CHAPTER 6

2877 Words
THE game went on at sa sumunod na rounds ay medyo mas lamang na ang naging pag-inom niya. Lahat ay nakapag-refill na rin ng kani-kaniyang baso. Ang mga babae ay mukhang may tama na rin at minsan ay hindi mapigilang mag-ingay. "Never have I ever had s*x." Nakangisi pa si Revor pagkasabi noon. Pagkuwa'y agad na ini-straight ang laman ng baso nito na para bang ipinagmamalaki pa ang marami na nitong karanasan sa bagay na iyon. She swallowed and watched everyone around her drank up their wine. Nagha-high five at nagtatawanan pa ang mga lalake at ang mga babae naman ay tumitili na para bang hiyang-hiya sa ginawang pag-amin. Nararamdaman niya ang titig ni Revor na nasa kaniyang tapat. She lifted her eyes up to him and found his penetrating stares. Tila siya napapaso sa titig nito. Nadagdagan pa iyon ng anino ng liwanag mula sa bonfire na naglalaro sa gwapo nitong mukha. She frowned at him. Pakiwari ba niya ay tinatantiya pa nito ang katotohanan sa kaniya at nag-aabang na magtataas din siya ng baso sa bibig. Ano? Duda talaga ito sa kaniya? He really thought she's one of those girls. Sumimangot siya rito. Ngumisi si Revor at nagtaas pa ng mga kilay. Naputol na lang ang titigan nila nang isang babae ang pumalatak at tumingin doon sa kaniyang katabi. "You're a virgin, Ybram!" di-makapaniwalang sambit nito. "Oh, come on!" The boys laughed. Nagsimulang manghudyo si Toby at ilan pang kaibigan nito. Nilingon niya ang bahagyang namumula nang si Ybram. "What's wrong with being a virgin? Is there a problem if I plan to do it with the right woman?" Napipikon ang tono nito. "Woah! The boy is getting mad!" tukso rito ni Toby na tatawa-tawa pa rin kaya ito ang binalingan ni Ybram. "I'm not mad. I’m just pointing out my reason. I’m not an asshole. Hindi ako kagaya n'yo na walang seryosong relasyon at palipat-lipat ng s*x partner!" Dinuro pa ni Ybram ang grupo. "So you're saying I'm an asshole?" may pagbabanta sa tinig ni Toby. "Ikaw ang nagsabi niyan!" tatawa-tawang sagot ni Ybram. Tumayo si Toby. Tumayo rin agad si Revor na handang umawat dito. Napatayo rin ang ilang lalake. Gumitna agad si Isaac bago pa man magkainitan nang husto ang dalawa. "That's why this game has rules. Para maiwasan na ang magkapikunan. Sinabi na kasing wala nang magkokomento, matitigas ang ulo n'yo!" sermon ni Isaac na halatang naiinis na rin. Iginala nito ang tingin sa mga kasama. She looked at her side. Hindi nagbabago ang reaksiyon ni Ybram. Halatang iritado pa rin ito at mukhang nakahanda pa sa pagsugod ni Toby. "Know what, guys, tapusin na natin ito!" ani Isaac na itinapon ang hawak na baso sa buhangin. "Nakakahiya kay Tita! Narito tayo para mag-enjoy, pero ganiyan naman!" "Kasalanan ng stepson niya! Pikon kasi!" "Tama na sabi!" saway ni Isaac sa kapatid. Ngumisi lang si Toby. Tumayo si Ybram at agad naman siyang kumilos para mahawakan ito. Kinakabahan siyang tumingin kay Revor, pasimpleng tinanguan iyon para senyasan na ilayo na si Toby. She just hoped he got her message. Madami na kasing nainom si Toby kaya yata hindi na makontrol ang sarili. Mukha namang nakuha ni Revor ang ibig sabihin ng tingin niya dahil hinatak na nito ang pinsan palayo, papunta sa tubig. "Hay, naku! Virgins suck!" anang babae na sa opinion niya ay siyang nagpasimula ng lahat. Hinubad ang makitid na dress at tumingin sa mga kasama. "Maligo na lang tayo! Boring na, e!" Nagsimula iyong tumakbo pababa sa tubig. Sumunod na rin doon ang dalawa pang babae na nag-alis lang ng balabal sa katawan at ang mga lalake naman ay lumapit muna kay Ybram para pakalmahin. "Dude, huwag mo nang patulan! Sira-ulo talaga 'yang si Toby!" Nang umalis ang mga lalake ay sila na lamang tatlo nina Isaac ang naiwan sa tabi ng bonfire. Narinig niya ang buntung-hininga ng binata bago iyon bumaling sa kanila. "Pasensiya ka na, 'tol sa kapatid ko. Uncontrollable 'yon kapag lasing." Tumango si Ybram. Nagkatinginan naman sila nito. "Mag-inuman na lang tayo sa may patio," nakangiting anyaya pa ni Isaac bago tumingin sa kaniya. "Astrid, you can join us. Alangang mag-isa ka lang dito. Hindi ka naman mag-eenjoy na kasama ang mga 'yan.” Sandali siyang nag-isip. Humalukipkip siya at wala sa sariling bumaling sa may dagat. At sa distansiya mula roon ay naaninag niya ang nakatayong si Revor at nakatingin sa direksiyon nila. Nakapameywang ito at hinahampas ng maliliit na alon ang mga binti. Inaaligiran ito ng mga babae na masasayang nagbabasaan habang ang iba pang mga kasama ay nasa di-kalayuan. "Sumama ka na. Kami na lang ni Isaac ang iinom," ani Ybram kaya nilingon niya ito. She sighed. "Okay, sige. Sama na'ko sa inyo." Mataas na ang araw nang isa-isang magsilabasan mula sa guest rooms ang mga bisita sa beach house kinabukasan. Siya naman, bagaman maghahatinggabi na nang iwan sina Ybram at Isaac para matulog ay maaga pa ring nagising. Naligo siya at nagbihis at tumulong sa mga ginagawa nina Aling Belen sa kusina. Naroon na rin si Barbara nang bumaba siya kanina at sila lang dalawa ang nagsalo sa almusal. Nausisa pa siya ng ginang tungkol sa mga ginawa nila kagabi at sinabi naman niyang naglaro lang sila sa may bonfire. Wala si Samuel sa araw na iyon. Ayon sa ginang ay maagang nagpahatid ang kabiyak sa driver patungong Maynila para sa ilang mga bagay na dapat asikasuhin. Babalik rin daw ito sa hapon. Mula sa kinatatayuan niya sa kitchen ay tanaw ang dining table at nakita niyang unti-unti iyong nalalamnan ng mga nagsisiupong mga kaibigan nina Isaac. Nakapwesto na rin sa mesa ang huli na siyang kasama ni Ybram kagabing uminom. Hindi niya alam kung anong oras naghiwalay ang dalawa, pero kung naroon na si Isaac ay malamang na gising na rin si Ybram. Uminom siya sa hawak na baso ng juice. So Samuel wasn't around. At ngayong wala sa paligid ang ama ng binata, gusto naman niyang makita kung paano ito kikilos sa kaniyang tabi. It's not like she was trying him. She just wanted to see the 'difference' if ever there was. But she didn't spot him on the table. At si Toby na nakangiti habang pumapasok sa kusina ang humarang bigla sa paningin niya. Napansin niya ang magulo at may kakapalang buhok nito. Nakasuot lang ng sando at shorts, lumapit ito sa tiyahin na abala sa paggawa ng sandwich spread at humalik sa pisngi noon.  May sinabi ito kay Barbara. Nakita rin niyang nagsalita rito ang tiyahin, pero tinawanan lang ng binata. At pagkatapos doon ay dumiretso na ito sa kaniyang gawi. "Hi..." He stared at her. Bumaba ang tingin nito sa juice niya at ngumiti. "Can I have some?" Napatingin din siya sa kaniyang baso. She shrugged. "Oh. Sandali, ikukuha kita-" "Huwag na. 'Yang sa'yo na lang," anito sabay agaw sa kaniyang baso, idiniretso sa bibig nito at ininom. Napaawang ang mga labi niya sa ginawa ni Toby. "Ang sarap, ha. Ikaw ang nagtimpla?" kaswal na wika nito at ipinatong na sa sink ang walang lamang baso. Tumingin ito sa kaniya. Hustong naiiling siya sa ginawa ni Toby ay namataan niya si Ybram na pumasok ng kusina. Nakita siya agad nito, pero kay Barbara ito dumiretso para bumati at humalik sa pisngi. "Pwede ba akong humingi ng pabor, Astrid?" matiim na tanong ni Toby kaya napabalik ang tingin niya rito. "Ano 'yon?" Toby smiled handsomely. Bahagya pa itong humilig para mailapit ang bibig sa gilid ng kaniyang ulo. Halos mapaatras naman siya sa ginawa nito. "I want to buy a gift for Tita. Samahan mo ako mamaya sa mall." At pagkasabi noon ay tumuwid na ulit ito at nakangiting naghintay sa kaniyang sagot. She slightly frowned. "Bakit ako? Hayan ang mga kaibigan mo." "Kailangan ko kasi ng matinong opinyon at ikaw lang ang meron noon," diretsong sagot nito at sandaling sinulyapan ang tiyahin na may sinasabi ngayon sa stepson. Nagkatinginan sila ni Ybram. Naaninag niya sa mga mata nito ang pagtatanong at pagtataka habang pinanonood sila ni Toby. She wished he would come to their direction. Pero nanatili roon si Ybram kahit tila tapos nang magsalita rito ang stepmom. "Please, Astrid?" pukaw ni Toby sa atensiyon niya. "Para naman kay Tita ang bibilhin kong regalo. I want it to be a surprise kaya wala akong pinagsabihan. Pero ipinaalam ko kay Tita ang tungkol dito at ang sinabi ko, magpapasama ako sa'yo sa pagpili ng regalo para sa nililigawan ko." "Sinabi mo pa talaga kay Tita Barbie na isasama mo ako?" nang-uuyam ang tono niya. "Why not? I had to. Nasa pangangalaga ka niya kaya kita ipinagpaalam and she told me that I should ask you properly." She sighed. Ayaw niya sa ideyang lalabas ng beach house kasama si Toby. Pero kapag tumanggi naman siya ay parang katumbas na rin na wala siyang pakialam sa may plano nitong surpresahin si Barbara. The idea was great. Mula sa balikat ni Toby ay natanaw niya ang paglapit ni Ybram. Napasunod doon ang tingin ng kaniyang kaharap. Naalala niya tuloy ang iringan ng dalawa kagabi, pero napalis ang pangamba niya nang makitang walang dapat ipag-alala dahil binati ito ni Toby. Nag-umang pa ang huli ng high-five at tinanggap naman iyon ni Ybram na mukhang kinalimutan na rin ang nangyari. "Thank you sa juice, Astrid. Kakain lang ako at maliligo. Then I'll see you, okay?" Hindi siya agad nakasagot. Napatingin siya kay Ybram at naghintay na magtanong ito tungkol doon, pero tahimik lang na pinaglipat-lipat ng binata ang tingin sa kanila ni Toby. Gumapang ang disappointment niya. Ngumiti si Toby. "Alright. Basta mamaya. Tatawagin na lang kita." At pagkasabi ay tinalikuran na sila at lumabas ng kitchen. Nakita niyang lumabas rin doon si Barbara. "What's that all about, Astrid? Anong sinasabi ni Toby?" tanong ni Ybram. "Wala," malamig na sagot niya at kinuha ang basong ininuman nila pareho ni Toby para mahugasan. "Kumain ka na muna roon. Nakapag-breakfast na'ko. Aakyat na muna ako sa kwarto pagkatapos dito. Kailangan ko pating tawagan si Daddy." Isang oras matapos magsikain ay muling nagkayayaan ang mga bisita na bumaba sa dagat. The sea in there was not perfect for surfing, pero nakaisip daw ang mga lalake na mag-race sa tubig sakay ng kani-kanilang mga surfing board. She had no idea how they would do that, pero nang magsibabaan ang mga ito ay sumunod na rin siya. Mula sa lilim ng puno kung saan sila tumigil nina Isaac at Ybram ay pinanood niya ang mga nagkakasayahan sa tubig. Natutukso siyang lumangoy, subalit alam niyang hindi maaari dahil may kailangan pa siyang gawin. Nilingon niya sina Ybram at Isaac na nag-uusap ngayon tungkol sa mga economic issues ng bansa. Dahil parehong matatalino ay iisa ang interes ng mga ito kaya kagabi pa lang ay madalas na siyang ma-out-of-place sa kwentuhan. "Astrid, ano palang course ang kinukuha mo?" tanong ni Isaac sabay abot sa kaniya ng softdrinks sa lata. Kinuha niya iyon at nakitang bukas na. "Marketing Communication," pakli niya at uminom ng softdrinks. "Oh, good! Pasok sa industry nina Ybram. Planado ba 'yan o ano?" Tumawa si Ybram sa tanong ni Isaac. "Anong planado? Kagaya lang ng tinapos ng Mommy ko." "Talaga? Akala ko kasi..." anito at makahulugang tumingin sa kanila ni Ybram. "By the way, ang Daddy mo pala? I am sure I have met your mom, but I haven't had heard anything about your dad." Napatingin siya kay Ybram na seryosong nakatuon sa kaniya ang mga mata. He hadn't met her father, pero may alam na ito kahit paano tungkol doon. "He's a Pediatrician based in Laguna." "That's cool!" Ilang minuto pa silang nag-usap-usap bago muling nasolo ng dalawa ang usapan. Mula kasi sa economics, napunta sila sa mga magagaang topic, ngayon naman ay sports na ang pinag-uusapan ng mga kasama. Umisod siya nang bahagya nang maabot ng sikat ng araw ang kaniyang pwesto. Hinawakan pa siya ni Ybram sa braso nang muli siyang maupo malapit dito. Napatingin siya sa grupo ng mga lalake sa dagat. Nahuli niya ang mga mata ni Toby. Sumenyas ito sa kaniya nang ilang beses at nakita niyang tumayo na ito at lumakad pabalik sa beach house. Sinaid niya ang laman ng kaniyang softdrinks. Tinipon ang mga balat ng chips na kinain nilang tatlo at saka tumayo sa lounger chair. "O, pasaan ka?" tanong ni Isaac sa kaniya. "May gagawin lang ako sandali. Itatapon ko na rin pati itong mga basura. Gusto n'yong pababaan ko pa kayo ng snacks kay Manong Herman?" Tumanggi agad si Isaac. Si Ybram naman ay nakatingin lang sa kaniya at tila may binabasa sa kaniyang mukha. Nang ulitin niya rito ang tanong sumagot na rin. "Huwag na. Maya-maya lang naman lunch na. Gawin mo na lang 'yong gagawin mo. Aakyat na rin kami mamaya bago pa tumindi ang init." Tumango siya at pilit na itinago ang guilt. Anyway, wala siyang dapat ika-guilty dahil tutulungan lang naman niya si Toby na bilhan ng regalo si Barbara. Maya-maya lang ay nasa hagdan na siya paakyat ng beach house. Hindi malayo ang mall doon, pero pihadong malalaman pa rin ni Ybram na umalis siya oras na umakyat ito mamaya. She shrugged off the idea that they would have a problem. Hindi sila. Kaya wala siyang obligasyon na ipaalam sa binata ang mga gagawin. Nagbihis siya ng off-shoulder na kulay beige, ripped jeans at puting strappy sandals. Nang lumabas siya ng garahe ay naroon si Tita Barbie at kausap si Toby. "Itong kotse na ang gamitin n'yo ni Toby, Astrid. Mag-iingat kayo sa daan," bilin nito. She looked unsuspicious.  Humalik muna rito si Toby at pumasok na agad ng driver's seat. Humalik rin siya sa ginang bago umikot patungo sa passenger side at sumakay. Nag-seatbelt siya. Nakita niyang pumasok na muli si Tita Barbie. At ilang sandali pa ay lumalabas na sila ng gate ng beach house. Maya-maya ay biglang nag-brake si Toby. Naalog siya nang bahagya. Sasabihan sana siya nito, subalit nakakabulahaw na mga katok sa bintana ng driver's seat ang narinig niya. "Anong problema ng gagong ito?" Iritadong ibinaba ni Toby ang salamin sa bintana nito at mula roon ay sumungaw si Revor. Her heart turned wild at the sight of him. "Pasakay!" utos ni Revor at hinampas ang pinto sa backseat. Namilog ang mga mata niya sa gulat. "What? Gago, hindi pwede! May lakad kami ni Astrid!" "I don't f*****g care! May pupuntahan din ako at gusto kong sumabay!" "Use the f*****g van! Nasa Mommy mo ang susi-" "Dito ako sasakay!" giit ni Revor. "So better unlock the door now or else, I will call Tita Bernice and tell her every f*****g thing you did last night!" Napamura si Toby sa bantang iyon ng pinsan. Pagalit nitong ini-unlock ang pinto ng kotse at mamaya nga lang ay nakasakay na rin si Revor. His huge built rested into the backseat. Manghang nilingon niya ito na mukha pa ring iritado habang humahalukipkip. Their eyes finally met. Nakita niya nang nabawasan ang galit nito na hindi niya alam kung bakit mukhang seryoso samantalang maliit na bagay lang iyong pinagtalunan nito at ni Toby. Nang umandar ang kotse ay umayos na rin siya ng upo. Nilingon niya ang mga puno sa daanan. She didn't know why but she felt like she was saved from something. Para bang okay ang ideya na naroon si Revor kasama nila ni Toby, pero parang hindi rin dahil may isang bagay na tila nag-iiba sa kaniya.    "ANO!" asik ni Toby nang malapit na sila sa pinto ng isang department store sa loob ng mall.  Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ang magpinsan. Salubong ang mga kilay ni Toby habang si Revor ay kalmadong nakatingin dito. "Akala ko ba may sarili kang lakad? Bakit nakabuntot ka pa rin sa'min?" "Bakit ba? Sa dito rin ang punta ko, anong problema mo?" kalmadong tugon ni Revor. "Ikaw ang problema! Kanina ka pa, e!" "Bakit nga? Ano'ng masama kung nandito ako?" anito at inilahad ang mga braso. Pinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanila bago tuluyang natuon sa kaniya. He crossed his arms. Naningkit din ang mga mata nito sa kaniya. "Are you two on a date, huh?" nagdududang tanong nito na nagpaawang ng mga labi niya. "Kaya ba ayaw n'yo akong kasama dahil nakakaistorbo ako sa inyong dalawa?" "Of course not!" she exclaimed. "I'm just here to help, okay! Anong date ang pinagsasabi mo d'yan?" Nakakurba ang mga kilay niya na tumingin sa mga kasama. "Toby, sabihin mo nga riyan sa pinsan mo!" Ang laki ng ngisi ni Revor nang lingunin nito si Toby habang halos mag-inusok na yata ang ilong ng huli dahil sa pagkairita. Hindi nagsalita si Toby, subalit kita niya ang matinding frustration sa anyo nito. Si Revor naman ay halatang naaaliw sa nakikitang reaksiyon ng pinsan. Anong problema ng dalawang ito? Pati ba siya ay isasali pa sa pag-aasaran? Nasasayang ang oras niya! "Ano ba kayo? Toby!" inis na untag niya. Sinulyapan siya ni Toby at nasilip ang nabibigong imahe nito. Humalukipkip siya at napatingin sa mga babaeng shoppers na pinagtitinginan ang dalawa niyang kasama at kumikislap sa paghanga ang mga mata. Humalakhak si Revor at umakmang susugurin ng yakap ang pinsan. Inis na iwinasiwas ni Toby ang mga braso nito. Hindi niya malaman kung maiirita o mapapailing sa eksena ng dalawa. Lalo kasing humahatak ng atensiyon ng mga tao ang ginagawa ng mga ito.  "H'wag kang mag-alala, cousin! Hindi ako magpapalibre sa'yo! In fact, ako pa ang sasagot ng lunch nating tatlo!" "Gago! Wala akong pakialam kahit magastusan ako! Pero tandaan mo 'tong araw na 'to, Revorie! Babawian kita, makikita mo!" Tumawa lang si Revor at malakas na tinapik sa balikat ang nagagalit na si Toby. Lumingon ito sa gawi niya at nang makitang nanonood siya ay unti-unti ring nabura ang ngisi sa mukha. Ang natira doon ay ang anino ng mga ngiti ng binata. She almost choked at the sudden punch inside her chest. Nahuli pa niya ang tila pagpungay ng mga mata ni Revor. Napalunok siya. At bago pa rumehistro sa mukha niya ang kakatwang reaksiyon ay iningusan na niya ang dalawa at nagpatiunang pumasok sa department store.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD