Chapter 6

2215 Words
IBINAGSAK ko ang katawan ko sa kama pagpasok ng kwarto. Tumingin ako sa kisame at pinag-isipan kung tama pa ba ang aking ginagawa. Wala akong maalala na taong pinagmalasakitan ko maliban sa isang estudyante ng university kung saan ako nagtuturo. I admit, I found Celine unique and attractive. She seemed so unaffected. I only knew her by her pretty face pero, hindi ko talaga siya kilala. Una ko siyang nakita sa harap ng prefect’s office kasama ang iba pang estudyanteng babae na sangkot din sa isang away. Mula noon, naging regular na tanawin ko siya sa university. Para bang alam ng mga mata ko kapag nariyan siya sa malapit. I can always find her wherever I am in the campus. Tahimik lang siya at walang kasama. Kaya nang mabalitaan kong sangkot na naman siya sa panibagong gulo, I knew in my mind that the problem wasn’t with her. Napatunayan ko ‘yon nang ako mismo ang nakakita na pinagtutulungan siya. Hindi ko gawain ang makialam sa buhay ng iba. I could easily let Kyle to do his nasty business with Celine pero, nauna kong naisip ang posibleng pagdaanan ng pobre sa kamay ng kaibigan ko. Hindi ko siguro ginawa ‘yon kung hindi ko alam ang mga trip ni Kyle. Pinaglalaruan muna niya ang mga babaeng nabayaran niya. He would force the girl to do whatever that pleased him and after that, he would take what he paid for. Minsan na ‘kong nagbabala kay Kyle na makakahanap din siya ng katapat niya pero, tinatawanan lang niya ako. Later on, my phone vibrated. Dinukot ko iyon sa aking bulsa. Nagdalawang-isip ako na sagutin ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Kyle. I was actually expecting that he would call me anytime after that night. Bumangon ako at sinagot na ang tawag. Alam ko namang hindi siya titigil hangga’t hindi ako nakakausap. “Kyle, what’s up?” bungad ko. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Dumirecho ako sa maliit na bar ng bahay ko. “Uh-uh! Ako ba ang may dapat ikwento? Kumusta ang regalo ko sa’yo? Nagustuhan mo naman ba?” Nagsalin ako ng alak sa baso. “Okay lang…” Ang lakas ng tawa ni Kyle sa kabilang linya. Nilagok ko ang laman ng aking baso. “See? I told you! Hindi ka mag-eenjoy sa isang inexperienced. Mga babaeng palaban sa kama ang bagay sa’yo. Virgins are only for me. You just wasted your time and money.” “It’s fine. Pera ko naman 'yon. Uhm… hindi mo na naman siguro kokontakin si Celine, tama?” Ibinaba ko ang baso at muling nagsalin ng alak doon. “No! Why? Do you have plans on seeing her again?" tumatawang tanong nito. "Grant, you know that I never go after secondhand things. Kung gusto mo ng another escapade with her, I will send you my agent’s number. Tawagan mo. At siya na ang bahalang makipagnegosasyon sa procurer ni Celine.” Napangiwi ako sa terminong ginamit niya. "I'll think about it." Pagkatapos ay pinutol ko na ang tawag. Inilapag ko ang cellphone sa ibabaw ng bar at saka naupo sa high chair. Dinampot ko ang baso at pinag-isipan ang susunod na gagawin. I asked for Celine as birthday gift from Kyle so I could save her. I did not do it to have someone to f*ck. Though I remembered na halos mademonyo ako noong gabing iyon, aminado kasi ako na naapektuhan. Matinding pagpipigil ang ginawa ko noon sa sarili ko. Seeing Celine almost naked, muntik ko nang malimutan ang rason kung bakit kinulit ko nang husto si Kyle para iregalo siya sa akin. And now, I had this unfinished business with Celine. Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. I had to ask her to be my girlfriend para patagalin ang ‘trabaho’ niya. Alam ko kasing oras na may mangyari na sa amin, tatalikuran na rin niya ako, and I couldn't just let her do that. ------------------------------------------------------------------------------------------------------- “LAGI ka yatang ginagabi, Iha? Baka kung ano na ‘yan, ha?” Nahirapan akong lunukin ang kinakain kong pan de sal. Papasok pa lang ako sa school pero, dahil maaga pa ay dumaan ako sa bahay ni Nicole. Nagpaliwanag ako kung bakit hindi ako nakapunta sa parlor kahapon. “Nagkakataon lang naman, Nicole. May ginawa kasi ako sa school. Tapos… nagpatulong pa ‘yong isang prof sa akin.” Inihatid ako ni Sir Grant hanggang sa sakayan pag-alis ko sa bahay niya. Pagdating ko naman sa amin ay wala pa si Nanay. Dali-dali akong nagsaing. Nang makauwi siya ay mayroon nang kanin. Nakaligtas ako kagabi. Hindi ako napagalitan. “Nagpatulong saan? Akala ko ba wala kang ka-close na professor?” “Ang dami mo namang tanong Nicole, male-late na’ko, e!” Tumayo na ako at isinukbit ang aking bag. “Aalis na ‘ko. Salamat sa pan de sal.” Naglakad ako patungo sa sakayan ng jeep. Habang nag-aabang ng masasakyan ay naisip ko na baka itong pag-uwi-uwi ko ng gabi ang maging daan para si Nanay mismo ang magdesisyon na patigilin na ako sa pag-aaral. Tumutol ang kalooban ko. Ayoko kasi ng nagagalit ang Nanay ko. Siya na lang ang magulang na meron ako kaya ayokong nag-aaway kami. Lumaki naman akong masunurin na anak. Nitong nag-college na lang ako madalas sumuway sa kaniya at ang pinakahuli nga ay nang igiit ko na titigil na ako sa pag-aaral. Kaya nga pinag-iisipan kong mabuti ang gagawin para mangyari ang mga balak ko. Gusto ko sana ay konkreto na ang business na itatayo ko bago ko ulit banggitin kay Nanay ang tungkol doon. Pagdating ko sa school ay naalala ko na naman ang pag-uusap namin ni Sir Grant. Hindi ko alam kung mas natawa ba ako o natakot. Secret relationship? Dagdag lang ako sa koleksiyon niya tapos gagawin niya akong girlfriend? May gusto ba siya sa akin? Nalalabuan ako. Iyon mismo ang sabi ko kay Sir Grant. Hindi naman siya sumagot. Siguro ay napag-isip-isip niyang malabo nga iyon. Kaya lang ay hindi na natahimik ang kalooban ko pagkatapos. Hindi ako excited na magka-boyfriend pero, may bahagi ko ang parang nanghihinayang. Nakaabot ako sa una kong klase sa araw na iyon. Pagpasok ng professor ay nagsimula na agad ito sa pagtuturo. Itinuon ko ang atensiyon ko sa unahan pero, ilang beses ko na namang nahuli ang sarili ko na naglalayag ang isip. Hirap talaga akong ibigay ang buo kong atensiyon sa aming pinag-aaralan. Natapos ang last subject ko sa araw na iyon na hindi ko man lang nakita ni anino ni Sir Grant. Imbes na isipin ko kung nasaan siya, dumaan na lang ako sa library para humiram ng mga librong tungkol sa entrepreneurship. Kalahating oras akong nagbasa-basa pero, sadyang mahirap initindihin ang laman ng libro. Ibinalik ko na lang iyon at lumabas na. Hindi ko naman kailangan ng libro. Sa sarili kong paraan ay matututo rin ako kung paano magpatakbo ng negosyo. Dumaan muna ako ng cafeteria. Bumibili ako ng tubig nang marinig kong nag-uusap ang kakilala kong senior at isa pang kasama nito. Mabait si Francis at isa lang siya sa iilang kakilala ko galing sa ibang department. Business Management ang kinukuha nito. Pagkaabot sa akin ng bote ng tubig ay hindi na ako nagdalawang-isip na lumapit kay Francis at sa kasama nito. Nakilala naman niya agad ako. “O, Celine, kumusta? Parang ngayon na lang ulit kita nakita? Si Jomari nga pala, kaklase ko.” Tumango ito sa akin at maliit na ngumiti. “Hello!” nakangiting bati ko naman kay Jomari at pagkatapos ay dumirecho na ako sa aking pakay. “E, Francis, narinig ko kasi ang pinag-uusapan n’yo tungkol sa pagbili ng franchise? Matanong ko lang, paano ba ang sistema noon?” Tumaas ang mga kilay nito sa akin. “Bakit interesado ka? May balak ka bang mag-open ng sarili mong business? May capital ka?” “H-ha? E-eh… s-sa ngayon.. wala pa, nag-aaral pa kasi ‘ko, e. Pero ‘yon sana ang gusto kong gawin kung sakaling magkatrabaho na ako at makaipon.” Lumaki ang ngiti niya. “Wow! At your age, business-minded ka na! Ayos ‘yan, Celine! Tama ang naiisip mong gawin. Kapag kasi professional na, minsan hindi rin sapat ang kita. Kaya advisable na magnegosyo ka rin kahit may trabaho. Pero sure ka ba na gusto mong pag-aralan ang franchise ownership? Kung interesado ka talaga, sumama ka sa akin bukas. May kakausapin tayong entrepreneur. Ididiscuss niya sa atin kung paano ang step-by-step na proseso sa pagbili ng franchise. Ano, ayos ba sa’yo?” “Sige ba! E, ano bang oras bukas?” “Alas tres ng hapon pwede ako. Ikaw ba?” “Pwede rin ako kasi two-thirty ng hapon ang tapos ng last subject ko bukas. Saan tayo magkikita?” “Dito na lang din sa cafeteria. Maghintayan na lang tayo kung sino mang mauna.” “Sige, sige, okay ako riyan! Salamat, Francis!” “Wala ‘yon! Bukas na lang, ha! See you.” Ang ganda ng ngiti ko paglabas ng campus. Naglakad ako hanggang sa paradahan ng tricyle. Nasa pila na ako ng mapansin ko ang kotseng nakaparada sa kabilang kalsada. Kumabog ang dibdib ko nang makilala ko ang kotse ni Sir Grant. Nakita kong bumaba ang kalahati ng salamin noon at sumilip ang pamilyar na mukha. Naka-sunglasses si Sir Grant pero, alam kong ako ang tinitingnan niya. Napatingin ako sa paligid. May dalawang estudyante sa pila sa tricyle kaya hindi safe kung lalapit ako sa kotse. Baka kilala ng mga ito ang sasakyan ng propesor. Tumingin ulit ako sa kotse ni Sir Grant. Nakita kong umandar iyon nang mabagal hanggang sa lumiko sa unang kanto sa kaliwa. Tanaw ko pa naman ang bukana ng kanto kaya nakita kong huminto roon ang sasakyan. Hindi na ako nag-atubiling umalis sa pila. Pasimple akong naglakad palayo sa toda at tinunton ang pinaghintuan ng kotse ni Sir Grant. Nang malapit na ako roon ay nakita kong bumukas nang bahagya ang pinto sa front seat. Tumingin muna ako sa paligid at nang masigurado kong walang sinumang nakatingin ay dali-dali akong lumapit at mabilis na sumakay. Nakahinga ako nang maluwag. Nakakagaan pati ng pakiramdam ang mabango at malamig na sasakyan ni Sir Grant. Ang init kasi sa labas lalo na sa pila sa tricycle. “Hindi pwedeng lagi tayong ganito,” bungad ni Sir Grant sa medyo iritado nitong boses. “Hindi ko alam kung saan ka aabangan kanina. How can I reach you? Dapat may cellphone ka para madali kitang matatawagan.” “Nasira na kasi. Hindi ko pa napaaayos,” sagot ko. Noong isang buwan lang ‘yon nasira at balak ko namang ipagawa pero, nanghihinayang ako sa perang binibigay ni Nicole. Wala naman akong katext at katawagan kaya aanhin ko ang cellphone. Lumingon si Sir Grant sa backseat at may kinuha roon. Inilagay niya ang malaking shopping bag sa kandungan ko. “A-ano ‘to? C-cellphone?” Namimilog ang mga mata ko. Tumawa siya sabay alis ng sunglasses at isinabit sa leeg ng polo shirt niya. “Next time, cellphone naman ang bibilhin ko para sa’yo.” Sumimangot ako. Na-misinterpret siguro nito ang reaksiyon ko. “Hindi ako nagpapabili ng cellphone,” paglilinaw ko. “At kahit ipilit mo ‘yon sa’kin, hindi pwede kasi mahirap ‘yong itago. Magtataka ang nanay ko kung saan galing.” “Bakit? Mas nakakapagtaka ba na nagkaroon ka ng cellphone kaysa nagkaroon ka ng two hundred thousand pesos?” Natigilan ako. Kabado ako nang tumingin kay Sir Grant. “Don’t tell me, hindi alam ng nanay mo na may pera ka dahil ang sabi mo sa’kin, pandagdag puhunan ‘yon sa business niya. Hindi ba siya nagtanong kung paano at saan mo nakuha ang ganoong kalaking pera?” Naghagilap ako ng isasagot. “N-nagtanong…s-sinabi kong pinautang ako… ng kaklase kong mayaman…” Ngumuso si Sir Grant. Pinanliitan niya ako ng mga mata. “Sigurado ka? Kung gano’n, pwedeng sabihin mo na lang din sa Nanay mo na bigay ng kaklase mong mayaman ang cellphone oras na mabilhan na kita?” Hindi ako sumagot. Kesa iyon ang sabihin ko, sisikapin ko na lang na itago ang cellphone sa paningin ni Nanay. Hindi iyon maniniwala. Alam ni Nanay na wala akong kaibigan sa school. Kung may kabatian man ako roon ay mga dati ko nang nakilala at walang mayaman sa mga iyon. Binuksan ko ang shopping bag sa kandungan ko at sinilip ang laman. Awang ang mga labi ko nang dukutin ang maganda at bagong school bag mula sa loob. Nilingon ko si Sir Grant. Nakatingin lang siya sa akin. Kumakabog nang matindi ang dibdib ko. “S-sinabi ko naman na okay lang ako sa lumang bag ko. Hindi ka na dapat nag-abala.” Ngumiti siya. Kinalas niya ang seatbelt niya upang mailapit ang mukha sa akin. Kinintalan niya ako ng halik sa mga labi. “Iisipin ko na lang na nag-thank you ka. You’re welcome.” Na-guilty ako. At para kahit paano ay matapatan ko ang pag-aabala niya ay ako naman ang lumapit at isang marubdob na halik ang isinukli ko sa kaniya. Bumitiw ako pagkatapos ng ilang segundo. “T-thank you ulit. E... saan pala tayo ngayon?” Hinawakan niya ako sa mukha. “Sa bahay na lang ulit. Kumain tayo.” Napabuntung-hininga ako. “Sige.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD