"REVOR, hindi mo naman ako kailangang samahan. Kung hindi ko mapahinuhod si Dad, baka naman ikaw, mapakiusapan ko?" Pilit na hinuli ni Astrid ang mga mata nito, pero nilampasan lang siya ni Revor matapos siyang pagbuksan ng passenger seat. Wala siyang nagawa kundi ang sumakay na lang. Ikinabit niya ang seatbelt at hinintay na tabihan siya ng binata. "You can drop me anywhere near the area. Doon mo na lang ako iwan. Then you can go somewhere habang nag-uusap kami." "I'm sorry, Astrid," malamig na sagot nito habang inii-start na ang sasakyan. "Hindi kita mapagbibigyan ngayon." "Revor, nakikusap ako. Kagagaling n'yo lang sa pag-aaway ni Ybram. At kapag nakita niyang kasama kita, lalo pa kayong magkakagulong dalawa. Please understand. Ayoko na ng gulo!" paliwanag niya at sandaling pinagmas