"HANDA na ang tanghalian, Astrid!" sabi ni Ate Vicky pagbukas nito ng pinto ng kwarto ni Astrid. One look at the househelp at ang mga sinabi ni Revor kahapon ang nag-flash sa kaniyang memorya. Sabi nito, alam daw ng kasambahay na may gusto ito sa kaniya. Paano nalaman ni Ate Vicky? Sinabi ba iyon mismo ni Revor? "Nasa komedor na si Revor. Hinihintay ka na," patuloy nito at nakipagngitian sa mga bisita niya. "Wooaahhh!" Namimilog ang mga mata ni Edison nang lingunin siya. "Anong ibig sabihin n’on?” Sumimangot siya at matalim na inirapan ang kaibigan. Tumango siya sa kasambahay. "Sige, Ate Vicky, pakisabi na lang na susunod na kami." "Bago 'yan, ha? Naghihintayan na pala kayo ngayon ni Revor kapag kakain? Ipinatawag ka pa talaga?" Nanunudyo talaga ang boses na iyon ni Edison. Nahimigan