"KUMUSTA naman kayong dalawa ni Ybram?" tanong ng Mommy ni Astrid sa kaniya. It's been three months since Ybram announced and formalized their relationship. Ginawa iyon ng nobyo sa harapan mismo ng mga magulang nila sa isa ring formal dinner na ito ang nag-arranged. "We're okay, Mom. Magkausap kami kanina bago ako bumaba." Nasa New York na rin ang nobyo para sa masteral nito. "Long distance relationships are never so easy, Hija," ani Olivia na sinusundan ng iling. "Alam mong isa 'yan sa mga dahilan kaya hindi kami nagtagal ng Daddy mo." Nilingon siya nito sandali at pagkuwa'y ibinalik na rin ang tingin sa kalsada. She chuckled. "Iba naman ang sa inyo ni Dad. Maynila at Laguna lang ang pagitan ninyo." "Exactly, Hija. Nasa parehong time zone ang Manila at Laguna. We could talk everyday