CHAPTER 7

2773 Words
ASTRID thought they would spend hours finding a perfect gift for Tita Barbie. Pero halos kalahating oras pa lang ay nakalabas na ulit sila ng department store at ngayon ay nasa loob na ng isang fast food restaurant. Inilapag niya sa katabing silya ang dalang itim na paper bag. Naglalaman iyon ng regalo ni Toby para sa tiyahing si Barbara. It's a handpainted handbag, na siya mismo ang nakakita at pumili. Ni hindi niya nakunan ng komento si Toby nang ituro rito iyon. Tumango lang ito sa regalo. Hindi man lang nag-react nang banggitin niya ang presyo at sa halip ay iniabot na lang ang card. Isang waiter ang lumapit sa mesa nilang tatlo. Tumingin siya kay Toby na itsura pa ring natalo nang milyon sa sugal, walang imik at kanina pa tila may pinagdidiskitahan sa cellphone. "Anong gusto mo, Astrid?" tanong bigla ni Revor. Nilingon niya ito, pero agad ding inilampas ang tingin sa nag-aabang na waiter. "Lasagna roll at iced tea na lang ang sa'kin." "'Yon lang?" ani ulit ni Revor. "Yes.” Iniiwas niya ulit ang tingin kay Revor. Hinugot niya ang cellphone para ma-check ang mga messages na pumasok. She just found it hard to look at Revor right now. Hindi niya alam kung naiinis ba siya rito o ano, samantalang wala naman itong ipinakitang kagaspangan sa kaniya mula pa kanina. But she had been trying to avoid his eyes mula pa kanina sa department store habang namimili siya ng regalo at kung saan nahuli niya ang pagpapa-charming ng mga sales lady dito. How easy was it for Revor to draw attention from girls? Maraming gwapo sa mundo, pero hindi lahat ay madaling makahila ng pansin mula sa iba. Nakita niya ang ilang missed calls galing kay Ybram. Nire-reply niya ang isa sa mga text messages nito habang nagsasabi na rin ng orders ang dalawang kasama. Astrid: Nasa mall lang ako. Pabalik na rin. Ilang segundo pa lang ay tumunog na ulit ang cellphone niya. She rejected the call and typed another message for Ybram instead. Astrid: Mamaya na tayo mag-usap, okay? At pagkatapos ma-send iyon ay ini-off na niya ang cellphone upang maiwasan ang istorbo. Ipinasok niya ang aparato sa dalang purse. "Iba ka rin palang magtrabaho, Revor. May pagkatraydor ka rin pala. And I thought you're on my side?" Natigilan siya nang marinig ang sinabi ni Toby. Nag-angat siya ng tingin dito. Diretsong nakatuon ang mga mata nito sa katapat. Ngumingisi naman dito si Revor. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Basta tinitiyak ko sa'yo na sa pagkakataong ito, hindi tayo magkakampi. Nagkamali ka kasi ng pinupuntirya kaya wala sa'yo ang suporta ko." "Obviously! Kaya nga nandito ka at nanggugulo, hindi ba?" "Ano ba kayong dalawa?" asik niya na sa wakas ay nakasingit din. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga ito. "Hindi pa ba kayo tapos diyan? Ano ba talagang pinag-aawayan n'yo?" Natahimik pareho ang mga lalaki. Toby was grinning furiously at Revor while the latter turned and looked at her. Nakita niya ang paglambot ng ekpresyon nito. "You ruined it, Revor," wika ni Toby na inakala niyang huminto na subalit hindi pa pala. And she wondered where his anger was coming from. Maliwanag naman na may pinagtatalunan ang magpinsan, pero gaano ba iyon kalaki para hindi makalimutan kahit sandali. "Tuturuan ko lang naman ng leksiyon ang stepbrother mong pa-good shot, hindi mo pa'ko pinagbigyan!” Nangunot ang noo niya sa narinig. "W-what are you talking about, Toby? Bakit nadamay dito si Ybram?" Ngumisi si Toby bago bumaling sa kaniya. He looked different that time. Malayo iyon sa kanina ay maamong mukha nito noong niyayakag siyang bumili ng regalo. "Why not? Hindi ko nakakalimutan ang kayabangan ng isang 'yon! Wala siyang binatbat. Magaling lang siyang magsalita. Matalino nga but in reality, he's one hell of a loser." Napailing siya sa kalituhan at pagkadismaya. "I don't understand you, Toby! Akala ko ba ay ayos na kayo? So, hindi pala totoo ang ipinakita mo kay Ybram kanina!" "Ano bang akala mo riyan sa dyowa mo, Astrid, santo? For sure, nagngingitngit din 'yon sa galit dahil sa mga sinabi ko kagabi! And I'm sure na hindi niya 'yon nakakalimutan. Why, they're all true! He's an underdog! And I wanted him to see what kind of a loser he is, so I invited you out. Gusto ko lang ipamukha sa kaniya kung gaano ako kabilis sa babae at kung gaano siya kabagal. But this bastard destroyed everything!" duro nito sa katapat. "Shut your f*****g mouth, Tobias!" nagtitimping ganti ni Revor na dumuro din. Napamaang siya. Pakiramdam niya ay nangapal ang mukha niya sa magkahalong init at pagkapahiya. Parang nayanig ang utak niya. Ramdam niya ang panginginig ng laman. Hindi siya makapaniwala na ganoon siya kadaling nauto ng gagong si Toby! "Astrid..." si Revor na hindi pa malaman ang sasabihin. Sinibat ulit nito ng matatalim na tingin ang pinsan bago muling humarap sa kaniya. A mixture of sympathy and anger was in his eyes. "I'll just rearrange our orders. Ipapa-take out ko na lang para sa bahay na natin kainin." Her eyes narrowed at him. May alam ba ito tungkol doon? Alam ba ni Revor na yayayain siya ni Toby na lumabas upang mapamukhaan si Ybram? Damn, it's possible! Ang dalawa ang magkasama sa buong magdamag at malamang na pinlano iyon. For what? To make fun of Ybram? "Astrid, wag ka sanang magalit sa akin," ani Toby na bumasag sa kaniyang pag-iisip. Nilingon niya ito. "Don't feel like you're being used. I just want to prove something to your-" Isang sampal ang dumapo sa pisngi ni Toby na tumapos sa sinasabi pa nito. Nangainit ang palad niya sa lakas niyon. Sinapo ni Toby ang nasaktang pisngi. At sa gilid ng mga mata niya ay ang ilang customers na napapalingon at marahil ay nagtataka sa kanilang eksena. Tumayo siya. Tumayo rin ang isa pang nilalang sa kanilang mesa, pero wala siyang panahong tingnan o tanungin ito. Sapat nang nalaman niyang napahiya siya sa harapan nito at pinatunayan niyang ganoon siya kadaling nauto ng demonyo nitong pinsan. Marahil ay kaya ganoon siya itrato ni Revor ay dahil ang tingin talaga nito sa kaniya ay isang uto-uto. At kaya wala itong pakundangan sa pambabastos sa kaniya ay dahil mababa ang pagkakabasa nito sa kaniya. Damn him! Ang galing pa nitong umarte! Kunwari pang nagdududa sa lakad nilang iyon ni Toby, iyon naman pala ay may alam din. Lalo pang nag-init ang mukha niya sa naisip. Marahas niyang dinampot ang paper bag sa silya. God, nag-effort siya para makahanap ng saktong regalo na magugustuhan ng Tita Barbie niya! At 'yun naman pala ay hindi talaga sincere ang magbibigay noon. Galit na iniitsa niya ang bag sa kandungan ni Toby. "Ang mahal mo namang magturo ng leksiyon! Malaki siguro ang inggit mo kay Ybram para gumastos ka nang ganiyan!" Lumapit si Revor sa gawi niya at sa unang tangka nitong hawakan siya ay agad niyang tinabig. Pagtayo naman ni Toby ay isa pa ulit sampal ang iginawad niya sa namumulang pisngi nito. Pagkatapos ay nagmamadali na siyang umalis doon at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng restaurant. Nilakad niya ang kalye sa harapan ng mall at tumingin-tingin sa mga tricycle na dumadaan. Siguro naman ay maaari siyang magpahatid hanggang beach house. Magbabayad na lang siya for special trip dahil wala siyang planong sumabay ulit kay Toby. Ang gagong 'yon! Ano ang binabalak nito bukod sa pagsama sa kaniya sa mall? Paano kung wala si Revor? Saan siya nito dadalhin? At ano pang naiisip nitong gagawin para lang makaganti kay Ybram? Pasalamat lang ito at wala siyang kabalak-balak magsumbong sa tiyahin nito. Of course, she wouldn't! Ayaw niya ng gulo. At bagaman hindi niya kasalanan, ayaw niya na sa kaniya pa iyon magmumula. "Astrid!" Nakatanaw siya sa mga humaharurot na tricyle nang marinig ang tawag na iyon. Nakita niya si Revor na palapit sa kaniyang direksiyon. Iniwasan niya ito at agad naglakad palayo. Nagmadali siya habang iniisa-isa ang nagdaraang trike. "Kuya!" para niya sa isang walang lamang tricycle. Narinig naman siya ng driver at agad kumabig para maitabi sa kaniya ang sasakyan. "Astrid, wait!" si Revor sabay kalawit sa kaniyang baywang. Napasadsad ang tagiliran niya sa katawan nito at sukat doo'y kumalampag nang husto ang kaniyang puso. "B-bitiwan mo nga ako!" Itinulak niya ito gamit ang siko, subalit hindi siya nagtagumpay. "O, Ineng, sasakay ka ga?" tanong ng naghihintay na driver, may nagtatakang tingin ito para sa kanila ni Revor. "Oo, Kuya! Sasakay ako!" Isang malakas na tulak ang ginawa niya para makalayo sa binata. Mabilisan ang pagsakay niya sa tricycle. Naumpog tuloy siya sa kung saang parte noon. "Sasabay na rin ako!" ani Revor sabay pasok din at sumiksik sa maliit na espasyo sa kaniyang tabi. Sa gulat niya ay naitulak niya ito. Muntikan pang mahulog kung hindi lang malakas ang pagkapit. "Ako ang pumara nito! Bakit ka sumakay?" "Sabi ko nga pasabay, hindi mo ba narinig?" Bahagya pa nitong itinulak ang kaniyang hita para makaupo nang ayos. Nagdaiti ang mga tagiliran nila. "Ang mga batang ire! Ala e, kung nag-aaway kayo, mabuti pang bumaba na muna kayo at tapusin ang inyong away. Aayaw ko ng pasaherong kaygugulo!" "Kuya, ako ang pumara nito! Siya itong ayaw bumaba!" katwiran niya sabay siko sa katabi. "Pasabay lang ako, okay?" sagot nito at tumingin sa driver. Sa laki at taas ng binata ay nasagad na ang ulo sa bubong ng trike. Yumuko na nga lamang ito at itinukod ang magkabilang siko sa mga hita. "Manong, lakad na ho tayo! Sa beach house po ng mga de Guinto!" Kinatok pa nito ang bubong ng sasakyan. "Bakit ga kayo nag-aaway na dalawa?" "Pasensiya na po, Manong. Nagtatampo lang naman ang girlfriend ko." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng binata. Laglag ang pangang nilingon niya ito. Bago pa man siya may masabi ay umalingawngaw na ang ingay ng motor ng trike at humalo pa roon ang nasisiyahang boses ng driver. "Nagtatampo ba ikamo? Aba'y suyuing maige at nang malusaw ang tampo!" natatawang wika noon at pinasibad na ang sasakyan sa kalsada. "Gano’n na nga, Manong!" masiglang sagot ni Revor na nilingon siya at pinakatitigan. She nervously met his eyes. Maliit ang espasyo sa loob at ilang pulgada lang ang pagitan ng mga mukha nila. Hindi na niya napigilan ang paggapang ng init sa kaniyang mga pisngi. At ang malala, hindi niya matiyak kung bakit. Dahil ba sa sobrang lapit nila ng binata? Dahil sa uri ng tingin nito sa kaniya o dahil sa ibinibida nitong girlfriend daw siya? Mabilis naman siyang nakapagdesisyon. At sa hindi maipaliwanag na inis ay nahampas niya ito gamit ang purse, ngunit hindi man lang yata nito iyon ininda. "Sobra ka na, Revor! Hindi ka pa nakuntento sa panloloko sa akin, ha! Ngayon ibang tao ang paniniwalain mong girlfriend mo'ko! Ang kapal mo!" "Sakyan mo na lang para hindi na tayo mapababa," anito at ininguso ang driver. "At ano bang sinasabi mong niloko kita? Kailan ko naman ginawa 'yon?" "Kayo ng luko-lukong pinsan mo! Hindi ba at pinagkaisahan n'yo 'ko?" Ngali-ngali niya itong maitulak kung hindi lang siya nag-aalalang mahulog ito at gumulong sa kalsada. "Wala akong alam sa plano ng siraulong Tobias na 'yon! Astrid, demonyo man ako sa tingin mo, hindi naman kasing babaw ng pag-iisip ni Toby ang isip ko! Bakit ko naman 'yon gagawin sa'yo?" "At bakit hindi mo 'yon magagawa sa 'kin? Ilang beses mo na nga akong pinakitaan ng kagaspangan diyan! Magdududa pa ba ako kung ulitin mo?" "As far as I know nag-sorry na ako sa'yo..." Natahimik siya sa isinagot ni Revor. Nakakabulahaw ang motor, subalit sa kakatiting na pagitan nila ay hindi siya magkakamali ng pagdinig. Inamin din nito iyon. Noong isang araw ay hindi pa maulit-ulit, pero ngayon ay binanggit naman. Napaka-weird talaga ni Revor. "Believe me, Astrid. I'm not part of Toby's plan. Nakakutob lang ako kanina dahil na rin sa mga pinagsasabi niya sa mga kabarkada. Hanggang sa nakita ko nga kayong magkasamang umalis." Nanatili lang dito ang mga mata niya at inaaninag sa anyo nito ang katotohanan. Paano kung gaya ni Toby ay inuuto lang siya nito? Dapat ba siyang magtiwala? Kung sa bawat kibot ng labi nito ay naiisip niya agad na may gagawin itong kabaliwan. He already said sorry. Okay na ba 'yon? Doon na ba natatapos ang 'giyera' sa pagitan nila? "Kung hindi ka pa rin naniniwala, wala akong magagawa," ani Revor. Bahagya pang kumunot ang noo nito at nagbuntung-hininga. "I'm telling you the truth. At kung sakaling may gusto akong turuan ng leksiyon, ikaw ang kahuli-hulihang tao na gagamitin ko para gawin 'yon." Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa beach house. Si Revor na rin ang nagbayad sa tricycle. Narinig pa niya ang tuwa sa boses ng driver dahil sa tip na ibinigay ng binata. Kumaway pa ito sa kanila bago muling pinatakbo ang tricycle. Nasa malayo na iyon nang harapin niya si Revor. Nilingon nito ang doorbell ng gate. "Paano pala si Toby?" "Pabayaan mo ‘yon. Siya naman ang gumawa ng problema. Subukan niyang umangal at ikakanta ko talaga siya kina Mommy at Tita Bernice." Tumawa pa ito at umiling-iling. Hindi niya rin tuloy napigilang mapangiti. "Is that for me?" tanong ni Revor na nagpalis ng kaniyang ngiti. Nagusot ang mga kilay niya. "A-ang alin?" "'Yang ngiti mong 'yan. Para sa akin ba 'yan?" She caught him gazed at her lips before he lifted his eyes. Natilihan siya at hindi malaman ang isasagot. Napakurap-kurap siya. Muli siyang nagambala ng mga kabog ng dibdib. Nakita niya ang ngiting sumungaw sa mga labi ni Revor. Tumango naman siya. "Dapat pala akong mag-thank you sa'yo kung gano'n..." Umiling ito. "It's okay. Uh-" "Astrid!" Boses ni Ybram na siyang humarang sa sasabihin pa sana ni Revor. Nakita niya itong nakatayo sa bahagyang nakaawang na gate. Ni hindi niya namalayan na may nagbukas na doon. He opened it widely and stepped outside. Tumingin ito kay Revor bago dumiretso sa kaniya. Ang daming tanong ang naaninag niya sa madilim nitong mga mata. "Nakabalik ka na pala? Sabi ni Tita Barbie ay si Toby daw ang kasama mo? Bakit si Revor ang nandito?" Sabay baling nito sa nasa harapan niya. "Ako ang nag-uwi sa kaniya. May kailangan pa kasing puntahan si Tobias." Nilingon siya si Ybram. Humihingi ng kumpirmasyon ang mga tingin nito. Maiksi siyang tumango at dumugtong doon. "Magkakasama kami nina Toby na umalis, nauna lang kaming umuwi." "And you didn't even tell me that you're going out with them? At kung hindi pa ako nagtext ay hindi ko malalamang umalis ka pala? Kung hindi pa ako nagtanong kay Tita? Pinag-alala mo'ko, alam mo ba 'yun?" Nagusot na nang husto ang noo nito. She gaped. She wanted to see someone's reaction, but she just couldn't turn her head at him. Pakiramdam niya ay mali na tingnan ito samantalang nagbubuhos ng sama ng loob si Ybram sa ginawa niya. "S-sorry... biglaan lang kasi..." Ang tangi niyang nasabi kahit sa isip ay kumbinsido na wala siyang dapat ihingi ng apology. Aside from the idea of making him worried, wala siyang pananagutang magpaalam dito. Hindi niya rin naman masabi na sikreto ang paglabas nila na iyon dahil mukha naman talagang hindi. Malamang na sinabi nga lang ni Toby na sikreto para makumbinsi siya nang lubusan. At hindi rin niya maaaring sabihin na tungkol iyon kay Tita Barbie, because she just knew that it wasn't true. At kung malaman ni Ybram ang totoo ay baka hindi lang ganoon ang maging reaksiyon nito. Hinawakan siya ni Ybram sa kamay at hinila na papasok. Sa kabiglaan ay tanging tingin na lamang ang kaniyang naiwan para kay Revor. Nahuli pa niya ang pagsasalubong ng mga kilay ng binata bago ito tuluyang mawala sa kaniyang paningin. Nasa hardin na sila nang bitiwan siya ni Ybram. Hinarap siya nito. "Are you trying to make me jealous, Astrid?" Napaawang ang bibig niya sa pinagsamang gulat at pagkalito. "What? No!" "Ito ba ang paraan mo para ipamukha sa akin na dapat lang talaga kitang itali? Okay, fine! I'll make this thing official." "Ybram-" He grabbed her shoulders and kissed her. Desperadong halik ang naramdaman niya mula rito. Itinulak niya ito at naghiwalay ang mga labi nila, subalit hindi siya tuluyang binitiwan ni Ybram. Kinabig pa siya nito at ikinulong sa mga bisig. "Bigyan mo lang ako ng panahon, Astrid. Sasabihin ko kay Daddy ang tungkol sa atin. I'll just give him an assurance that our relationship's never gonna affect my goals and his ambition for me. Uunti-untiin ko lang siya. But I promise you, as soon as we go back to Manila, we will be officially together." Natulala siya sa punong kahoy sa kaniyang harapan. Ang lakas-lakas ng kabog ng kaniyang dibdib habang yakap ni Ybram.  His words were lovely, but why they tasted empty. Iyon ang gusto niya hindi ba? Bakit parang hindi siya masaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD