“CELINE…” Narinig ko ang marahang tawag sa akin ni Tita Laura. Nag-angat ako ng tingin kasabay ng pagbukas ng pinto ng kwartong tinutuluyan ko rito sa bahay niya sa Pangasinan. Isang linggo na ang nakakaraan mula nang sunduin ako ni Tita Laura sa bahay namin sa Maynila. “Hindi ka ba bababa para kumain? Kagabi pa ang huling kain mo,” tanong ni Tita Laura. “Okay lang po. Hindi pa naman po ako nagugutom.” Nagbuntung-hininga siya bago tuluyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko sa gilid ng kama. “Celine… magpakatatag ka. Alam kong masakit ang nangyari pero, kayanin mo. Kailangang kayanin mo. Kailangang magpatuloy ang buhay.” Hindi ako sumagot. Akala ko mabibigat na ang mga pagsubok na kinaharap ko noong mga nagdaang linggo. Napatanong pa ako sa sarili ko kung bakit sabay-sabay ang pagd