Chapter 9

2138 Words
“NARIRINIG kita kagabi, may kausap ka. Akala ko ba ay sira ang cellphone mo?” tanong sa akin ni Nanay nang umagang iyon. Mula sa paglalagay ng kanin sa lunch box ay tumingin ako sa kaniya. Abala ito sa pag-aayos ng mga paninda. “N-na... naipaayos ko na po…” Bahagya pa akong napapikit sa aking isinagot. “E, sinong kausap mo? Mag-aalas dies na ng gabi ay humahagikhik ka pa?” Napaiwas ako ng tingin nang lingunin ako bigla ni Nanay. Ayokong makita niya ang pagkabalisa ko. Tinakpan ko ang plastic na lalagyan. “S-si Nicole, ‘Nay... May itinanong lang...” Nakagat ko ang loob ng aking pang-ibabang labi. Nagsisimula pa lang ang araw ay pulos kasinungalingan na ang nagagawa ko. Si Sir Grant ang kausap ko kagabi at hindi si Nicole. Dapat ko na talagang ayusin ang lahat ng ito. Habang tumatagal ay dumadami ang mga kasalanan ko. “Ngayong linggo na nga ba ang exam n’yo?” “Opo. Midterm exam.” Tumango siya. “Pagbutihin mo,” wika niya at naghanda na sa pag-alis. Inilagay ko na sa bag ang aking baong pagkain. Magkasunod kaming lumabas ng bahay. Sumakay siya ng tricycle kasama ng mga paninda niya. Nagsimula naman akong maglakad hanggang sa sakayan ng jeep. Dati, isang bagay lang ang dahilan kaya ako pumapasok sa school - para gawin ang gusto ni Nanay. Kahit suyang-suya na ako sa mga kaklase kong ang kasiyahan ay ang pagtripan ako, pinipilit kong pumasok dahil wala pa akong ibang pagpipilian. Iba na ang sitwasyon ngayon. Nagi-guilty rin ako minsan. Hindi ko naman kasi minasama ang ginagawa ng magulang ko. Napakaswerte ko nga dahil iginagapang niya ang pag-aaral ko at nagpapasalamat ako roon. Pero bilang indibidwal, may sarili rin akong pananaw at desisyon. May sarili akong paniniwala. Hindi ako bilib sa college diploma. Para sa akin, nasa tao ang ikakaasenso nito at hindi sa kung anong degree na tinapos. Ganoon pa rin ang pananaw ko hanggang ngayon. Determinado pa rin akong gawin ang mga plano ko na huminto sa pag-aaral at pagtuunan ang pagnenegosyo. Bata pa nga lang, ito na ang gusto kong gawin. Dito na kasi ako hinubog ng maraming sitwasyon at pagkakataon. Natuto akong makipag-usap sa mga tao. Natuto akong makipagnegosasyon. Higit sa lahat masinop ako sa pera kaya tiwala akong magagawa ko ito. Hindi nagbabago ang paniniwala ko pero, may isang bagay na aminado akong nagbago sa akin nitong mga nagdaang araw - nadagdagan ang rason ko para pumasok sa university. Si Sir Grant. Kahit alam kong pansamantala lang ang lahat ng meron kami, hindi ko maitanggi sa sarili ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Masakit man isipin, pero mas madali na iyon kaysa ang umasa ako sa bagay na simula pa lang alam kong malabo na. Kapag nga may pagkakataon na naiisip kong baka espesyal ako sa kaniya, pinipigilan ko ang sarili ko. Kahit naman hindi ako matalino ay alam ko ang aking lugar at bukas ang mga mata ko sa mga bagay-bagay. Ano bang aasahan ko? Paano ba kami napunta sa sitwasyon na ito? Ni hindi ko alam kung ano talagang iniisip ni Sir Grant tungkol sa akin. Pera kapalit ng p********e? Malamang na ang baba ng tingin niya sa kagaya ko. O baka balewala na ‘yon sa kaniya sa dami ng babaeng nabayaran niya. Sanay na siya marahil sa katulad ko. Sa paningin ni Sir Grant, kagaya lang ako ng mga babaeng kabilang sa koleksiyon niya. Kahit hindi pa niya tuluyang nakukuha ang gusto niya sa akin, wala pa rin akong ipinagkaiba. Dati, balewala sa akin anuman ang iniisip niya. Pero habang tumatagal at lumalalim ang pagtingin ko sa propesor, hindi ko mapigilang malungkot para sa sarili ko. Paano ko pa itataas ang pagtingin niya sa akin? Malilinis ko pa kaya ang imahe ko sa harapan niya kung sa umpisa pa lang ipinakita ko nang pera talaga ang habol ko? At paano pa kaya kapag nalaman ni Sir Grant kung saan ko balak gamitin ang pinagbentahan ko ng virginity ko? Vacant period. Sinadya ko si Francis sa alam kong tambayan nito. Mabuti at natiyempuhan ko naman. Napapalibutan siya ng tatlo pang lalakeng estudyante pero, dahil may kailangan ako ay hindi ako nahiyang lapitan siya. Natahimik sila bigla nang mapansin ako. Mabilis namang tumayo si Francis nang makitang ako ang lumapit. “O, Celine! Kumusta? Anong atin?” nakangiting bati niya. Simpleng ngiti ang iginanti ko sa kaniya. “Ayos naman. Pwede ka bang makausap sandali? May itatanong lang sana ako sa’yo.” “Wow, iba si Ancis! Babae na ang dumadayo!” “Guys, kaibigan ko pala, si Celine.” Ipinakilala ni Francis isa- isa ang mga kasama pero, wala akong natandaan ni isa sa mga pangalan nila. “Friend lang ba talaga? Bakit namumula ka riyan?” nanunuyang tanong ng isa. Napailing si Francis. Tinaasan ko naman ng kilay ang lalake. Pagkatapos ay hinila ko na lang si Francis palayo sa kanila para hindi rin nila marinig ang sasabihin ko. Doon ko siya dinala sa ilalim ng puno ng chico. “Ano bang itatanong mo? Hinila mo pa talaga ko rito,” natatawang sabi ni Francis. “May number ka ba ni Mr. Domingo? Gusto ko kasi siya makasaup ulit, e.” May pagtataka sa reaksiyon niya. “Bakit? Interesado kang bumili ng franchise? May capital ka na ba?” “W-wala…” mabilis na sagot ko. “E, bakit gusto mo siyang kausapin?” “Bakit, hindi ba pwede?” balik ko sa kaniya. Hindi siya nakakibo. “May… itatanong lang naman ako kay Mr. Domingo. Importan-” Naputol ang sinasabi ko nang bigla akong niyakap ni Francis. Nakita ko nang matigilan siya. Para naman akong tuod na nakamulagat lang dahil halos magdikit na ang mga mukha naming dalawa. “Ang bagal mo, Ancis, e!” kantiyaw ng isa sa mga kasama niya at nagtawanan ang mga ito. Doon ko na-realized na itinulak pala siya ng mga gago. Binitiwan ako ni Francis at binalingan ang mga kaibigan. “Guys, hindi magandang biro ‘yan, ha! Walang nakakatawa!” “Kunwari ka pa! Muntik na nga kayong maghalikan, e!” Nagtawanan ulit ang mga ito at naglakad na palayo. “Mga siraulo!” napipikong sabi ni Francis sa mga ito. “H’wag mo na silang pansinin!” pigil ko kay Francis at hinawakan siya sa kamay. Balak pa kasi niyang sundan ang tatlo. Matalim kong inirapan ang mga nagtatawanang estudyante. Bawat sulok yata ng university na ito ay may mga bully. “Sorry, Celine,” nahihiyang sabi ni Francis sa akin. Umiling ako. “Ayos lang 'yon. Ano, may number ka ba ni Mr. Domingo?” “Wala, e. Kung gusto mo, sadyain mo na lang sa opisina niya. Sasamahan pa kita.” Nagpanic ako sa huling sinabi niya. “H-ha? Ay hindi na! H’wag mo na akong samahan. Kaya ko namang mag-isa. Hinihingi ko lang ang number niya kasi gusto ko muna sanang alamin kung naroon siya bago ako magpunta.” “Sigurado ka ba?” “Oo naman! Naisama mo na ako dati, e." "O, sige. Ikaw ang bahala. Pero kapag kailangan mo ng kasama, puntahan mo lang ako." Hinawakan niya pa ako sa braso. Ngumiti ako. "Oo, tatandaan ko 'yan. Sige, maiwan na kita. Salamat." Alas dos pasado ng hapon at palabas na ako ng campus. Nairaos ko ang first day ng midterm. Hindi ko alam kung tama ang mga pinaggagawa ko. Basta ang alam ko, ginawa ko ang kaya ko. Kakareply ko lang sa text message ni Sir Grant. Nasa unang kanto raw siya makalampas ng toda kaya doon na ako dumirecho habang patingin-tingin sa kalye. Nakita ko ang kotse ng propesor. Nagsimulang mayanig ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay may maliliit na daluyong sa loob ng tiyan ko na nagpapatindi ng aking tensiyon. Nagmanman ako sa paligid. Hindi naman tampukan ng mga tao ang kanto na iyon dahil daan iyon papasok sa bagong itinatayong subdivision. Wala rin akong nakitang estudyanteng pakalat-kalat sa lugar kaya paglapit sa kotse ay sumakay na agad ako. Isinarado ko ang pinto at saka tumingin sa nasa manibela. Maliit akong ngumiti kay Sir Grant. Ang lakas-lakas ng kabog ng puso ko. Naalala ko ang sinabi niya noong Sabado sa parlor. Kung s*x ang tinutukoy niyang extra-service, handa na ang sarili at kalooban ko. Ang puso ko lang siguro ang hindi pa. Dahil pagkatapos niya sa akin, malamang na hindi na kami magkasama ulit na dalawa. “Kanina ka pa?” bungad ko. Hindi siya sumagot. Mataman niya akong pinagmasdan. Napansin ko na masyadong seryoso ang mukha niya. Sa dibdib ng polo shirt niya ay nakasabit ang sunglasses. “Okay ka lang?” tanong ko. Tumikwas ang isang sulok ng mga labi niya. “Yeah,” maiksing sagot ni Sir Grant at pagkatapos ay isinenyas sa akin ang seatbelt. Nahihiwagaan man ay nag-seatbelt na lang din ako. Isinuot niya muli ang sunglasses at saka pinaandar ang sasakyan. Halos hindi niya ako kausapin habang biyahe. Ako lang ang nagsasalita. Ni hindi niya ako tinanong kung kumusta ang unang araw ng exam ko. Hindi sa gusto kong alamin niya dahil wala rin naman akong gaanong masasabi pero, nakakapanibago ang sobrang katahimikan. Paghinto ng kotse sa garahe niya ay nauna siyang bumaba. Sumunod na lang ako sa kaniya hanggang sa makapasok na kami sa loob ng bahay. Lumakad ako hanggang sa may sofa at inilapag roon ang bag ko. Pagkatapos ay itinuon ko na ulit kay Sir Grant ang aking pansin. Nakamasid pala siya sa akin. Bahagyang nagusot ang mga kilay ko. “M-may… problema ba?” Hindi pa rin siya sumagot. Hindi ko alam kung anong problema. Kanina pa siya tahimik. “G-gusto mo bang… umalis na lang ako?” May pagdaramdam sa boses ko. Hawak at pinipisil ng isa kong kamay ang mga daliri ko sa kabila. “At saan ka pupunta?” Natigilan ako nang bigla siyang nagsalita. Nahimigan ko ang galit sa boses niya. Awang ang mga labing sinalubong ko ang tingin ng propesor. “U-uuwi…” mahinang sagot ko. Lumapit sa akin si Sir Grant. Nakakakaba man ang ipinapakita niya ay hindi ko inalis ang aking titig sa kaniya. Naghinang ang mga mata naming dalawa hanggang sa matagpuan ko na lang siya sa mismong harapan ko. “You’re staying,” mariing sabi niya. Napalunok ako at dahan-dahang tumango. Hindi ko naman talaga gustong umalis. Ang makita si Sir Grant ang nag-iisang dahilan kung bakit makulay at may kakaibang sigla ang paligid ko. Kahit pa alam kong pagkatapos niya sa akin ay hindi na ulit kami maging gaya nang ngayon. Sinusulit ko nga lang ang natitirang panahon. Dalawang palad niyang sinapo ang mukha ko. Hindi ako nakakilos. Naghagilap ako ng aking sasabihin, subalit bago pa ako makaimik ay siniil na ako ng halik ni Sir Grant. Nagulat ako nang bahagya, pero kaagad din akong tumugon sa mga halik niya. Hindi ko itinago ang matinding pananabik. Gabi-gabi ay naglalaro sa isip ko ang mga tagpo naming gaya nito. “Akin ka, Celine. Akin ka lang.” Hinihingal na sambit niya habang lasing pa ako sa naputol naming halikan. Kinabig ko ang batok niya at halos maglambitin na roon. Bumaba naman ang mga kamay niya sa likod ko at nagtaas-baba. Tumatagos sa blouse ko ang init ng mga palad niya. Maging ang katawan niya ay mainit din sa pakiramdam. Idagdag pa roon ang lalaking-lalaking bango ni Sir Grant kaya pakiramdam ko ay dumidikit sa balat ko ang init na nanggagaling sa kaniya. Nagtagpo muli ang mga labi namin. Sabik kong tinugon ang mga halik niya at ibinuka pa nang husto ang aking bibig upang mapapasok ang dila niya. Naramdaman ko nang sinapo ng mga palad ni Sir Grant ang aking puwitan. Makailang beses niya akong pinisil doon kasabay ng mga ungol. At kada pisil ng palad niya ay may kasamang panggigigil kaya hindi ko maiwasang tayuan ng mga balahibo ko sa katawan. Maya-maya ay naramdaman ko ang pag-angat ng mga paa ko sa sahig. Walang hirap na binuhat ako ni Sir Grant hanggang sa kaniyang kwarto. Dumagundong ang puso ko sa kaba at antisipasyon. Wala na siyang sinayang na oras pagkatapos niya akong ibaba. Hinawakan niya ang laylayan ng blouse ko, walang ingat na itinaas niya iyon at hinubad sa aking katawan. Sunod ay ibinaba niya ang magkabilang strap ng aking bra. Nahantad ang dalawa kong d*de at awtomatikong napayakap ako sa aking sarili, pero binaklas lang ni Sir Grant ang aking mga braso. Parang bakal ang mga kamay niyang nakahawak sa aking pulsuhan habang matiim akong pinagmamasdan. Napalunok ako. "S-Sir..." mahinang sambit ko. Ibinaba niya ang tingin sa aking dibdib. Nag-init ang mukha ko nang makita ko kung paano nilakbay ng mga mata niya ang kahubaran ko. Nag-abot-abot ang t***k ng puso ko. At halos pigilan ko ang sariling paghinga nang bumaba ang ulo ni Sir Grant sa aking katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD