BIYERNES pa lang ng umaga ay naghanda na ako sa pagluwas pa-Maynila. Pinag-isipan ko rin ang mga sasabihin sa ilang kapitbahay at mga taong malalapit sa amin. Sigurado akong ikakagulat nila ang nangyari kay Nanay. Wala silang kaalam-alam sa pinagdaanan naming mag-ina. Wala akong nasabihan ni isa dahil hindi ko alam kung sino ang kokontakin sa looban bukod pa sa hindi ko nadala ang cellphone ko. Inalis ko kasi iyon sa bag ko nang maghalughog ulit ako para hanapin ang perang nawala. Nang dumating si Tita Laura at inutusan akong mag-empake, ilang piraso lang ng damit ang nailagay ko sa bag. Nawala na sa isip ko ang aking cellphone. Pagkatapos matupi ang ilang piraso ng damit ay kinuha ko naman ang bag na bigay ni Sir Grant. Hindi ko napigilan ang pag-ahon ng lungkot nang maalala ang kaisa-i