CHAPTER 2

2803 Words
"ONE week lang kayo roon, Anak. Pero talo mo pa ang mag-a-abroad sa dami ng dala mo?" puna ng Mommy ni Astrid sa mga bagahe niya nang mailagay na niya iyon sa trunk ng kanilang kotse. "It’s fine, Mommy. Mas mabuti na ‘yung handa para hindi ako magkaproblema pagdating doon."  Masyado siyang excited para sa lakad niyang iyon. Two weeks na lang at matatapos na ang bakasyon, pero hindi pa niya iyon nasusulit at na-e-enjoy nang husto. Kaya naman pasalamat talaga siya dahil noong nag-dinner sa mansion ng mga Escarrer ay nag-suggest si Barbara na magbakasyon sila sa beach house ng pamilya nito sa Batangas nang isang linggo. Umiling na lang ang ina sa sagot niya at sumakay na sila sa kotse. Ihahatid lang siya nito sa bahay ng mga Escarrer. Hindi makakasama ang Mommy niya sa pagpuntang beach house. Puro meetings daw kasi ito sa mga kliyente sa buong linggong iyon kaya siya na lang ang ipinasasama. Itinaas niya ang cellphone para sa kapapasok lang na message. She just knew it's from Ybram. Naghahanda pa lang siya kanina sa biyahe ay nagtetext na sila nito. Now, he was asking if she was on her way. Mabilis siyang nagreply. "Have you told your father that you're going out-of-town? Baka hahanapin ka na naman noon sa akin at sasabihing hindi ka nagpaalam sa kaniya." "Mabuti nga para madalas kayong nagkakausap ni Dad," aniya na ngumiti sa inang nagtataas naman ng kilay sa kaniya. Halos anim na taon na rin mula nang magdesisyon ang mga magulang ni Astrid na maghiwalay bilang mag-asawa. Ang maganda roon, wala ni isa man ang ang-file ng annulment. Sa tantiya niya, isa lang sa mga ito ang magbaba ng pride ay siguradong magkakabalikan din ang dalawa. Tumawa siya. "Opo. I texted Dad last night. Nagkausap din kami after." "Ano’ng sinabi sa’yo?" "The usual! At ang daming bilin..." nangingiting sabi na lang niya. Halos thirty minutes lang at narating na nila ang village kung saan nakatayo ang bahay ng mga Escarrer. Maya-maya ay inihihinto na ng Mommy niya ang kotse malapit sa gate ng mga ito. Nagtanggal siya ng seatbelt. "O, Hija, ikaw na ang bahala sa sarili mo. Ibibilin na lang kita sa Tita Barbie mo. H’wag mong bibigyan ng problema ang mag-asawa." "Mommy? Ganun na ba ang tingin mo sa akin bilang anak?" Marahang tumawa ang ina niya. "Of course not! Sinasabi ko lang ito dahil ayaw kong may masasabi sa'yo ang ibang tao. Isa pa, lagi kayong magkasama ni Ybram. Sa tingin ko naman ay mabait na bata si Ybram, pero lalake pa rin iyon, if you know what I mean." Pagbaba nila ng kotse ay saktong nagbukas naman ang malalaking gate ng mansion. Natanaw niya si Ybram sa malayong garahe kasama ang mga magulang nito. Ipinapasok ng mga kasambahay sa likod ng isang SUV ang mga bagahe.  Lumingon si Ybram sa gawi nila at nang makita siya ay agad na kumaway. Pinagtulungan nilang mag-ina na ibaba ang mga bagahe niya. "Good morning, Tita!" bati ni Ybram na sumalubong sa kanila. Binati rin ito ng Mommy niya bago dumirecho sa mag-asawa. Nagkatinginan sila ni Ybram. "Excited?" Ngiti lang ang isinagot niya roon kahit ang totoo’y kating-kati na siyang makaalis sila. Dalawang sasakyan ang inihanda para sa pagpunta nila sa Batangas. Sa SUV ay sina Samuel at Barbara kasama ang isang driver, isang bodyguard at isang personal aid. Sa van naman sila ni Ybram kasama ang isang driver at isa ring bodyguard. “Uh, Ybram…” tawag ni Tita Barbie sa stepson. Pareho silang lumingon dito ni Ybram. “Revor will join you.” Nadismaya siya sa narinig. Akala ba niya ay hindi sasama ang isang iyon sa pagpuntang beach house? Iyon kasi ang narinig niyang sinabi nito noong naghapunan sila nang sama-sama. At sa kanila pa daw sasabay? Hindi niya alam, pero parang gusto niyang kabahan. “We’ll go ahead, Olive,” anunsiyo ni Tita Barbie maya-maya. “Hindi ka ba talaga sasama? Pwede ka naman naming hintayin habang nag-eempake ka.” “Gustuhin ko man ay hindi talaga pwede, Barbie. But I’ll fix my schedule so I can join you next time.” Nagsimula na siyang magpaalam sa ina. Inihatid pa niya ito ng tanaw hanggang sa makasakay ng kotse at nang makaalis iyon ay saka pa siya nagpagiya kay Ybram patungo sa van. Naagaw nga lang ang atensiyon niya dahil paglabas ni Revor ay tila humalo agad sa hangin ang iristasyong nakita niya sa imahe nito. Magkasalubong ang mga kilay nito at magulo ang kulay kapeng buhok. Nakalilis ang hem ng suot na V-neck shirt nito at may nakasabit na Wayfarer sa leeg. Ang overnight bag na bitbit nito ay hindi pa masyadong naisara at nakalawit pa nga ang ilang mga damit. She wondered if he was able to take a bath. Pero kung hindi man, hindi na iyon halata. Narinig niya ang ilang reklamo nito sa ina. Mukhang hindi talaga nito balak sumama. “Hijo, ngayon ka na lang ulit makikita ng mga kamag-anak natin sa Batangas. At nasabi ko naman sa’yo na magbabakasyon din doon ang mga anak ng Tita Bernice mo,” pangungumbinsi ni Tita Barbie sa anak. “Let’s go?” untag sa kaniya ni Ybram at saka siya nakilos sa kinatatayuan. Hinila niya ang fuschia pink na maleta at nagpatulong kay Ybram na ilagay iyon sa likod ng van katabi ng bagahe nito. Gusto niyang mamula sa hiya. Doon niya napag-isip ang sinabi ng ina tungkol sa bagahe niya. Isang malaking overnight bag lang kasi ang dala ng kasama niya samantalang sa kaniya ay isang maleta bukod pa sa isang may kalakihan ding bag at isa pang shoulder bag na kung anu-anong abubot ang laman. Sumakay na rin sa SUV ang mga magulang ni Ybram at nauna na ang mga itong umandar. Tinabihan siya ni Ybram sa upuan. Iniunat pa nito ang braso sa kaniyang sandalan. “This will be a long drive. Pero siguradong hindi ako maiinip kahit sandali.” She smiled. “Marami pala akong dalang snacks, saka naghanda din ako ng playlist.” Kukunin niya ang laman ng bag nang magulantang sila kapwa ni Ybram. Basta na lang kasi ibinato ni Revor ang overnight bag nito sa backseat. Nilingon niya ito na nagtataas ng mga kilay habang papasok ng van. Pabagsak pa itong naupo sa likuran kaya nagkatinginan na sila ni Ybram. Sumarado ang pinto ng sasakyan at sumakay na sa front seat ang bodyguard na kasama nila. Isa pa ulit pagdadabog ang umagaw ng atensiyon niya. Hinubad pala ni Revor ang sapatos na suot at inihagis lang basta sa bandang likuran ng van. "Revor, mag-ingat-ingat ka naman sa kilos mo. May kasama tayo, nakakahiya," ani Ybram at inalis ang braso sa sandalan niya para malingon bahagya ang nasa back seat. "The hell I care! Kung tinulungan mo 'ko sa pagkumbinsi kay Mommy na ipaiwan ako, hindi mo'ko poproblemahin ngayon!" "So kasalanan ko pala na kahit sa harap ng iba naipapakita mo ang ugali mong ‘yan?" "I'm just being true to myself! Hindi ako kagaya mo na bait-baitan!" "What do you mean by that?" "Ybram, please, hayaan mo na siya," awat niya at hinawakan sa braso ang katabi. Malakas ang aircon ng sasakyan, pero biglang uminit sa paligid niya. Nagpaawat naman ang katabi. Ybram turned to her and gave her an apologetic look. Nakakaunawang tango ang itinugon niya rito. Hindi na nga sinundan ni Ybram ang banat ni Revor. Nagpasalamat din siya at tumahimik na rin ang huli at isang marahas na pagbuga ng hangin na lang ang iniwan bago isinuot ang Wayfarer at humalukipkip sa kinauupuan. "You okay? Do you want to eat?" tanong ni Ybram maya-maya sa kaniya. "I'm fine. Busog pa ako. Nag-breakfast kami ni Mommy bago pumunta sa inyo. Uhm... I'll just have to message my Dad para masabi kong paalis na tayo." "Sure." Nakaramdam siya ng inip sa biyahe matapos ang mahigit isang oras na kapapakinig ng music at kapapanood ng videos. Ni hindi niya ma-appreciate na nasa tabi niya lang si Ybram at maya't maya siya tinatanong kung gusto ba niyang kumain o matulog habang biyahe. She just felt like her actions were being restricted. "Kuya Jun, mag-stop over muna tayo sa susunod na gas station," hiling ni Ybram sa driver na tahimik niyang ipinagpasalamat. At least, makakaunat-unat siya at makakasagap ng hangin pagbaba ng sasakyan. Pagtigil sa gasolinahan ay bumaba agad ang bodyguard para pagbuksan sila ng pinto. Ipinasok niya sa sling bag ang mga gadgets. "Revor, hindi ka bababa?" Narinig niyang tanong ni Ybram. Napatingin din siya at nakita si Revor na inis na tinanggal ang salamin at inihilamos ang palad sa mukha. "Istorbo naman, o! Natutulog ako, gusto mo 'kong bumaba?" panininghal nito. Nagkatinginan sila ni Ybram. Tumango ito sa kaniya at umuna na sa pagbaba. Sumunod naman siya dito at sinilip pa sandali si Revor sa backseat. Pero bahagya siyang nagulat nang matagpuan ang mga mata nitong nakatuon sa kaniya. Umismid ito pagkuwa'y muling pumikit at ibinaling na ang mukha sa ibang direksiyon. Nagpaalam siya kay Ybram na pupunta sa CR. Ito naman ay may mga bibilhin daw sa convenience store. He asked her if she needed anything, pero wala naman siyang naisip kaya umiling na lang. Sumunod sa binata ang bodyguard na tumayo malapit sa pinto ng store. Dumiretso naman siya ng rest room na tahimik at tila walang ibang tao. Ilang oras pa ba bago nila marating ang beach house nina Tita Barbie? Hindi siya mainipin sa biyahe, pero kung ganoong may kasama silang iritableng asungot ay parang gusto na niyang liparin ang natitirang distansiya. Nakaka-bad vibes lang kapag may masungit sa paligid na animo pinatutuntong sila sa numero. Paglabas niya ng cubicle ay tumayo muna siya sa harapan ng sink. Naghugas siya ng kamay. Pinatutuyo niya ang mga iyon nang mapatingin sa salamin at makita ang lalaking kalalabas lang din mula naman sa kabilang cubicle. Agad nagsalubong ang mga kilay niya. “What are you doing here? Hindi mo ba nakita ang signage sa pinto? Pambabae itong CR!” pagdiriin niya. “Bakit ba? E, sa dito ko gusto?” balewalang sagot ni Revor na tumayo sa harap ng salamin at sinuklay-suklay ng mga daliri ang magulong buhok. Nagkatinginan sila. He smiled at her. “What?” Pinabilog niya ang mga mata. Pakiwari niya ay ngiti ng may binabalak na masama ang ngiting iyon ng binata. “Bakit kaya lagi tayong pinagtatagpo sa comfort room?” Natilihan siya sandali. Paguwa’y ngumisi nang maluwang rito. “Napansin ko nga rin. Noong una kasi ‘di ba, inabangan mo talaga akong lumabas para akusahan na sinisilipan kita. Ngayon naman kaya anong kailangan mo? As far as I remember, nauna ako sa’yo rito. At nagsusungit ka pa kanina na ayaw bumaba ng sasakyan,” nang-uuyam ang tono niya. “Oo nga, e. Pero naisip ko bigla na sundan ka. Baka kasi may binabalak kayong magtagpo rito ni Ybram at gumawa ng kababalaghan, paaalalahan lang kita na malayo-layo pa tayo at mainipin ako sa biyahe. Konting pigil lang muna. Pagdating naman sa beach house, marami na kayong pagkakataon para d’yan.” Nag-init ang punong tainga at agad naningkit ang mga mata. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita naiintindihan!” Niyuko siya ng binata at pinagtaasan ng mga kilay. He smirked. Lalo siyang nainis. "Alam mo, Revor, ang laki ng problema mo! Kung hindi mo gustong kasama kami, 'di sana nagpaiwan ka na lang sa Maynila. Ano bang akala mo? Na nag-eenjoy kaming kasama ka?" "Wala naman akong sinabing hindi kita gustong kasama, a? O baka ikaw ang ayaw na kasama ako dahil hindi n'yo magawa ni Ybram ang gusto n'yo, tama ba?" Napamaang siya. "Ganiyan ka ba talaga mag-isip, Revor? Palibhasa kasi gawain mo kaya iniisip mong ginagawa din ng ibang tao.” Ngumisi lalo ito na lalo naman niyang ikinairita. “H’wag mo nga kaming itulad sa’yo! H’wag mong itulad sa’yo si Ybram dahil malayong-malayo kayo sa isa’t isa!" “Really? You think so?” naghahamon ang tono nito na pinagkrus ang maskuladong braso.  “Oh, yes, I think so-!” Dadagdagan pa sana niya ang sasabihin, subalit naagaw ang atensiyon niya ng pantalong suot nito. Nakabukas kasi ang zipper fly noon at tanaw na tanaw niya ang nakabukol na bagay sa loob ng kulay grey na brief nito. She gasped and her jaws fell. Tumawa naman ito at niyuko ang ibabang katawan saka muling nag-angat ng tingin sa kaniya. "Now, this is exciting!" wika nito at ngumisi nang nakakakilabot. Lumalim ang dimple nito sa pisngi at kumislap ang mga mata. "Mukhang malayong-malayo talaga kami ng boyfriend mo sa isa’t isa?" Nag-init ang buong mukha niya. "Bastos ka talaga!" she snapped and prepared to attack him, pero nagdalawang-isip siya sa huli. "Aaargh! Revorie! Pagdating sa beach house, isusumbong talaga kita kay Tita!" Ngumuso si Revor na halatang natutuwa habang pinanonood ang reaksiyon niya. Balewala din nitong hinila pataas ang zipper ng pantalon at saka ibinutones. "Do it..." mahinahon subalit naghahamon ang tono nito at ngumisi pa ulit sa kaniya. "Isumbong mo ako sa kanila para magkagulo kami at ma-spoil ang bakasyon na ito at nang makabalik na ako agad ng Maynila. And when it happens, siguradong mahahalikan pa kita sa tuwa." She pursed her lips in irritation and disbelief. Revor was one hell of a senseless man! Walang pakundangan sa mga sinasabi at hayagan kung mambastos.  Ganito ba talaga nito itrato ang mga babae? Malamang, ano! Kahit nga iyong ka-s*x nito noon sa CR ng mansion ay ipinagtabuyan lang basta matapos pakinabangan. Asshole. Ayaw pala sa out-of-town na iyon, e bakit sumama-sama pa? Wala naman sa hitsura nito ang napipilit kapag hindi gusto. Kainis! Sisirain talaga nito ang bakasyon niya! Hindi na siya nagsalita kahit pa nagngingitngit ang kaniyang kalooban. Iniwan na niya ito at nagmamadaling sumakay ng van. Natanaw niya ang paglabas ni Ybram sa store. Luminga pa ito sa paligid at nang natanaw siya sa loob ng sasakyan ay dumiretso na rin doon. “Bakit? May problema?" tanong agad ni Ybram nang tabihan siya. Umiling lang siya at tipid na ngumiti. Inilapag nito ang malaking paper bag ng mga pinamili sa bakanteng upuan sa kanan. Ilang sandali pa ay natanaw naman niya ang pagdating ng bwisit na lalaki. Her heart drummed against her chest. Nakangiti nang ubod-tamis si Revor na animo may naliligayahan sa sarili. Sinulyapan siya nito. Kinagat-kagat pa nito ang pang-ibabang labi habang sumasakay sa van diretso sa backseat. Umirap na lang siya at huminga nang malalim. Ayaw na nga niyang magpaapekto dahil mauutas lang siya sa kabwisitan dito. Sumakay na rin ang bodyguard pagkatapos nitong maisara ang kanilang pinto. Lumarga na ulit sila.  Inabutan siya ni Ybram ng softdrinks sa lata. Kumuha rin siya ng makakain mula sa paper bag nito. Ipapahawak niya sana kay Ybram ang lata ng softdrinks para mabuksan ang potato chips, pero hinablot iyon sa kamay niya. “Revor, ano ka ba? Hindi sa’yo ‘yan!” tumaas na ang boses ni Ybram. Nagulat din siya pero mas nagulat yata siya sa reaksiyon ng katabi. Lumagok muna si Revor bago sumagot. “Ganu’n ba? Akala ko kasi ibinibigay sa’kin ni Astrid.” “Nakita mong ibinigay ko ‘yan sa kaniya, bakit niya ibibigay sa’yo?” “Bakit kasi hindi mo man lang ako binigyan? Parang kayo lang ang tao rito ah!” Umawat na siya. “Ybram, it’s okay. Mas gusto kong uminom ng tubig. Heto ang chips, o! Kumain na lang tayo.” At bago pa may marinig mula sa likod ay kumuha siya ng isa pang chips at inihagis iyon kay Revor. “Baka gusto mo rin,” matabang na sabi niya. Ngumisi ang binata. “Wow! Ang sweet talaga!” sambit nito at kinindatan siya na lihim niyang ipinagngitngit. Nanghuhudyo talaga! Tahimik na ulit sila sa sasakyan. Inubos niya ang laman ng bottled water at muling binuksan ang iPad para ipagpatuloy na lang ang panonood. Nakita niya sa gilid ng mga mata si Revor na natapos nang kumain. Maya-maya ay humiga na ito at iniunat ang mga paa sa bintana ng sasakyan. Palihim siyang umismid. Sana ay matulog na lang ito at mamaya na magising kapag nasa beach house na sila. Naiwala niya ang nadaramang inis nang magsimula na siyang makakita ng dagat. Sa gilid ng mga bangin ay makakapal at berdeng mga puno bago ang tila walang katapusang buhangin. Nanumbalik ang excitement niya sa mga tanawin. Hindi pa man ay busog na ang mga mata niya sa kumikinang na tubig at naggagandahang beach houses. Batangas is famous for its magnificent waters and awesome coasts. Ilang resorts na noon ang napuntahan niya sa mga nasamahang out-of-town, pero alam niyang napakarami pang paraiso ang naroroon na hindi pa niya nadidiskubre. Nasa bayan na sila nang tumunog ang cellphone ni Ybram. Nilingon niya ito sandali na sinagot ang tawag. Marami nang establishments sa dinadaanan nila at mga locals na pagala-gala. May iilang turista rin na abala sa katitingin sa hilera ng mga souvenir shops. "Dad..." anito. "Yeah, I think so...." Nilingon nito ang kanilang dinaraanan. "Yes, Dad... Okay." Ibinaba nito ang cellphone. "Nar’on na sila. Malapit na rin siguro tayo," ani Ybram at tumingin sa kaniya. Bumaba pa ang mga mata nito sa mga labi niya at nagtagal ang titig nito roon.  Nakita niya sa peripheral vision ang pagbangon ng nilalang mula sa backseat. Sinuklay nito ng mga daliri ang buhok saka malakas na nagbuga ng hangin. “Mang Jun, ihinto mo muna, bababa na ako rito.” Pareho silang napalingon ni Ybram kay Revor. “Bakit bababa ka na? Saan ka pupunta?” “Mamamasyal lang. Mang Jun, ikaw na rin ang bahala sa bagahe ko,” bilin pa nito sa driver. Tumingin pa ito sa kaniya.   Iniiwas niya ang mga mata at nagkibit lang ng mga balikat. Wala naman siyang pakialam kung saan ito magpunta. Mas mabuti nga nang ma-enjoy pa niya kahit ang natitirang minuto ng biyahe nila. Nakita niyang tumango ang driver habang dahan-dahang inihihinto ang van sa gilid ng kalsada. Bumaba ang bodyguard para pagbuksan ng pinto si Revor. “Paano ka uuwi ng beach house? Hahanapin ka sa akin ni Tita.” Ngumisi si Revor. “Dito ako lumaki. Alam ko kung paano uuwi. Sabihin mo na lang kay Mommy,” sagot nito bago bumaba ng sasakyan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD