SA pagitan ng oras ng pag-alis ng mga kaibigan at ng hapunan ay ipinasya ni Astrid na magkulong muna sa kaniyang silid. She needed time to think about a lot of things. Nanatili siya sa kaniyang kwarto at hindi lumabas. Wala namang nagtangkang gumambala sa kaniya roon. She dressed up for the dinner. Nag-ayos din siya nang kaunti dahil iyon ang hiling ng Daddy niya. Alam niya kung para saan iyon. Mag-uusap-usap ulit ang mga ito sa hapunan naman at tungkol pa rin iyon sa kasal. Maybe after that ay magkakaroon na ng hugis sa isip niya ang nais mangyari ng mga magulang. Nakatitig siya sa kaniyang engagement ring. Dapat sana ay bumababa na siya, subalit pinili niyang manatili muna sa kwarto. Pinaraanan niya ng dulo ng mga daliri ang singsing na bigay ni Revor. Sa puso niya ay nasasabik siyang