Chapter 5

1566 Words
“SAAN tayo pupunta?” kabadong tanong ko kay Sir Grant nang makasakay na ako sa kotse niya. Naghintay pa ako ng tiyempo para makapasok dahil may ilang tao sa parking lot. Tiniyak ko talagang walang makakapansin sa akin. “Sa bahay. Magseatbelt ka.” “S-sa bahay n’yo? Paano kung makita ako ng mga magulang mo? Anong sasabihin mo sa kanila?” “Bahay ko. I live separately from my family,” magaspang na sagot niya. Hindi ako nakakibo. At least, malinaw. Sinunod ko na lang ang sinabi ni Sir Grant at nag-seatbelt. Maya-maya ay umandar na ang kotse palabas ng parking lot ng school. Tahimik lang si Sir Grant habang daan. Palihim ko naman siyang tinitingnan habang iniisip kung ano ang gagawin namin sa bahay niya. Kukunin na ba niya ang virginity ko? Iyon naman ang pakay niya simula’t simula kaya lang ay hindi ko maiwasang kabahan. Pero sa isang banda, okay na rin na ngayon na matapos ang usapan namin. Pagkatapos niya sa akin, hindi na ako obligadong sumunod sa gusto niya. Makalipas ng halos isang oras na biyahe ay pumapasok na kami sa isang pribadong subdivision. Hindi na ako nagtaka na sa ganitong lugar nakatira si Sir Grant. Kahit sabihing part-time professor lang siya sa school namin, halata na may-kayang pamilya ang pinagmulan niya. Ano kayang trabaho ng tatay niya? Siguro ay may magandang negosyo ang mga magulang nito. Simple pero, modernong bungalow ang bahay ni Sir Grant. Bukas ang garahe nito habang ang front yard naman ay napapalibutan ng wooden fence na pininturahan ng puti. Walang gaanong tanim sa bakuran pero, nalalatagan iyon ng pinong berdeng d**o. “Bumaba ka na,” utos ni Sir Grant nang maiparada na nito ang sasakyan sa garahe. Inalis ko ang seatbelt sa katawan ko. Agad kong nilinga ang paligid paglabas. Hindi gaanong magkakalayo ang mga bahay sa subdivision pero kung titingnan ang mga ito, animo walang tao. “Halika sa loob.” Nilingon ko si Sir Grant. Sumunod ako rito sa pagpasok sa mababang gate na nasa gilid ng bakod. Nakita ko sa loob ng bakuran ang hilera nang maliliit na puno ng kalamansi. Sa isang sulok naman ay may isang puno ng papaya na walang bunga. “Ikaw ang nagtanim ng papaya?” nakukuryosong tanong ko. “Hindi. Nariyan na ang mga punong ‘yan no’ng lumipat ako rito. Pumasok ka.” Nakita kong binuksan niya ang pinto. Nauna akong pumasok sa loob ng bahay bago siya. Napalinga agad ako pagpasok. Kagaya sa labas ay puti rin ang dingding at kisame ng bahay. Ang mga mwebles ay matingkad na kape ang kulay habang ang mga sofa at mesita ay itim. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Nilingon ko si Sir Grant. “Maupo ka,” turo niya sa sofa. “Anong gusto mong kainin?” Umiling ako. “Busog pa’ko, Sir. Ano palang gagawin natin dito? Ngayon na ba tayo mag… aano?” Ang hirap banggitin ng mismong salita. Natigilan siya sandali. “Bakit nagmamadali ka?” Pinanliitan niya ako ng mga mata. “H-ha? H-hindi naman sa gano’n…” Humugot ako ng hangin. Hindi na nga akong magtatanong pa. Mamaya ay isipin ni Sir Grant na sabik akong makipag-s*x sa kaniya. Umalis siya sa harapan ko at pumasok sa isang pinto sa kaliwa. Siguro ay kwarto niya iyon. Lumapit ako sa mesita at ipinatong doon ang aking bag. May iba’t ibang remote controls na nakahilera sa ibabaw at sa gitna ay nakadisplay ang maliit na pigura ng kabalyerong may hawak na espada. Siguro ay gawa ang pigurin sa ginto dahil gold ang kulay. Naupo na ako. Napanganga ako dahil first time kong nakaupo sa ganoon kalambot na sofa. Parang ang sarap tulugan ng ganito. Sa bahay kasi ay manipis na kutson ag tinutulugan ko. Paglabas ni Sir Grant ay naka-short pants at kamiseta na lang siya. Kita ko ang mapuputi at mabalahibo niyang mga binti. Dumirecho siya sa ref na tanaw ko mula sa aking kinauupuan. Binuksan at may kinuha siya mula roon. Lumapit siya sa akin pagkatapos at inilagay sa kandungan ko ang malamig na lalagyan ng strawberries. Bago pa ako nakapagprotesta ay naupo na siya sa tabi ko at isinusubo sa akin ang isang strawberry. Walang pagtutol na ngumanga ako at kumagat sa prutas. Pagkatapos ay isinubo naman ni Sir Grant ang natirang kalahati noon. Halos masamid ako sa aking ningunguya. “Anong gusto mong movie? Panoorin natin,” sabi nito sabay dampot sa isa sa mga remote controls. Imbes na sagutin siya ay napatingin ako kay Sir Grant. Ano bang gagawin namin dito? Huwag niyang sabihin na isinama niya ako para may kasama siyang manood ng TV at kumain ng strawberries. “What?” tanong niya at bumaling sa akin, nakataas ang mga kilay. “Ayaw mong manood?” Tiningnan ko siya sa mga mata at sa seryosong boses ay nagsalita ako. “p**n. Meron ka?” Natigilan siya nang ilang saglit at maya-maya ay nagkibit ng balikat. “Wala. But I can find one if you like.” Hindi na lang ako sumagot. Binabasag ko lang naman ang trip ni Sir Grant. Ito ba ang tinutukoy niya na ‘gagawin niya kahit anong gusto niya sa akin at isasama niya ako kahit saan niya ako gustong dalhin’? Boring. Natakot pa naman ako noong una at naisip kong weird ang mga trip ng propesor. Pero sa isang banda, may pagka-wirdo nga ang ginagawa niyang ito. Pati pakiramdam ko, nagiging weird na rin. Dumampot ako ng strawberry at wala sa sariling kumain. Maya-maya ay nauntag ako nang hablutin ni Sir Grant ang lalagyan ng prutas mula sa aking kandungan. Inilipat niya ‘yon sa mesita pagkatapos ay nahiga siya sa sofa, ginawang unan ang mga hita ko. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at ipinahinga sa kaniyang dibdib. Gusto ko mang bawiin iyon ay nakakulong naman ang kamay ko sa kamay niya. Ramdam na ramdam ng palad ko ang katigasan ng dibdib ni Sir Grant. Pasimple akong lumunok. Ang kanang kamay ko ay nasa kaniyang ulunan at pigil na pigil na ihaplos sa buhok niya. Nakatingin siya sa akin, waring pinanonood ang reaksiyon ko. Nagririgodon sa loob ng dibdib ko habang iniiwas ko ang mga mata ko sa kaniya. Sigurado akong ramdam rin ni Sir Grant iyon dahil mistulang nasa tiyan ko na nga ang puso ko naglululukso. “What did you do with your money?” tanong niya na nagdulot ng bahagyang panic sa akin. “H-ha? A-akala ko ba… hindi mo na itatanong kung saan ko gagamitin?” “I changed my mind. Gusto kong malaman kung bakit mo kailangan ng pera. Mayro’n bang maysakit sa pamilya mo?” Sandali akong nag-isip ng rason bago umiling. “P-para… para ‘yon sa negosyo ng Nanay ko... pandagdag na puhunan.” “Anong negosyo?” Natigilan ako. Lahat ba ay aalamin niya? Wala na siya dapat pakialam kung saan ko gagamitin ang pera, ah! “Okay. H’wag mo nang sagutin kung ayaw mo. I’m just curious that you didn’t buy anything for yourself. Kagaya ng school bag mo na ‘yan…” saglit niyang nilingon ang bag ko sa mesita bago muling tumunghay sa akin, “wala ka bang balak bumili ng bago?” Napatingin ako sa aking bag. Nasira ang strap noon pero, nagawa ko pa ring tahiin nang doble-doble para magamit ko pa. “Okay pa ‘yan. Saka na ako bibili.” Hindi ko masabi na hindi ko kailangan ng bagong school bag dahil titigil na rin naman ako sa pag-aaral. Hindi na nangulit si Sir Grant pero, nanatili ang mga mata niya sa akin. Ang kamay kong nasa dibdib niya ay dinala niya sa kaniyang bibig at hinalikan. Gumapang ang kakaibang kilabot sa aking braso. “Why don’t you kiss me back? Sa hotel nga ang tapang-tapang mo.” Napatingin ako sa kaniya. Siyempre, iba ‘yong sa hotel. Kustomer siya na nadatnan ko roon kaya ayos lang. Takot nga ako noon pero, dahil trabaho ko iyon ay nilakasan ko ang loob ko. Ngayon, trabaho pa rin naman at kustomer ko pa rin siya kung tutuusin kaya lang ay iba ang pinararamdam sa akin ni Sir Grant. Weird. Nakakalito. At gusto ko pa ring matakot. Pasimple akong lumunok bago dahan-dahang ibinaba ang mukha ko sa kaniya. Siniil ko siya ng halik, matagal. Pigil ang paghinga ko kaya nang maramdaman kong kakapusin na ako ng hangin ay inangat ko na ang aking mukha subalit, hindi siya pumayag. Hinablot niya ang batok ko at muling pinaglapat ang mga labi namin. Dahil kapos sa hangin ay kusang bumukas ang mga labi ko. Agad namang pumasok at naggalugad sa bibig ko ang dila ni Sir Grant. Napahawak ako sa buhok at kamiseta niya. Hindi ko napigilan ang dila ko na salubungin ang kaniyang dila. Hinuli at sinipsip niya iyon, napadaing ako. Lasang strawberry ang laway niya. Matagal na sandali kaming naghalikan bago siya unti-unting huminto. Huminto rin ako at dahan-dahang dumirecho. Ramdam ko ang bahagyang pangangawit ng aking mga panga. "We can stay like this, right? What do you think?" Niyuko ko si Sir Grant. Itinaas niya ang isa niyang kamay at hinawakan ako sa pisngi. Iginala niya ang mga mata sa buo kong mukha. "A-anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko. Nagpatuloy siya sa paghaplos sa aking pisngi. "Let's be in this relationship, Celine - a secret relationship. Hangga't hindi ka pa graduate, ganito lang muna tayong dalawa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD