CHAPTER 4

2786 Words
PLANO nina Astrid at Ybram na maglibot sa bayan para mamili ng mga souvenirs sa araw na iyon. Kahapon kasi ay nagtungo na sila nito sa mall where they ate pizza and watched a local movie. Pagkatapos noon ay umuwi na rin agad sila. Nagbalak pa silang maligo sa dagat, pero hindi naman natuloy dahil pagod na silang pareho. Nagkasundo silang maglibot na lang sa bayan, pero nang sabihin ni Tito Samuel during breakfast na isasama nito si Ybram sa meeting sa ahenteng kausap para sa property na balak bilhin ay naisip agad ni Astrid na hindi sila matutuloy. Walang nagawa si Ybram kundi ang sumama sa ama. Umalis sina Tito Samuel at Ybram isang oras matapos nilang mag-almusal nang sabay-sabay. Niyaya siya ni Tita Barbie na magkwentuhan na lang. Doon sila pumuwesto ng ginang sa malilim na patio kung saan natatanaw nila ang malawak at asul na dagat. Nagpalabas ito ng maiinom sa katiwala. Dinungaw naman niya sandali ang cellphone para mabasa ang isa pang text ni Ybram. "Mukhang hindi na makakasunod ang Mommy mo rito," untag nito sa kaniya. Nagtaas siya ng tingin dito. "Kausap ko siya kagabi at ramdam ko ang frustration niya. Anyway, sinabi kong pwede siyang pumunta rito anytime soon, kapag may panahon siya. At ikaw itong mag-extend para dalawa kayong mag-ina ang narito." "I can't prolong my stay here, Tita. Kailangan ko na rin po kasing asikasuhin ang pag-enrol para sa pasukan. Baka po sa susunod na sembreak na lang kung open pa yang inivitation n'yo." "But of course, Hija. Matagal ko na ngang hinihimok iyang Mommy mo na dalhin ka rito, pero ang laging sabi ay marami siyang trabaho. You can always come here and have your vacation. Sabihan n'yo lang ang mga housesitters para makapaghanda." She smiled shyly. "Thank you po. I'll keep that in mind." Napag-usapan din nila ng ginang ang tungkol sa plano ng pamilya nito. She mentioned about Ybram’s plan on taking up his master's degree.  "Pangarap ni Ybram na siya ang magte-take over sa posisyon ng ama sa kumpaniya balang araw at sinusuportahan naman siya ni Samuel.” Kinuha nito ang baso ng juice at uminom. Hindi na lang nagkomento si Astrid bagaman sa isip niya, alam niyang kahit hindi iyon plano o pangarap ni Ybram ay siguradong iyon mismo ang gusto ni Tito Samuel na gawin ng anak nito. Isang tikhim ang dumistorbo sa kanilang pag-uusap. Nag-angat siya ng tingin sa papalapit na si Revor. "Hijo, you're still here!" sambit ni Tita Barbie sa tonong nagtataka. "Wala ka bang lakad ngayon? Do you need anything?" Kumunot ang noo nito. "Nothing. You left your phone in the kitchen. Tumatawag pa yata si Tito Samuel. Iniabot nito sa ina ng cellphone. He glanced at her. Nagbawi naman siya ng tingin. "Oh, may missed call nga ako galing sa Tito n'yo," wika ni Barbara at tumingin sa kaniya. "Hija, I'll just call your Tito Samuel at baka importante ang sasabihin. Dito ka muna, okay lang?" Tumango lang siya at ngumiti. Tumayo naman si Barbara at nilampasan si Revor na tahimik lang at nanatiling nakatayo sa tabi ng garden set. Hindi niya ito pinansin. Sa nagdaang araw ay halos hindi sila magpangita nito kung hindi lang sa almusal at sa hapunan. Naalala niya ang mainit na sagutan nila nito sa may baybayin. Alam niyang medyo sumobra siya sa mga sinabi, pero wala siyang balak bawiin iyon. He infuriated her. At hindi naman siya kikibo kung hindi siya inaano. Bukod pa sa napuno na rin siya. Kinuha niya ang baso ng orange juice at uminom. Mula sa kinauupuan ay narinig niya si Barbara na may sinasabi sa kabilang linya. Maya-maya ay nagpaalam na agad ang ginang. "Astrid..." tawag nito na kaniya. "Pinasusunod ako ng Tito Samuel mo sa kanila. Mapuputol ang ating kwentuhan." She shook her head. "Wala naman pong problema roon, Tita. Mas importante po na makasunod kayo kina Tito." "Thank you, Hija. Pero ang problema ko kasi ay nangako ako kay Manang na sasamahan ko siya ngayon sa bayan. Napakarami ko pa namang inilista na bibilhin namin dahil pupunta nga rito ang mga pamangkin ko. Kung aalis ako at dala ang driver, sino ang sasama sa kaniya? Kasama ng mag-ama ang dalawang bodyguards at ang assistant ko. Wala rin ngayon si Manong Herman." "Ako na lang po ang sasama kay Aling Belen. Wala naman po akong gagawin. At okay lang din po kahit mag-commute na lang kami." "Are you sure, Hija? Ayos lang sa’yo na magpunta sa wet market? At mag-commute?" "Tita, wala pong problema sa akin ‘yon. Hindi naman po ako magpiprisinta kung hindi ko gusto. And I'm sure okay lang din po kay Aling Belen. Malapit lang din naman po ang town market." "Sasamahan ko na rin sila," sabat ni Revor.  Pareho nila itong nilingon ni Barbara. Her heart started to bounce erratically. "Are you sure, Hijo? Hindi ka ba aalis ngayon?" Napatingin siya kay Barbara, humiling sa isip na sana ay pigilan na lang nito ang anak. "Mom, kung may lakad ako, hindi ako mag-o-offer na samahan sila." Halos malaglag ang mga panga niya sa sagot ni Revor. Gusto niyang magprotesta. Kaya lang ay hindi niya alam kung paano sasabihin. Pakiramdam kasi niya ay may kalokohan na namang naiisip ang binata kaya nag-alok ng ganoon. Tumango si Barbara. Pinagmasdan niya ang tila naaaliw pa na reaksiyon ng ginang. "Alright then. Thank you, Hijo! Malaking tulong ka kina Manang at Astrid." Ngumiti pa ito bago bumaling sa kaniya.  "So, Hija, isn't it a better idea? Hindi kayo masyadong mahihirapan sa pagbitbit ng mga pinamili dahil tutulungan kayo ni Revor." Pag-alis ni Barbara ay nagkulong na muna siya sa kwartong tinutuluyan. Iniisip niya pa rin ang tungkol sa pagtungo sa bayan kasama si Revor.  Well, it had no big deal dahil hindi naman sila lang dalawa ang lalakad, pero dahil sa kadadaang engkwentro nila, pakiramdam niya ay hindi iyon magandang ideya. Gustuhin man din niyang bawiin ang pagmamagandang-loob ay mas nakakahiya naman iyon. Mas mabuti pa kung tinutulan niya ang pagboboluntaryo kanina ni Revor kesa ang biglang magbago ng isip. Iyon nga lang, ni isa ay wala siyang inapela kay Barbara. Kaya ilang oras mula ngayon ay bababa siya para tuparin ang pinag-usapan. Isang tricycle ang kinontrata ni Aling Belen para maghatid sa kanila sa palengke ng bayan. She wore a blue pair of ripped jeans, flat shoes and baby yellow T-shirt. Katabi niya sa loob ng trike ang babae na ang daming kinukwento, pero dahil sa ingay ng motor ay nahihirapan siyang pakinggan. Si Revor naman ay nasa back ride pumwesto at halos nasa gilid lang ng mukha niya ito. Though they were separated by the stainless steels of the trike, isang lingon lang niya ay ang malapad na likod na agad ng binata. He wore a dark blue cotton shirt. Nasasamyo rin niya ang pabango nito dahil dinadala iyon ng hangin na humahampas sa kanilang sinasakyan. Ilang minuto lang ay nasa bayan na sila. Marami-rami rin ang mga tao at tingin niya ay mas dumami pa iyon habang palapit sila sa palengke. Paghinto ng tricycle ay agad na bumaba si Aling Belen. Sumunod siya rito at wala sa sariling nilingon ang isa pa nilang kasama. Nakita niyang bumaba na rin si Revor. Nagkatinginan pa sila nito bago ito umikot sa gawi nila.Inutusan ni Aling Belen ang driver na pumarada sa mas malapit. Pagkatapos ay niyaya na sila nito sa hilera ng mga stalls ng palengke. "Mabilis lang tayo. 'Yong iba kasi sa mga bibilhin ay pi-pick-up-in na lang natin. Naitawag ko na sa mga suki ko kanina bago pa tayo lumarga patungo rito," paliwanag ng katiwala na nauuna sa kaniya. Panay ang liko nila sa mga hanay ng tindahan at nararamdaman niya ang pagsunod naman ni Revor. Sa gulayan sila unang huminto. Nang makita ng tindera doon si Aling Belen ay agad ipinalabas sa mga binatilyong katulong ang dalawang maliliit na lalagyan ng mga sari-saring gulay. Nakipagtawaran pa sandali si Aling Belen sa matabang tindera. Nakadiskwento naman ito. "Kaya mo bang bitbitin pareho ang mga kaing, Revor?" tanong ni Aling Belen sa binata. Nilingon niya iyon at nakita na mukhang tinatantiya pa ang bigat ng mga laman ng tinutukoy na mga kaing.  "Kahit sumakay pa si Astrid," sagot nito sabay tingin sa kaniya. Her brows raised. Ang yabang, ha! Anong akala nito sa sarili? Si Superman? "Saan na tayo?" tanong nito sa katiwala. "Sir, sandali lang!" tawag ng mas matangkad sa dalawang boy sabay lumapit sa kanila. Sumulyap iyon sa kaniya bago bumaling kay Revor. "Aayusin ko lang ang tali para matibay ang hawakan." Ganoon nga ang ginawa nito sa dalawang kaing na puno ng mga gulay. Pagkatapos noon ay tumayo na rin agad ang binatilyo. Tumingin ulit iyon sa kaniya at naaninag pa niya ang mahiyaing ngiti nito sa mga labi. "Boy, sigurado ka bang okay na 'to?" matigas na tanong ni Revor na siyang pumutol sa paninitig sa kaniya ng binatilyo. "Kapag napigtas ang tali nito, ikaw ang mananagot!"  "Mahigpit na 'yan, Sir, h'wag kang mag-alala. Matibay din ang mga tali," sagot nito at tumingin na naman sa kaniya. Nakita niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Revor. "Aling Belen, ano na? May bibilhin ka pa ba rito?" iritadong untag nito sa katiwala sabay buhat sa dalawang kaing. Umigting ang mga kalamnan nito sa mga braso at balikat nang gawin iyon. Sa seafoods section sila sunod na huminto. Napansin niyang hindi pa rin nabubura sa mukha ni Revor ang iritasyon kaya't itinuro niya ito kay Aling Belen. "Baka pagod na at hindi lang masabi," tawa niya. Nailing si Aling Belen. "Revor, anak, mas mabuti pa ay dalhin na lang muna natin sa trike ang mga kaing para mawalan ka ng bitbitin. Para hindi ganiyang dala-dala mo habang nakasunod ka sa amin." Binaba ni Revor ang dalawang kaing. "That's a good idea, Aling Belen, pero...si Astrid na lang ang sasama sa akin palabas hanggang tricycle." "Ano?" bulalas niya. "At bakit ako?" Agad na gumana ang utak niya at naisip na may gagawin itong kagaguhan kaya gusto pa siyang kasama. "Bakit naman hindi? Alangang si Aling Belen pa ang sasama sa'kin gayong siya 'yong dapat narito dahil siya ang mas nakakaalam ng bibilhin," sagot nito at muling bumaling sa katiwala. "'Yong iba pang kailangan, bayaran n'yo na agad at ibilin na muna sa mga tindera para pagbalik namin ni Astrid ay hahakutin ko na lang-" "Teka nga, teka nga!" awat niya sa sinasabi nito. "Bakit ba sasamahan pa kita? Kaya mo naman na sigurong dalhin 'yan sa pinaradahan ng trike," angal pa rin niya kahit nakita niyang tumango na si Aling Belen sa suhestiyon ng binata. Pinagtaasan siya nito ng mga kilay. "Samahan mo na Astrid at baka nga mapigtas ang tali ay mabuti iyong may nakaalalay sa likod," suporta ni Aling Belen. Gano'n? Alalay talaga?  She sighed. Hindi na rin siya nakipagtalo pa dahil mas magtatagal lang sila roon. Pag-angat ni Revor sa mga kaing ay nagsimula na siyang maglakad. At imbes na siya ang nakasunod ay tiniyak niyang siya ang nasa unahan ng binata. Gayunman ay nililingon niya pa rin ito upang ma-check kung okay pa. At mukha naman talagang balewala kay Revor ang bigat ng dalawang kaing na puno. "Dito na lang sa likod 'yan, Sir," anang driver ng tricycle sabay tulong kay Revor. "Itatali ko na lang para hindi malaglag sa biyahe." Nakahukipkip na pinanood niya ang paglalagay ni Revor sa dalawang kaing sa likod ng tricycle habang inihahanda naman ng driver ang panali. Ngunit nang lingunin siya nito ay agad siyang nagbawi ng tingin. Siguro nga ay wala pa itong ginagawa na ikakagalit niya nang totoo. Pero hindi siya pwedeng makampante dahil kilala na niya ito na gago. Ilang sandali pa ay tapos na ang mga ito sa ginagawa. Hinawakan niya ang strap ng sling bag at nagtaas ng kilay kay Revor. "Saan natin hahanapin ngayon si Aling Belen?" "Sa seafood section na tayo. Kukunin ko 'yung mga pinamili niya ro'n para madala rito." "Pagkatapos?" wika pa niya sabay angat nang bahagya sa mukha. "Alam mo kung saan ang susunod?" Ngumisi ito. "Natatakot ka bang mawala ka rito sa loob ng palengke? Astrid, h'wag kang mag-alala. Dito sa bayan na ito ako ipinanganak at dito na rin nagkaisip. Kabisado ko rin ang pasikot-sikot sa palengke kaya alam ko kung saan susundan si Aling Belen." Ganoon nga ang nangyari. At habang bitbit naman ni Revor ang iba't ibang lamang-dagat na nasa mga baldeng puno ng piraso ng mga yelo ay nakasunod lang siya rito. Iyon lang pala ang papel niya roon. Taga-sunod. Sa paradahan ay tinulungan ulit ito ng driver na ipwesto ang balde sa tricycle. Halos problemahin na niya kung paano kapag napuno ng mga pinamili ang sasakyan. Dapat yata ay dalawang trike ang inarkila ni Aling Belen? "Sa may isdaan naman tayo," pukaw ni Revor sa pananahimik niya. "Dito na tayo sa kabila lumusot para mas madali." Tumango na lang siya at umuna na sa direksiyong sinabi ng binata. Naabutan pa nila si Aling Belen sa harapan ng isang stall na nalalatagan ng mga malalaking uri ng isda. "O, ayan ang mga kasama ko! Lita, naalala mo si Revor ang anak ni Barbara?" anito sa mestisahing tindera ng mga isda. "Ay, ayan na ga si Revorie? Ala eh, kay gwapong bata!" sambit ng babae. Nakangiti ito sa kasama niya bago tumingin naman sa kaniya at nagkunot ng noo. "Sino naman ireng dalagang kasama? Anak rin ga ni Barbara?" Tumawa si Aling Belen. "Naku, hindi! Anak 'yan ng bestfriend ni Barbara. Kilala mo iyon, si Olivia. Madalas din iyon sa beach house." "Ay, oo kilala ko! Aba't kita mo nga naman! Wari'y magiging magbalae pa ang dalawa, hane? Bagay na magnobyo ang dalawang ire!" anito na lumawak pa ang ngiti ngayon. Lumakas din ang tawa doon ni Aling Belen. "Excuse lang po, Ate!" singit niya sa dalawang nag-uusap. "Nagkakamali po kasi kayo ng akala. Hindi ko po boyfriend si Revor. Gusto ko lang pong itama at baka makarating pa sa iba, e, hindi naman totoo," paliwanag niya na pinipigilan ang inis para sa sinabi ng tindera at sa reaksiyon ng katiwala. Tumawa ang tindera "Ay, naku! Pasensiya na at ang akala ko'y magkasintahan kayo..." "At least, alam n'yo na po ngayon, ano po?" nakangiting wika niya kahit sa loob-loob ay medyo naiirita. "Aling Belen, nasaan na ang mga pinamiling isda?" tanong niya para tuluyan nang maputol ang usapan ng dalawa. "Heto na sa'kin," sagot naman ni Revor kaya nilingon niya ito. "Aling Belen, isama n'yo na si Astrid sa meat section at ilalabas ko na muna ito. Susundan ko na lang kayo ro'n." Natahimik siya. Hindi lang dahil sa sinabi nito kundi pati na sa tila pagbabago ng mood. "Sigurado ka, Revor? Ikaw na lang diyan?" Tumango ito, pagkuwa'y tumingin sa kaniya at iniangat na ang malaking balde ng mga isda. "O, siya! Astrid, dito na tayo!" anito sabay hila sa kaniya, pero binalikan pa ang tindera. "Oy, Lita, mauna na pala kami at nang makabalik na ulit ang mga bata. Mukhang mga pagod na." Tahimik rin si Revor pagdating nito sa meat section. Habang hindi naman niya maintindihan ang sarili kung bakit tila hindi siya mapalagay sa malamig na anyo ng binata. Sa bubong ng tricycle pinagtulungang ilagay ng driver at ni Revor ang mga balde ng pinamili. Tiniyak na hindi iyon maguguho at walang makakatalon na isda o pusit man kapag umandar na sila. Ang nakakahong mga karne ay ipinasok na lang sa loob. Itinuro siya roon ni Aling Belen para sumakay at sa likod na lamang daw ito ng driver mauupo. "Ako na lang po sa likod," tanggi niya at iniisip na matanda ito kaya mas mabuting ito ang nakapwesto sa loob. Okay lang din kung makatabi niya si Revor. Mukha namang walang dahilan para iwasan niya ito at kanina pa nga tahimik. Nasunod naman ang nais niya at siya ang naupo sa likod ng driver. Nilingon niya si Revor na nakatayo pa rin at nagsasalubong na naman ang mga kilay. "Ako diyan. Dito ka sa dulo." Nagkunwari siyang nainis kahit ang totoo ay natuwa na nagsalita na ulit ang binata. "Ayoko nga! Matigas ang upuan diyan. Dito na'ko." "Dito ka na sabi sa dulo at mas safe ka rito," anito sabay hawak sa baywang niya marahil upang ilipat siya sa upuang itinuturo nito. "Oo na, oo na! Tumigil ka na!" napipikong sabi niya sabay palis sa kamay nito at umusod. Inirapan pa niya ang binata na inayos naman ang bag niya at inilagay sa kaniyang kandungan. Umupo ito sa likod ng driver. At dahil malaking tao ay halos masiksik siya sa stainless na nakaharang sa gilid. Lalo siyang nairita. Hindi niya alam kung alin ang mas matigas, ang bakal na harang o ang tagiliran ni Revor. But of course, she could distinguish which one was sending her warmth. At halos panayuan siya ng balahibo sa nararamdaman. Nagsimulang umandar ang tricycle. Napansin niyang panay ang lingon ni Revor na para bang tinitiyak na naroon pa siya at hindi pa tumatalsik sa kalsada. "Sorry nga pala..."  Natigilan siya. Malakas ang ugong ng motor kaya medyo duda siya sa narinig. "A-ano 'yun sinabi mo?" kunot-noong tanong niya kay Revor dahil gustong makatiyak kung ito ba ang nagsalita. Halos pigilan niya ang malakas na pagkabog ng dibdib. Ayaw niyang may makarinig noon bagaman imposible. Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang ni Revor at ang pagsimangot nito. "Nasabi ko na kaya hindi ko na uulitin. Kung ayaw mong tanggapin, bahala ka!" naiinis na sabi nito at hindi na ulit siya nilingon hanggang sa makabalik na sila sa beach house.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD