CHAPTER 5

3549 Words
MAG-AALAS tres ng hapon nang nagsidatingan ang mga pamangkin ni Barbara. Kasama pa ng dalawa ang mga kaibigan na sakay ng isang van. Ipinakilala sa kanila ni Barbara ang mga pamangkin na sina Isaac at Toby. "Taga-Surigao sila, Hija. Taga-roon kasi ang napangasawa ng ate kong si Bernice." "Tito Samuel has many good words about his only son," wika ni Isaac matapos makipagkamay kay Ybram. "He said you're an academic champion in your school in Los Angeles. Wala ka raw bisyo maliban sa libro at panonood ng mga movies. Paano 'yan? Siguradong magyayayang uminom mamaya ang mga kasama namin. Hindi ka pwedeng hindi tumanggi." Tumawa si Ybram. Napatingin siya rito at ganundin kina Barbara at Samuel. May maliit na ngiti sa mga labi si Samuel habang nagkikibit naman ng balikat si Barbara. "Sure. Wala nga akong bisyo but, I drink on occasion. I'll join you, guys later." "That's great!" sambit ni Toby at nag-umang ng high five kay Ybram. Ngumiti si Isaac, pagkuwa'y bumaling na sa kaniya. She smiled at him, too. She didn't want to prejudge, pero sa dalawang magkapatid, mukhang si Isaac itong 'maayos'. "Astrid, right?" ani Isaac. She nodded casually. "So ikaw ang sinasabi ni Tita na anak ng bestfriend niya? I think I've seen your mom, pero hindi ko na lang maalala. Anyway, looking at you now, sigurado akong maganda rin siya." "That's true!" sambit niya na nakangiti. "I mean... my mom's beautiful, and I'm proud to say that." Binati rin siya ni Toby at nakipagkamay, subalit hindi gaya ni Isaac ay wala itong masyadong komento. Maliban na lang sa tanong nito kung nasaan ang pinsang si Revor. "Oh. Maybe he’s in his room," sagot ni Barbara. "Malamang na nakatulog iyon dahil napagod sa pamamalengke nila kanina. Anyway, alam naman niyang darating kayo. Hintayin na lang natin na bumaba si Revor." Nilingon niya ang nakabukas na double door ng beach house. Walang bakas ni Revor. Hindi siya sigurado sa sinabi ni Barbara, pero wala rin siyang alam kung umalis kanina ang binata. They didn't talk again after they arrived from the market. Kanina naman sa lunch ay late na itong bumaba at nakisalo sa kanila. Ipinakilala ni Isaac isa-isa ang mga kaibigan sa kanila, subalit sa dami niyon ay nahirapan siyang tandaan ang mga pangalan. Walo lahat ang mga kasama ng magkapatid at tatlo rito ang babae. "I hope you enjoy your stay here. Pumasok na muna kayo para makapagmeryenda tayong lahat." Napuno nila ang fourteen-seater long table sa dining area nina Barbara. Wala pa rin si Revor na hanggang sa mga sandaling iyon ay iniisip niya kung natutulog nga ba sa silid nito o umalis na naman. Si Isaac ang namuno sa mga usapan sa mesa. He was telling his aunt about his plans now that he had graduated from college. Samuel was also joining the conversation, but only to give comments. Habang nakikinig lang sila pareho ni Ybram. Ang ibang mga bisita ay may kani-kaniya ring topic na pinag-uusapan. At dahil malapit siya sa grupo ng mga babae ay ang usapan ng mga ito ang nakaabot sa kaniyang pandinig. "He's not yet taken. Si Isaac ang nag-confirm dahil 'yung Daddy mismo ang nagsabi." "I'm excited to meet Revor. Kung pinsan siya nina Toby, paniguradong gwapo rin iyon." Pagkatapos kumain ay sinimulan na rin ang paghahanda para naman sa hapunan. Naglatag si Manong Herman nang mahabang mesa sa patio. Naglagay rin ang lalaki ng malaking ihawan malapit sa barandilya. Tumulong doon sina Isaac at isa pa nitong kaibigan. Ang kapatid naman nitong si Toby at iba pang mga kasama ay narinig niyang nagkayayaan nang bumaba sa baybayin. "Tara! Let's join them!" yaya ng isa sa tatlong babae bago lumingon sa gawi nila ni Ybram. Ngumiti iyon, pero hindi para sa kaniya kundi para sa kaniyang katabi. "Ybram, pwede mo ba kaming samahang bumaba? And if it's okay, can you also tour us around?" Nagkatinginan sila ni Ybram. May pumipitik na ugat sa may sentido niya habang hinihintay ang magiging sagot doon ng binata. Tumango ito. "It's alright. No problem." Natuwa ang tatlong babae sa sagot nito habang siya naman ay pinipigilan ang mainis. Well, they were visitors at wala namang masama sa hinihiling ng mga ito. Nilingon siya ng katabi. "Sumama ka." Umiling siya. "Kayo na lang. Tutulong ako kina Tita Barbie sa pag-prepare ng dinner." "Astrid..." "Let's go, Ybram!" masayang sambit ng mestisahin sa tatlo at ikinawit na ang braso sa braso ni Ybram.  Pinigilan niya ang mairita. Naiwan ang tingin sa kaniya ng binata na pinagtulungan nang hilahin ng tatlong babae palayo. Nang mawala sa paningin niya ang apat ay sumunod na siya kay Barbara sa kusina. Kinalimutan na niya ang tungkol kay Ybram. Nakita niyang abalang-abala ang ginang katuwang sina Aling Belen at Manong Herman. Hindi naman niya maaninag sa paligid si Samuel na marahil ay umakyat sa silid ng mga ito. Nakitulong din siya sa ginagawa ng mga tao roon. Inako niya ang paggagayat ng mga gulay. Naghahanda si Barbara ng mga ingredients habang nagsismula namang magluto si Aling Belen. Inihanda na ni Manong Herman ang mga iihawing seafoods at karne. Pagkatapos ng mahigit isang oras ay halos patapos na sila. Pinatigil na siya ni Barbara sa pagtulong at nagpasalamat pa sa kaniya ang ginang. "Kasama ka na nga sa pamimili kanina ay naabala pa kita hanggang dito. Ano na lang ang sasabihin ni Olive kapag nalaman niya?" "Tita Barbie, walang kaso roon. I wanted to help. Wala naman din akong ginagawa. At siguradong ayos lang din kay Mommy." "Thank you, Hija. Napakaswerte talaga ni Olive sa'yo." Maya-maya ay nakita niya ang pagpasok ni Ybram sa kusina. Nakadungaw siya noon sa ginagawang fruit cake ni Barbara. Lalapitan sana siya ng binata, subalit tinawag naman ito ni Samuel at kinausap. Nagkatinginan na lang silang dalawa. Nang umalis si Samuel kasama ang anak ay nagpaalam naman siya kay Barbara na aakyat ng kwarto. She wanted to take a rest for a while. Hindi pala biro ang maggayat ng sangkaterbang mga gulay lalo at hindi naman niya iyon karaniwang ginagawa sa kanila. Pagdating sa silid ay dumiretso siya sa pinto ng maliit na balkonahe at binuksan iyon. Humihip papasok sa kaniyang kwarto ang malamig na hangin. Pinuno niya ang baga. Tumayo siya sa makipot na balkonahe at dinungaw ang mga bisita sa ibaba ng beach house. Naliligo na ang ilan sa mga ito. Ang mga babae naman ay panay ang kuha ng pictures sa iba't ibang dako. It's past five in the afternoon at nagkukulay kahel na ang langit dahil sa papahingang araw. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tiningnan kung mayroong mensahe. Ilang kaklase niya ang nagtatanong ng mga detalye sa nalalapit na enrolment sa kanilang group chat. Sinubukan niyang sumagot ng ilang katanungan at pagkatapos noon ay tinigilan na niya ang pagtetext. She decided to leave the balcony, but as soon as she turned, nahagip ng mga mata niya ang paglabas ng isang tao mula sa kabilang kwarto. Tumayo iyon sa makipot rin na balkonahe ng silid, humalukipkip at tinanaw ang dagat. Tila siya napako roon. Pinanood niya si Revor na dinudungaw na ngayon ang ibaba ng beach house kung saan ang mga nagkakasayahang mga bisita. Ibinaba nito ang mga kamay upang itukod sa barandilya, pagkatapos ay lumingon ito sa kaniyang gawi kaya bigla siyang nataranta. The f*ck! Why the hell did she panic?  Kinalma niya ang sarili. Kaya lamang ay hindi niya lubos na napasunod ang dibdib. Binubulabog iyon nang malalakas na pintig ng puso, samantalang ang binata ay balewalang minamasdan siya. She swallowed. For sure ay nagulat lang siya dahil hindi niya inaasahang makita roon si Revor. Kanina pa ito nawawala at nasagot lang ang tanong niya kung nasaan nga ba ito. So he was just hiding inside his room. Hindi lang ito lumabas. He took his eyes off her. Nakahinga naman siya roon. Kinumbinsi niya ang mga paa na pumasok na ng silid, subalit nilingon na naman siya ni Revor at sa pagkakataong iyon ay matitiim ang mga matang nakatuon sa kaniya. She pulled an air and then crossed her arms. Itinaas din niya nang bahagya ang mga kilay rito. "N-nandiyan ka lang pala? Kanina ka pa hinihintay ni Tita na bumaba. Dumating na ang mga pinsan mo." "I know," anito sabay nguso sa mga nasa dagat. "Bakit hindi ako pinagising kung talagang hinihintay ako?" "Oh. Baka ayaw ka lang ipaistorbo ni Tita Barbie." Inilipat niya ang tingin sa malayo. Tumango si Revor at muling tinanaw ang mga nasa baybayin pagkatapos ay tumingin ulit ito sa kaniya. The wind blew to his direction and it gently swayed his slightly messy hair. She found it fascinating. She was stunned. Pinilig niya nang bahagya ang ulo. Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo ni Revor at kinabahan siya. Ibinuka niya ang bibig at akmang magpapaalam na rito, but then he spoke. "Ikaw? Bakit naririyan ka sa kwarto mo at hindi ka nakikihalubilo sa mga bisita?" She thought she detected something in his voice. Pero siyempre ay wala lang iyon. Marahil ay dahil noon lang siya talaga nito kinausap sa ganoong tono. Marahan siyang umiling saka nilingon ang baybayin. Kung bakit hindi niya maikalma ang puso ay hindi niya rin maintindihan. She would deal with it later. Mahirap mag-analisa ng mga bagay na nakalilito kapag ganoong nasa harapan niya ang dahilan. But she was certain it had no big deal. "Magpapahinga lang ako sandali at bababa rin ulit ako mamaya.” Tiningnan niya si Revor. "I think you should go down to see your cousins. Inire-ready na rin ang dinner sa may patio.” Hindi sumagot si Revor. Nanatili lang itong nakamasid sa kaniya. Nabubulabog pa rin ang dibdib niya. "I-I'll go ahead..." Pagkasabi noon ay umalis na siya agad at pumasok na ng silid. Isinara niyang mabuti ang pinto ng balcony at mabilis na gumapang patungo sa kama. So what was that, Astrid? Was there something behind your reaction? Hell, nothing! Nagwapuhan lang naman siya kay Revor. Well, she knew he's handsome and minus the single long, shallow dimple, he's still as handsome. At noon lang niya iyon na-realize, rather, napatunayan dahil noon lang niya ito napagmasdan na hindi siya naiinis dito. Alam na niya noon na may hitsura ang anak ni Barbara. He's like a modern Adonis. At sa kaniyang palagay, mas na-appreciate lang niya ang seryoso nitong anyo kaya ganoon siya kanina. Malayo kasi iyon sa ere nito kapag nabubuwisit sa ilang mga bagay o kaya ay namemeste sa kaniya. Hindi na niya namalayan na nakatulugan na pala ang pag-iisip ukol doon dahil nang magising siya ay madilim na. At mula sa kaniyang silid ay naririnig niya ang ingay na nanggagaling sa bakuran ng beach house. Bumangon siya at tiningnan ang oras sa cellphone. It's thirty-five after six. Naligo siya at nagbihis at saktong palabas siya ay naroon si Ybram sa may pasilyo na sadyang siya ang pinuntahan para gisingin. "Ipinapatawag ka na ni Tita," bungad nito at hinagod siya ng tingin. She wore her blue high waisted denim shorts, white sleeveless crop top and flats. Hindi na niya pinansin ang humahangang reaksiyon ni Ybram. "So tapos mo nang i-tour ang mga kaibigan ni Isaac?" Nag-angat ng tingin si Ybram. He slightly tilted his head and then narrowed his eyes at her. "Did I sense some jealousy in your voice?" "What?" She chuckled. "Bakit naman? May karapatan ba akong magselos?" "But you have a reason to get the feeling. And I tell you, I understand. Dahil nagseselos din ako kanina habang tinitingnan ka ni Isaac." Nagsalubong ang mga kilay nito. "Tinitingnan lang ako, nagseselos ka na? Ano 'yon?" "Iba ang tingin niya sa'yo, at lalaki din ako, Astrid, kaya alam ko yon." Napangisi siya ng hilaw. "So anong ginawa mo? Kinausap mo ba siya? Sinabihan mong huwag akong titingnan nang ganoon dahil ayaw mo?" Lalong nangunot ang noo ni Ybram sa klase ng tono niya. Tiningnan siya nito, subalit walang naisagot. She smiled unhappily. "Huwag na nating pagtalunan 'yan. There's nothing we can do about it. Nothing because there is no us," diin niya. "Dahil ayaw mo." "Ayoko lang sa set-up na gusto mo," katwiran niya. "Ybram, hindi sapat na may nararamdaman ako sa'yo para pumayag sa gano'n. Lalaki ka, di ba? Pwes, patunayan mo!" "Astrid..." pigil nito sabay hawak sa braso niya. "Isa lang naman ang hinihiling ko sa'yo. Na huwag itong ipaalam sa kanila at sinabi ko sa'yo ang dahilan." "Hindi kita pini-pressure, Ybram. Kung ayaw mo pa ng relasyon, eh, di huwag. And I think you're doing the right thing if you choose to obey your father. Mga bata pa tayo. May tamang panahon para riyan." "I know. And I believe that you're the right woman for me." Natigilan siya saglit. Tumaas ang mga kilay niya. "We'll see..." "Astrid?" “What?” Tinitigan niya ito. "Hintayin mo lang ako..." She didn't say a thing. Ayaw niyang mangako. Ayaw niyang magsalita nang tapos. Gayunman ay hindi na iginiit pa ni Ybram ang nais at nang kumawala siya rito ay sumunod na lamang din sa pagbaba. It was just unfair to both of them. Paano kung makagusto ng iba si Ybram? O paano kung siya ang makatagpo ng iba na makakaramdam siya nang mas higit pa sa nararamdaman niya para dito? If he couldn't tie her in a relationship yet, then it's fine. Hindi naman lahat ng nagkakagustuhan ay sumusuong talaga sa relasyon. Mistulang fiesta sa beach house nina Barbara. Punong-puno ng mga pagkain ang mahabang mesa. Okupado ni Samuel ang kabisera at siyempre ay nasa kanan nito si Barbara. Umupo si Ybram sa kaliwa ng ama. Pinaupo naman siya ng binata sa tabi nito. Nahagip ng tingin niya ang pagtabi ni Revor sa ina, katapat niya. Tinabihan siya ni Toby, kasunod naman nito ang dalawang babae habang ang isa ay doon sa tabi ni Revor pumwesto. Si Isaac ang nasa kabilang dulo katapat ni Samuel. And the rest of the boys filled the empty chairs. Sinimulan na nila ang pagkain. Everyone seemed having fun dining outside overlooking the magnificent view of night sky and sea. She herself enjoyed every menu. Panay pa ang alok sa kaniya ni Ybram kaya ang dami na naman niyang nakain.  Pinuri rin ng mga bisita ang mga pagkain at nakita niya ang nasisiyahang reaksiyon nina Barbara at Aling Belen. Hindi naman siya nalimutang banggitin ng ginang kahit pa tagagayat at taga-abot lang ng sangkap ang role niya kanina. At kada mababanggit siya ni Barbara ay napapatingin sa kaniya ang katabing si Toby. "Hindi ka lang pala maganda, wife-material ka rin pala," komento nito na ningitian lang niya nang hilaw. Sa magkapatid nito at ni Isaac, ito 'yung hindi siya gaanong binabati kanina pa tapos ngayon ay pinupuri na siya. Napuno ng kwentuhan at tawanan ang paligid habang kumakain. Iba't iba rin ang isina-suggest na gagawin ng mga kaibigan ni Isaac pagkatapos ng hapunan na iyon. May gustong ituloy ang pagligo sa dagat. May gusto ng bonfire. Ang iba ay gustong maglaro sa dalampasigan. The girls were excited. Ang mag-asawa nina Samuel at Barbara ay nagsabing papasok na at hinayaan silang bumaba sa bonfire na ginagawa na ni Manong Herman. Ang iba na nagsabing maliligo ay namahinga lang sandali mula sa kabusugan at nagsipaglublob na ulit sa tubig. Si Isaac naman ang nakaisip ng kanilang magiging laro. "Never Have I Ever..." Nagtilian ang mga babae sa sinabi ni Isaac. Nayakap naman niya ang sarili dahil sa paghihip ng hanging-dagat. "Nilalamig ka?" untag ni Ybram sa kaniya sabay lagay ng kamay sa kaniyang likod at banayad na humaplos doon. She saw him looked around. Napansin din niya ang pag-aalangan nito na akbayan na siyang tuluyan at kabigin. Kaya naman umiling siya rito at pasimpleng hinawi ang kamay. ‘I’m okay.” ‘You’re cold. I'll get you a coat..." "Hindi na, Ybram. Okay lang ako. Saka may bonfire naman." Tumuwid pa siya para ipakitang ganoon nga dahil hindi naman talaga siya lubos na giniginaw. Nakatigil lang kasi siya kaya niya ramdam ang lamig ng hangin. At kung tutuusin ay mas maliit at manipis pa nga ang mga suot ng tatlong babae kesa sa kaniya, pero tila balewala sa mga ito. Iginala niya ang tingin sa paligid. The sound of the wave was relaxing. Ang langit ay tila madilim na frame na napapalamutian ng mga bituin. Natanaw niya ang mga ilaw mula sa mga katabing resorts. Sa malayong panig ng dagat ay isang barko ang naglalayag. She pulled an air. Nilanghap niya ang panggabing hangin. Nang makumpleto na sila ay pinalibutan na nila ang apoy. Isang putol na kahoy ang inupuan niya at sa tabi niya ang iyong babaeng katabi kanina ni Revor sa mesa. Si Ybram ay sa buhangin na naupo. Ganun din ang iba pang lalaki kahit ang ilan sa mga ito ay basa pa ng tubig-dagat. Si Isaac naman na siyang tumatayong leader ay nakaupo sa isang malaking bato. Sinalinan ni Toby isa-isa ang kanilang mga disposable cup at halos punuin na iyon ng alak. Panay pa ang tudyo nito sa mga kaibigan na kukulangin daw ang isang baso sa mga ito. Nang maupo ito ay nagsimula na si Isaac na ipaliwang ang mechanics ng laro, subalit naagaw ang atensiyon nila nang lumitaw ang bulto ni Revor at naupo sa tabi ni Isaac. Hindi niya napansin na wala ito kanina sa grupo. Then she realized he was being silent since the dinner. Nakikita niya itong tumatawa. Pero hindi kasinggulo ng mga pinsang bumabangka sa usapan. Inabutan ito ni Toby ng baso. May ibinulong pa rito ang lalaki at nagtawanan ang dalawa. Nang mag-angat ng mukha si Revor ay agad na nagkatinginan sila. She composedly withdrew her eyes from him. Inilipat niya iyon kay Isaac na ibinibilin sa kanila na galingan ang pagtatanong. Tawa nang tawa ang mga babae. Sinaway ang mga ito ng isa sa mga lalaki. At maya-maya ay inumpisahan na ni Isaac ang laro. "Never have I ever watched a porn movie," ani Isaac sabay inom ng alak. "Oh, what a question!" sigaw ng isa sa mga babae sabay inom din ng alak. Ganun din ang dalawa pang babae. Nagtatawanan ang mga lalaki, pero halos sabay-sabay na uminom. Nakita niyang ang ismid ni Revor at uminom din. Nilingon niya si Ybram. Uminom din ito. Siya lang ang hindi. "Well?" ani Isaac na nakangiti sa kaniya. Nagkibit siya ng balikat. "Next question na tayo." Ang katabi nitong lalaki ang sumunod na nagtanong. "Never have I ever taken drugs." Tumingin ito sa paligid. Dalawang lalaki sa tabi ni Revor ang uminom. Wala nang sumunod. Kinantiyawan ang dalawa ng mga kaibigan. Inusisa ang mga ito tungkol doon kahit wala na iyon sa rules. Pero sinabi pa rin ng dalawa na minsan lang iyon at sinubukan lang daw. Nagpatuloy pa ang laro at lumipat ang mga tanong. Isang beses siyang napainom, at doon sa statement na 'Never have I ever slept during class'. Habang si Ybram ang nag-iisang hindi uminom doon. Well... "Never have I ever kissed someone who is on this circle," anang babaeng katabi niya sabay inom ng alak nito. "Oh, God!" tila naeeskandalong tili pa nito sabay turo sa dalawang babae. "Hoy, kayo rin!" Napahalakhak si Isaac. Uminom ang dalawang babae. Uminom din si Toby. Ganun din ang tatlong lalaki na katabi nito. Si Revor, Isaac at ang iba pa ay hindi. She pulled an air. Inangat niya ang baso at uminom na rin. At sukat sa ginawa niya ay naghihiyaw ang mga babae. Hindi niya nilingon si Ybram, pero nakita rin niya itong uminom. "Oh, my God!" sabay na tili ng dalawang babae sa tapat nila. Ang ilan sa mga lalake ay manghang nakatingin sa kanila ni Ybram. "I said no more comments, guys!" pigil ni Isaac bago pa man makapag-usisa ang mga ito. "Next question na tayo!" Her face was flushed. Hindi dahil sa alak dahil nakakadalawang tungga pa lang siya, kundi dahil sa tila ginawang pag-amin na iyon. Ipinilig niya ang ulo. She collected her mind to give her turn to the game. At nang nakaisip na ng itatanong ay nag-angat siya ng tingin, subalit nasalubong ang mga mata ni Revor. He looked pissed. Hindi niya alam kung para sa kaniya ba iyon, pero sa pamamagitan ng liwanag na nagmumula sa apoy ay kitang-kita niya ang magkahalong inis at pagkadismaya sa anyo ni Revor. "Astrid, your question!" pukaw ni Isaac sa kaniya kaya siya bahagyang napaigtad. Napatingin siya rito. "H'wag mo nang isipin 'yon," anito na nakangisi at nagkikibit ng balikat. "This is just a game!" She grimaced. Inirapan niya ito at ipinakitang balewala iyon sa kaniya. "Okay. Never have I ever liked someone who is already taken," diretsong sabi niya at ngumiti. She didn't drink. Dahil lahat naman ng naging crushes niya sa school ay iyong hindi taken. And definitely, walang girlfriend si Ybram. Uminom sina Isaac at Toby. Uminom din ang tatlong babae at tila nagkakaiyakan pa. Uminom ang iba pang mga lalaki. At nakita niyang uminom din si Revor. Natigilan siya roon. At tila may naramdaman siyang lamig na gumuhit bigla sa kaniyang tiyan. Revor liked someone else who was already taken? Sino naman kaya? She must be surprised. It's just odd for a man like Revor who was not discreet about his jumping from one woman to another to like someone who was already in a relationship. Or baka naman dahil nga hindi makuha-kuha ni Revor iyong babaeng gusto kaya ganito ito.  But who was she to conclude? Hindi niya kilala si Revor. Well, she knew how disgusting he was for several times, pero hindi niya pa rin ito kilala sa malalim na salita. Kahit nga kay Ybram ay medyo nangangapa pa siya minsan, dito pa kaya. "Never have I ever stolen something from anyone." Uminom sa baso nito si Ybram at nagkatinginan sila. Tumaas ang mga kilay niya sa binata, pero umiling lang iyon. She didn't take her shot. Ganundin ang dalawa pang babae. Kahit si Revor ay hindi rin uminom. "Oh?" sambit ni Toby na itsurang namamangha sa pinsan nito. "Imposible 'yan, Revor! Hindi nga? Hindi ka pa nangupit ng pera kay Tita Barbie?" "Hindi ko kailangang mangupit! Igagaya mo pa ko sa'yo!" "You really haven't stolen something. Even once?" Tila hindi pa rin makapaniwala si Toby. Sinaway ito ni Isaac dahil nagtatanong pa rin kahit hindi naman dapat. Tumingin sa kaniya si Revor. "Not yet. But I think I’m gonna steal…soon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD