ISANG masaganang tanghalian ang nadatnan ni Astrid pagkatapos makapagpahinga sa kwartong inilaan para sa kaniya. Nasa dining si Tita Barbie na abalang-abala sa pag-aayos ng mesa.
"O, hija, maupo ka na. Pababa na rin sila," utos nito nang makita siya.
Lumapit siya sa gilid ng hapag, pero hindi muna umupo. Nakita niya ang paglabas ng babaeng katiwala na si Aling Belen mula sa kusina. Inabot niya mula rito ang bandehado ng sari-saring seafood dish at ipinuwesto iyon sa mesa.
"Hayan na ba ang anak ni Olivia?" tanong ni Aling Belen na pinagmasdan siya. "Napakagandang bata! Malamang niyan, e, maging mag-balae pa kayo ng matalik mong kaibigan, Barbara."
"Aba, mabuti nga iyon, Manang! Ako ang pinakaunang matutuwa kapag nangyari ang sinabi mo.”
Nakaramdam siya ng pagkailang sa isinagot ni Tita Barbie at sa makahulugang ngiti sa kaniya ng katiwala. Ang mga matatanda talaga! Kakaiba kung mag-isip.
Nahagip ng mga mata niya ang pagpasok sa dining nina Samuel at Ybram. May nakahanda agad na ngiti para sa kaniya ang binata. She smiled at him, too. Isang maiksing tango naman ang iginanti ng ama nito nang kaniyang batiin.
"Nakabalik na ba si Revor?" tanong ni Barbara, sa kanilang dalawa ni Ybram ito nakatingin. Hindi niya alam ang isasagot doon. Kabababa lang naman kasi niya.
"Hindi pa, Tita.” Si Ybram ang sumagot. "Pero kung gusto n’yo ay tatawagan ko na lang." Kinuha nito ang cellphone sa bulsa.
"Don’t bother yourself, son,” ani Tito Samuel sa anak at saka tumingin sa asawa. “H’wag mo na ring masyadong alalahanin ang anak mo, Hon’. Hindi ka pa nasanay. Uuwi din ‘yun kapag naisip niyang may mga taong naghihintay sa kaniya. Kaya ang mabuti pa ay magsimula na tayong kumain.”
Matapos magsikain ay nagkani-kaniya na muli sila. Nagpaalam si Barbara na papasyalan ang ilang mga kamag-anak sa karatig na lugar at kasama nito ang kabiyak. Naiwan sila Ybram na nagsabing maghahanda raw para sa pagligo nila sa dagat. Siya naman ay inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga damit sa closet ng silid na tinutuluyan.
Patapos na siya sa ginagawa nang katukin ni Ybram. Sa kasunod na pinto lang ang kwarto nito at ka-share doon si Revor. Pinatuloy na niya ito habang namimili pa siya ng pares ng swimsuit na gagamitin sa paliligo.
"Hindi ka pa ready?" tawa nito.
"Naghahanda pa lang," aniya habang inilalatag sa kama ang ilang pares ng two-piece swimsuit.
Bumaba roon ang tingin ni Ybram. He smiled at her. "I'm excited to see you in your bikini," komento nito.
Para siyang nadismaya sa reaksiyon nito. Ewan niya. Hindi na lang siya sumagot.
"Gusto mo na bang maligo ngayon?" tanong muli ni Ybram.
Umangat ang mga kilay niya. "Yeah. Why?"
"May inihanda kasi akong mga movies na panonoorin. Wanna join me?"
The classical design of the splendid beach house was built in the high lands of Anilao. Mula sa balkonahe ay natatanaw niya ang asul na asul na dagat kung saan nagmumula ang hanging sumasayaw sa kaniyang mahabang buhok. Ilang sasakyang pantubig ang tila payapang naglalakbay at isang isla ang kaniyang naaaninag na nasa malayo.
Ayon sa Mommy niya, may limang dekada na daw mula nang maitayo ng mga ninuno ni Barbara ang beach house. Bida pa nito, hindi iilang beses lang itong nakarating doon dahil ang beach house na ang naging favorite summer destination ng mag-bestfriend.
"Magpapaakyat ako ng snacks. Ano'ng gusto mo?" tanong ni Ybram mula sa loob ng maluwang na entertainment room.
Lumingon siya upang sumagot at nakita niya itong inaayos ang ilang beige throw pillows sa kulay maroon na sofa.
"Kung ano na lang ang meron. Anyway, I''m still full." Masyado kasing masarap ang mga seafood dishes na inihanda kanina sa lunch nila.
Minsan pa niyang minasdan ang kagandahan ng buong lugar bago siya pumasok. Dinampot ni Ybram ang intercom ng silid at nag-utos na dalhan sila ng makakain.
Inokupa niya ang isang bahagi ng malambot na sofa. Niyakap niya ang nahawakang throw pillow at tumingin sa malaking flat screen na nasa harapan kung saan naka-flash ang hilera ng ng mga title ng foreign films. Tahimik siyang namili ng panonoorin para kung sakaling tatanungin siya ni Ybram ay makapag-suggest agad.
Ilang sandali pa ay nasa tabi na rin niya ang binata. Agad na humimlay ang braso nito sa sandalan ng sofa sa likuran niya. Magkadikit ang mga tagiliran nila at nasasamyo niya ang mamahalin nitong pabango. Her heart bounced in edginess. Nilingon niya si Ybram na ngayon ay itinatapat ang remote control sa TV.
"I really want to see this movie," sabi nito habang sinisimulang i-play ang tinutukoy na pelikula. "Matagal ko nang balak panoorin 'to, pero laging walang time."
Gusto niyang madisappoint. Ang napili kasi ni Ybram ay huli sa listahan niya. The movie was an adaptation from a book. Nabasa na niya ang libro kaya alam na alam niya ang magiging flow ng kwento. And she felt so awkward watching the film with Ybram, because of its delicate or rather suggestive theme. Maraming steamy scenes doon at syempre ay madalas na walang mga suot ang main characters.
"Are you sure we're gonna watch it?"
"Yup. Why?" he asked coolly and so she thought it was petty if she'd say that the idea was a little bit off.
Nagkibit siya ng balikat at inipit sa tiyan ang throw pillow. Ayaw naman niyang pangunahan si Ybram sa gusto nito at isa pa ay inaya lamang naman siya kaya dapat na magparaya na lang at huwag nang kumibo. She just focused her eyes on the screen and tried to give the movie a chance.
"You okay?" pukaw ng binata sa pananahimik niya.
Paglingon niya ay siya ring pagdapo ng kamay nito sa kaniyang balikat. At dahil naka-sleeveles siya ay ramdam niya ang mainit nitong palad na banayad na humaplos doon.
Nasa eksena nang nagkita ang mga bida nang kumatok ang may dala ng snacks nila. Inalis ni Ybram ang kamay nito sa kaniya at mabilis na tumayo para salubungin ang nasa pinto.
"Thank you." Narinig lang niyang sabi ng binata at pagkatapos noon ay sumara na ulit ang pinto.
Inilapag ni Ybram ang tray na puno ng mga makakain sa parihabang center table. Bumalik din ito agad sa dating lugar, gayundin ang kamay nito sa kaniyang balikat.
She remained quiet despite the urge to speak it out with him. 'Yung mga kilos na ganoon ni Ybram ang nakapagpapalito sa kaniya. She believed it was unfair. Ayaw nito ng relasyon pero kung umakto naman ay tila nobya na siya nito.
Itinuon na lang niya ang atensiyon sa pelikulang hindi siya interesado. Subalit patuloy na pinakikiramdamdaman ang katabi at ang kamay nito.
"Hey..." Ybram gently tapped her shoulder and then caressed it again. Bumaba pa iyon sa forearm niya.
Nilingon niya ito saktong inilalapit nito ang mukha. Huli na siya nang nakaiwas. Nakintalan na siya nito nang matunog na halik sa mga labi.
"Y-Ybram!" aniya sabay tulak dito. She was shocked. Lumaki naman lalo ang ngiti ni Ybram.
"Masyado ka kasing seryoso. Naninibago ako," tawa ni Ybram sabay hawak sa baywang niya. "Are you mad?"
Pinanatili niya ang seryosong imahe habang sinasalubong ang tingin nito.
"What are you doing, Ybram? Let me just remind you that we're friends." Pagkasabi noon ay hinawi niya ang mga kamay nito.
Nawala nang dahan-dahan ang ngiting nakapaskil sa mukha ng binata. Nabura ang kislap na kanina lang ay naglalaro sa mga mata nito. Tumikhim ito nang minsan bago sumagot.
"Hindi kaibigan ang tingin ko sa'yo, Astrid, at alam mo 'yan," matamang saad nito. "I want you to be my girl. And you said you like me?"
"Yes. But you’re not ready to be in any relationship."
"I’m just not yet ready to make it official "
"What?" manghang sambit niya.
Hindi ito agad sumagot. Ang akala nga niya ay wala nang planong ipaliwanag pa nito ang sinabi. Pero narinig niya ang malalim na buntung-hininga ni Ybram. Tumingin ito sa kaniya.
"Dad made me promise that I would stay away from this even after my masteral. Hindi ako pwedeng ma-distract ng kahit anong bagay habang inihahanda niya ako para sa kumpaniya niya. At para mapanatag ko ang kalooban niya, kailangan kong tuparin iyon. I thought it was easy. Well, it was easy, but not until you. You see, Astrid, nahahati ako sa pangako ko kay Daddy at sa feelings ko sa’yo."
"So anong gusto mong mangyari?"
Hindi ito sumagot. Pero base sa tingin nito sa kaniya ay malinaw na sa kaniya ang nais nito.
She smirked. Binawi niya ang tingin dito at itinuon iyon sa screen. Doon ay nalasing ang babaeng bida at dinala ito ng hero sa hotel na tinutuluyan. They were nearing the s*x scenes, at iniisip pa lang niya na panonoorin nila iyon ni Ybram ay gusto na niyang mangurong at umalis na. Isipin pang nasa gitna sila ng pagtatalo tungkol sa kung ano sila ngayon.
Nawala sa pinanonood ang isip niya. Would it be fine? Kung papayag siya sa gusto ni Ybram na magiging set-up nila, ibig sabihin ay kailangan niya ring itago iyon sa sariling mga magulang.
"Is this fair?" di-napigilang tanong niya at nilingon muli ang binata. "Do you think this is fair? You are asking me to lie to my own parents, Ybram."
"Alam kong mali, pero ito lang ang pwede nating gawin para mapagbigyan ang nararamdaman natin sa isa't isa. Let's give this a try, please, Astrid? Promise. I'll make it easy for both of us. At kapag nakahanap ako ng tiyempo, sasabihin ko rin kay Dad. I’m sure he’ll understand me. Pinagdaanan din naman niya ito."
“Pero nagbitiw ka na ng salita sa kaniya. Ayokong ako ang maging rason para sirain mo ‘yon.”
“So ano’ng gagawin ko? Paghihintayin kita? Mahihintay mo ba’ko?”
“I’m not in a hurry to be in a relationship, Ybram. Ikaw d’yan ang nagmamadali.”
“Because I’m starting to fall in love with you.”
Her heart bounced. Hindi siya tumugon sa sinabi nito. Hindi na rin niya tinapos ang pinanonood. Nagpaalam na siya kay Ybram na magpapahinga sa kwarto niya bago sila bumaba nito para maligo mamaya. Mabuti at hindi na siya pinigilan ng binata. Naramdaman din marahil nito na nawala na siya sa mood.
She liked Ybram. She really liked him at madali sanang um-oo dito. The idea of being his girlfriend actually thrilled her. Kaya lang ay kulang sa tapang itong si Ybram. Itatago siya sa mga tao. Itatago siya sa mga magulang. Wala naman siyang tutol dahil sumusunod lang ito sa kagustuhan ng ama. Pero kung papayag kasi siya, mapipilitan din siyang maglihim sa mga magulang niya na ayaw niyang gawin.
Ipinahinga na lang niya ang sumunod na mga oras. Pinili niya ang mint green na bikini na papatungan naman niya ng off-white na summer dress. Ayaw niyang masayang ang pagpunta niya roon. Kaya inalis na lang niya sa isip ang mga pinag-usapan nila ni Ybram.
Nagpahid siya ng sun block saka isinuot ang napiling bikini at ang summer dress. Sinasagot niya ang text message ni Olivia nang kumatok ang binata.
"Come in."
"Hi. Mukhang ready ka na! Sasabihin ko pa lang sana sa’yo.” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “You’re so sexy, Astrid!"
Ngumiti lang siya dito. Napansin din niyang nakasuot na ito ng pampaligo.
“Nakaalis na ba si Tita Barbie?” pag-iiba niya ng usapan. Kanina kasi ay sinabi ng ginang na papasyalan nito ang ilang mga kamag-anak sa kalapit-bayan.
“Oo, nakaalis na sila ni Daddy.”
"You should go with your parents next time. Paano ka makikilala ng mga kamag-anak n'yo?" Isinuot niya ang sunglasses at lumabas na ng kwarto.
"Mga kamag-anak ni Tita Barbie ang binibisita nila. Hindi ko sila kaanu-ano. Si Revor dapat ang sumasama sa nanay niya."
Tinunton nila ang back door ng bahay. Paglabas doon ay ang malawak na patio na sa pinakadulo ay ang mahabang hagdang-bato na pababa ng baybayin.
Sa hagdan ay hinipan nang malakas na hanging-dagat ang skirt ng summer dress niya. It exposed her legs and bikini. Hinayaan lang niya iyon dahil para saan pa? Huhubarin din naman niya mamaya ang dress.
"Wow! Nice view!" sambit ni Revor na nasa ibaba ng hagdan.
Naka-Wayfarer ito, sando at shorts at sa likod ay ang lounger chair kung saan may nakahigang sexy na babae, in her skimpy red two-piece bikini.
So nakabalik na pala ito? At ibang klase talaga, ha! Kahit saang sulok ng mundo ay may babae sa gilid.
Nagkunwa siyang hindi narinig si Revor. Tuloy-tuloy siyang bumaba kasunod si Ybram na nahuli niyang masama ang tingin sa stepbrother.
“What?” natatawang tanong ni Revor.
“H’wag kang bastos, pwede?”
“Ano bang bastos sa sinabi ko? Maganda naman talaga ang view!” Nilingon siya ni Revor na ngumingisi.
"Come on, Ybram! Don’t waste your time on him! Naghihintay na sa atin ang dagat!”
Nakinig naman sa kaniya si Ybram. Sabay silang naglakad patungo sa tubig habang hinuhubad nito ang T-shirt.
“Hey, guys!”
Kapwa nila narinig ang tawag ni Revor. Lumingon si Ybram kaya lumingon na rin siya.
“Ipapaalala ko lang sa inyo na sa amin ang beach front na ‘yan. H’wag kayong magkakalat… if you know what I mean?” Pagkasabi’y tumatawang tinalikuran na sila nito at naupo sa tabi ng kasamang babae.
“As*hole!” mura ni Ybram na malabong marinig ni Revor. Hindi niya ini-expect na makakarinig nang ganoong salita mula rito, pero hindi naman niya masisisi si Ybram.
Alam niya ang ibig tukuyin ni Revor sa sinabi nito. Malamang na iyon din ang naiisip ni Ybram. Ayaw na lang niyang patulan. Madumi talaga ang isip ng isang iyon palibhasa ay gawain nito. H’wag daw silang magkalalat. E, ano kayang gagawin nito at ng babaeng kasama? Baka nga ito pa ang dudungis sa napakaganda, napakalinis at inosenteng lugar na kinaroroonan nila.
She looked around. Hinubad niya ang sunglasses. Hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw, pero nakakasilaw pa ring panoorin ang panghapong sinag noon. Masarap pagmasdan ang kumikinang na tubig ng dagat. May mangilan-ngilang bangka siyang natanaw sa malayo. And some guests from other resorts doing water activities.
“Let’s go!” yaya ni Ybram sabay hawak sa siko niya.
Napatawa siya. “Sandali naman!” Hinubad niya ang summer dress at iniwan iyon sa buhanginan. Nahuli niya ang paglalakbay ng titig ni Ybram sa kaniyang katawan. Mukhang natitigilan pa nga ito. Tumaas ang mga kilay niya.
"Ano, tara na!" sambit niya at tinakbo ang nakakaengganyong tubig.
Nakita niyang sumunod si Ybram. At sa malayong dako sa bandang likuran nito ay natanaw niyang nakatayo ulit si Revor at nakatingin sa direksiyon nila. Inirapan lang niya ito at pinanood ang paglapit ni Ybram.
“Can you be my girl, Astrid?” tanong nito, matamang nakatingin sa kaniya.
Gusto sana niyang kiligin, pero alam naman niyang hindi pa talaga handa si Ybram para roon. She wanted a man who would be proud of her. Hindi iyong itatago nito. At para hindi ma-spoil ang magandang panahon at tanawin, nagkunwa siyang walang narinig.
“This is paradise!” tawa niya sabay saboy ng tubig. Ang sunod na pagsaboy ng tubig ay pinatama niya kay Ybram. Umilag-ilag ang binata habang inaabot siya.
Sinabuyan niya ito nang sinabuyan. Tumawa siya ng tumawa at hindi tinantanan si Ybram. Hanggang sa naubo na ang binata nang makalunok yata ng tubig-dagat.
Sa huli ay naghabulan na sila nito. Nagtitili siya nang muntikan nang mahuli ng binata. Pinilit siya nitong dalhin sa mas malalim at doon naman siya nakatakas. Hinabol siya nito sa ilalim ng tubig hanggang sa makarating sila sa kailaliman kung saan ang mga kahanga-hangang corals. Nawala na sa isip nila pareho ang paglalaro.
The view under the water was spectacular. Bihira siyang makasisid nang ganoong kalalim at kalinaw na tubig. Ayaw pa sana niyang umahon kung hindi lang mauubusan na siya ng hangin.
Nakita niyang sumunod si Ybram na umahon na rin. Akmang may sasabihin ito ay sinabuyan niya ito nang malakas at nakalunok na naman ang binata ng tubig.
She laughed happily. Pagkatapos ay mabilis na lumangoy sa mas mababaw at pagdating doon ay tumakbo nang mabilis para makaiwas sa pagganti ni Ybram.
Dala marahil ng pagod sa paglangoy ay nanghina ang mga binti niya kaya naabutan siya ni Ybram at nahuli. Kinalawit nito ang kaniyang baywang at ikinulong siya sa mga braso. Nagpipiglas siya para makawala.
"Noooo!" hiyaw niya nang isama siya ni Ybram sa pagbagsak sa buhangin at nagpagulong-gulong sila roon.
Nang tumigil sila ay natagpuan niya ang sarili sa ilalim ng katawan ni Ybram. Nakangiti ito habang tinititigan siya. Kinabahan siya at medyo naasiwa sa posisyon nila. Lalo na at nararamdaman niya ang katawan ng binata.
“Get off me!” utos niya at nagpilit kumawala sa yakap ni Ybram. Inis siyang bumangon at tumayo. Nagdikitan ang mga buhangin sa katawan at buhok niya.
"Oh! Bawal ang pikon! Ikaw ang nauna!" anito sabay tayo at nilapitan siya.
She turned away from him and went back to the water. Inilubog niya ang katawan at hinayaang tangayin ng tubig ang mga buhangin doon. Tumingala din siyang maigi para mahugasan naman ang buhok.
"Hey! Are you mad?"
Inirapan niya ito. "No." Kahit ang totoo ay na-offend talaga siya.
"Nainis ka, alam ko. Sorry na! Nagkakatuwaan lang naman tayo.”
Hindi siya sumagot. Inilubog niya ulit ang katawan sa tubig.
“I'll get some drinks. Anong gusto mo?" Guilty ito kaya malamang nagpapaka-thoughtful.
She shrugged. "Anything."
"Alright! H’wag ka na lang lumayo. Babalik agad ako." At pagkasabi noon ay dali-dali itong tumakbo pabalik sa beach house.
Lumangoy siya nang lumangoy at makailang beses sumisid. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang ginawa ni Ybram. Masyado itong kampante sa ikinikilos. Paano na lang kapag sinagot niya ito at pumayag siya sa gusto nitong set-up?
Umahon siya maya-maya at napatanaw sa direksiyon ng beach house. Napansin niyang wala nang ibang tao sa paligid. Wala na si Revor at ang babae nito sa dating pwesto.
She wondered where Revor took the girl. Baka sa kakahuyan? O kung saan man na pwede na nitong pagsamantalahan ang bisita.
So she was really alone in there. Nilakad na niya ang tubig nang maghanggang baywang na lang niya iyon. Iniisip niyang sa baybayin na lang hihintayin si Ybram nang may humila sa kaniyang paa dahilan para matumba siya sa tubig at gapangan ng takot.
She desperately swam out of the water. She screamed hard and tried to kick whoever was holding her foot. Nakalunok siya nang kaunting tubig. Nawala ang humahawak sa paa niya at bago pa siya makaahon nang tuluyan ay narinig na niya ang masayang halakhak ng isang nilalang.
"It's me, baby! Natakot ka ba?" anito na tumatawa.
Umakyat ang dugo sa ulo niya kasabay nang matinding sipa ng puso. "Damn you, Revorie Albarracin! Papatayin mo'ko ba’ko?"
Lumapit ito sa kaniya. Hindi naman siya natinag at hinintay ito. One more word and he'd have a taste of her slap again.
He stood few inches away from her. Namasdan niya ang hubad na katawan nito. At bawat paggalaw nito ay nagpapa-emphasized lang lalo sa mga matitigas na kalamnan nito sa balikat, tiyan at braso.
"It's never my intention to kill you. Gusto lang kitang gulatin. Si Ybram nga pinagulong ka sa buhangin kanina, hindi ka naman nagalit? Mukhang nag-enjoy ka pa nga.”
"And so? Masama ba ‘yon?" tugon niya kahit sa loob-loob ay gustong itama ang akala ni Revor. Na-offend nga siya sa ginawa ng stepbrother nito!
"Ano ba kayo ni Ybram at parang ang saya-saya mo?"
"At ano bang pakialam mo kung ano kami?" asik niya at nilingon ang dagat. "Why are you here, anyway? Why don't you go back to your girl! Nasaan ba 'yon at ako itong pinepeste mo?"
"Pinaalis ko na! Wala naman siyang silbi."
"What?"
He smirked. Lumabas ang mahabang dimple nito. "Hindi ba alam ni Ybram na dapat iniingatan ang katawan ng babae?" wika nito na nagpasasal ng t***k ng puso niya.
His eyes roamed around her body. Pero imbes na mainis o mabastusan ay nagkunwa siyang unaffected. Mas magsasaya ito kapag nagpaapekto siya.
Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib. "Really? Coming from a man who is fond of molesting girls. Revor, talaga lang ha? Gano’n mo ba pag-ingatan ang katawan ng mga babae mo? Kakatawa ka!"
Umiling ito at ngumuso. "'Yun ba? Gusto nila ‘yon kaya binibigay ko lang. That's how I take care of their bodies, Astrid. Gano’n dapat. Kaya ngayon pa lang alam mo nang wala kang mapapala kay Ybram. Pagugulungin ka lang no’n sa buhangin, pero ako… pagugulungin kita sa kama."
She was stunned in his provocation. Umugong ang dugo sa ulo niya. Inisang hakbang niya si Revor, sinampal ito at dinuro.
"H’wag kang magsimula, Revor! Ilang beses kong pinalampas ang kabastusan mo sa'kin dahil kay Tita! But don't push your luck!" banta niya.
Hinimas nito ang pisngi. "Nababastusan ka sa sinasabi ko, pero ibinabalandra mo naman ang katawan mo sa harap ng mga lalake. Hindi ba ikaw ang naglalagay n’yan sa isip namin?"
"Ang sabihin mo, bastos ka talaga! At hindi kailangang may mag-provoke sa marumi mo nang utak!"
Hindi ito sumagot. Sinalubong niya ang mga tingin nito. Nakita niya ang galit sa mga mata ng binata. Marahil ay hindi inaasahang makakatikim na naman sa kaniya.
"You're the worst person I've ever met, Revor!" diin niya sa sinabi. "You're the rudest, the roughest and the rottenest! And you know what? Ni hindi yata ako magtataka kung malalaman kong hindi ka talaga anak ni Tita Barbie dahil diyan sa ugali mo!" dagdag pa niya na bago ito tinalikuran at iniwan.