Chapter 8

2339 Words
NIYAKAP ko si Celine mula sa likod habang hawak ko ang isang kahon. Inihawak niya ang mga kamay niya sa mga braso ko. Naramdaman ko nang natigilan siya. She was probably surprised when she saw what I was holding. At alam kong nakutuban niya na para sa kaniya ang hawak ko. “From now on we can talk anytime we want. I can call you during your vacant period. And I can send you ‘good morning’ and ‘good night’ texts when you’re at home.” Bahagya niyang itinulak ang mga braso ko at pumihit paharap sa akin. Nasa mukha niya ang matinding pagkailang. “B-binilhan mo talaga ako? Sinabi ko naman na hindi ako nagpapabili.” “Makakatulong ‘to sa’yo. Makakatulong din sa ‘kin. Tanggapin mo na lang. Napag-usapan naman natin ito noong isang araw, di ba?” Iniabot ko sa kaniya ang kahon ng cellphone. I personally choose the brand unit and its color. Nakatingin lang si Celine sa hawak ko. Parang wala siyang balak kunin iyon. Sa pagkakakilala ko sa kaniya, hindi naman siya mahiyain. Noong nasa hotel kami, hindi siya nangiming tanungin ako kung babayaran ko ba siya. Napabuga ako ng hangin. “Okay, ganito na lang. Isipin mong regalo ko ‘to sa’yo sa birthday mo.” “Matagal pa ang birthday ko.” “Can I not give you an advance birthday gift?” “H’wag na. Problema ko na naman kung paano itatago 'yan, e. 'Yong bag ko nga, nahirapan akong magpaliwanag kay Nanay. Buti at naniwalang mumurahin lang 'yon kaya nakabili ako sa sweldo ko sa parlor." "Look, Celine, I am not giving you gifts to lie to your mom. Hindi kita pinapayuhang maglihim sa magulang mo. Pero kung kailangan lusutan mo rin ito, 'yon na lang din ang gawin mo. We need this for a better communication. Hindi pwedeng lagi na lang tayong magsesenyasan at magbubulungan kapag nasa campus." "Ipaayos ko na lang ‘yong cellphone ko,” tutol pa rin niya. “Promise, sa weekend dadalhin ko na sa pagawaan. Ibalik mo na lang ‘yan sa binilhan mo.” “I can't. Come on, Celine. Isipin mo naman ang effort ko sa pagpili ng unit na babagay sa’yo. Hindi mo man lang ba ‘yon na-appreciate?” Hindi siya sumagot. Hinawakan ko siya sa baba upang mapatingala at mapagtagpo ang aming mga mata. “Okay. Kung ayaw mo na advanced birthday gift ko ito sa’yo, gawin na lang nating… belated birthday gift mo sa’kin.” Nagusot ang noo niya. “K-kailan ka nag-birthday? Kahapon ba?” Namilog ang mga mata niya. “Hala! Kaya ka ba nagluto? Bakit hindi mo naman sinabi?” Napatawa ako sabay ng pag-iling. “Hindi. Noong isang linggo pa. Remember the day when I saw you with those girls? Noong araw na kinuha ng mga kaklase mo ang book report project mo?” Napaawang ang magagandang labi niya. Hindi ko napigilang pagmasdan ang mga iyon. “T-talaga? S-sayang pala… hindi ko agad nalaman, hindi kita nabati.” Nagkibit ako ng balikat. “It’s fine. Tanggapin mo na lang ‘to. Parang binati at niregaluhan mo na rin ako.” Ilang sandali pa siyang nag-atubili bago kinuha sa akin ang kahon ng cellphone. May maliit na ngiti siya nang tumingin sa akin pero, nasa mukha pa rin ang pagkailang. “Open it. It’s all ready to use. Naka-register na rin d’yan ang number ko.” Naupo siya sa sofa. Tumabi ako sa kaniya at tinulungan siyang buksan ang kahon ng cellphone. Maya-maya lang ay iniisa-isa na niya ang mga laman noon. Nilingon niya ako. Nadagdagan na kahit paano ang ngiti niya. It’s enough for me. Hindi ko intensiyon na makadama siya ng discomfort. Pero importante talaga na may cellphone siya para madali na sa amin ang makapag-usap. “Nagustuhan mo?” tanong ko. Tumango si Celine. “Happy 30th birthday!” wika niya sabay lapit at matunog na hinalikan ako sa pisngi. I chuckled. “Hey, I'm not yet thirty! Pinapatanda mo ako lalo. I’m only twenty-seven, for your information. Nine years lang ang age gap natin.” Ngumuso siya. “Gano’n ba? Eh, bakit ang sabi sa akin ni Di-” napahinto siya bigla bago nagpatuloy, “ang sabi ng nagrekomenda sa akin, thirty years old daw ang kustomer.” Hindi ako sumagot. It was Kyle. Not me. Siguro ay kailangan ko na ring aminin kay Celine ang totoo na hindi talaga ako ang kustomer niya. “Nagkamali siguro ng dinig si Digna,” pambawi niya. “Kunsabagay. Kahit sabihin nilang thirty-five ka, hindi naman ako maniniwala. Mukha ka nga lang twenty years old.” Napangiti ako sabay pisil sa ilong niya. “Bolera.” Ibinaba niya ang kahon at ang cellphone sa ibabaw ng mesita bago yumakap sa akin. Niyakap ko rin siya. Pagkatapos ay bahagya ko siyang inilayo upang masiil ng halik sa mga labi. I am getting addicted to her lips. No. Hindi lang sa mga labi niya. Kundi sa lahat-lahat ng mayroon siya. Aaminin kong ako ang nagdala ng sarili ko sa sitwasyon na ito pero, hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin. All I know is how Celine can make me feel calm and happy. She's so simple yet so unique and so transparent. And I want to feel guilty for still hiding the truth from her. Pagkahatid ko kay Celine sa sakayan ay dumirecho ako sa resto-bar. Halos sabay-sabay kaming dumating ng mga kabanda ko. After one hour of rehearsal, tinawagan ko si Celine. Hindi siya sumasagot. Busy pa siguro siya kaya nag-iwan na lang ako ng text message. Nakita ko ang sagot ni Celine fifteen minutes bago ang aming performance. Tinawagan ko siya. Sinagot niya iyon pagkatapos ng dalawang ring. “Hello, Sir Grant?” “Hi. Kumain ka na?” “Oo, kanina pa? Anong oras ang show n’yo?” Alam niya ang tungkol sa pagbabanda ko. Ang sabi ni Celine, narinig daw niya iyon sa mga estudyanteng babae na nag-uusap sa restroom ng university. “Ngayon na. Nagre-ready na kami.” “Ngayon na? Bakit tumawag ka pa? Maghanda ka na. Galingan mo, ha!” I smiled. “Next time, isasama kita para mapanood mo ako.” Hindi siya agad nakasagot. Of course. Sa gabi ang performance ng banda kaya baka mahirapan siyang umalis ng bahay nila. “Matulog ka na. I’ll call you again tomorrow morning.” “S-sige. Hihintayin ko. Good night.” “Good night, my Celine.” ----------------------------------------------------------------------------------------------- “IKAW, Celine, nahihiwagaan na talaga ako sa’yo! Hindi ka na halos magpakita rito sa parlor ko. Aminin mo, may nakita ka nang ibang raket, ano?” “Hindi, ah. Talaga lang maraming ginagawa ngayon sa school. Sa isang linggo na kasi ang midterm exams.” “O, e ‘di, napag-isip-isip mo rin na tama ang nanay mo? Tama ‘yan. Pagtuunan mo muna ng pansin ang pag-aaral at hindi kung ano-anong bagay. Magtapos ka, Iha! ‘Yan ang pinakamagandang maisusukli mo kay Ate Luz.” Hindi ko sinundan ang sinabi niya. Ayoko munang makipagtalo tungkol sa bagay na ‘yon. Gugulatin ko na lang si Nicole isang araw na may sarili na rin akong negosyo. Itinabi ko na ang basahan sa maliit na storage room. Malinis na malinis na ang loob at labas ng parlor. Pwede nang buksan para sa customers. Paglabas ko ay binuksan na nga ni Nicole ang parlor. Dalawang kababaihan ang maya-maya lang ay pumasok. Naka-schedule ang mga ito na magpa-rebond. Inihanda ko ang mga uupuan nila. Inestima sila ni Nicole. “Angel, Kim, kayo na ang bahala sa dalawang magaganda!” atas ni Nicole sa dalawang hair stylists. Nagsipwesto na ang dalawang babae. “Good morning.” Pare-pareho kaming natulala ni Nicole, ng mga tauhan nito at ng dalawang babaeng customers sa taong pumasok. Gulat na gulat ako. Sa isang bahagi ng isip ko ay nagsisisi akong sinabi ko kay Sir Grant ang pagpapart-time ko sa parlor. Kahit hindi ko sabihin ang lokasyon, madali na niyang matutunton iyon dahil alam niya ang ruta ng jeep at tricycle na sinasakyan ko kapag uuwi. Ilang segundo kaming napanganga lahat bago ko narinig ang tilian nina Angel at Kim. “Hello, Sir, good morning! Ano pong kailangan mo, Sir?” “Gupit ba, Sir? Ahit, masahe, ano? Kahit ano po ay libre basta kasinggwapo mo!” “Tumabi nga kayo riyan!” Hinawi ni Nicole ang dalawang tauhan at saka ngumiti nang maganda kay Sir Grant. “Good morning, Sir! Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?” Tumingin sa akin si Sir Grant bago sumagot. Bahagyang nakakunot ang noo niya. “I don’t know. Trim na lang siguro.” Masiglang tumango si Nicole. “Sige, Sir, kami ang bahala sa’yo. Ahmm…” Lumingon si Nicole sa amin na nasa likuran niya. Nakita kong naghawak-hawak kamay sina Angel at Kim. Animo ba mga kandidata ang dalawa sa beauty pageant at naghihintay ng announcement ng nanalo. “Celine, Iha, trim daw si Sir…?” “Grant.” Namilog ang mga mata ko pero, hindi nagprotesta. Dati na akong inaatasan ni Nicole kapag basic hair trimming lang ang kailangan ng customers niya. “Sir Grant. Si Celine na ang bahala sa inyo. Mas safe ka sa batang ito kaysa sa mga tikbalang na ‘yan,” ani Nicole sabay turo nito sa tatlong tauhan. Narinig ko ang tawanan ng dalawang babaeng customer dahil sa sinabi ni Nicole. “Ay, sobra ka naman Ate Niks! Ang ganda ko naman para ikumpara sa tikbalang!” nakangusong reklamo ni Kim. “Asikasuhin n'yo na ang mga customers n’yo, hala, dali! Uunahin pa ang landi! Isumbong ko kayo sa mga jowa n’yo!” “Nag-aappreciate lang naman ng gwapo, Ate!" depensa naman ni Angel saka bumaling sa aming gwapong customer. "Sir Grant, welcome po kayo lagi rito, ah!” Tango at tipid na ngiti ang sagot ni Sir Grant. Hindi ko naman alam kung paano magre-react. Parang binabayo ang dibdib ko. Tumingin ako kay Sir Grant at iminuwestra sa kaniya ang styling chair sa sulok. Humila ako pagkatapos ng isang trolley. Marunong akong maggupit ng buhok, pero ngayon na si Sir Grant ang customer, parang baguhan ang pakiramdam ko. Naupo si Sir Grant. Nasamyo ko ang bango niya nang sinimulan ko na ang paglalagay sa kaniya ng balabal. Ang sarap sanang yumakap kung hindi lang may mga tao sa paligid, pero napapitlag ako nang hawakan ni Sir Grant ang kamay ko. “Totoo bang safe ako sa’yo?” pabulong na tanong niya. Nahila ko ang kamay ko sa pagkataranta saka tumingin sa salamin. Ang dalawang babaeng customers ay panay ang sulyap sa aming pwesto. Hindi ko pinansin ang tanong niya at bagkus at mahinang nagsalita. “Ang daming magagandang salon malapit sa subdivision n’yo. Bakit dumayo ka pa rito sa parlor ni Nicole?” “I want to see you.” Nawala sa isip ko ang susunod na gagawin dahil sa isinagot niya. Awang ang mga labing sinipat ko siya sa malaking salamin. Nakatingin din siya sa akin. “H-h’wag mo’kong guguluhin, ha," halos mautal na sabi ko. "Baka mag-panic ako, ma-razor ko pati ang tenga mo.” Nakita ko ang pigil na ngiti niya. Isang tango ang itinugon niya sa akin. “Hindi ako magsasalita, promise.” Hinawakan ko na ang razor. Ilang sandali pa ay sinimulan ko na ang pagtrim sa buhok niya. Magaganda ang hibla ng buhok ni Sir Grant. Natural na brown ang kulay noon. Nakapag-focus ako habang tinupad ni Sir Grant ang sinabing hindi muna siya magsasalita. Hindi rin niya sinasalubong ang tingin ko sa tuwing sisipatin ko ang imahe niya sa salamin. Nakatulong iyon kaya natapos ko nang maayos ang trabaho. At siguro ay dahil ayoko ring mapahiya sa kaniya. Nagpapa-impress din kahit paano. Nang matapos na ay nilagyan ko siya ng powder at pinagpagan ng buhok. Sunod ko siyang iginiya sa shampoo station. Naupo siya roon at inilatag ang likod sa nakahilig na sandalan. Pumwesto ako sa tagiliran niya. Nakapikit si Sir Grant. Hinawakan at binuksan ko ang gripo at binasa ko ng husto ang buhok niya. Maya-maya ay sinimulan ko na siyang i-shampoo. Napalunok ako ng laway. Nag-iba ang pakiramdam ko habang minamasahe ko ang buhok at anit ni Sir Grant. Dumilat siya. Nagulat pa ako nang magsalubong ang aming mga mata. “Hanggang anong oras ka rito? Can I see you later?” mahinang tanong niya. “H-ha, e... h-hanggang gabi pa ako. Weekend kaya dagsa ang customers at mas kailangan ako rito.” Hindi na sumagot si Sir Grant. Pumikit na lang ulit siya. Itinuloy ko na ang pag-shampoo sa kaniya. Panaka-naka akong napapatingin sa mapupulang mga labi sa harapan ko. Nanayo ang mga balahibo ko nang maalala kung gaano kalambot at kasarap humalik ang mga iyon. “Oy, Celine, ayos na ba si Sir Grant?” Napatuwid ako sabay lingon kay Nicole. Sandali itong huminto sa pweto namin at tinitingnan ang ginagawa ko. Nakapikit pa rin si Sir Grant. “Patapos na kami,” sabi ko na lang kay Nicole. Tumango siya bago kami iwan upang estimahin ang mga bagong dating na customers. “Minamadali mo ang serbisyo sa akin." Narinig kong komento ni Sir Grant kaya natigilan ako saglit. “H-hindi naman. Trim lang kasi kaya mabilis.” Hindi na siya sumagot. Maya-maya lang ay tinutuyo ko na ng tuwalya ang buhok niya. Pinabalik ko siya sa styling chair para sa pagtatapos ng aming session. Binuhay ko ang hair dryer. “Tapos na!” masayang sabi ko at inalis ang tela sa balikat niya. Hinawakan na naman niya ang kamay ko. Gulat na tumingin ako sa salamin. Namumungay naman ang mga mata ni Sir Grant habang nakatitig sa akin. “I want an extra service on Monday. Sa bahay tayo.” Natigilan ako at sinalakay ng kaba. Oo nga pala. May ‘trabaho’ pa ako sa kaniya. Hindi ko dapat kalimutan ang tungkol doon. Napalunok ako sa nanunuyo kong lalamunan. Bahagya muna akong tumango bago hinila ang tela sa katawan niya. “S-sige, Sir Grant. I-ikaw ang bahala.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD