daw kaya no'ng girl kaya mas minabuti nalang na tapusin nila 'yong relasyon nila. Tumango si Chin saka na nagpaalam na babalik na sa trabaho, ngunit biglang itong huminto sa paglakad at muling lumapit sa kinaroroonan ko. Nagtatakha ko naman siyang tiningnan. "Tumawag nga pala si Marlyn sa akin, Sis. Hindi ka daw niya ma-kontak," pahayag nito. "Oh?" Wika ko. Tumango ito saka na muling nagpaalam na babalik na sa trabaho. Mabilis kong kinalkal 'yong cellphone ko sa bag. Pinindot ko ang home button, pero hindi umilaw ang screen. Pinindot ko nalang ang power button dahil siguradong dead battery na naman ito. Hindi naman kasi ito nabibilang sa mga latest model na mga cellphone ngayon. Lumang-luma na ito at mabilis na maglowbatt pero maayos ko pa namang nagagamit dahil nakakapag internet pa ako dito. Nabili ko lang ito ng limang daang piso doon sa dating kasamahan ko dito sa shop. Kailangan na kailangan daw kasi niya ng pera noon, at kailangan ko din ng cellphone dahil nasira 'yong sa akin na de-keypad, kaya pinatos ko na. Wala din naman akong pambili ng mahal na cellphone. Sakto lang na madami akong pera noon dahil hindi ako nawawalan ng raket. Good old days, I must say. Mabilis kong kinuha ang charger at isinaksak sa socket sa may malapit sa CR naming mga empleyado. Ilang minuto nang bumukas ang cellphone. Lumitaw din ang mga kakapasok lang na mga text. Kaagad kong binuksan ang text ni Ate Marlyn, at halos tumalon ako sa tuwa nang mabasa ko ang unang mensahe niya. 'Jan, may nahanap na akong raket para sayo. Tawagan mo ako kaagad kung gusto mo. Cannot be reach ka.' Hindi ako nag-aksaya ng oras at mabilis na pinuntahan iyong isang katrabaho ko na naglo-load. Nagpa-load ako ng sampung piso at ini-register ng unlicall para matawagan si Ate Marlyn. "Hello, Ate? Sorry, dead batt. 'yong phone ko, eh. Nagayon ko lang nabasa 'yong text mo." Paliwanag ko nang sagutin niya ang tawag. Lumabas ako sa likuran ng shop para makipag-usap sakanya. "Okay lang. Ano, gusto mo ba? Kaso nga lang, sa bahay, Jan," aniya. "Kaya mo bang maglinis ng bahay? May kasama ka naman daw tsaka dalawang araw lang." Basic. "Oo, Ate. Kaya ko!" Walang alinlangang sagot ko. Kahit isang buwan pa 'yan, papayag ako. Sayang din 'yong kikitain ko doon. "Kailan ba 'yan, Ate?" Tanong ko. "Saturday and Sunday. Nakabakasyon daw kasi iyong ibang kasambahay no'ng nagpapahanap," pahayag nito. Tumango tango ako kahit hindi niya nakikita. "Sure ka, Jan, ha? Sasabihin ko na kay Tanya," paninigurado nito. At iyong Tanya na tinutukoy niya ay ang kaibigan niya na nagta-trabaho sa isang recruitment agency. "Oo, Ate. Sure na sure ako diyan! Mga anong oras nga pala?" Magilas kong tanong. "Dapat mga 8am daw nandoon ka na sa bahay no'ng employer. Mayaman daw 'yon, Jan, at malaki daw magbigay lalo na kapag nakita na masipag ka." Sabi nito. Lalong lumapad ang mga ngiti sa labi ko. "Ise-send ko 'yong address niya sayo mamaya kapag naka-usap ko na si Tanya." "Sige, Ate. Magpapakitang gilas ako doon. Hintayin ko nalang 'yong text mo. Maraming salamat!" Pasasalamat ko. Hindi mabura sa mga labi ko ang ngiti. Nang matapos ang aming pag-uusap ay masigla akong bumalik sa Employee's Room at ibinalik sa pagkaka-charge ang cellphone ko habang naghihintay ng oras para mag-time in. Iniisip ko din kung ano ang mga eksenang pwedeng maganap bukas kapag nakita ko na 'yong bahay at 'yong employer ko ng dalawang araw. Tatanungin pa kaya niya ako? Malaki siguro 'yong bahay nila dahil sabi naman ni Ate Marlyn, mayaman sila. Mayroon kayang mga bata doon? Ilan kaya sila sa bahay nila? Kaya ko namang maglinis ng bahay, maglaba, maghugas ng mga pinggan at magluto. Pwede din akong mag-alaga ng mga bata dahil sanay ako kay Marco. Kayang kaya ko ang trabaho sa bahay kung iyon lang. Tsaka dalawang araw lang naman iyon at may makakasama naman daw ako ayon kay Ate Marlyn. Hindi naman siguro ako masyadong mahihirapan. Mabait nalang sana iyong makakasama ko. Hanggang sa mag-in at magsimula akong magtrabaho ay iyon pa din ang iniisip ko. Hindi ko maiwaglit sa isip ko ang tungkol doon. Nae-excite ako na medyo kinakabahan dahil baka makabasag ako sa paglilinis ko na huwag naman sana. Baka kulang pa 'yong ibabayad sa akin sa halaga no'ng mga kagamitan doon. "Jan, ikaw nga muna ang mag-serve nito sa table number 7. CR lang ako." Paalam ni Kelly na kasamahan ko dito. Kinuha ko ang tray na naglalaman ng dalawang lattè at isang frappucino na nasa counter na iniwan niya dahil tumungo na siya sa employee's comfort room. Inihatid ko ang mga order sa table number 7 kung saan may dalawang lalake at isang babae ang mga naka-upo. Ngiting-ngiti kong inilipat sa mesa ang mga order nilang kape. Bigla akong nagulat nang makita ang isang pamilyar na mukha sa mga naka-upo. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang mapansin niya ako. Kumunot pa ang noo nito na para bang nagtatakha kung bakit nandito ako. "Enjoy your coffee, Ma'am, Sir." Pilit akong ngumiti sakanila saka marahang tumalikod at lumakad paalis. "Oh by the way, Gaige, I heard--" rinig ko pa na sabi no'ng lalaki na kasama niya sa mesa habang naglalakad ako. "Jan, pakilinis 'yong table number 5. Natapon 'yong coffee no'ng kostumer. Thank you!" Ani Ma'am Marjorie na siyang manager nang makasalubong ako. "Right away, Ma'am!" Magilas kong tugon at tumungo sa may tool's area na malapit sa comfort room ng mga kostumer. Iniwan ko ang maruming tray na hawak ko sa cleaning area para malinis na kaagad ito. Nang mapadaan ako sa table nila Sir Gaige ay hindi ko siya tiningnan, pero nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo ito. "You work here?" Takhang tanong ng isang tao sa likuran ko habang kumukuha ako ng basahan. Pumikit muna ako at lihim na bumuntong hininga bago siya harapin. "Yes, Sir." Nakangiti kong sagot. Pinanatili ko pa din magalang ang tinig ko kahit na naiinis ako sakanya dahil naalala ko na pinagalitan niya ako kaninang umaga dahil nahuli ako sa klase niya. "How long have you been working here?" Usisa nito. Bakit ba interesado siya? Tsk. "Almost a year, Sir." Tugon ko. Halos ako lang 'yong medyo baguhan dito. Iyong mga kasamahan ko ay matatagal na. May mga 3 years at 2 years. Kumpara sakanila, baguhan pa lang talaga ako dahil ako lang 'yong part-timer. Silang lahat ay regular na dito at full time. Ako kasi, hindi naman talagang full time. Five hours lang 'yong duty ko, at laging graveyard shift. Kapag Saturdays and Sundays lang ako 2-7. Wala akong masasabing rest day ko talaga. Ayoko naman kasing mag-irregular sa mga klase ko kaya ipinakiusap ko na kung pwedeng ganoon ang schedule ko, ganoon nalang. Mabait naman iyong supervisor kaya pumayag. "I see." Tumango-tango si Sir Gaige. Nagpaalam ako sakanya na maglilinis muna ng mesa. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya kung meron man. Ayokong isipin na sinundan niya ako para lang itanong ang isang obvious na bagay. Siguro naman ay maiintindahan na niya kung bakit minsan ay nale-late ako sa klase niya. Minsan kasi, nakaka-uwi nalang ako ng madaling araw kapag pinapag-overtime ako. Ayoko naman tumanggi dahil dagdag din sa sahod ko iyon. Tumungo ako sa table number 5 para linisin ang mesa na halos mapuno ng natapon na kape. "Grabe, gutom na gutom na ako!" Reklamo ni Kelly habang hinahaplos ang tiyan niya. Tiningnan ko ang oras sa wrist watch na suot ko at nakitang eleven na ng gabi. Malapit na akong mag-out at umuwi. Makakapag pahinga na din ako sa wakas! "Ako nga din, eh. Malapit na din naman 'yong break niyo." Pahayag ko sakanya. Sila, mayroong 1 hour break. Ako naman ay may coffee break lang na fifteen minutes pero hindi ko na iyon ginagamit para kumain pa ng hapunan dahil magagahol lang ako sa oras. Pumupunta lang ako sa locker at kumakain ng biscuit doon. "Malapit ka na din umuwi," aniya. Ngumiti ako. Wala ng masyadong tao ngayon, pero mamaya, siguradong dadami na naman. Twenty-four hours naman itong coffee shop na ito, at kahit madaling araw, medyo madami pa din ang pumupunta dito. Wala kasing ibang coffee shop sa street na 'to, eh. Kumbaga, walang kalaban itong shop na ito. Nang eleven thirty na ay nag-out na ako. "Ingat, Jan!" Ani Kelly na kasabay kong lumabas kasama pa ang iba na magbi-break. Tumungo sila sa canteen na twenty four hours din, habang ako naman ay naglakad na upang mag-abang ng masasakyan. Medyo mahirap ang pagsakay sa mga ganitong oras dahil madalang nalang ang mga dumadaang pampasaherong sasakyan. Maswerte ako kapag nakasakay ako kaagad. Pero usually, inaabot ako ng thirty minutes sa paghihintay dito. Ito 'yong inaalala ng mga magulang ko noon no'ng nagsisimula pa lang ako sa shop. Pahirapan kasi 'yong pagsakay at delikado ang panahon. Ayaw na nila akong tumuloy noon dahil baka daw wala na akong masakyan sa mga ganitong oras tapos wala pa akong kasama. Pero tinuloy ko pa din dahil mayroon pa namang twenty four hours na namamasadang jeep. Iyon nga lang, madalang nalang sila. Kaya kapag wala na talaga akong masakyan, nakikitulog nalang ako kay Magui. Medyo malapit lang naman ang apartment niya dito kumpara sa bahay namin. Ilang minuto ang lumipas nang may humintong pampasaherong jeep sa tapat ko. Kaagad akong sumakay at nagbayad. Sinabi ko na din kung saan ang bababaan ko. Nang makarating ako ay naglakad pa ako pauwi sa bahay. Maliwanag naman sa dinadaanan ko at may mga CCTV na naka-install dito kaya medyo panatag ako. Dati ay hinihintay ako ni Papa sa daan kapag alam niya na pauwi na ako ngunit ngayon ay hindi na dahil binawalan ko na siya. Pati kasi siya ay napupuyat tapos, pagod pa sa trabaho. Ramdam na ramdam ko ang gutom habang naglalakad. Nang makarating ako sa bahay ay bukas pa ang pintuan sa harap at nakita ko si Mama na nagsasampay pa ng mga damit. "Ba't gising ka pa, Ma?" Tanong ko nang makalapit na ako saka nagmano. "Tinapos ko 'tong labahin ko, 'Nak." Tugon nito habang inilalagay sa hanger ang t-shirt. "Ba't 'di nalang po mamayang umaga? Oras na." Medyo may pag-aalala sa tinig ko. Umupo muna ako sa concrete bench nitong maliit naming terrace. Nakikita ko sa buong mukha niya ang pagod. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat kaya pinipilit kong magtrabaho. Pinagkakasya ko ang oras ko para lang kumita ng pera para at least, makatulong ako sakanila. "Eh maglalaba ako kila Manang Auring mamayang umaga. Tsaka madami na tayong maruruming damit." Ngumiti si Mama sa akin saka na tinuloy ang pagsasampay. Para bang sinasabi niya sa pamamagitan ng mga ngiti niya na okay lang siya at huwag akong mag-alala. Pero nalungkot ang puso ko doon. Bakit ba kasi hinid nalang kami naging mayaman? Tsk. "Si Papa po?" Tanong ko saka na umalis sa pagkaka-upo. "Tulog na siguro. Siya 'yong nagbanlaw, eh," ani Mama. "Kumain ka na doon saka ka na magpahinga. May pasok ka pa bukas," paalala niya. "Sige, Ma. Kumain na po ba kayo?" Tanong ko. "Oo, kanina pa. Nakatakip sa mesa 'yong ulam mo." Tumango nalang ako saka na pumasok sa loob. Tumungo ako sa kusina at naghanda na ng makakain. Pagpupursigihan ko talaga na matapos ako sa pag-aaral ko para makahanap ng magandang trabaho at makabawi sa mga magulang ko. Kaya ko pa namang magtiis sa hirap ng buhay. At kinakaya ko pa namang pagsabayin ang pag-aaral at pagta-trabaho. Pagkatapos kong kumain ay nilinis ko ang pinagkainan. Muli akong lumabas para sana tulungan si Mama pero tapos na siya at ipinasok na ang laundry basket kaya tumuloy na ako sa banyo saka na naghilamos. Maya-maya pa ay humiga na ako sa higaan ko. Ganoon din si Mama na tumabi kay Papa at Marco. Muling bumalik sa isip ko ang tungkol sa trabaho na nahanap ni Ate Marlyn. Sana ay magawa ko ng tama iyong mga ipapag-uutos nila. At hindi nalang sana ako magka-mali doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD